Akuji Morte
"Wow! Ano namang tawag sa nakakamanghang bagay na iyan?" Tanong ng inosenteng babae na nag-ngangalang Akuji Morte, ngunit mas kilala siya sa pangalang Yiel. Kausap nito ang isa sa mga kaibigan niyang katulong mula sa loob ng mansion ng mga Lastra."Ang tawag rito ay bulaklak. Hindi ito uri ng pagkain, isa itong mahalimuyak na bagay, kung saan ibinibigay ng mga lalaki mula sa kanilang napupusuang babae."Kumislap at nagliwanag ang mga mata ni Yiel sa kanyang nalaman mula sa kanyang babaeng kaibigan."Maari rin ba akong magbigay ng ganyang klase ng bulaklak para sa lalaking aking napupusuan?" Nasasabik na tanong ni Yiel sa kanyang kaibigan."Aba, oo naman! Nakakaganda ng araw kapag mayroong tao na nagbibigay sa iyo ng mababangong bulaklak, ano!" Nakangiting sagot ng kanyang kaibigan."Sandali lamang, bakit mo naman natanong? Huwag mong sabihin sa akin na may lalaki ka ng napupusuan?"Hindi naman napigilan ni Yiel na makagat ang kanyang pang-ibabang labi at bahagyang tumango habang nakakurba ang kanyang napakagandang ngiti mula sa kanyang labi."Ganoon na nga," abot sa puso ang saya na naramdaman ni Yiel nang tapatin niya ang tanong ng kanyang kaibigan. Agad namang nanlaki ang mga mata ng kanyang kaibigan na babae."Nakakatuwa naman! Paniguradong masuwerte ang lalaking iyan, dahil bukod sa napakaganda mo na, may kakaiba ka pang kakayahan! Sino naman kaya ang maswerteng lalaki ang iyong natipuhan, ha? Iyong lalaking anak ba ng ating hardinero? Siya ba, ha? Ibahagi mo naman sa akin!" Natutuwang tanong ng babae, muli namang napangiti si Yiel nang maalala niya ang napakaamong mukha ng lalaking kanyang napupusuan."Ang lalaking iyon ay si . . Giovanni." Hindi maipaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman nang sambitin nito ang pangalan ng lalaking kanyang nagugustuhan."Ano?! Si Don Giovanni?" Hindi makapaniwalang tanong ng kanyang kaibigan. Nagawa pa nitong tumayo at hindi makapaniwalang tinignan ang kaibigan."Anong pumasok sa isip mo at nagustuhan mo ang lalaking iyon?" Tila ba hindi matanggap ng kaibigan ni Yiel ang kanyang sinabi."Bakit? Ano namang mali kung gustuhin ko siya?""Ano naman ang nagustuhan mo sa lalaking iyon? Bukod sa masungit na, masama pa ang ugali! Hindi mo alam kung gaano kasamang taglay mayroon ang ugali ng lalaking iyon, Yiel!""Sa tingin ko nga ay hindi niya ako magugustuhan, lalo na kapag nalaman niya ang na hindi ordinaryo ang hitsura ko, dahil sa kulay ng mga mata ko. Paniguradong matatakot siya at lalayuan ako, kaya mas mabuti sigurong itago ko na lamang ito sa kanya.""Mas mabuti nga na iyan ang gawin mo, pero tutol pa rin ako sa pagkagusto mo kay Don Giovanni, ano!" Nakasimangot na pagtutol ng kanyang kaibigan."Hindi naman siguro siya ganoon kasama. Ah, teka! Paparating siya!" Agad na nagkasalubong ang kilay ng babae sa sinabi ni Yiel na ngayon ay muli nang ibinabalik ang contact lense sa kanyang mga mata na kulay black, upang matabunan ang tunay na kulay ng mga mata nito."Sino