Matapos ang gabing iyon hindi na niya nakita si Sev o ang ibang lalaking bodyguard man lang. Tanging isang babae lamang ang kanyang nakikita kaya hindi na niya napigilan ang sariling tanungin ang kinaroroonan ng lalaki. Hindi siya maaaring tumigil sa pagtatrabaho dahil dalawa ang mga kapatid niyang nag-aaral. "Ah, sandali" tawag niya sa babaeng sobrang seryoso ng mukha. Huminto naman ang babae pero seryoso parin ang mukha nitong humarap sa kanya. Akala niya ay iisa lamang ang babaeng nag-asikaso sa kanya noong unang beses pero magkamukha lamang sila ng pagkakaayos ng buhok at siguro nga ay kasama ito sa requirement. "Magkailangan ka pa ba?" sabi nito. "Hanggang kailan ako magstay dito sa loob ng kwartong ito? Nasaan ba si Master Sev nais ko sana siyang makita at makausap" marahan niyang sabi. "Sa pagkakaalam ko wala si Master Sev ay ilang araw na mawawala. Bayaan mo sasabihan kita kapag narito na siya" "Salamat" Tumalikod ang babae sa kanya at muli ulit siyang naiwang magisa. Ma
Kinaumagahan ay inabangan niya ang babaeng nagdadala ng mga kailangan niya tulad ng umagahan. Nais niyang magtanong ng tungkol kay Master Sev. Tulad ng inaasahan ay dumating ito sakto sa oras na naghahatid ito."Ahmm.. Miss may itatanong sana ako saiyo?""Ano po iyon?""May ibang babae ba si Master Sev dito? o may asawa at anak""Pribado ang buhay ni Master Sev. Kung gusto mong malaman ang mga bagay na iyan siya nalang ang tanungin mo" pagsusungit ng babae.Natahimik nalang si Katarina dahil wala rin naman palang kwenta ang paghihintay niya sa babae. Wala itong balak na magsalita. Tama naman at pribado ang hinihingi niyang impormasyon. Kaya hinintay nalang niya na puntahan siya nito. 'Papayag ba ako? Ibibigay ko na ba sa kanya ang sarili ko? Ibibigay ko ba sa kanya ang kalayaan ko at ibibigay ko na ba sa kanya ang oras para manatili lamang akong buhay? Ha! Ano pa ba ang kinatatakot ko may mga lalaki ng nagdaan sa katawan ko. Nilapastangan at kinuha ang kinaiingatan ko, para sa pera n
WARNING! SPG AHEAD. Not suitable for sensitive and young readers. READ at YOUR OWN RISK! Sebastian Nakuha kong kalabanin ang sarili ko simula ng makilala ko ang anak ni Primo. Ngayon ginawa ko pang babae sa Villa ko. Ito ang nakikita kong dahilan para maitali siya at mapaikot sa mga palad ko. Sa mundong kinalalagyan ko hindi ko masasabing bukas ay narito pa ako at nabubuhay. Pero ng dumating siya ay nakaramdam ako ng kapahingahan at kahit paaano ay nakakaya kong ipalagay ang isip ko. Ng pumasok ako sa aming kwarto ay tulog na tulog na siya. Unang gabi niya kasama ako pero hindi manlang niya ako hinintay. Sa suot niyang pantulog ay kitang-kita ang hubog ng katawan niya. Hindi ko maiwasang hindi siya hawakan at haplusin. Babae ko siya at pagmamay-ari. Hinawi ko ang kanyang buhok at hinaplos ang kanyang pisngi. Napaka inosente ng mga titig niya habang pinapipirma ko siya sa kontrata. Napaungol siya ng haplusin ko ang kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg. Unti-unti niyang iminulat ang
Kinabukasan ay nagising nalang siya na may yumayakap sa kanya ng sobrang higpit. Nun lang nagsink-in sa kanyang simula kagabi ay may katabi na siya sa kama. Napakainit ng katawan nito kaya nagpaubaya siya rito na yakapin na lamang siya nito. Muli niyang pinikit ang kanyang mga mata dahil maaga pa naman. Her entire body is sore from the last night se* lalo na ang kanyang panggitna. Bago paman siya makatulog ay muling gumalaw ang lalaki sa kanyang tabi. Naramdaman niya ang hininga nito sa mukha niya at mataman siyang pinagmasdan. Minulat niya ang kanyang mga mata at nagtama ang kanilang mga mata. Mas malinaw ang bawat peklat nito sa mukha ngunit napakagwapo parin nito sa kanyang paningin. Lagi kasi rin itong nakasimangot at seryoso. Hinaplos ni Katarina ang mukha ni Sebastian. "Hindi kaba natatakot sa mga peklat ko?" bulong nito "Natatakot ako sa iyo?" sagot niya. Tumayo si Sebastian at lumakad papunta sa kanyang drawer. May kinuha roon ang isang baril at sa harap ni Katarina ay kina
