"Bakit niyo hinayaan na mabuntis ang pamangkin niyo na hindi panagutan ng lalaki Nay" nagulat si aling myrna sa tanong ng binata habang ito ay nagkakape .Pinag handa niya ito ng almusal dahil mukhang papasok sa kanilang kumpanya.
"senyorito!! sabi kasi ni Irish gustuhin man niya ipaako sa lalaki ngunit ayaw ng lalaki sa responsibilidad" nabigla man ang ginanc ngunit kailangan niyang gumawa ng kwento upang hindi na ito magtanong pa.
"magulang niya like your kapatid kamo na nasa maynila!! bakit hinayaan nila pumunta dito sa Isla gayong malayo!?? " madaming tanong ang binata ngaun na siya naman pinagtataka ng ginang. Minsan walang pake sa paligid ang binata ngunit ngaun .
"Siguro dahil darating ang Don kaya madami siyang tanong" saad nalang ng kanyang isip habang nagsasalin siya ng tubig sa harap ng alaga.
"may kondisyon si lolo, kung sino ang unang makapag asawa at bigyan siya ng apo siya ang mangangalaga sa malaking shares sa kompanya Nay! " nagsasalita ang binata habang hinihiwa ang hotdog nitong ulam . Nabigla man siya ngunit hindi niya alam kung ano ang isasagot.
"gusto kong makausap ang pamangkin niyo .Papuntahin siya mamaya sa office ko" kunti lang ang kinain ng binata kaya mabilis siyang natapos .
"ngaun din!" tumango lamang siya bago tumalikod ang alaga.
Mabilis siyang tumungo sa kwarto kung saan nandoon sa Irish na nagsusuklay dahil bagong ligo ito .
"kausapin ka daw ni senyorito!" pagkasara niya sa pintuan ng kwarto lumapit siya sa dalaga at siya ang nagsuklay sa buhok nito.
"kung ano man ang kondisyon na ibibigay niya tanggapin mo nalang nak .kesa umalis ka sa poder ko .Hindi ako makakapayag!" .niyakap niya ang dalaga dahil naawa siya sa kalagayan ng dating alaga. Hindi niya lubos maisip na magtatagpo uli sila sa ganitong komplikado na sitwasyon .
"ano kaya sasabihin niya Nay .. Gusto ko po kasi ayaw ko muna umalis dito hanggat hindi ako manganak .kailangan kong bumalik doon para malaman kung sino ang pumatay kay papa at para mangyari yun .Maiiwan ko ang anak ko sa poder niyo para kahit paano ay magawa ko ang lahat ng gusto ko" napayakap na din si Irish sa kanyang tinuring na pangalawang Ina. Magaan ang loob niya sa ginang kaya tiwala siyang hindi siya pababayaan .
"depende anak .Lalot uuwe na ngaun si Don .Hindi naman kita ilagay sa bahay ko sa probinsya dahil malayo doon ." hinaplos ng ginang ang buhok ng dalaga. Gustuhin man niya tumira dito ang alaga ngunit wala siyang magagawa kung ipapatupad na ng senyorito Yael ang rules ng mansion .
Tumango lamang si Irish wala siyang choice kundi bumalik sa maynila at kunin ang gamit sa condo ng kaibigan dahil nandoon ang mga kailangan niya upang makapag simula siya. Hindi niya matawagan ang kaibigan dahil na alam kung ano ang numero nito lalot nasa ibang bansa ang kaibigan.
Tumayo na siya at humugot ng malalim na paghinga para kahit papaano ay maibsan ang kabang nadarama niya.
"goodluck anak" hinalikan ng ginang sa noo ang dalaga at tinignan ito na palabas na ng kwarto .Simple lang ang suot na dress ng dalaga na kulay pink pero napaghahalatahan ang kurba ng katawan .
Humugot muna ng hangin si Irish bago kumatok sa pintuan kung saan ay opisina ng binata dito sa mansion .
"pasok" rinig niya loob kaya pinihit niya ang doornub upang buksan ang pintuan ngunit nangangatog na ang kanyang tuhod dahil sa kabang nadarama niya.