naman?" Naguguluhang tanong nito."Si Giovanni, sandali! Maayos ba ang itsura ko?" Natatarantang tanong nito sa kanyang kaibigan, matapos isuot ang contact lense at nagawa pang ayusin ang kanyang buhok at kasuotan."Oo naman, ano ka ba! Kahit hindi ka na mag-ayos pa ay natural na ang gandang taglay na mayroon ka." Natatawang tugon nito. Sakto namang pumasok nga si Giovanni mula sa pinto ng kwarto ni Yiel."Kakaiba talaga ang pandinig mo," namamanghang bulong ng kanyang kaibigan bago tumayo at bahagyang yumuko sa harap ng kanyang amo na si Giovanni. At saka ito tuluyang lumabas ng silid-tulugan ni Yiel."Magandang umaga, Giovanni." Masayang bati ni Yiel sa matipunong lalaki na nakatayo sa kanyang harapan. Hindi na naman nito mapigilan ang kanyang labi na maikurba ang malalapad niyang ngiti, dahil muli niyang nasilayan ang maamong mukha ni Giovanni."Kumusta ka?" Pangungumusta sa kanya ng lalaki. Agad siyang nagulat dahil sa sinabi nito. Hindi normal ang ganitong pagbati ng lalaki sa kanya. Madalas kapag sinasabi ito ng lalaki sa kanya ay may kailangan ito sa kanya."Maayos naman ang kalagayan ko. Ikaw, kumusta ka? Nanggaling ka ba sa kompanya ni Don Rafael? Paniguradong masaya ang araw mo ngayon dahil nasilayan mo ang ganda ng paligid sa labas." Nakangiting saad nito.Kahit minsan kasi ay hindi niya manlang natuklasan ang totoong itsura ng paligid. Kung palabasin man daw kasi ito ni Don Rafael ay hanggang loob lamang ng hacienda ng mga Lastra. Kaya wala rin siyang masiyadong kaibigan, kundi ay ang babaeng katulong ng mga Lastra bukod sa kanya ay wala na dahil masiyadong ilag ang mga tauhan sa loob ng hacienda mula sa kanya."Tama ka, maganda nga ang araw ko ngayon. Gusto mo rin bang makita ang ganda ng kalikasan?" Nakangiting tanong sa kaniya ng lalaki. Kuminang naman ang mga mata nito dahil sa pag-aaya sa kanyang lumabas ng lalaki."Kung sasabihin ko bang oo, ay maaari mo ba akong isama palabas ng hacienda lastra?""Ganoon na nga, kapag sinama kita sa labas, makikita mo ang ganda ng paligid. Hindi lang iyon, makakakilala ka rin ng bagong mga kaibigan. Gusto mo ba iyon?""Talaga? Oo naman! Gusto ko ang bagay na iyan! Ang kaso, mukhang malabong mangyari iyon dahil paniguradong hindi naman ako papayagan na lumabas ni Don Rafael sa ating hacienda." Malungkot na sambit ni Yiel.Ngunit, nabigla ito nang hawakan ni Don Giovanni ang kanyang magkabilaang kamay, dahilan nang pag-iinit ng kanyang mga pisngi."Hindi malabong mangyari iyon, kung papayag ka sa gusto ko."Nagkasalubong ang kilay ni Yiel dahil sa binitawang salita ng lalaki."Ano ang ibig mong sabihin?""Yiel . ." Pagtawag ng binatang lalaki sa kanyang pangalan at para namang siyang kinikiliti sa tuwa nang marinig niya iyon."Giovanni?""Gusto kita.""Ano?""Gusto kita, Yiel."Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Yiel nang marinig niya ang sinambit ng binatang lalaki sa kanyang harapan na si Giovanni.G-gusto niya ako? Tama ba ang pagkakarinig ko?Matapos marinig ni Yiel ang sinabi nito ay hindi na nito alam ang irereak o sasabihin sa binata dahil masiyado itong nabigla. Gusto niya rin ang lalaking ito, hindi niya iyon maipagkakait sa kaniyang sarili. Ngunit pakiramdam niya ay parang hindi tama ang nangyayari.'Tila may mali.' Saad ni Yiel sa kanyang isipan."Gusto mo rin ba ako, Yiel?" Ilang beses itong napakurap ng mata dahil sa sobrang direkta magtanong ng binata. Hindi manlang nito iniisip na masiyado nang natutuwa ang puso ni Yiel dahil nalaman nitong gusto rin siya ng lalaking kanyang napupusuan."Oo, gusto rin kita." Walang pag-aalinlangan na tugon ni Yiel sa lalaking nakatayo ngayon sa kanyang harapan kahit pa parang humahadlang ang kanyang isipan sa kanyang nararamdaman."Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ng lalaki, nakangiti namang tumango si Yiel bilang tugon.Kitang-kita ang saya sa mga mata nilang dalawa. Tila ba ay nanalo sila sa lotto nang marinig nila ang sagot ng isa't-isa."Will you marry me?" Agaran na tan
Don RafaelSa gitna ng biyahe ay naroon si Don Rafael prenteng nakaupo sa upuan habang katabi ang kanyang sekretarya na kanina pang kausap."How about the wedding gown and suit?""Kailangan pa pong sukatan ang bride and groom, Don Rafael," sagot ng secretary nito. "Hmm, just hire for a wedding gown designer, pupunta tayo bukas sa venue." Nakangiting utos ni Don Rafael, hinahanda na ang lahat para sa nalalapit na kasal ni Akuji at Giovanni kinabukasan. Hindi na ito makapag-hintay pa na masilayan ang sariling muling magtagumpay sa susunod na kanyang mga plano."Noted, sir." Sagot ng kanyang secretary habang inililista lahat ng gagawin sa kanyang mini pad. "Who will be Don Giovanni's bride po pala, sir? Baka po kasi itanong ng planner bukas ang names." Nalilitong tanong ng secretary."It's Yiel Lastra.""Yung babaeng kinukwento niyo po lagi?" "Yeah." Nakangiting tugon ni Don Rafael."Hindi ko pa siya nakikita, pero mukhang bagay sila ni sir Giovanni, sayang nga lang at hindi ako 'yon.
Akuji MorteHinarap ni Yiel ang kanyang kaibigan. Kanina pang malalim ang iniisip niya at hindi na malaman kung alin nga ba ang dapat niyang pakinggan."Hindi ko alam, Briana, kung sino ang susundin ko, ang puso ko ba o ang isip ko?" Naguguluhang tanong ni Yiel sa kanyang kaibigan na ikinabuntung hininga nito."Alam mo, kung ako sa iyo. Sundin mo ang . ." "ang?""Ang sikmura mo! Kumain ka muna kaya para makapag-isip ka ng maayos? Tara na." "Sabagay, gutom na rin naman ako.""Oh halika na, gutom na rin ako, sasabayan kitang kumain hangga't wala pa sila Don Rafael. Naku! Hindi pa naman tayo pwedeng makita na magkasama ng matandang iyon.""Bakit ba bawal akong makisama sa ibang tao rito?" Naguguluhang tanong niya dahil iyon talaga ang napapansin niya. Sa tuwing lalabas siya ay masiyadong ilag ang mga tauhan sa kanya, ni tumingin sa mata sa nito tuwing kinakausap niya ay hindi magawa."Hindi ko rin alam, ang weird 'no?""Weird?""Oo weird, parang kakaiba, hindi normal, magulo, ganoon.""
