Beranda / Romance / Mission: Terminate the Heiress (Tagalog) / Chapter 5: Rethinking her decision

Share

Chapter 5: Rethinking her decision

Penulis: Luyanared
last update Terakhir Diperbarui: 2023-03-01 18:48:12

Don Rafael

Sa gitna ng biyahe ay naroon si Don Rafael prenteng nakaupo sa upuan habang katabi ang kanyang sekretarya na kanina pang kausap.

"How about the wedding gown and suit?"

"Kailangan pa pong sukatan ang bride and groom, Don Rafael," sagot ng secretary nito.

"Hmm, just hire for a wedding gown designer, pupunta tayo bukas sa venue." Nakangiting utos ni Don Rafael, hinahanda na ang lahat para sa nalalapit na kasal ni Akuji at Giovanni kinabukasan. Hindi na ito makapag-hintay pa na masilayan ang sariling muling magtagumpay sa susunod na kanyang mga plano.

"Noted, sir." Sagot ng kanyang secretary habang inililista lahat ng gagawin sa kanyang mini pad.

"Who will be Don Giovanni's bride po pala, sir? Baka po kasi itanong ng planner bukas ang names." Nalilitong tanong ng secretary.

"It's Yiel Lastra."

"Yung babaeng kinukwento niyo po lagi?"

"Yeah." Nakangiting tugon ni Don Rafael.

"Hindi ko pa siya nakikita, pero mukhang bagay sila ni sir Giovanni, sayang nga lang at hindi ako 'yon." Natatawang giit ng sekretarya, hindi napigilan ang bibig sa pagsasalita kaya agad niyang natakpan ang bibig sa gulat nang mapagtanto niyang kasama niya si Don Rafael sa loob ng sasakyan.

"You like him?"

Nahihiyang tumango ang dalaga sa kanyang amo na si Don Rafael nang tanungin siya nito. Maganda, matangkad at matalino ang dalaga, hindi malabong magustuhan ng kahit sinong lalaki, malas na lamang nga nito dahil malapit ng maitali ang lalaking kanyang napupusuan.

"I mean, who would not, 'diba sir? Bukod sa gwapo na, matalino pa. Full package na po kaya si Sir Giovanni, kaya sobrang suwerte talaga ni Ms. Yiel."

"Mas swerte ang anak ko sa babaeng iyon," nangingiting tugon ni Don Rafael na ikinatigil ng kanyang sekretarya.

"Talaga po?" Napapahiyang tanong nito.

"Pareho naman silang masuwerte sa isa't-isa, iyon nga lang ay mas swerte ang anak ko hahaha!" Natatawang saad ni Don Rafael, wala namang nagawa ang dalaga kaya nakitawa na lang din ito sa kanyang amo kahit pa hindi niya ito maintindihan.

"Saan nga po pala ang wedding venue?"

"In The Peninsula."

Akuji Morte

Sa loob ng kwarto ni Yiel ay naroon siya paikot-ikot, hindi mapakali sa iisang tabi. Lakad doon, lakad dito. Nagdadalawang isip kung dapat nga bang sundin niya ang sinabi ng kanyang babaeng kaibigan kanina.

'Dapat nga bang pumayag ako sa kagustuhan ni Giovanni?'

Hindi niya na naman mapigilang tanungin ang kanyang sarili, dahil paulit-ulit siyang binabagabag ng kanyang isipan tungkol sa pakikipag-isang dibdib sa kanyang lalaking napupusuan na si Giovanni.

Hindi niya mawari kung tama o mali ang gagawin niyang desisyon. Gusto niyang ikasal sa lalaki ngunit tumututol ang kanyang isipan, ngunit sumisigaw naman ang kanyang looban na dapat niya nga itong pakasalan.

"Ano bang gagawin ko?" Naguguluhan ng tanong ni Yiel sa kanyang sarili, hindi pa rin tumitigil sa kakaikot sa kanyang silid.

"Hoy, ano ka ba naman, Yiel!"

Hindi nito napansin ang pag-pasok ng kanyang babaeng kaibigan sa kanyang kwarto dahil sa sobrang gulo ng kanyang isipan.

"Briana, ikaw pala."

