Umalis ako ng gabing iyon sa condo niya at tinakpan ko ang mukha ko ng balabal na nadampot ko kung saan. Tumakbo ako palayo sa lugar na iyon hindi ko na ininda ang sakit ng mukha ko gawa ng pagkakangudngod niya sa akin. Habang kumakabog ang dibdib ko ay gayundin ang bilis ng hakbang ko. Bumuhos ang malakas na ulan at naagos ang mga dugo sa kamay ko at mukha. Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa bumagsak ako dahil sa pagkahilo. "Ka-Kailangan kong ma-makala-layo dd-di-dito" paulit-ulit kong sinasabi habang unti-unti ng lumalamig ang aking katawan. Lumalabo ang aking mga mata at unti-unti narin nawalan ako ng kontrol sa aking katawan.-----'Pinatay mo ako!' sabi ng lalaki habang siya ay naliligo sa sarili niyang dugo. Umiling ako dahil hindi ako ang pumatay sa kanya. Hindi ba nakalayo na ako kanina? Bakit andito parin ako sa condo niya at ano to? Nasa kamay ko ang isang baril at unti-unti kong itinututok muli sa kanya. Bakit wala akong kontrol sa aking mga kamay.'H-Hindi! Hi-Hindi!'
Isang araw matapos nilang malaman ang sinapit ng huling lalaking nakasama ni Katarina. Sa loob ng office ay naroon si Ms Lee at Carusso. Pabalik-balik ang lalaki samantalang nagpapaypay naman si Ms Lee. "Hindi ka ba talaga titigil diyan sa ginagawa mo?" pagpigil ni Ms Lee sa kasama. "Siguradong buhay ang babaeng iyon. Wala siya sa crime scene" "Babalik siya dito kaya kailangan-" hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng may mga armadong lalaki ang pumasok sa kanilang office. Kaya tinungo ni Ms Lee ang tabi ni Carusso. "Sino nagpadala sa inyo dito?" Biglang niluwa ng pintuang iyon si Sev. Naka-suit ng itim at naglalaro ng baril sa isa nitong kamay. "Master Sev?" tanging naiusal ni Carusso. Nakadekwatro itong umupo sa isang upuan na naroon. "Sinabi ko naman sa inyo na ingatan ninyo ang babaeng iyon pero-" "Kasalukuyan namin siyang hinihintay dahil wala naman siya sa crime-" sabi ni Carusso ngunit hindi na niya ito muli pang naituloy dahil sa tumigil sa paglalaro ng baril si Sev
Sebastian Del CastilloUnti-unti siyang nagkamalay at umungol kaya tumayo ako para lapitan siya. Mukha pa siyang nanghihina kaya hinawi ko ang kanyang buhok. "Master Sev.. tu-tulungan mo ako?" panghihingi niya ng tulong. Totoo ba itong naririnig ko sa kanya. Hindi pa ba niya naiintindihan na ako ang nagpakuha sa kanya."Ba-Bakit ko naman gagawin iyon?" "Kalagan mo ako please!" pagmamakaawa niya. Pero hindi ako agad kumilos sa kinalalagyan ko. Nais ko siyang tulungan pero naalala ko sa kanya ang kanyang ama na nais kong bigyan ng leksyon. Nang hindi ako kumikilos ay naunawaan na niya ang sitwasyon kaya iniwas niya ang tingin.Dinala ko siya rito dahil nais kong masiguradong hindi na siya muli pang mawawala sa paningin ko. At dahil sa- sandali akong natigilan 'f**k ano tong nararamdaman ko sa babaeng ito?'. Nais ko nalang siyang iwanan dahil hindi ko na alam ang takbo ng isip ko ngayon. Pero muli siyang nagsalita."Ba-Bakit mo ako dinala dito? May nagawa ba akong kasalanan sa iyo?"To
Matapos ang gabing iyon hindi na niya nakita si Sev o ang ibang lalaking bodyguard man lang. Tanging isang babae lamang ang kanyang nakikita kaya hindi na niya napigilan ang sariling tanungin ang kinaroroonan ng lalaki. Hindi siya maaaring tumigil sa pagtatrabaho dahil dalawa ang mga kapatid niyang nag-aaral. "Ah, sandali" tawag niya sa babaeng sobrang seryoso ng mukha. Huminto naman ang babae pero seryoso parin ang mukha nitong humarap sa kanya. Akala niya ay iisa lamang ang babaeng nag-asikaso sa kanya noong unang beses pero magkamukha lamang sila ng pagkakaayos ng buhok at siguro nga ay kasama ito sa requirement. "Magkailangan ka pa ba?" sabi nito. "Hanggang kailan ako magstay dito sa loob ng kwartong ito? Nasaan ba si Master Sev nais ko sana siyang makita at makausap" marahan niyang sabi. "Sa pagkakaalam ko wala si Master Sev ay ilang araw na mawawala. Bayaan mo sasabihan kita kapag narito na siya" "Salamat" Tumalikod ang babae sa kanya at muli ulit siyang naiwang magisa. Ma
