Confirmed!. Si Sev ang kumuha kay Katarina.
Sebastian Del CastilloUnti-unti siyang nagkamalay at umungol kaya tumayo ako para lapitan siya. Mukha pa siyang nanghihina kaya hinawi ko ang kanyang buhok. "Master Sev.. tu-tulungan mo ako?" panghihingi niya ng tulong. Totoo ba itong naririnig ko sa kanya. Hindi pa ba niya naiintindihan na ako ang nagpakuha sa kanya."Ba-Bakit ko naman gagawin iyon?" "Kalagan mo ako please!" pagmamakaawa niya. Pero hindi ako agad kumilos sa kinalalagyan ko. Nais ko siyang tulungan pero naalala ko sa kanya ang kanyang ama na nais kong bigyan ng leksyon. Nang hindi ako kumikilos ay naunawaan na niya ang sitwasyon kaya iniwas niya ang tingin.Dinala ko siya rito dahil nais kong masiguradong hindi na siya muli pang mawawala sa paningin ko. At dahil sa- sandali akong natigilan 'f**k ano tong nararamdaman ko sa babaeng ito?'. Nais ko nalang siyang iwanan dahil hindi ko na alam ang takbo ng isip ko ngayon. Pero muli siyang nagsalita."Ba-Bakit mo ako dinala dito? May nagawa ba akong kasalanan sa iyo?"To
Matapos ang gabing iyon hindi na niya nakita si Sev o ang ibang lalaking bodyguard man lang. Tanging isang babae lamang ang kanyang nakikita kaya hindi na niya napigilan ang sariling tanungin ang kinaroroonan ng lalaki. Hindi siya maaaring tumigil sa pagtatrabaho dahil dalawa ang mga kapatid niyang nag-aaral. "Ah, sandali" tawag niya sa babaeng sobrang seryoso ng mukha. Huminto naman ang babae pero seryoso parin ang mukha nitong humarap sa kanya. Akala niya ay iisa lamang ang babaeng nag-asikaso sa kanya noong unang beses pero magkamukha lamang sila ng pagkakaayos ng buhok at siguro nga ay kasama ito sa requirement. "Magkailangan ka pa ba?" sabi nito. "Hanggang kailan ako magstay dito sa loob ng kwartong ito? Nasaan ba si Master Sev nais ko sana siyang makita at makausap" marahan niyang sabi. "Sa pagkakaalam ko wala si Master Sev ay ilang araw na mawawala. Bayaan mo sasabihan kita kapag narito na siya" "Salamat" Tumalikod ang babae sa kanya at muli ulit siyang naiwang magisa. Ma
Kinaumagahan ay inabangan niya ang babaeng nagdadala ng mga kailangan niya tulad ng umagahan. Nais niyang magtanong ng tungkol kay Master Sev. Tulad ng inaasahan ay dumating ito sakto sa oras na naghahatid ito."Ahmm.. Miss may itatanong sana ako saiyo?""Ano po iyon?""May ibang babae ba si Master Sev dito? o may asawa at anak""Pribado ang buhay ni Master Sev. Kung gusto mong malaman ang mga bagay na iyan siya nalang ang tanungin mo" pagsusungit ng babae.Natahimik nalang si Katarina dahil wala rin naman palang kwenta ang paghihintay niya sa babae. Wala itong balak na magsalita. Tama naman at pribado ang hinihingi niyang impormasyon. Kaya hinintay nalang niya na puntahan siya nito. 'Papayag ba ako? Ibibigay ko na ba sa kanya ang sarili ko? Ibibigay ko ba sa kanya ang kalayaan ko at ibibigay ko na ba sa kanya ang oras para manatili lamang akong buhay? Ha! Ano pa ba ang kinatatakot ko may mga lalaki ng nagdaan sa katawan ko. Nilapastangan at kinuha ang kinaiingatan ko, para sa pera n
