Share

Kabanata 0003

"manang myrna si Irish tumatawag" hingal ng dumating ang kapatid na mas bata kesa sa kanya nang I abot sa kanya ang tawag ng kanyang dating alaga.

"Yaya Im here na at Isla Alap" paos ang boses ng dalaga at mukhang kagigising niya lang.

"antayin mo ako jan nak " bilis niyang tinungo ang kwarto upang kumuha ng pera para sa pag arkila ng sakay dahil medyo kalayuan ang bayan ng Isla Alap .

Agad siyang lumabas ng mansion at sakto nman ang dating ng kanyang alagang binata .Noong pinalayas kasi siya sa bahay nila Irish ay nagkaroon ulit siya ng alaga na siyam na taong gulang na din noon ang binata .

Siya si Rain Yael Mondragon tawag sa kanya ng lahat ay Senyorito Yael .

"saan ang punta niyo nay" tanong na binata sa kanya . Habang pababa siya sa kotse at binigay sa lalaking bantay sa harap ng mansion ang susi para mai park sa Parking area.

"kayo pala senyorito ,Sunduin ko lang sana yung pamangkin ko na darating ngaun" blanko ang mukha ng binata na mukhang nagtataka na may pamangkin pala ang ginang.

"pamangkin kasi ang turing ko sa kanya dahil anak siya ng tinuring kong kapatid sa maynila noon senyorito " bilis siyang gumawa ng kasinungalingan upan hindi na magduda ang alagang binata.

"make sure mapagkakatiwalaan yan manang ,dahil kung hindi ako mismo magpapalayas sa kanya" malamig ang tono ng binata kaya hindi niya masisi kung kailangan nila ng siguridad dahil mayamang pamilya ang Mondragon dito sa Isla Alap.

Saka lang nakahinga ng malalim si Myrna nang pumasok na ng tuluyan ang binata at hindi na hinintay ang sasabihin .

Malapit na ang ginang sa Gate ng mansion ng may kotse na nagbusina sa likuran niya at nakita niyang driver ng Mondragon at dumungaw na lulan ng sasakyan.

"aling myrna .Sakay na kayo at sunduin natin ang pamangkin niyo .Para mabilis daw po kayo makarating sabi ni senyorito Yael" pinagbuksan ng lalaki ang ginang ng pintuan at walang atubiling sumakay siya. Nagpasalamat siya dahil mas mapapabilis ang pagsundo nito sa dalaga.

Pagkarating nila sa terminal ay hinanap niya agad ang dalaga. Hindi niya kasi nadala ang cellphone ng kapatid kaya hindi niya ito matawagan. Hindi na niya maalala ang mukha ng dalaga at mukhang nagbago na ito dahil 15 years na nung iniwan niya at mukhang 28 anyos na ang dalaga ngaun. Baka malaki na rin ang pinagbago nito. Kaya nag alinlangan siyang tawagin ng Irish ang dalagang nakikita niya dahil nagiingat lang siya sa panganib na nangyayari sa dating alaga.

Nabigla siya ng may tumakip sa mata niya at alam niyang yung dating alaga na niya to dahil ito ang lagi niyang ginagawa pag pinagtataguan siya noong bantay palang niya ito.

"Nay bakit parang tulala kayo " pagkaharap niya sa dalaga ay natutulala ang ginang dahil ibang iba ang Irish na akala niya.Maganda ang dalaga porselanang kutis,matangkad,maganda ang hubog ng katawan,may mahabang buhok na animo rebond pero natural lamang at may magandang pilik mata at nangungusap na animo nang aakit na mata ,mapula pula ang pisngi dahil sa kaputihan niya at ang labi ng dalaga ay hindi na nangaingailangan ng lipstick dahil pula na ito.

"tsk" pumitik si Irish sa harap ng ginang dahil mukhang tulala na ito .Simple lamang ang suot dahil kabibili niya lang nangangati kasi siya sa tela ng sinuot niya kanina na bigay ng tumulong sa kanya .Buti nalang at may nagbebenta ng damit sa terminal kaya bumili siya ng t-shirt puti ang binili para preskong tignan at hindi mahalata ang hubog ng katawan dahil ang mga kalalakihan ay kanina pa nakatingin sa kanya .at maong na short. na hanggang kalahati ng kanyang hita . Sakto naman na bagay sa Boots na suot niya nung nakidnap siya ng hindi kilalang tao.

"naku Irish anak ikaw na ba talaga to .ang ganda muna" saad ng ginang na siyang hinaplos ang mukha ng dating alaga.

"yaya naman .ako to ." yumakap siya sa ginang dahil ramdam niya safe na siya sa panganib.

"tara na anak kasi baka may nakakakilala sayo dito ." hinila niya ang alaga upang pumunta sa kotseng gamit para sunduin siya.

"a--aaling myrna siya na yung susunduin natin" halos lumuwa ang mata ng driver dahil sa ganda ng kanyang kaharap ngaun . Parang nakakita siya ng modelo .Marami siya nakikitang babae na inuuwe ng senyorito nila pero hindi ganun kaganda ng gaya ng kaharap niya ngaun na mukhang all natural walang halong kemikal.

"siya nga pala ang driver ng isa naming amo .Odoy siya ang pamangkin ko si Irish" pagpapakilala niya ng ginang sa lalaking kanina pa tulala.

Nangunot ang noo no Odoy dahil hindi makapaniwala na pamangkin siya ni aling myrna.

"wehhh" saad nalang niya .pabulong sana yon ngunit napalakas pala. Kaya nabatukan siya ng ginang dahil sa itsura niyang hindi naniniwala.

Lalong humanga ang lalaki kay Irish dahil nang tumawa ang babae ay pantay pantay ang ngipin at kung tumawa ay nawawala na ang mata.

"ganda ng pamangkin niyo aling myrna .Parang hindi niyo pamang--- aaarrayyy aray " hindi na niya natuloy ang sinabi dahil kinurot ng ginang ang tagiliran nito.

"oohh tama na hehe sakay na po kayo at baka magalit si senyorito dahil sa tagal natin " pagkabukas niya sa pintuan ng kotse .Nagtaka siya dahil walang dalang bag or maleta ang dalaga. Kaya napansin ni Irish na may hinahanap ang lalaki.

"naiwan ko sa bus .umalis kasi agad .kaya po bumili nalang po ako ng damit jan pamalit" nagsinungaling na siya ngunit kailangan niyang panindigan dahil kailangan na niyang makalayo sa panganib.

"halla dapat report natin ineng" pag aalala ng lalaki sa gamit ng dalaga.

"hayaan mona Odoy .madami namang damit doon na bigay ni senyora noong dalaga pa siya .mukhang kasya kay Irish yon" nakatitigan sila ng ginang at mukhang kailangan nilang magpanggap

.

Tumango na lamang ang driver at bilis niyang pinatakbo ang kotse dahil may mensahe siyang natanggap mula sa senyor na kailangan siya.

Tahimik lamang ang ginang at si Irish sa passenger sit .Hinawakan ng ginang ang kamay ng dalaga kaya ngumiti na lamang siya bilang tugon sa pagpaparamdam niyang safe na siya sa piling niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status