Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. The entricate design of my ceiling greeted my sight. The violet neon lights that I personally requested was in dim that matches the white and lavender ceiling. And a small chandelier embossed with crystal at the center of it made it more classy and elegant.
Pumikit akong muli. Kinapa ko rin ang aking noo dahil umiikot pa rin ang aking pakiramdam. Sinanay ko muna ang sarili saka dumilat muli. I tried to move my head to look around and found nothing. The room was empty and quiet. I felt dissapointed in an instant that I breath heavily. Mukhang iniwan na ako ni Condrad.
I sighed. Inayos ko rin ang pwesto at isinandal ang aking likod sa kama. Nang sinilid ko ang bedside table ay nakita kong ala-una pa lamang ng madaling araw. Gustuhin ko mang matulog ngunit sadyang kumakalam ang aking sikmura. Gutom ako at kasalanan ko iyon dahil hindi naman ako nag-agahan at hindi na rin nakapaghapunan kanina.
Mabilis ang aking mga lakad habang nakakuyom ang aking mga kamay. The tip of the heels that I was wearing roared the empty hallway where I was walking. Napapalingon at napapatulala na lamang ang bawat taong aking madaraanan marahil ay dahil sa aking awra. I was fuming mad, and no one could stop me.Nang makita ko ang hinahanap na pinto ay agad ko itong binuksan. Bumungad kaagad sa akin ang natural na hitsura ng isang opisina. Minimalist interior design with a combination of black and white. Walang anong dekorasyon sa loob maliban na lamang sa mga plake na nakasabit sa wall shelves. Indoor plants at ang nag-iisang lamesa na para sa sekretarya nito."What can I do for you, Ma'am?" Nilapitan ako ng sekretarya. Ngumiti pa ito sa akin.Ibinaba ko ang shades na suot. Inayos ko rin ang medyo nagulo kong buhok. I smiled to her lightly. "Is Judge Condrad Aguirre here?" tanong ko.Pinasadahan naman ako nito ng tingi
Emptiness.Pakiramdam na kulang.Kahungkagan.Sa lahat ng nangyari sa akin, hindi ko alam kung kailan ko ba naramdaman na maging buo. Sa lahat ng mga pasakit na naranasan ko, hindi ko alam kung kailan ba ako sasaya. Pakiramdam ko tuloy, nakaukit na sa akin ang salitang pagdurusa, dahil kahit gawin ko ang tama, palagi na lang ay hindi pa rin sapat.Napakabilis ng mga pangyayari para sa akin. One moment I was a princess. A daughter, a self proclaimed mother and a mistress.Fucked up and lifeless.Durog na durog na hindi ko alam kung posible pa ba ang pagbangon. Maging ang makaramdam ng pag-asa sa isang katulad ko. Winasak at dinurog ng mga pangyayaring hindi ko ginusto, at mga desisyong kailangan kong panindigan.Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung maaari pa ba akong magsimula? Kung posible pa ba ang aking pagbangon mula sa kumunoy na kinaroroonan ko? If it
PresentNapabuntonghininga na lamang ako habang inaalala ang nakaraan. Back then, I was very sure of myself. Alam kong maabot ko ang mga pangarap ko kahit pa walang gaanong sumusuporta sa akin. Alam kong makakaya ko ang lahat kahit pa nag-iisa lang ako at tanging si Mommy lang ang pinanghuhugutan ko ng lakas. But inevitable things did happen. Nabali lahat ng mga pangarap ko. My priorities were no longer on top of my list. May kailangan na akong unahin at pahalagahan.Family.Kahit pa ang kapalit nito ay ang sakit sa puso na lagi ko nang dala sa araw-araw. At konsensya na hinding-hindi na mawawala sa akin kahit pa lumipas man ang mahabang panahon.Looking back in to my life for the past five years, it had been a series of rough road for me. Hindi naging madali ang lahat. I was no longer living. Ni hindi ko na nga rin kilala ang sarili ko. I was totally lost and had been succumb into all the decisio