"Umalis ako ng umiikot ka, bumalik ako ng umiikot ka pa rin diyan. Ano bang nangyayari saiyo?" Natatawang tanong nito kay Yiel na noon lang huminto sa kakalakad at naupo sa sariling kama.

"Hindi kasi ako sigurado tungkol sa inaaalok ni Giovanni, Briana." Pag-amin niya sa kanyang kaibigan.

"Ha? Bakit naman? Eh hindi ba't gusto mo naman siya at sinabi mong gusto ka rin niya. Anong mali?"

"Ito." Pagturo ni Yiel sa kanyang dibdib.

"Anong meron sa damit mo?"

"Eh! Puso kasi, hindi damit, ano ka ba!"

"Ah, puso ba? Hindi mo naman kasi nililinaw!" Sinimangutan naman siya ni Yiel nang tawanan siya ng kanyang kaibigan.

"Ano ba kasing meron diyan sa puso mo?"

"Siya lang ang may gusto. Habang ito namang isip ko, tumututol. Naguguluhan tuloy ako."

"Sa totoo lang, tutol din ako, kaso sayang 'yung pagkakataon. Yayaman ka na din kapag ikinasal ka kay Don Giovanni, oh hindi ba? Ayaw mo ba noon? May pagkakataon ka ng rumampa rampa sa labas!"

"Pero kasi, hindi ba't parang ang bilis naman masiyado kung isasakal na agad kami?" Naguguluhang tanong niya. Agad namang kumunot ang noo ng kanyang kaibigan dahil sa narinig nito mula kay Yiel.

"Ano kamo ulit iyon?"

"Parang mabilis masiyado ang pangyayari kung isasakal na agad kami!" Pag-uulit ni Yiel sa kanyang sinabi.

"Isasakal?" Hindi malaman kung matatawa o kung ano ang kanyang kaibigan dahil sa maling pagbigkas ni Yiel sa salita.

"Oo, hindi ba't iyon 'yung pag-iisang dibdib na sinasabi mo?"

"Anong isasakal? Ikakasal iyon, jusko! Gusto mo atang maagang mamatay eh. Ikakasal, okay? Ikakasal! Repeat after me!"

"Ha? Ripit apter me?"

"Ang ibig sabihin niyon ay ulitin mo ang sasabihin ko." Pagliliwanag nito kaya naman mabilis siyang napatango nang maintinidihan niya na ang ibig sabihin ng kanyang kaibigan.

"O-oh?"

"I.."

"I.."

"kaka-"

"kaka-"

"sal!"

"sal!"

"Ikakasal!"

"Ikakasal!"

"Ayan! Ikakasal!"

"Isasakal!"

"Anak ng tinderang balot na hinog ang saging! Ikakasal nga, Yiel! Ang kulit ng lelang mo ah."

"Pasensya na, nakakalito naman kasi ang salitang iyon." Kakamot kamot sa ulong sambit ni Yiel.

"Oh, ulitin mo."

"Ikakasal."

"Ayan! Pero bakit mo naisip iyon?" Tanong ng kanyang kaibigan.

"Na masyadong maaga kung IKAKASAL kami agad?" Pagdidiin nito sa salitang kanyang maling naibigkas kanina, dahilan para matawa ang kanyang kaibigan.

"Oo, ano naman kung mapapaaga? Maganda nga iyun eh, mas maaga ka ring makakalabas dito. Ayaw mo ba nun?"

"Gusto . . ang kaso, hindi ba't kanina lang niya sinabi ang nararamdaman niya tapos mag-iisang dibdib na kami agad-agad? Hindi ba dapat ay bigyan muna namin ng panahon ang isa't-isa para mas makilala niya ang pagkatao ko ganoon din siya bago ang lahat?"

"Kilala mo naman na siya ah? Noon pa lang ay nakikita mo na siya, iyun nga lang ay mas matanda siya saiyo ng limang taon."

"Ngunit paano ako? Kilala niya na ba ako? Yung tungkol sa mga tinatago kong sikreto, alam niya na ba? Paano kung hindi niya iyon matanggap tapos iwan niya lang din ako pagkatapos naming ikasal?"