" gusto niyo daw ako makausap!" umangat ang ulo ng binata dahil sa asta ng babaeng parang bossy kung umasta .
"sabihin niyo nalang kung papalayasin ako o hindi para alam ko ang gagawin" deretsong tanong ni Irish sa lalaking kaharap. Ayaw niya kasi nang paligoy ligoy na usapan at yun ang nakasanayan niya tuwing inuutusan siya ng kanyang ama na maki pag close deal sa cliyente na kinatatagpo niya. Gusto niya agad agad may sagot na sa kaharap.
Ang buong akala ni Yael ay magmamakaawa ito na wag siyang paalisin at gagawin lahat ngunit nagkamali pala siya ng tingin sa babaeng kaharap. Kaya labis ang kinabigla niya ng ganun nalang ang inasta ng dalaga.
"hindi kaba magmamakaawa or humingi ng pabor para hindi ka palayasin ,Yan agad agad ang bungad mo sa akin gayong ikaw ang may kailangan" tiim bagang niyang saad .Kahit papaano ay nakabawe siya sa pagkabigla sa babae. Kaya tinuloy niya ang ginagawang pagpirma sa dokumento na nasa harapan niya para hindi niya matitigan ang dalaga .
"hmmmm hmmftf " naiinis na ang dalaga kasi hindi niya gusto ang tono ng lalaki kung magsalita.
"Sumagot ka!!!" kunwaring galit lang ang binata dahil hindi na nagsasalita ang kaharap .Dito tumitig na siya sa itsura ng dalaga na animo isang diwata na nasa harap niya dahil sa mahabng dress na kulay pink at nakaayos ang buhok gamit ang hairband na bulaklak .Hapit ang dress sa beywang niya kaya halata dito ang hubog ng katawan .Ngunit umiling siya dahil sa imahinasyon niyang biglang lumaki ang tiyan ng dalaga.
"ano ba kasi ang kailangan mo .pinapunta mo ba ako dito para titigan nalang" inis niyang saad at umupo sa sofa dahil ngawit na siya sa pagtayo .
Tumayo si Yael at inabot ang isang folder .
Kinuha ni Irish ang folder na inabot sa kanya ng binata at binuklat ito na siyang kina nganga ng bunganga niya dahil sa pagkabigla.
"seryoso kaba dito" .tinaas niya ang folder para itanong sa binata kung bakit may ganun siyang kondisyon .
"pag isipan mo ng maayos .Kung gusto mong manatili dito ." blanko ang mukha ng lalaking kaharap ni Irish kaya hindi niya mahulaan kung bakit may ganun siyang kondisyon .
"fine" tumayo siya at akmang aalis na nang.....
"hanggang mamayang gabi .Malalaman ko na ang decisyon mo .Dahil ilang araw nalang nandito na sina Lolo at kapatid ko" nakapamulsang tumalikod sa kanya ang binata na nakaharap na ngaun sa salamin kung saan tanaw niya lahat ng view ng dagat .
"depende!!!" tumalikod na siya sa binata at tuluyan na niyang naisara ang pintuan ng kwarto . Parang nalulunod siya dahil sa labis na pagpagil kanina sa emosyon na gusto niya sa harap ng lalaki .Buti nalang at nagawa niyang balewalahin ang binata lalot nakita niya kanina kung gaano pala kakisig at katangkad ang binata na siyang mukhang maraming abs.
Sinampal niya ang pisngi dahil kung ano ano ang naiisip.
Inis na binalingan ni Yael ang tumatawag at nakita niya sa screen kung sino ay humugot muna siya ng hangin bago sinagot.
"4 days to go.. we will be home my dear grandson" paglalambing ng abuelo sa kabilang linya .Kung susumain hindi yun lambing kundi banta na kailangan niyang may babae na itong ipakilala at mapakasalan pagkauwi niya .
Hinilamos ni Yael ang palad sa mukha dahil mukhang hindi madali ang pagkumbinsi sa Babaeng inalukan niya ng kasal .