WARNING!!!! Slight SPG Ahead! Katarina's POV Kasabay ko si Sebastian sa hapag kainan. Hindi ko maiwasan ang hindi siya tignan. Hanggang sa mahuli niya ako. Wala paring emosyon ang mga mata niya at kasing lamig ng yelo ang pakiramdam ng magtama ang aming mga mata. Tumigil siya sa pagsubo kaya bumalik ako sa aking plato. "May gusto kabang sabihin?" tanong niya sa sakin pero umiling ako dahil wala naman akong nasa isip na itanong o i-open sa kanya. "W-Wala" dugtong ko. "Kung may kailangan ka huwag kang mahiya sa kanila" binaling niya ang kanyang mga mata sa mga katulong na nakatayo sa gilid. "Sa-Salamat" "Sino ang nagluto?" tanong niya sa mga katulong. "Si Lady Rina po" sagot ng isa. "I see iba nga.. hindi ganito ka sarap ang luto mo manang" hindi mo maintindihan kung nagbibiro ba siya o seryosong pinupuna ang mga katulong niya. Kaya lumapit ang matandang nagluto at lumuhod sa gilid niya. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na ganun siya sa mga kasama niya sa bahay. "M-Master S
WARNING SPG AHEAD! Not suitable for young readers!!!Ng sabihin niya sa akin na lumabas na ako ng opisina niya ay dali-dali akong sumunod. Nakaramdam ako ng pagkababa sa aking sarili at mula roon ay tumigil ang aking sensualidad. Naging estranghero ang bawat haplos na binibigay niya. Naramdaman din niya iyon kaya hinayaan niya akong lumayo sa kanya. Or mas tamang sabihin na bigla siyang nandiri sa gusto niyang gawin sa isang bayarang babaeng katulad ko. Bahagya akong natawa sa kinahinatnan kong buhay. Hindi kaya mas maganda na lang na namatay ng gabing iyon at hindi na gumising pa.Ngunit sa aking pagpikit ay nakita ko ang mukha ng kambal. Ayokong maramdaman nila ang sakit na naranasan ko ngayon. Siguro hindi ko nanaising tumawid sa kabilang panig kung alam kong mahihirapan sila. Hindi ako perpektong kapatid sa kanila at alam kong habang buhay nila akong kamumuhian. Napaupo ako sa kama at pinagmasdan ang aking kasuotan na may mga bahid ng dugo. Hinubad ko ito ng tuluyan at pumasok sa
Katerina POV Kasal? Ikakasal na siya bukas at kailangan kong pakisamahan ang tunay niyang asawa. Siguro hindi narin siya mapapadalas sa kwarto ko. Pinagpatuloy namin ang aming pagkain at aalis naman na siya after nito kaya makakagalaw narin ako ng maayos. Ilang minuto pa ang lumipas natapos ang aming umagahan subalit hindi parin siya tumayo upang umalis bagkos nakatingin parin siya sa akin na para bang napakasaya niyang pinagmamasdan ang mukha kong puno ng takot at pagkailang. Buong akala ko may asawa na nga siya pero wala naman pala. Napaniwala ako sa kasinungalingan na para lang sa asawa niya ang mga labi niya pero hinalikan niya rin naman ako. "Am, Master Sev mauuna na ako" sabi ko sa lalaking nakatitig parin sa akin. Tumayo ako at akma ng aalis ng higitin niya ang aking kamay. Siya ang amo ko. Siya ang nagbibigay sa akin ng suweldo upang may ipang-tustos ako sa kambal. Nilingon ko siya. "Be ready may pupuntahan tayo," sabi ni Sebastian. Ang tanging nagawa ko ay tumango. Sino ba
KATARINA’s POV NANG oras na iyon ay nais ko nalang din ipikit ang aking mga mata. Para saan ba kasi ang walang kwenta kong buhay? Sa aking pagpikit muli kong naalala ang kambal. Gusto ko narin naman makatakas o makaalis sa buhay na ito. Kung mamatay ako sa mga kamay ni Sebastian Del Castillo ay tatanggapin ko na. Matuto silang mabuhay ng wala ako. Kaya naiusal ko sa kanya ito “Kill me please.” Nauubusan na ako ng hangin at pakiramdam ko ay sagad hanggang buto ang galit sa akin ng lalaking ito. Pero ilang saglit pa ay pinakawalan niya ako. Nanghina ang tuhod ko at napasalampak ako sa lapag. Hawak-hawak ko ang aking leeg. Nagkanda-ubo ako sa higpit ‘non. Hindi ko na siya nilingon pa dahil unti-unti na namang bumabalik sa akin ang pagkatakot. “Si Mikael Guererro ay kapatid ng mapapangasawa ko. Kaya ayokong nakikipagtinginan ka sa kanya. Rina, remember our deal. You are mine!” sabi niya habang nagsisindi ng sigarilyo. “Opo, Master Sev,” mahina kong tugon. Of course hindi naman pero ‘