Nang tuluyang mawala si Condrad at Lila sa aking paningin ay napaupo na lamang ako pabalik sa puting metal na silya at napabuntonghininga. Hinawakan ko ang aking noo at hinilot iyon nang bahagya. Iginalaw-galaw ko rin ang aking ulo para maibsan ang pananakit niyon.I heaved a deep sigh and released it after. Trying to calm myself and the raging of my heart. Trying to forget my own mess and pretend to be alright all the time. Ganoon naman palagi ang ginagawa ko. Na-master ko na nga yata ang art ng pagiging mapagkunwari.Napailing na lamang ako at napangiti ng mapait para sa sarili. Nalulungkot akong maging mag-isa na kinailangan kong lunurin ang sarili sa pagkukunwari. I actually didn't understand my own self. I was afraid to be alone and I needed someone to save me. But the thing was, no one. No one came to save me.Napabuntonghininga akong muli dahil sa naisip. Ibinaling ko rin ang aking tingin sa maingay na cellphone sa
I woke up the next day feeling heavy. Umiikot ang paningin ko kaya pumikit akong muli. Kinapa ko rin ang aking beywang dahil parang may mabigat na bagay na nakadagan sa akin. Nagulat pa ako nang mapagtanto ko kung ano iyon. Idinilat ko ang mga mata. Ilang minuto akong hindi nakakilos hanggang sa dahan-dahan ko itong hinarap.Condrad was sleeping soundly beside me. His arm wrapped around my waist while he was hugging me from the back. Mariin ang pagkakapikit ng mga mata nito at mukhang napakahimbing ng tulog. Hindi ko tuloy naiwasang silipin ang digital clock na nasa ibabaw ng bedside table. Alas-diyes nang umaga at mukhang walang balak si Condrad na gumising at magtrabaho katulad nang dati nitong ginagawang kaya niyugyog ko ang balikat nito nang bahagya."Condrad. . . Gising na," I whispered. Ilang ulit kong ginawa iyon bago ito nagmulat ng mga mata."Hey. . . I'm sorry I slept.""Ayos lang." I smiled shyl
Napabuntonghininga ako habang nakaupo sa isang puting metal na upuan sa loob ng mamahaling restaurant sa BGC. I looked around the place and saw people smiling and talking, obviously delighted while eating. The place was cozy and quiet for special appointment and good time but for me, it didn't help to lessen the raging beating of my heart.I heaved a deep breath and bowed. Tinanggal ko ang shades na suot at inilapag sa salaming mesa. I saw my reflection to it and realized how awful I look. The make-up I was wearing didn't help to hide the result of my sleepless nights and self reflection from the past days. Halatang malaki ang inihupyak ng mukha ko at ang walang kamatayang eyebags na litaw pa rin kahit pinatungan ko na iyon ng concealer."Ma'am? Ano pong order niyo?" Umiling akong muli sa tanong na iyon ng waiter. Alanganin itong tumango sabay kamot sa ulo. "Sige po." Lumayo ang waiter sa akin.Napailing na lamang ako at m
Napapapikit ako sa bawat sayad ng palad ni Miss Angeline sa aking pisngi ngunit hindi ako pumalag o nanlaban. Tinanggap ko ang lahat ng ginagawa nito dahil alam kong nararapat lamang iyon sa akin. Hinayaan ko siya sa lahat ng gusto niya kahit masakit, kung iyon ang makakapagpagaan ng loob nito."Angeline! Shit!"A loud voice of Condrad echoed the room. Kasabay niyon ay may naramdaman akong pumulupot sa aking beywang. Naramdaman ko ring wala nang palad ang sumayad sa aking pisngi. Doon lamang ako dumilat. Hilam sa luha ang aking mga mata ngunit nakita ko pa ang galit na mukha ni Miss Angeline habang nakatingin sa akin. Pinipigilan ito ni Miss Olive habang doon ko lamang din napagtanto na hawak ako ni Condrad sa beywang."What did you do Angeline?!" Condrad was obviously angry. Mabilis ako nitong nailipat sa ibang posisyon at pinaharap dito. I abruptly felt his tight embrace while I tried to suppress myself from sobbing.
