Hindi mapakali sa pagkakahiga si Yael sa kakaisip sa babaeng kaharap niya kanina.Halos sakop ng babae ang buong utak niya at nandoon parin ang mukha ng babae. Napabalikwas siya ng bangon dahil sa inis na hindi mawala wala ang mukha ng babae sa kanyang isip .
Tumayo siya sa kama at pumunta sa baba upang kumuha ng wine para kahit papaano ay makatulog na siya dala ng pagkalasing.
Ngunit nabigla siyang mas nauna pala ang dalaga sa kusina at kumakain ito ng mansanas .Pinagmasadan niya ang dalaga at napalunok siya ng makita kung paano ngumuya at uminum ng juice ang dalaga .
"damnnn!!? this brain" inuntog niya ang kanyang ulo gamit ang kaliwang kamay niya. Nalilito siya sa nararamdaman niya ngunit hindi niya maintindihan.
Nang mapansin ni Irish na may parang nakatingin sa kanya mula sa likuran ay bigla siyang natakot na animo may nakatitig sa kanya at biglang sa isip niya ay baka multo . Muli siyang nakiramdam na baka multo nga .
"heyy!!!" akma sanang kalibitin ng binata ang dalaga ngunit .
"ahhhhhh Nay myrna ..Ahhhh wag po nay myrna!!!" nagsisigaw ang dalaga at tinatakpan ang mata na parang natatakot talaga .
Kinabigla naman ni Yael dahil natakot ang dalaga dahil sa kanya ngunit habang tinititigan niya ay napapangiti nalang dahil sa itsura ng dalaga na animo bata na nakatakip ang kamay sa mata na may hawak pang mansanas.
Kumaripas naman ang takbo ang magkapatid na myrna at marie dahil sa sigaw ng dalaga . Agad nilang tinungo ang kusina dahil nandoon ang boses niyang sumisigaw ng marinig nila.
Ngunit nadatnan nila ang binata na nakatayo malapit kay Irish .Namamalik mata lang ata sila dahil kitang kita nila sa mukha ng binata na nakangiti ito at kulang nalang ay magtatawa na ito.
"eheeemmm" pang aasar naman ni Marie sa dalawa at doon naman minulat ni Irish ang mata at ang unang nasilayan niya ay ang lalaking makisig na biglang nag ayos ang itsura sa mukha at bumalik sa pagkaseryoso. Napakunot ang noo niya hindi dahil sa lalaki kundi sa kagagahan niya kanina .Akala niya multo na yung lumapit at kumalabit yun pala ay ang amo nila.
"shiittt gaga ka talaga Irish" .bulong nalang niya sa sarili . Nakataaas ang pang itaas na labi dahil sa kahihiyan.
"napano ka nak" pag aalala ng ginang .
",oook lang po po ako nay " hindi siya makatingin sa binata dahil sa seryosong mukha nito .
"nagulat ko po ata siya nay.. Sino ba naman kasi ang gabing gabi na ay nandito sa kusina para kumain lang ng mansanas" gusto niyang ngumiti dahil naiisip niyang parang bata kung napahiya ang dalaga sa harap niya dahil nagtago sa likuran ng ginang na kung tutuusin hindi makatago dahil matanggap siya at hanggang kilikili niya lang ang ginang.
"pagpasensyahan niyo na Senyorito buntis po kasi kaya siguro nag hanap ng gustong kainin" nagulat ang ginang dahil sa sinabi .Naramdaman niyang humigpit ang hawak ni Irish sa kanyang braso na nagtatanong bakit niya nasabi ang kalagayan niya ngaun.
"what!!!?? ;buntis ka???!!!" napalakas ang boses niya sahil sa pagkabigla at dismaya.
"ano naman kung buntis ako!!?" pagsusungit naman ng dalaga sa kanya. Taas noon siyang tinitigan ng tatlo dahil hindi nila akalain na ganun ang isasagot ng dalaga.
"Nay bakit nagpapasok kayo ng buntis dito .so kargo pa namin siya if ever!!??" binalingan ni Yael ang ginang dahil gusto niya marinig ang paliwanag dito.
Nakatayo parin silang apat sa kusina ng may dumaan na pusa at bilis naman natuwa si Irish dahil sa pusang tumigil sa kanilang harapan na animo nakipag titigan pa ang pusa sa kanila.