The Peninsula Hotel, Metro ManilaAkuji Morte "Ayos ka lang ba, Yiel? Bakit nakatulala ka lang riyan?" Nagising ang diwa ni Yiel nang maramdaman niya ang mahinang tapik ng kanyang kaibigan sa balikat nito. Kanina pa siyang nakatitig sa kawalan at hindi manlang magawang igalaw ang kanyang katawan. Tila may bumabagabag sa kanyang isipan."Araw ng kasal mo pero parang Biyernes Santo ang mukha mo, iyung totoo? Lutang ka ba ngayon?" Hindi na napigilan ni Briana na hawakan ang parehong balikat ni Yiel para iharap sa kanya ang katawan nito."Ano bang iniisip mo?" Nag-aalalang tanong ni Briana kay Yiel. Bahagya namang bumuntong hininga si Yiel."Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang iba ang pakiramdam ko ngayon," Yiel sighed. "Ganito ba talaga ang pakiramdam ng ikakasal?" Bumaling ang tingin ni Yiel sa kanyang kaibigan na siya ring Maid-of-Honor niya ngayon.Kasalukuyan silang na sa loob ng isang suite ng Peninsula Tower, one of the five-star luxury hotel in the Philippines located at t
Giovanni LastraMalaking ngisi ang bumalatay sa kanyang labi habang pinapanood ang kotse ng kung sino na paparating gamit ang kanyang telescope."Lapit pa, tanda." Hindi nito maiwasan ang sarkastikong matawa nang makita niya ang paparating na BMW Sedan. Itim na itim ang kulay nito at nangingintab. Mas lalo pang kumurva ba ang ngisi sa labi ni Giovanni ng maisip niyang parang karwahe ng patay ang sasakyang iyon. Naaakma lang iyon dahil ang ilang segundo lang ay doon fin naman mapupunta ang katawan na matandang iyon."Your time has come, old man." Sambit pa ni Giovanni. Matagal na panahon din ang hinintay ni Giovanni ang pagkakataon na ito upang maisakatuparan ang matagal niya ng binabalak.Tumalim ang kanyang mga mata ng masipat niya na mas papalapit pa ang sasakyan nito. Marami na siyang napatay at ipinapatay sa mga tauhan niya. Wala siyang awa o maski kapatawaran. Wala siyang sinasanto- lalaki, babae, matanda man o bata. Basta gusto niya, babawian at babawian niya ng buhay ang taong i
Chaos Dale VanteMabilis na tinadyakan ni Chaos ang pinto papasara at saka niya itinutok ang baril sa babae."Sino namang nagpadala sa'yo rito?" Walang gana niyang pinasadahan ng tingin ang isang babae na naka-trahe de boda. A bride? He thought. O, baka naman nagdamit bride lang?Pagod at puyat siya kaya naman ganoon na lang kakunot ang noo niya nang gulantangin siya ng isang napakalakas na pagsabog na sa tingin niya ay nanggaling sa labas ng hotel. Babalewalain niya na lamang sana iyon at babalik na sa pagtulog nang sumunod naman siyang gambalain ng sunod-sunod na katok ng isang . . bride?His suite is equipped with a high-tech gadgets. Kaya naman nakikita niya sa monitor kung sino ang na sa labas ng kuwarto niya. Gusto niya pang matawa dahil mukhang masiyadong nag-effort ang babaeng na sa harapan niya. Seriously? A bride? Ano namang klaseng palabas 'to? Kailangan niya pang mag-costume para lang maniwala siya na walang binabalak itong masama sa kanya.But then, he saw a panic in her
Chaos Dale VanteSa hindi niya kasiguraduhan sa mga taong nasa harapan ng kanyang suite ay hindi niya na lamang iyon pinagbuksan. He didn't even try to respond. The more he won't open the door if they keep on banging the door. Nanatili siyang naka-alerto habang inaabangan na ang mga taong ito ang siya mismong bumukas ng pinto.Ngunit ilang minuto lang rin ang lumipas at tumigil na ang kakakatok ng mga ito. Pinanood niya pa sa monitor ang pag-alis ng mga armadong lalaking iyon. Marahil, inakala ng mga ito na walang tao sa suite na iyon.Nang tuluyan nang mawala ang mga ito ay saka niya kinatok ang pintuan ng kanyang kuwarto kung nasaan ang babae. Kumunot agad ang kanyang noo nang hindi ito nagbubukas ng pinto, kaya naman buong lakas niyang tinadyakan iyon. The door came crashing down."Aaaaa!!" Tili ng babae at napapikit pa ng mata nang dahil sa gulat."Labas!" Giit ni Chaos at muling itinutok ang baril sa babae. "Ngayon magpaliwanag ka.""And that better be good, dahil kung hindi. Ako