WARNING! SPG AHEAD. Not suitable for sensitive and young readers. READ at YOUR OWN RISK! Sebastian Nakuha kong kalabanin ang sarili ko simula ng makilala ko ang anak ni Primo. Ngayon ginawa ko pang babae sa Villa ko. Ito ang nakikita kong dahilan para maitali siya at mapaikot sa mga palad ko. Sa mundong kinalalagyan ko hindi ko masasabing bukas ay narito pa ako at nabubuhay. Pero ng dumating siya ay nakaramdam ako ng kapahingahan at kahit paaano ay nakakaya kong ipalagay ang isip ko. Ng pumasok ako sa aming kwarto ay tulog na tulog na siya. Unang gabi niya kasama ako pero hindi manlang niya ako hinintay. Sa suot niyang pantulog ay kitang-kita ang hubog ng katawan niya. Hindi ko maiwasang hindi siya hawakan at haplusin. Babae ko siya at pagmamay-ari. Hinawi ko ang kanyang buhok at hinaplos ang kanyang pisngi. Napaka inosente ng mga titig niya habang pinapipirma ko siya sa kontrata. Napaungol siya ng haplusin ko ang kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg. Unti-unti niyang iminulat ang
Kinabukasan ay nagising nalang siya na may yumayakap sa kanya ng sobrang higpit. Nun lang nagsink-in sa kanyang simula kagabi ay may katabi na siya sa kama. Napakainit ng katawan nito kaya nagpaubaya siya rito na yakapin na lamang siya nito. Muli niyang pinikit ang kanyang mga mata dahil maaga pa naman. Her entire body is sore from the last night se* lalo na ang kanyang panggitna. Bago paman siya makatulog ay muling gumalaw ang lalaki sa kanyang tabi. Naramdaman niya ang hininga nito sa mukha niya at mataman siyang pinagmasdan. Minulat niya ang kanyang mga mata at nagtama ang kanilang mga mata. Mas malinaw ang bawat peklat nito sa mukha ngunit napakagwapo parin nito sa kanyang paningin. Lagi kasi rin itong nakasimangot at seryoso. Hinaplos ni Katarina ang mukha ni Sebastian. "Hindi kaba natatakot sa mga peklat ko?" bulong nito "Natatakot ako sa iyo?" sagot niya. Tumayo si Sebastian at lumakad papunta sa kanyang drawer. May kinuha roon ang isang baril at sa harap ni Katarina ay kina
WARNING!!!! Slight SPG Ahead! Katarina's POV Kasabay ko si Sebastian sa hapag kainan. Hindi ko maiwasan ang hindi siya tignan. Hanggang sa mahuli niya ako. Wala paring emosyon ang mga mata niya at kasing lamig ng yelo ang pakiramdam ng magtama ang aming mga mata. Tumigil siya sa pagsubo kaya bumalik ako sa aking plato. "May gusto kabang sabihin?" tanong niya sa sakin pero umiling ako dahil wala naman akong nasa isip na itanong o i-open sa kanya. "W-Wala" dugtong ko. "Kung may kailangan ka huwag kang mahiya sa kanila" binaling niya ang kanyang mga mata sa mga katulong na nakatayo sa gilid. "Sa-Salamat" "Sino ang nagluto?" tanong niya sa mga katulong. "Si Lady Rina po" sagot ng isa. "I see iba nga.. hindi ganito ka sarap ang luto mo manang" hindi mo maintindihan kung nagbibiro ba siya o seryosong pinupuna ang mga katulong niya. Kaya lumapit ang matandang nagluto at lumuhod sa gilid niya. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na ganun siya sa mga kasama niya sa bahay. "M-Master S
WARNING SPG AHEAD! Not suitable for young readers!!!Ng sabihin niya sa akin na lumabas na ako ng opisina niya ay dali-dali akong sumunod. Nakaramdam ako ng pagkababa sa aking sarili at mula roon ay tumigil ang aking sensualidad. Naging estranghero ang bawat haplos na binibigay niya. Naramdaman din niya iyon kaya hinayaan niya akong lumayo sa kanya. Or mas tamang sabihin na bigla siyang nandiri sa gusto niyang gawin sa isang bayarang babaeng katulad ko. Bahagya akong natawa sa kinahinatnan kong buhay. Hindi kaya mas maganda na lang na namatay ng gabing iyon at hindi na gumising pa.Ngunit sa aking pagpikit ay nakita ko ang mukha ng kambal. Ayokong maramdaman nila ang sakit na naranasan ko ngayon. Siguro hindi ko nanaising tumawid sa kabilang panig kung alam kong mahihirapan sila. Hindi ako perpektong kapatid sa kanila at alam kong habang buhay nila akong kamumuhian. Napaupo ako sa kama at pinagmasdan ang aking kasuotan na may mga bahid ng dugo. Hinubad ko ito ng tuluyan at pumasok sa