"Ayon lang ang hindi ko alam, pero kailangan mo ng pag-isipan ang isasagot mo sa kanya. Dahil mamayang hapunan lang ay nandito na ang mag-amang iyon. Pero ito ang tatandaan mo, Yiel. Hindi lahat ng tungkol sa sarili mo ay kailangan mong sabihin sa ibang tao, dahil minsan mas nakabubuti na itago na lamang ang katotohanan bago mo pa pagsisihan." Sambit ng kanyang babaeng kaibigan na nakapag-patigil naman sa kanya.

"Kinakabahan ako, Briana." Nakasimangot na saad ni Yiel, hindi alam kung ano ang susundin.

Sa sandaling iyun ay halo-halo na ang nararamdam ni Yiel. Bagamay masaya siyang nalaman niya na may gusto rin sa kanya ang taong napupusuan niya, ay hindi niya pa rin maiwasang mangamba.

Tama nga ba na pakasalan ko ang taong hindi pa ako ganong kilala?

Bab terkait

  • Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)   Chapter 6: His Proposal

    Akuji MorteHinarap ni Yiel ang kanyang kaibigan. Kanina pang malalim ang iniisip niya at hindi na malaman kung alin nga ba ang dapat niyang pakinggan."Hindi ko alam, Briana, kung sino ang susundin ko, ang puso ko ba o ang isip ko?" Naguguluhang tanong ni Yiel sa kanyang kaibigan na ikinabuntung hininga nito."Alam mo, kung ako sa iyo. Sundin mo ang . ." "ang?""Ang sikmura mo! Kumain ka muna kaya para makapag-isip ka ng maayos? Tara na." "Sabagay, gutom na rin naman ako.""Oh halika na, gutom na rin ako, sasabayan kitang kumain hangga't wala pa sila Don Rafael. Naku! Hindi pa naman tayo pwedeng makita na magkasama ng matandang iyon.""Bakit ba bawal akong makisama sa ibang tao rito?" Naguguluhang tanong niya dahil iyon talaga ang napapansin niya. Sa tuwing lalabas siya ay masiyadong ilag ang mga tauhan sa kanya, ni tumingin sa mata sa nito tuwing kinakausap niya ay hindi magawa."Hindi ko rin alam, ang weird 'no?""Weird?""Oo weird, parang kakaiba, hindi normal, magulo, ganoon.""

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-02
  • Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)   Chapter 7: Wedding

    The Peninsula Hotel, Metro ManilaAkuji Morte "Ayos ka lang ba, Yiel? Bakit nakatulala ka lang riyan?" Nagising ang diwa ni Yiel nang maramdaman niya ang mahinang tapik ng kanyang kaibigan sa balikat nito. Kanina pa siyang nakatitig sa kawalan at hindi manlang magawang igalaw ang kanyang katawan. Tila may bumabagabag sa kanyang isipan."Araw ng kasal mo pero parang Biyernes Santo ang mukha mo, iyung totoo? Lutang ka ba ngayon?" Hindi na napigilan ni Briana na hawakan ang parehong balikat ni Yiel para iharap sa kanya ang katawan nito."Ano bang iniisip mo?" Nag-aalalang tanong ni Briana kay Yiel. Bahagya namang bumuntong hininga si Yiel."Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang iba ang pakiramdam ko ngayon," Yiel sighed. "Ganito ba talaga ang pakiramdam ng ikakasal?" Bumaling ang tingin ni Yiel sa kanyang kaibigan na siya ring Maid-of-Honor niya ngayon.Kasalukuyan silang na sa loob ng isang suite ng Peninsula Tower, one of the five-star luxury hotel in the Philippines located at t

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-02
  • Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)   Chapter 8: Witness of Murder

    Giovanni LastraMalaking ngisi ang bumalatay sa kanyang labi habang pinapanood ang kotse ng kung sino na paparating gamit ang kanyang telescope."Lapit pa, tanda." Hindi nito maiwasan ang sarkastikong matawa nang makita niya ang paparating na BMW Sedan. Itim na itim ang kulay nito at nangingintab. Mas lalo pang kumurva ba ang ngisi sa labi ni Giovanni ng maisip niyang parang karwahe ng patay ang sasakyang iyon. Naaakma lang iyon dahil ang ilang segundo lang ay doon fin naman mapupunta ang katawan na matandang iyon."Your time has come, old man." Sambit pa ni Giovanni. Matagal na panahon din ang hinintay ni Giovanni ang pagkakataon na ito upang maisakatuparan ang matagal niya ng binabalak.Tumalim ang kanyang mga mata ng masipat niya na mas papalapit pa ang sasakyan nito. Marami na siyang napatay at ipinapatay sa mga tauhan niya. Wala siyang awa o maski kapatawaran. Wala siyang sinasanto- lalaki, babae, matanda man o bata. Basta gusto niya, babawian at babawian niya ng buhay ang taong i