Akuji Morte Matapos magpalit ni Yiel ng damit ay lumabas na siya ng kuwarto at humarap sa lalaki na ngayon ay nakabihis na rin. Nakasuot ito ng plain white na long sleeve at brown jeans. Habang ang suot naman ni Yiel ay ang oversized na hoodie jacket ni Chaos dahil iyon lang naman ang kakasya sa kanya at isang shorts na bumagay rin sa kanya."Salamat dito. Huwag kang mag-alala dahil babayaran ko rin ang mga ito, kapag may pera na ako hehe," sambit pa nito, habang pinagmamasdan ang sarili. She didn't know that it makes her feel more comfortable when wearing oversized shirts."Tss, no need to." Seryoso pa rin ang mukha ng lalaki na hindi manlang sinusubukang tapunan ng tingin ang inosenteng babaeng na sa kanyang harapan."Ha?""Huwag na.""Okay, sabi mo eh. Salamat ulit!" Hindi inakala ni Chaos na gano'n ito kakulit, ang akala niya ay mahinhin itong babae dahil hindi halata sa hitsura nitong napaka-disente. Pinagmasdan niya naman ito mula ulo hanggang paa."Wala ka bang nakakalimutan?"
Ilang saglit lang ang binyahe namin ni Briana at huminto na ang tricycle na siyang sinakyan namin patungo sa building ng Delta Apparel.Ito ang unang pagkakataon na nakapunta ako rito at unang beses rin na nakita ko ito ng personal. Halos malula pa ako sa taas nito nang subukan kong abutin ng tingin kung gaano kataas ang building na siyang na sa harapan namin."Wew!" Narinig ko ang pagsipol ni Briana sa tabi ko. Halatang hindi rin ito makapaniwala sa nakikita. Mukhang hindi biro ang kompanya na ito dahil sa sobrang laki at lawak, hindi lang iyun, dahil kahit ang mga empleyado rito na siyang nakikita naming lumalabas ay mukhang mga galante rin dahil may kanya-kanya silang sasakyan."Para namang nakakahiyang mag-trabaho rito," napapakamot sa ulo na saad ni Briana at nagawa pang ayusin ang suot niya nang dumaan sa harapan namin ang isang babae na mayaman kung tignan dahil sa suot nitong napakagara."Huwag na lang kaya akong mag-apply? Nakakahiya. Tara na nga, Yiel, umuwi na lang tayo," a
Yiel Amaro"Ang galante pala talaga sobra ng Chaos Dale Vante na 'yun," hindi makapaniwalang sambit ko habang pinagmamasdan ang black card niya na siyang gagamitin ko para makakain ako ngayon.Ngayon lang ako nakahawak ng ganitong card at aaminin kong tumatakbo sa isip ko ngayon na maaari ko itong gamitin para makatakas. Pero naiisip ko pa lang kung gaano karami ang resources ng taong 'yun, ay hindi pa man ako nakakalayo, natunton niya na agad kung nasaan ako.Grabe, feeling ko talaga mamamatay na ako kahit anong oras.Until now, I still can't imagine kung gaano kalaking pera ang winaldas niya para lang bilihin ako. It annoys me, sa totoo lang. Sino bang hindi magagalit na ang taong bumili sa buong pagkatao mo ay ang taong kinamumuhian mo? Pero at the same time, I felt relieve dahil hindi ako sa matandang mukhang hukluban na iyun napunta.May silbi rin pala talaga ang kagustuhan ni Chaos Dale Vante na pakasalan ako dahil hindi niya talaga ako hinayaang mapunta sa iba, pero hindi ko si