Katerina POV Kasal? Ikakasal na siya bukas at kailangan kong pakisamahan ang tunay niyang asawa. Siguro hindi narin siya mapapadalas sa kwarto ko. Pinagpatuloy namin ang aming pagkain at aalis naman na siya after nito kaya makakagalaw narin ako ng maayos. Ilang minuto pa ang lumipas natapos ang aming umagahan subalit hindi parin siya tumayo upang umalis bagkos nakatingin parin siya sa akin na para bang napakasaya niyang pinagmamasdan ang mukha kong puno ng takot at pagkailang. Buong akala ko may asawa na nga siya pero wala naman pala. Napaniwala ako sa kasinungalingan na para lang sa asawa niya ang mga labi niya pero hinalikan niya rin naman ako. "Am, Master Sev mauuna na ako" sabi ko sa lalaking nakatitig parin sa akin. Tumayo ako at akma ng aalis ng higitin niya ang aking kamay. Siya ang amo ko. Siya ang nagbibigay sa akin ng suweldo upang may ipang-tustos ako sa kambal. Nilingon ko siya. "Be ready may pupuntahan tayo," sabi ni Sebastian. Ang tanging nagawa ko ay tumango. Sino ba
KATARINA POV Dinala ako ni Sebastian sa isang Pier. Pinandilatan ko siya ng mata at mataray kong inilipat ang tingin ko sa malawak na karagatan. Narinig ko siyang naglabas ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan iyon.“A-akala ko ba sa probinsya mo ako dadalhin? Bakit dito?” preskong tanong sa kaniya. Nakailang hitit at buga bago muna niya itinuro ang isang isla na halos hindi na matanaw mula sa kinatatayuan namin.“Gusto ko sanang dalhin ka sa probinsya pero mas safe ka do’n. Doon sa Isla Nuevo.”“Gusto ko nang kabahan sa babagsakan kong lugar.”“Kapag nandoon ka na just find this address. Nandito na rin ang pangalan ng taong hahanapin mo.” Iniabot niya ang isang pirasong papel kasama ang aking ticket.Kasalukuyang nagdadagundungan sa kabog ang dibdib ko dahil ilang oras na lang at maghihiwalay na kami. Hindi ko na siya kaya pang titigan dahil baka hindi ako sumakay patawid sa kabilang isla. Hindi ko na kayang mahiwalay sa kaniya. Para sa kaniya balewala lang lahat hindi ko manlang
KATARINA POVHindi ako naniniwala sa isang magandang panaginip pero ang maramdaman ang maiinit niyang halik at pag-angkin niya sa akin kagabi ay dinala ako sa magandang panaginip na parang ayaw ko ng magising pa. Ang lalaking kinasuklaman ko ay mahalaga sa akin.Mahalaga si Sebastian sa akin at pinigilan ko lang ang sarili kong mahalin ang tulad niya dahil naghihiganti lamang siya at kasal siya. Pagbalik niya sa Villa ay hindi ko siguradong magkikita kami ulit. Paulit-ulit niyang binubulong sa akin ang magandang buhay na naghihintay sa akin kapag pumayag akong pumunta sa lugar na sinasabi niya pero hindi ko kayang pumunta ‘don hanggang hindi ko siguradong ligtas siya at magkikita kami ulit.Naramdaman ko ang mainit na likidong lumandas mula sa aking mga mata. Hindi ko napigilan dahil parang ina-alo- alo ko lang ang sarili ko. I know he’s lying last night. Lalo kong isiniksik ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Patuloy kong pinigilan ang paghikbi ko pero mukhang kanina pa yata gising ang