"Aray! Dahan-dahan naman," reklamo ko."I'm sorry. . ." May diin ang pagkakasabi nito.Tiningnan ko si Nylen habang naglalagay ng betadine sa mga pasa ko sa mukha. Nakasimangot ito at halatang inis sa akin. Nakaupo kami sa visitor's area ng presinto at magkaharap habang nasa gilid naman nito si Attorney Montreal na abala sa mga papeles na nasa harapan nito."Dapat kasi lumaban ka. Dapat binugbog mo rin si Karoline. Tingnan mo nga 'yang mukha mo, nasira tuloy! Bugbog sarado ka nila, putang*na!" Padabog nitong itinapon ang bulak sa isang maliit na basurahan. Kumuha ulit ito ng bago at nilagyan muli ng gamot bago itinapal sa aking labi.Masakit ang bawat hagod at pagdampi ni Nylen sa aking mukha. Napapapikit ako at minsan pa'y napapapiksi. Hindi ko rin masisi kung bakit galit ito sa akin dahil alam ko namang kasalanan ko rin ang lahat. Hinayaan ko si Karoline na apihin ako at saktan. Nanlaban man ko ngunit hi
Condrad Aguirre POVChance. When I was young and got the dream I wanted, I thought I have all the chance in the world. Madali sa akin ang makuha ito. Madali sa akin ang magtagumpay. Ngunit nang nagmahal ako, sinampal ako ng katotohanang may mga bagay na hindi para sa akin. But I was cruel. I took that chance for my own gain; kahit na ang kapalit ay ang pagkawala ng lahat sa akin. Apple Santibañez, an alluring woman that captured and melted the coldest part of my heart. Akala ko, hindi kailanman titibok ang puso ko para sa isang babae. But when she came, the chance was clear to me. Selfishly, I grabbed it, even if I was hurting her in the process. A chance to love. I had it once. I lived with it. The happiest of my life. Akala ko hindi na matatapos ang lahat. Ngunit kung ang mga bagay ay pinilit lang, wala iyong kásiguraduhan. The chance I had ended. Ang masakit, kasama ng pagkatapos ang pagkalimot. "Sino ka?" My eyes widened. I was in tears. My heart was in pain and scattered
I still couldn't believe it. I couldn't even process everything. Parang sa isang iglap lang nagbago ang lahat. Kung paano at bakit, hindi ko alam. "So, bakit ka naiinis? Past is past na nga, 'di ba? Ikaw ang nagsabi." Napatitig ako sa monitor ng laptop. Napabuntonghininga. "Hindi ko alam, Nylen. Parang imposible kasi," wika ko. Nylen gave me a disapproving look. Alam ko na kaagad na hindi nito nagustuhan ang sagot ko. "Is it the other way around, Apple? Apektado ka pa rin ba sa kaniya?" Itinuon ko sa labas ng balcony ang paningin. "Hindi ka makasagot. I'll take your silence as a yes.""I wish you were here." Napangiti ako. Nasa kalangitan pa rin ang mga mata. Gumagabi na pero katulad nang nagdaan, hindi ako makatulog. My head was occupied with questions I badly wanted to know the answers. Pero wala akong lakas ng loob na magtanong. Duwag akong pag-usapan ang nakaraan lalo na at hindi na lang tungkol sa amin ni Condrad ang lahat, tungkol na rin ito kay lola. Natatakot akong baka kap
Isa. Dalawa. Tatlong oras. . .Hindi ko alam kung ilang oras na ba ang nakalipas mula nang tumuntong ako ng Pilipinas. Pakiramdam ko napakabilis at halos kisap-mata lang na nangyari ang lahat. It was so sudden. Unexpected. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na siya kaagad ang makikita ko sa aking pagbabalik. "So! How was the graduation, hija? Pasensya ka na at hindi na ako nakadalo. This old woman is useless. Ah, how I wish I was there." Boses ni Lola ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. I looked at her. "Ayos lang naman po. Normal na graduation pa rin." Totoo naman iyon. There's no special about that event. Pagkatapos kong matanggap ang diploma at mag-picture taking kasama sina Franco at Nylen, umuwi na rin kami. "Oh, my poor child." My grandmother's voice sounded in frustration. Naiintindihan ko naman siya. Marahil, matindi ang pagnanais niya na dumalo sa espesyal na okasyon na iyon. Nang maghiwalay ang mga magulang ko noon, nawalan na rin kami ng komunikasyon sa isa't isa. I tho
"Ladies and gentle, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport. We welcomed you to Manila, Philippines."Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Huminga nang malalim matapos hamigin ang sarili. Sinulyapan ko rin ang bintana sa aking tabi at nakita ang liwanag na nagmumula sa papalubog na araw. Hindi naman ako nakatulog. Bagkus, kanina ko pa pinapakalma ang puso kong nagsisimula ng tumibok nang malakas. I was nervous.Scared. Alone. Nakapaninibago pala na muli kong maranasan ang pag-iisa. Pakiramdam ko. . . hindi ako sanay. Marami rin akong naiisip; mga posibilidad. Kahit naman kasi limang taon na ang nakalipas, at wala akong anumang komunikasyon sa lahat maliban kay lola, hindi maikakaila na maliit lamang ang Pilipinas. Santibañez was born rich. Iisa ang ginagalawan tulad ng mga Trinidad. 'Come on, Apple. Nag-o-overthink ka na naman!'I shook my head. There's no use of turning back now. May konting takot ako at kaba, oo, pero hindi ibig sabihin niyon na apketado pa r