CHAOS DALE VANTESipping my coffee while eyes dart outside the building, pareho kaming tulala ni Chase sa kawalan. I even heard him making sounds."Tss, problema 'tong pinasok natin," saad niya.It really is a problem, at halatang halata iyun sa mukha ni Agent Z, dahil mukha na siyang sabog ngayon.Hindi naman siya ang bumaril kay Ms. Terra, pero kung umakto siya at ang itsura niya ngayon ay mas problemado pa sa akin."Anong plano mo niyan, ghost?" Baling nito sa akin. I put my coffee down at muling napaisip.Plano?"I don't know," sagot ko na nakapag-pabuntung hininga sa kanya."Kailan ka ba nagkaroon ng plano tuwing may mission ka. Tss, sa bagay kapag naman naroon ka na sa eksena ay bigla mo na lang akong tatawagin at sasabihin sa akin ang dapat kong gawin at saka mo tatapusin ang mission ng malinis at mabilis," reklamo nito.That's the problem to me. I never ever tell what's my next step to anyone. Kaya naman minsan ay nahihirapan si Chase na sumabay sa akin dahil impromptu siyang
CHAOS DALE VANTEWay back to the agency, sinalubong ako ni Agent Z sa parking space when he heard that I'm coming."Grabe, ghost! I still can't believe that it was the Yiel you're talking about! She's hella deadly gorgeous, bro! Mula ulo hanggang paa. Just how lucky you are dahil nakatagpo ka ng isang Yiel Amaro." Unang bungad sa akin ni agent Z nang salubungin ako nito."Tss, ulol. Back off," iritadong saad ko."Luh, bakit parang ang init yata ng ulo mo at halos magrambulan na 'yang mga kilay mo sa pagkakakunot?" Natatawang tanong nito habang sinasabayan ang lakad ko patungo sa loob ng agency."At saka, hell with the back off, pre? You should said that to yourself. We both know that you spend all your time finding her for fucking 12 years. But suddenly, will appear as someone who knows a lot about our target? And what? Siya din pala ang magiging daan natin para mahanap si Akuji Morte. We don't know if she's dangerous, bro. Hindi natin alam kung anong alam ni Don Giovanni sa kanya, an
CHAOS DALE VANTEI don't know what to feel. Should I be happy knowing na lahat ay umaakma sa plano ko. O dapat ba akong mag-alala, knowing that it's Yiel, the Yiel I was looking for in my entire life. I know there's a part of me that I'm happy and I'm celebrating dahil in any way, I could finally live my life with her whenever I want to, pero bakit ako nag-aalala?Hindi kaya dahil alam kong malaki ang posibilad na madamay siya sa gulong meron kami? We're literally looking for the Heiress na siyang pumatay kay Don Rafael, at hina-hunting namin siya ngayon just to kill her, and Yiel Amaro is our lead to her. Hindi imposibleng may dumanak na dugo at may buhay na pumanaw dahil hindi ordinaryong buhay ang pinasok namin.We're surrounded by fire, everything is on fire because we're in hell.O baka naman nag-aalala ako dahil hindi ko naman talaga kilala kung anong meron kay Yiel Amaro? Kung sino talaga siya? We literally just met once, at bukod sa feelings ko para sa kanya na bitbit ko hangg
YIEL AMAROIsinara ko na ang pinto ng sasakyan at saka ako suminghap ng hangin at ibinuga iyun.This is it, Yiel. Ito na ang umpisa ng lahat, pero ang tatapos rin sa'yo.“Hi, Ms. Yiel,” gulat kong naibaling ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko na. Bumuka pa ang bibig ko nang mapagtanto kong ito iyung security guard na naging dahilan kung bakit natagalan pa ako sa pagtakas kaninang umaga dahil naharang niya ako. “Welcome back.” Nakangiting saad nito.Nahihiya naman akong ngumiti pabalik. Hindi ko alam kung ang ngiti niyang iyun ay natural o natatawa. Dahil ba alam niyang palusot ko lang ang lahat nang sinabi ko kanina at balak ko talaga ang tumakas? Ang sinabi pa naman ng Vante na iyun kanina ay matq-rack nila rito ang location ko kahit saan pa ako magpunta. Kaya ba naroon siya kanina sa Spedo Underground, dahil alam niyang naroon ako?Grabe, bilib na talaga ako sa kapangyarihan ng Vante na 'yon. Parang wala siyang bagay na hindi kayang gawin.“Tara po,” tumalikod na ito sa aki