Dinala siya ni Sev sa dalampasigan. Sa unang pagkakataon nakita niya kung paano ngumiti si Katarina. Mula ng dumating ito sa buhay niya ay larawan na ito ng takot at ngayon naman ay pagka-desperado. Subalit ng makita nito ang malawak na karagatan ay para itong naging bata ulit dahil sabik na sabik itong naghubad para makapagsaya sa tubig. Hinayaan lang niya itong gawin ang nais nito dahil ngayon araw ay mga normal silang tao. Malayo sa gulo at maramdaman ang kapirasong langit.Sa Reception ng Resort ay nagpakilala sila bilang Mr. and Mrs. Dela Fuente. Kumuha ng isang kuwarto at parang bagong kasal na nagha-honeymoon.Naupo si Sebastian sa dalampasigan. Takim-silim na at katatapos lang nila maghapunan. Si Katarina naman ay nakapaang naglalaro sa tubig. Inilabas ni Sebastian ang kaniyang dalang alak nagiisang kopita. Nagsalin siya at itinago sa kaniyang gilid ang alak. Nagsindi siya ng sigarilyo habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan.Naging pangarap niya rin ito dati at kung h
SEBASTIAN DEL CASTILLOI was stupid and ass*ole. I dragged her into this…Pinagmasdan ko si Rina na tumakbo at dahil sa nangyari hindi niya ako matignan ng diretso. Huminto kami matapos ang 30 minutong pagtakbo. Narinig ko ang paghingal niya at iniabot ko sa kaniya ang isang bote ng tubig. Tinanggap naman niya ito pero inirapan lang niya ako. Malamang lahat ng ininom niyang alak ay naipawis na niya."Malawak ba ang kakahuyan?" tanong ni Rina."Hmm Oo. Pero kung gusto mong ikutin natin, why not?" hamon ko sa kaniya. Alam kong bored na bored na siya. Ako at ang maliit na bahay lang naman ang nakikita niya.Iniabot ko sa kaniya ang dala kong baril. "Glock 43? para saan ito?" may pagtataka niyang tanong sa akin. "... for your protection-- from me." Nginitian ko siya. Matapos ay itinitutok niya sa akin ang baril. Hindi na ako natatakot kapag may nanutok sa akin ng baril. Kung mamatay ako ngayon atleast wala akong maiiwang anak..."Try me. Sev." Hindi ko maintindihan ang naramdaman kong
Sebastian Del CastilloSa huli, napagdesisyunan kong ginisingin si Rina mula sa bangungot na iyon. Niyakap niya ako at pawis na pawis siya. Narinig ko ang bawat pitik ng kaniyang dibdib.“Kukunin nila kami! Kukunin nila ang mga kapatid ko!” sigaw niya. Nang magkita sila ulit ng matandang lalaki na iyon bumalik ang lahat.Nahimasmasan siya at humiwalay sa akin.“Ikukuha kita ng tubig,” alok ko.Ngunit nang muli siya magsalita ay bumalik ako sa tabi niya.“N-Nakokonsensya ka na ba sa mga ginawa mo sa akin?” tanong niya. Napalunok ako ng mga oras na iyon, kay Primo siya galit bakit sa akin na naman niya binubunton.“H-Hindi! Gusto lang kitang bigyan ng tubig,” sagot ko sa kaniya.Nais ko pa siyang kausapin pero parang sa tingin ko ay hindi parin siya convince sa ginagawa kong tulong.Bago ako tumayo ay pakunyari akong nagmura para hindi niya bigyan ng kung anong kahulugan ang ginagawa ko. Iniwan ko siyang sapo-sapo ang mukha niya. Masaya akong makita siya na suot na niya ang mga damit na
Sebastian POV“I call you back, Bro!” ani ko kay Marco ng may nakita akong lalaking umaaligid. Dali-dali kong isinilid sa aking bulsa ang telepono ko at nagpanggap na parang wala alam. Naglakad ako ng paunti-unti hanggang makompirma ko ang lalaking sumusunod sa akin. Matapos ay bigla akong lumiko sa mga puno at nagtago. Madilim sa kakahuyan at kabisado ko ito.Ilang araw narin kami ni Rina dito at matapos siyang gumaling ay medyo nagbago naman, nabawasan ang duda sa akin. Akala niya kasi ikukulong ko parin siya.Kinagat naman niya ang pain ko. Mukhang naghahanap na siya sa akin. Narinig ko na ang pagkasa ng kaniyang baril. Hinuli ko siya at sinigurado kong sa sipa ko’y titilapon ang baril sa malayo kung saan hindi niya makikita. Sinuntok ko siya sa sikmura at napa-igik siya sa sakit. Sinunggaban ko na ang sitwasyon para mawalan siya nang malay. Tinali ko siya sa puno. At kinapkapan dahil nasisigurado akong may nakakabit sa damit niyang tracking device. Ngunit wala akong nakita. Sinamp