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-03
  • Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)   Chapter 9: Pretty run-away bride

    Chaos Dale VanteMabilis na tinadyakan ni Chaos ang pinto papasara at saka niya itinutok ang baril sa babae."Sino namang nagpadala sa'yo rito?" Walang gana niyang pinasadahan ng tingin ang isang babae na naka-trahe de boda. A bride? He thought. O, baka naman nagdamit bride lang?Pagod at puyat siya kaya naman ganoon na lang kakunot ang noo niya nang gulantangin siya ng isang napakalakas na pagsabog na sa tingin niya ay nanggaling sa labas ng hotel. Babalewalain niya na lamang sana iyon at babalik na sa pagtulog nang sumunod naman siyang gambalain ng sunod-sunod na katok ng isang . . bride?His suite is equipped with a high-tech gadgets. Kaya naman nakikita niya sa monitor kung sino ang na sa labas ng kuwarto niya. Gusto niya pang matawa dahil mukhang masiyadong nag-effort ang babaeng na sa harapan niya. Seriously? A bride? Ano namang klaseng palabas 'to? Kailangan niya pang mag-costume para lang maniwala siya na walang binabalak itong masama sa kanya.But then, he saw a panic in her

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-03
  • Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)   Chapter 10: Running away with stranger

    Chaos Dale VanteSa hindi niya kasiguraduhan sa mga taong nasa harapan ng kanyang suite ay hindi niya na lamang iyon pinagbuksan. He didn't even try to respond. The more he won't open the door if they keep on banging the door. Nanatili siyang naka-alerto habang inaabangan na ang mga taong ito ang siya mismong bumukas ng pinto.Ngunit ilang minuto lang rin ang lumipas at tumigil na ang kakakatok ng mga ito. Pinanood niya pa sa monitor ang pag-alis ng mga armadong lalaking iyon. Marahil, inakala ng mga ito na walang tao sa suite na iyon.Nang tuluyan nang mawala ang mga ito ay saka niya kinatok ang pintuan ng kanyang kuwarto kung nasaan ang babae. Kumunot agad ang kanyang noo nang hindi ito nagbubukas ng pinto, kaya naman buong lakas niyang tinadyakan iyon. The door came crashing down."Aaaaa!!" Tili ng babae at napapikit pa ng mata nang dahil sa gulat."Labas!" Giit ni Chaos at muling itinutok ang baril sa babae. "Ngayon magpaliwanag ka.""And that better be good, dahil kung hindi. Ako

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-03
  • Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)   Chapter 11: Uncostumary Hero

    Akuji Morte Matapos magpalit ni Yiel ng damit ay lumabas na siya ng kuwarto at humarap sa lalaki na ngayon ay nakabihis na rin. Nakasuot ito ng plain white na long sleeve at brown jeans. Habang ang suot naman ni Yiel ay ang oversized na hoodie jacket ni Chaos dahil iyon lang naman ang kakasya sa kanya at isang shorts na bumagay rin sa kanya."Salamat dito. Huwag kang mag-alala dahil babayaran ko rin ang mga ito, kapag may pera na ako hehe," sambit pa nito, habang pinagmamasdan ang sarili. She didn't know that it makes her feel more comfortable when wearing oversized shirts."Tss, no need to." Seryoso pa rin ang mukha ng lalaki na hindi manlang sinusubukang tapunan ng tingin ang inosenteng babaeng na sa kanyang harapan."Ha?""Huwag na.""Okay, sabi mo eh. Salamat ulit!" Hindi inakala ni Chaos na gano'n ito kakulit, ang akala niya ay mahinhin itong babae dahil hindi halata sa hitsura nitong napaka-disente. Pinagmasdan niya naman ito mula ulo hanggang paa."Wala ka bang nakakalimutan?"