Kinaumagahan ay inabangan niya ang babaeng nagdadala ng mga kailangan niya tulad ng umagahan. Nais niyang magtanong ng tungkol kay Master Sev. Tulad ng inaasahan ay dumating ito sakto sa oras na naghahatid ito."Ahmm.. Miss may itatanong sana ako saiyo?""Ano po iyon?""May ibang babae ba si Master Sev dito? o may asawa at anak""Pribado ang buhay ni Master Sev. Kung gusto mong malaman ang mga bagay na iyan siya nalang ang tanungin mo" pagsusungit ng babae.Natahimik nalang si Katarina dahil wala rin naman palang kwenta ang paghihintay niya sa babae. Wala itong balak na magsalita. Tama naman at pribado ang hinihingi niyang impormasyon. Kaya hinintay nalang niya na puntahan siya nito. 'Papayag ba ako? Ibibigay ko na ba sa kanya ang sarili ko? Ibibigay ko ba sa kanya ang kalayaan ko at ibibigay ko na ba sa kanya ang oras para manatili lamang akong buhay? Ha! Ano pa ba ang kinatatakot ko may mga lalaki ng nagdaan sa katawan ko. Nilapastangan at kinuha ang kinaiingatan ko, para sa pera n
WARNING! SPG AHEAD. Not suitable for sensitive and young readers. READ at YOUR OWN RISK! Sebastian Nakuha kong kalabanin ang sarili ko simula ng makilala ko ang anak ni Primo. Ngayon ginawa ko pang babae sa Villa ko. Ito ang nakikita kong dahilan para maitali siya at mapaikot sa mga palad ko. Sa mundong kinalalagyan ko hindi ko masasabing bukas ay narito pa ako at nabubuhay. Pero ng dumating siya ay nakaramdam ako ng kapahingahan at kahit paaano ay nakakaya kong ipalagay ang isip ko. Ng pumasok ako sa aming kwarto ay tulog na tulog na siya. Unang gabi niya kasama ako pero hindi manlang niya ako hinintay. Sa suot niyang pantulog ay kitang-kita ang hubog ng katawan niya. Hindi ko maiwasang hindi siya hawakan at haplusin. Babae ko siya at pagmamay-ari. Hinawi ko ang kanyang buhok at hinaplos ang kanyang pisngi. Napaka inosente ng mga titig niya habang pinapipirma ko siya sa kontrata. Napaungol siya ng haplusin ko ang kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg. Unti-unti niyang iminulat ang
Kinabukasan ay nagising nalang siya na may yumayakap sa kanya ng sobrang higpit. Nun lang nagsink-in sa kanyang simula kagabi ay may katabi na siya sa kama. Napakainit ng katawan nito kaya nagpaubaya siya rito na yakapin na lamang siya nito. Muli niyang pinikit ang kanyang mga mata dahil maaga pa naman. Her entire body is sore from the last night se* lalo na ang kanyang panggitna. Bago paman siya makatulog ay muling gumalaw ang lalaki sa kanyang tabi. Naramdaman niya ang hininga nito sa mukha niya at mataman siyang pinagmasdan. Minulat niya ang kanyang mga mata at nagtama ang kanilang mga mata. Mas malinaw ang bawat peklat nito sa mukha ngunit napakagwapo parin nito sa kanyang paningin. Lagi kasi rin itong nakasimangot at seryoso. Hinaplos ni Katarina ang mukha ni Sebastian. "Hindi kaba natatakot sa mga peklat ko?" bulong nito "Natatakot ako sa iyo?" sagot niya. Tumayo si Sebastian at lumakad papunta sa kanyang drawer. May kinuha roon ang isang baril at sa harap ni Katarina ay kina
WARNING!!!! Slight SPG Ahead! Katarina's POV Kasabay ko si Sebastian sa hapag kainan. Hindi ko maiwasan ang hindi siya tignan. Hanggang sa mahuli niya ako. Wala paring emosyon ang mga mata niya at kasing lamig ng yelo ang pakiramdam ng magtama ang aming mga mata. Tumigil siya sa pagsubo kaya bumalik ako sa aking plato. "May gusto kabang sabihin?" tanong niya sa sakin pero umiling ako dahil wala naman akong nasa isip na itanong o i-open sa kanya. "W-Wala" dugtong ko. "Kung may kailangan ka huwag kang mahiya sa kanila" binaling niya ang kanyang mga mata sa mga katulong na nakatayo sa gilid. "Sa-Salamat" "Sino ang nagluto?" tanong niya sa mga katulong. "Si Lady Rina po" sagot ng isa. "I see iba nga.. hindi ganito ka sarap ang luto mo manang" hindi mo maintindihan kung nagbibiro ba siya o seryosong pinupuna ang mga katulong niya. Kaya lumapit ang matandang nagluto at lumuhod sa gilid niya. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na ganun siya sa mga kasama niya sa bahay. "M-Master S