YIEL AMAROAm I just imagining things or this jerk named Chaos Dale Vante really bought me for a freaking what? Five hundred billion dollars?Seryoso ba siya? Ano bang espesyal sa akin na mukhang kailangang kailangan niya para lang maglagas siya ng ganong kalaking pera? Am I that deadly gorgeous for him to chase me?Well, I'm sorry to tell him, pero binabawi ko na ang sinabi ko kanina. I'm not greatful at all na binili niya ako dahil kahit kailan ay hindi noon mababago ang katotohanan na sila ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang Kuya ko.They're nothing but a merciless criminal who kills innocent people.Naiisip ko pa lang na hinayaan kong may mangyari sa amin kagabi ay kinikilabutan na ang buong sistema ko.Speaking of the devil, I'm currently inside his car at mukhang babalik na naman kami sa mala-palasyo niyang teritoryo. He's quitely just seating beside me. Seryoso at diretso lang ang mukha habang nag d-drive.Hindi naman siguro masama if I ask him kung may nangyari talaga sa
"50 million! Higher?" Sigaw ng babae na siyang nasa stage, katabi ang babaeng nakaupo ngayon sa isang upuan. She looks young, tila naawa ako sa itsura nito dahil ang inosente niyang tignan. Parang wala siyang alam sa nangyayari, she's just watching the crowd raising their hands, yelling a price to buy her. Not knowing she will be sold to someone she doesn't know.Kung nasasaktan ako para sa babae na ngayon ay siyang nasa stage, ano pa ako para sa sarili ko. I thought makakaalis ako kanina, pero I still ended up here. Panay ang baba sa suot kong napakaikli na damit, it's a spaghetti strap white fitted dress, ang ikli na nga ang fitted pa! Ano ba namang klaseng damit 'to?!"100 million!" Someone raise his hands atsaka nito inilapag ang case sa lamesa, kasama ang dalawa pang bag.Napanganga ako nang umangat ang ulo nito. The heck, hindi ko alam na may mga ganito kagwapong sumasali rito?"Going once, going twice! Any higher than 100 million?" No one answered."Thalia Lasuel sold out to
YIEL AMAROIlang oras pa ang tinagal ng biyahe namin nang huminto ang sinasakyan kong kotse sa isang mataas na building.Spedo Underground That was the name of the building, kapansin-pansin ito dahil sa napakatingkad na kulay at ilaw na nakapaligid dito."Come on, dear," pag-aya sa akin ng babae. Again, the two men that looks like a bodyguard escorted me towards the building. Wala naman akong nagawa kundi ang maglakad na lang dahil pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda sa akin kung aatras ako.Inilibot ko ang paningin sa paligid nang sa wakas ay makapasok kami sa building, it was big. Para itong hotel na mayayaman lang ang pwedeng pumasok sa sobrang laki at ganda."This way, dear." She pointed the door as we enter a hallway, mayroon doong nag-iisang pinto sa gitna. Sumunod naman ako sa babae at saka kami bumaba ng hagdanan.Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng kaonting kaba dahil unti-onting dumidilim ang paligid, wala ng liwanag, dahil wala ng ilaw sa daan na tinatahak namin.