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-04
  • Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)   Chapter 12: Truth behind all lies

    Akuji Morte Kanina lamang nang lumabas si Briana sa suite ni Yiel ay nakita nito si Forte na nag-aabang sa labas ng suite, kaya naman nanghinala si Briana at tinanong ang lalaki kung anong ginagawa niya roon. Kaya naman kinuha ni Forte na tsansa iyun upang sabihin ang lahat ng katotohanan kay Briana para matulungan siya nitong itakas ang heir mula sa hotel na ito at hindi matuloy ang kasal. Labis na pagkagulat ang naramdaman ni Briana nang malaman niya ang katotohanan, kaya naman hindi ito nag-dalawang isip na tulungan si Forte at hanapin si Yiel.Matapos mahiwalay ni Yiel sa lalaki ay dali-dali sumakay sa isang sasakyan na siyang mabilis na pinaandar ni Forte paalis."Anong nangyayari? S-saka, sino siya, Briana? Kaibigan mo ba siya?" Naguguluhang tanong ni Yiel sa kaibigan niya, tinutukoy ang lalaking nagmamaneho ngayon."Hindi ko siya kaibigan, pero kakampi mo siya," saglit na kumunot ang noo ni Yiel na sinabi ng kanyang kaibigan."Kakampi ko? B-bakit?""Ikaw na lang ang magsabi s

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-04
  • Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)   Chapter 13: The beginning

    12 YEARS LATER . . .La Cosa Agency"Agent ghost, you're late again." I salute matapos kong makasalubong si Chief pagkapasok ko pa lang sa entrance ng building ng agency namin.La Cosa Agency is under the most influential Morte Organization who's currently held by Don Giovanni Lastra, but originally own by the unknown wanted heiress na kung saan ay siyang dahilan kung bakit nagkaroon ng mass hiring for the agents 10 years ago.At ang dahilan kung bakit wanted ngayon ang Morte heiress sa lahat ng secret agents ay dahil base kay Don Giovanni, the heiress just mercilessly killed his father, Don Rafael, exactly on the day of their wedding. "Hindi ka na nasanay dito kay multo, chief. Magparamdam nga hindi nito magawa, pumasok pa kaya nang on-time." My eye-brows arched nang bigla na lang akong akbayan ng kumag kong partner. It's Chase, but he's more known as Z, since it's his codename inside the agency. While I'm Chaos, but known as the 'ghost' agent, and yes, Z is right. Madalang lang ak

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-04

Bab terbaru

  • Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)   31: You're not allowed

    Ilang saglit lang ang binyahe namin ni Briana at huminto na ang tricycle na siyang sinakyan namin patungo sa building ng Delta Apparel.Ito ang unang pagkakataon na nakapunta ako rito at unang beses rin na nakita ko ito ng personal. Halos malula pa ako sa taas nito nang subukan kong abutin ng tingin kung gaano kataas ang building na siyang na sa harapan namin."Wew!" Narinig ko ang pagsipol ni Briana sa tabi ko. Halatang hindi rin ito makapaniwala sa nakikita. Mukhang hindi biro ang kompanya na ito dahil sa sobrang laki at lawak, hindi lang iyun, dahil kahit ang mga empleyado rito na siyang nakikita naming lumalabas ay mukhang mga galante rin dahil may kanya-kanya silang sasakyan."Para namang nakakahiyang mag-trabaho rito," napapakamot sa ulo na saad ni Briana at nagawa pang ayusin ang suot niya nang dumaan sa harapan namin ang isang babae na mayaman kung tignan dahil sa suot nitong napakagara."Huwag na lang kaya akong mag-apply? Nakakahiya. Tara na nga, Yiel, umuwi na lang tayo," a

  • Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)   30: Delta Apparel

    Yiel Amaro"Ang galante pala talaga sobra ng Chaos Dale Vante na 'yun," hindi makapaniwalang sambit ko habang pinagmamasdan ang black card niya na siyang gagamitin ko para makakain ako ngayon.Ngayon lang ako nakahawak ng ganitong card at aaminin kong tumatakbo sa isip ko ngayon na maaari ko itong gamitin para makatakas. Pero naiisip ko pa lang kung gaano karami ang resources ng taong 'yun, ay hindi pa man ako nakakalayo, natunton niya na agad kung nasaan ako.Grabe, feeling ko talaga mamamatay na ako kahit anong oras.Until now, I still can't imagine kung gaano kalaking pera ang winaldas niya para lang bilihin ako. It annoys me, sa totoo lang. Sino bang hindi magagalit na ang taong bumili sa buong pagkatao mo ay ang taong kinamumuhian mo? Pero at the same time, I felt relieve dahil hindi ako sa matandang mukhang hukluban na iyun napunta.May silbi rin pala talaga ang kagustuhan ni Chaos Dale Vante na pakasalan ako dahil hindi niya talaga ako hinayaang mapunta sa iba, pero hindi ko si

  • Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)   29: Hiring New Secretary

    CHAOS DALE VANTESipping my coffee while eyes dart outside the building, pareho kaming tulala ni Chase sa kawalan. I even heard him making sounds."Tss, problema 'tong pinasok natin," saad niya.It really is a problem, at halatang halata iyun sa mukha ni Agent Z, dahil mukha na siyang sabog ngayon.Hindi naman siya ang bumaril kay Ms. Terra, pero kung umakto siya at ang itsura niya ngayon ay mas problemado pa sa akin."Anong plano mo niyan, ghost?" Baling nito sa akin. I put my coffee down at muling napaisip.Plano?"I don't know," sagot ko na nakapag-pabuntung hininga sa kanya."Kailan ka ba nagkaroon ng plano tuwing may mission ka. Tss, sa bagay kapag naman naroon ka na sa eksena ay bigla mo na lang akong tatawagin at sasabihin sa akin ang dapat kong gawin at saka mo tatapusin ang mission ng malinis at mabilis," reklamo nito.That's the problem to me. I never ever tell what's my next step to anyone. Kaya naman minsan ay nahihirapan si Chase na sumabay sa akin dahil impromptu siyang

  • Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)   28: New Mission Onboard

    CHAOS DALE VANTEWay back to the agency, sinalubong ako ni Agent Z sa parking space when he heard that I'm coming."Grabe, ghost! I still can't believe that it was the Yiel you're talking about! She's hella deadly gorgeous, bro! Mula ulo hanggang paa. Just how lucky you are dahil nakatagpo ka ng isang Yiel Amaro." Unang bungad sa akin ni agent Z nang salubungin ako nito."Tss, ulol. Back off," iritadong saad ko."Luh, bakit parang ang init yata ng ulo mo at halos magrambulan na 'yang mga kilay mo sa pagkakakunot?" Natatawang tanong nito habang sinasabayan ang lakad ko patungo sa loob ng agency."At saka, hell with the back off, pre? You should said that to yourself. We both know that you spend all your time finding her for fucking 12 years. But suddenly, will appear as someone who knows a lot about our target? And what? Siya din pala ang magiging daan natin para mahanap si Akuji Morte. We don't know if she's dangerous, bro. Hindi natin alam kung anong alam ni Don Giovanni sa kanya, an

  • Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)   27: Accepting The Proposal

    CHAOS DALE VANTEI don't know what to feel. Should I be happy knowing na lahat ay umaakma sa plano ko. O dapat ba akong mag-alala, knowing that it's Yiel, the Yiel I was looking for in my entire life. I know there's a part of me that I'm happy and I'm celebrating dahil in any way, I could finally live my life with her whenever I want to, pero bakit ako nag-aalala?Hindi kaya dahil alam kong malaki ang posibilad na madamay siya sa gulong meron kami? We're literally looking for the Heiress na siyang pumatay kay Don Rafael, at hina-hunting namin siya ngayon just to kill her, and Yiel Amaro is our lead to her. Hindi imposibleng may dumanak na dugo at may buhay na pumanaw dahil hindi ordinaryong buhay ang pinasok namin.We're surrounded by fire, everything is on fire because we're in hell.O baka naman nag-aalala ako dahil hindi ko naman talaga kilala kung anong meron kay Yiel Amaro? Kung sino talaga siya? We literally just met once, at bukod sa feelings ko para sa kanya na bitbit ko hangg

  • Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)   26: Marriage Contract

    YIEL AMAROIsinara ko na ang pinto ng sasakyan at saka ako suminghap ng hangin at ibinuga iyun.This is it, Yiel. Ito na ang umpisa ng lahat, pero ang tatapos rin sa'yo.“Hi, Ms. Yiel,” gulat kong naibaling ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko na. Bumuka pa ang bibig ko nang mapagtanto kong ito iyung security guard na naging dahilan kung bakit natagalan pa ako sa pagtakas kaninang umaga dahil naharang niya ako. “Welcome back.” Nakangiting saad nito.Nahihiya naman akong ngumiti pabalik. Hindi ko alam kung ang ngiti niyang iyun ay natural o natatawa. Dahil ba alam niyang palusot ko lang ang lahat nang sinabi ko kanina at balak ko talaga ang tumakas? Ang sinabi pa naman ng Vante na iyun kanina ay matq-rack nila rito ang location ko kahit saan pa ako magpunta. Kaya ba naroon siya kanina sa Spedo Underground, dahil alam niyang naroon ako?Grabe, bilib na talaga ako sa kapangyarihan ng Vante na 'yon. Parang wala siyang bagay na hindi kayang gawin.“Tara po,” tumalikod na ito sa aki

  • Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)   Chapter 25: Two option

    YIEL AMAROAm I just imagining things or this jerk named Chaos Dale Vante really bought me for a freaking what? Five hundred billion dollars?Seryoso ba siya? Ano bang espesyal sa akin na mukhang kailangang kailangan niya para lang maglagas siya ng ganong kalaking pera? Am I that deadly gorgeous for him to chase me?Well, I'm sorry to tell him, pero binabawi ko na ang sinabi ko kanina. I'm not greatful at all na binili niya ako dahil kahit kailan ay hindi noon mababago ang katotohanan na sila ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang Kuya ko.They're nothing but a merciless criminal who kills innocent people.Naiisip ko pa lang na hinayaan kong may mangyari sa amin kagabi ay kinikilabutan na ang buong sistema ko.Speaking of the devil, I'm currently inside his car at mukhang babalik na naman kami sa mala-palasyo niyang teritoryo. He's quitely just seating beside me. Seryoso at diretso lang ang mukha habang nag d-drive.Hindi naman siguro masama if I ask him kung may nangyari talaga sa

  • Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)   Chapter 24: Sold to Billionaire

    "50 million! Higher?" Sigaw ng babae na siyang nasa stage, katabi ang babaeng nakaupo ngayon sa isang upuan. She looks young, tila naawa ako sa itsura nito dahil ang inosente niyang tignan. Parang wala siyang alam sa nangyayari, she's just watching the crowd raising their hands, yelling a price to buy her. Not knowing she will be sold to someone she doesn't know.Kung nasasaktan ako para sa babae na ngayon ay siyang nasa stage, ano pa ako para sa sarili ko. I thought makakaalis ako kanina, pero I still ended up here. Panay ang baba sa suot kong napakaikli na damit, it's a spaghetti strap white fitted dress, ang ikli na nga ang fitted pa! Ano ba namang klaseng damit 'to?!"100 million!" Someone raise his hands atsaka nito inilapag ang case sa lamesa, kasama ang dalawa pang bag.Napanganga ako nang umangat ang ulo nito. The heck, hindi ko alam na may mga ganito kagwapong sumasali rito?"Going once, going twice! Any higher than 100 million?" No one answered."Thalia Lasuel sold out to

  • Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)   Chapter 23: Auction Ground

    YIEL AMAROIlang oras pa ang tinagal ng biyahe namin nang huminto ang sinasakyan kong kotse sa isang mataas na building.Spedo Underground That was the name of the building, kapansin-pansin ito dahil sa napakatingkad na kulay at ilaw na nakapaligid dito."Come on, dear," pag-aya sa akin ng babae. Again, the two men that looks like a bodyguard escorted me towards the building. Wala naman akong nagawa kundi ang maglakad na lang dahil pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda sa akin kung aatras ako.Inilibot ko ang paningin sa paligid nang sa wakas ay makapasok kami sa building, it was big. Para itong hotel na mayayaman lang ang pwedeng pumasok sa sobrang laki at ganda."This way, dear." She pointed the door as we enter a hallway, mayroon doong nag-iisang pinto sa gitna. Sumunod naman ako sa babae at saka kami bumaba ng hagdanan.Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng kaonting kaba dahil unti-onting dumidilim ang paligid, wala ng liwanag, dahil wala ng ilaw sa daan na tinatahak namin.

DMCA.com Protection Status