Why do you want to be an attorney? That was the question I have been thinking for a while now and I still doesn't have a concrete answer to it. Bakit nga ba? Is it because I wanted to help those who are accused but are actually innocent? Is it because of my mother and the fate she experienced? Is it because I was afraid that someone might experience the same ill fate as me. Hindi ko alam. I wasn't sure either. Basta ang alam ko, gusto kong maging abogado. "I heard your grandmother is throwing a party. Uuwi ka ba?" Franco said while giving me a cup of coffee. Kinuha ko iyon. "Oo," tipid na sagot ko. "Salamat. Hindi lang naman dahil sa party kaya ako uuwi," dagdag ko pa matapos amuyin ang aroma niyon. Umaga at nakaupo lamang ako sa veranda ng villa na pagmamay-ari ni lola. My father's mother. Hindi ko alam kung paano niya ako nahanap noon, but I was fortunate that she found me. Hindi na rin ako nagtanong. Masyadong maraming nangyari na kinailangan kong iwan ang lahat at magpak
"Kailangan mo ba talagang gawin ito? Paano kung hindi ka niya maintindihan? Paano kung saktan ka niya? Paano kung magmakaawa siya sa 'yo? Ano ang gagawin mo, Apple?" Matiim kong tinitigan si Nylen na nasa aking harapan. Kanina pa siya nag-iingay rito sa isang sikat na cafè sa loob ng BGC at mukhang wala pa rin itong balak na tumigil. Alam kong nag-aalala lamang siya sa akin pero alam ko rin sa sarili na kailangan kong gawin ang bagay na dapat matagal ko nang ginawa. "Hindi pa naman kasi kami nag-uusap ng pormal. Besides, Marcus is a good man. He won't hurt me," sagot ko. Nylen looked more frustrated. Mas lalong naging mariin ang titig niya sa akin. "I got your point. Kaso, iba na ang sitwasyon ngayon. Natatakot ako para sa 'yo." Her eyes turned weary after. I grabbed her hand and pressed it lightly. I heaved a deep sigh and smiled, then I said, "Ayos lang ako. Praning ka lang masyado. I'm stronger now, you know." That was meant to be a joke. But when I saw Nylen's death glare, I la
Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Condrad. I felt him stiffened beside me. Shocked. Alam kong hindi nito inaasahan ang sinabi ko, at marahil hindi rin nito naisip iyon. Who would, if I hid it from him from the start. Isang buwan matapos kong tanggapin ang alok niya sa akin ay hindi na maganda ang aking pakiramdam. Nag-drop ako sa school dahil iyon ang gusto ni Condrad kahit labag sa gusto ko. He offered me to tour every place I desired and I gladly accepted it because I had my own agenda too. Masaya ako sa pagdating ni Lila. But I couldn't afford to lose my only chance to save my mother. Kahit masakit, tinago ko ang lahat para sa sarili kong interes. Nanloko ako ng tao para sa nanay ko, kahit kapalit nito ang katapusan ng pagiging ina ko kay Lila. Masakit. Masakit na isuko ko ang pagiging ina para maging isang mabuting anak, pero sa huli, hindi pa rin pala sapat. What I did to save my mother couldn't redeem me from the sin of abandoning my own child. I deserv
Pareho kaming nanatiling tahimik ni Marcus. Matagal. Mariin ang bawat titig niya sa akin. Nang-aarok. Maybe, he was weighing things on his own understanding. Ako naman ay tanggap ko na ang lakat nang salitang matatanggap ko mula sa kaniya. Hindi ko na kailangan pang magkunwari dahil alam ko naman na mali ako. We both did wrong. Mas malala nga lamang ang akin dahil sinira ko rin ang relasyon ng ina niya at ni Condrad. I have been thinking about my mistakes while healing. I have been thinking about all my regrets. Pero kahit gaano ko pa isipin, humahantong pa rin sa katotohanan na hindi ko na maibabalik ang lahat. May mga nasaktan ako na hindi naman dapat, dahil naging makasarili ako. "Sorry for deceiving you." Si Marcus ang unang pumutol sa katahimikan. Tumango ako. Wala naman akong dapat na sabihin o hinanakit dito dahil pareho naming niloko ang isa't isa. "Sorry for hiding the truth from you and your family. Sa maniwala ka man o hindi, I don't have any idea that Angeline is your m
I woke up feeling heavy. My head is aching too bad and my body seemed numb. Kinalma ko ang isip at unti-unting ibinuka ang mga mata. The usual white ceiling greeted me. Halos masilaw ako sa kaputian niyon. Napakurap hanggang sa masanay na rin sa liwanag. Inikot ko ang tingin at nakita ang katabing aparato. It was ticking and the sound of it made me wanted to scream for help. Hindi ako sanay. Nasasaktan ako. Gusto kong magsalita ngunit mabigat ang aking bibig at tila barado ang aking paghinga. I felt suffocated. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam!"T-tubig. . ." I mumbled. The place was too quiet. Nagsalita muli ako ngunit mahina pa rin ang aking boses.I whispered for water again to ease my thrist but no one came. Nanubig ang mga mata ko. Sumakit ang dibdib.I felt so alone. Weak and helpless. I felt miserable. Mas lalo akong nasaktan. Pumikit at humikbi kahit nahihirapan. Bakit pa ako nagising kung pawang kahungkagan lang ang sasalubong sa akin? Bakit pa ako bumalik kung alam kong