"Rina?" mahina niyang tawag habang may dala-dalang mainit na soup. Hindi pa kasi kumain si Katarina simula kagabi. ---NIYAKAP niya ito dahil sa panginginig nito. Hindi siya lumabas ng kuwartong iyon hanggang hindi bumababa ang lagnat ni Katarina. Hindi na niya kaya pang itago ang pangungulila sa dalaga. Sa ilang buwan na dumaan hindi manlang ito nawala sa kaniyang isipan. Lalo pa itong naging mas mahirap sa kaniya dahil sa paghingi nang tulong sa kaniyang mortal na kalaban na si Mikayel Guererro. Ang pagnanais niyang makuha ito ay mas lalong umigting at kahit na kamatayan ay hahamakin niya para lang mapunan ang pagkukulang at kasalanan dito. "R-Rina..." paulit-ulit niyang bulong rito pero ang mga mata ni Katarina ay nanatiling pinid.Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at dinama ang init ng katawan ng dalaga. Ilang beses siyang napailing at wari ay may nireresolba sa kaniyang isip. Hanggang sa unti-unti naring mapawi at parehas silang hatakin nang antok.---Ilang beses niyang tina
Katarina POVNAKAHINGA ako nang maluwag nang sabihin niyang hindi na niya ako muling ikukulong pero kung sakali man ay pipiliin ko parin na tumakas. Binantayan ko ang kaniyang ikinikilos at marahil ngayon ay alam na ni Mikayel na hindi ko sinunod ang inuutos niya at tumakas pa ako. Ilang beses na may pilit siyang tinatawagan sa telepono pero hindi ito sumasagot at sa inis niya ay naibalibag niya ang telepono. Hindi ko naiwasan ang kabahan dahil sa kaniya ko na-develop ang pagkakaroon ng takot at trauma na nga siguro ang tawag 'don. Hanggang-ngayon ay hindi parin niya kayang kontrolin ang kaniyang galit. "I-I'm sorry," sambit niya nang muling magtama ang mga mata namin. "Lalabas lang ako," Tumayo siya at mabilis na lumakad palabas ng pinto.Hindi na ako sumagot o mas okay na hindi ko nalang siya pansinin dahil para saan ba't magpapanggap siya na mabait kung mala-demonyo parin naman ang ugali niya. He is still that psycho and sadistic Sebastian that I know! Pero bakit ako sumama sa kani
NAKATAYO si Katarina sa paanan ng lalaking nasa kama. Nanginginig ang kaniyang kamay habang inilalabas ang isang maliit na bote na nakasuksok sa kaniyang dibdib. Mabibigat ang kaniyang paghinga nang may biglang nagsalita mula sa kaniyang likuran.“Hmmm what about slitting his throat? Ano iyan lalasunin mo lang siya na parang isang dagang salot?” walang prenong sabi ni Sebastian.Hinarap siya ni Katarina at nilisikan ng mga mata. “G-Gusto mo bang mauna?” ani nito.“H-Hindi mo ako kaaway? Gusto ko lang masiguradong okay ka at hindi ka napahamak sa kamay ng lalaking iyan!” paliwanag ni Sebastian.Ilang buwan lamang silang hindi nagkita ay ang laki na ng pinagbago ni Sebastian. Kung dati-rati siya ang maangas sa harap ni Katarina ngayon ay siya na ang kusang tumitiklop sa harap nito na dati lamang niyang mistress.“Tingin mo isa parin akong mahina na tulad ng nakilala mo noon? Mr. Del Castil –” hindi na niya ito naituloy ng maulinigan nilang may pumipihit sa doorknob. Hinablot siya ni Seb