"wahhhh ...come ,,come baby!"" bilis na lumapit si Irish sa pusa . Pet lover kasi siya kaya kahit anong hayop ang makita niya ay natutuwa siya. Miss niya tuloy yung pusa nila sa Mansion nag aalala siya doon dahil baka kung ano na ginawa nila sa pusa niya . Biglang nalungkot siya sa naisip .
"dont touch that cat . Buntis ka at bawal sa buntis ang pusa" biglang nabingi si Irish sa sinabi ng binata. Hindi niya expect na sasabihin yun ng lalaki kaya humarap siyang nakanganga at ganun din ang dalawang ginang.
"fine... Concern lang ako .Pero paliwanag niyo parin sa akin kung ano at bakit nandito ang buntis na yan"" turo niya kay Irish na siya naman lumakad at pumunta sa sala upang doon sila mag usap usap .
Sumunod na lamang sila.
"umupo kayo!!" pagmamando ng binata na siya namang sinunod nilang tatlo.
"sino ang nakabuntis sayo at hindi ka mapanindigan" blangko ang isip ng lalaki habang nagsasalita .Tumungga muna ito ng alak bago siya tinignan ng binata.
"hindi ko alam kung sino at paano nangyari to!!" napayuko siya dahil kung sasabihin niyang birhen pa siya pero baka hindi na .ay walang maniniwala.
"carelessss" bulong nalang ng binata sa isip niya .
"ano po!!" takang tanong ng dalaga dahil hindi naintindihan kung may sinabi ba siya o wala.
"wala!!!" umiwas siya ng tingin sa dalaga dahil baka hindi niya makontrol ang saliri at mapatitig na naman siya sa mala anghel na mukha nito.
"senyorito .sana po matanggap niyo si Irish dito kahit buntis .wag po kayo mag alala bibigyan namin siya ng magaan na trabaho ." nakayuko parin ang ginang.
"uuwe si lolo nextweek nay" alam na niya kung ano ibig niyang sabihin .Ayaw niya ng dalagang katulong ang Don kaya hindi maaring makita niya si Irish ngunit saan niya ito dadalhin para mapalayo sa mga taong magtangkang gawang ng masama.
Napatingin siya sa dalaga na siya naman nakatingin sa kanya dahil nagaalala siya at parang may tanong siya ngunit hindi niya maisatinig dahil ang jan ang senyorito sa harapan nila.
"bukas na tayo mag usap .Mag iisip ako ng paraan para hindi kayo mapalayo sa pamangkin niyo lalot buntis pala" .tumayo na ang binata at tinignan niya ang dalaga na hawak nito ang tiyan na animo malaki na ang umbok nito ngunit wala pa dahil sa impis palang ito at hindi pa halata.
"nay ano po ibig sabihin ng antipatikong yon!!" lumapit siya sa ginang at kumapit agad siya sa braso nito upang tanungin.
"ayaw ni Don Husto na may dalagang katulong .Baka daw kasi mainlove ang apo niya dito at ayaw niya ang mahirap na maging parte ng buhay nila dahil ang tingin niya sa mga mahihirap na babae ay pera lang ang habol "
nalungkot ang ginang sa pagpapaliwanag lingid sa kaalaman ng lahat ay nagkagusto siya sa Don noong unang pasok palang siya sa Mansion para mag alaga noon sa Batang Yael na siyam na taong gulang.
Ngunit hindi niya ipinahalata ang pagkagusto noon sa Don dahil ayaw niya sa mahihirap ng babae .Hindi niya alam ang reason ngunit alam na alam niyang galit siya sa mga dalagang katulong. Buti nalang noon ay pinaglaban siya ng kanyang anak na ama ng binata na wag paalisin dahil kailangan siya ng batang Yael noon .
"matapobre pala sila nay!!" .bulong niya sa ginang na animo naiinis siya.
"pero kung malaman nila ang tunay na stado ng buhay mo Irish for sure sila mismo ang maglalapit sayo kay Yael" ngiting ngiti si aling marie na animo kinikilig isipin na maging makatipan ang dalaga at binata.
"manahimik ka at baka may makarinig sayo" .suway naman ng kanyang ate myrna.
Nang mapansin nilang maggagabi na ay pumunta na sila natulog at bukas ulit malalaman nila kung ano ang decision ng binata.