Pagkarating nila Irish sa mansion ng Mondragon na pinagtratrabahuan ng ginang ay namangha siya dito ,hindi dahil sa ganda ng mansion kundi sa paligid nito na puro dagat ang nakikita .Makikita sa view na puro kulay asul ang dagat at kulay puting buhangin. Mataas ang pwesto ng mansion kaya kung titgnan ay makikita mo lahat ang nasa ibaba lalo na ang dagat. Parang natakam tuloy si Irish para maligo ngunit naisip niyang kailangan siyang magpaggap at magtrabaho upang hindi makahalata ang amo ng ginang.
"nay ang ganda ng view" bulong niya sa ginang .
"oo nga anak .siguradong ma refresh ang isip mo dito " sabay hawak ng ginang sa palad ng dating alaga.
Pagkababa nila Irish at aling myrna ay nakatanaw naman sa bandang second floor ang binata nakikita niya doon ang dalaga ngunit siya ay hindi makita dahil may nakatip na malaking kurtina sa salamin na papuntang beranda.
Kumunot ang noon ng binata dahil sa nakikita niya .Likod lang ng dalaga ang nakikita niya dahil nakatalikod ito at hawak hawak ng ginang inaalalayan niya ang dalaga hanggang sa makapasok sila ay hindi man lang niya nakita ang itsura ng dalaga .
Ngunit nagtaka siya dahil hindi maliit ang dalaga na gaya ng kanyang Yaya at kapatid nito na nagtratrabaho sa kanila. Kita niyang ibang iba ang kutis ngunit sa isip ng binata na baka kamukha niya ang mga ginang.
Biglang bumalik siya sa ulirat ng nasilayan niya ang kanyang cellphone na kanina pala may tumatawag,nakita niya sa may screen na ang abuelo niya pala ang tumatawag.
"uuwe kami next week ,Pagka uwe ko make sure may ipapakilala kana sa akin .Kailangan ko ng apo" diin ang pananalita ng abuelo ngunit wala siyang pake ,wala siyang balak maitali sa babaeng hindi niya mahal lalot hindi nabubuhay ang kanyang pagkalalaki anak lang ang kailangan niya .
"tandaan mo .kung sino ang unang mag aasawa at makapagbibigay ng apo siya ang pagbibigyan ko ng aking shares sa kumpanya" paalala ng kanyang abuelo sa kabilang linya.
May kapatid siyang babae ngunit kakompitensya niya dahil naghahangad din ang babae sa shares na ipapamanan ng kanilang abuelo
"yan lang ba ang paraan .and wait. pag uwe niyo may ipapakilala na ako sa inyo ."pagsisinungaling nalang niya para hindi na humaba ang sinasabi ng kanyang abuelo paulit ulit kasi na ganun nalang ang sinasabi .Pero ang totoo wala pa siyang nahahanap sa mga babaeng lumalandi sa kanya. Gusto niya kasi ay hawak niya sa leeg ang babae para hindi na ito makahindi sa lahat ng gusto niya at gusto niya hindi ito nasisilaw sa pera.
"Yes !!! thats my decision" at nawala na ang kausap sa kabilang linya. Inis niyang binato ang cellphone.
Dumeretso ang ginang sa kwarto niya at doon muna mamalagi ang dating alaga hanggat hindi pa siya nakakaisip ng paraan para mailagay niya sa ligtas.
"Irish dito ka muna sa kwarto ah magpahinga ka. Ipaghahanda lang namin si senyorito ng makakain para makakain na din tayo" nilingon ng dalaga ang kwarto at mukhang maayos naman ang kwarto ng mga katulong gaya sa kanilang tahanan . Ngunit malupit ang madrasta niya kaya walang nagtatagal na katulong kaya siya ang inaalipin pag wala ang kanyang ama.
Kumatok ng tatlong beses ang ginang sa opisina ng kanyang alaga .Pag tatlong beses kasi ang katok alam na nitong tinatawag siya upang kakain na.
Pagkababa ng binata ay pumunta agad sa mesang may nakahain na pagkain.
"Nay pakitawag nga yung pamangkin mo at gusto ko siyang ipakilala mo siya sa akin " tuwid niyang saad sabay sandok ng ulam sa kanyang plato.
"aa oo sige senyorito ." bilis na tumalima ang ginang upang tawagin si Irish buti nalang nabilin niya ang dalaga sa isasagot kung sakaling tatanungin siya ng mga amo.
"bihis kana iha .at kakausapin ka daw ni senyorito " nabigla man si Irish pero kailangan na niyang harapin ang katotohanan .Para saan pa ay makikita niya rin ang mga amo ng ginang na siya rin pagsisilbihan niya .
Nagsuot lamang siya ng leggings na nabili niya din sa termilanal hindi na niya pinalitan ang t-shirt na suot dahil hindi pa naman siya nakapag shower.
Abala sa pagkain ang binata
"ah senyorito Andito na po Si Irish pamangkin ko po ". hinawakan ni myrna ang dalaga para hindi nito maramdaman na anjan lang siya.
Biglang natulala si Irish dahil ang buong akala niya sa senyorito na sinasabi ng ginang ay may edad na ngunit parang kaedaran niya lang at mukhang nasa 29 or 30 anyos ang binata.
Muling tinitigan ni Irish ang binata na kumakain at hindi sila pinapansin.
"gwapo nga antipatiko naman"bulong ng kanyang isip .Naiinis siya dahil pinatawag siya tapos hindi pala siya papansinin ganun masarap pa ang kain .Nakaramdam siya ng kunting gutom lalot buntis siya.
Nang matapos kumain ang binata ay hinarap niya ang dalawang tao na nasa harap niya. Bilis na tumibok ang puso niya dahil nabigla siya sa nakita.Parang may anghel sa kanyang harapan at hindi siya makapaniwala na maganda pala ang pamangkin ng kanyang yaya. Tinignan niya ang dalaga mula ulo hanggang paa ngunit sa tingin niya ay perpektong tignan.Simple lang ang suot pero kung titignan ay sopistakadang babae ang kaharap.
"senyorito okey lang po ba kayo" pag aalala ng ginang nang makitang nakatulala ang alagang binata.
Saka lang nagising ang binata sa imahinasyon niya sa dalaga na animo anghel na hulog ng langit. Bigla siyang nakaramdam ng init sa kanyang mukha at nahiya dahil sa pagkatulala niya sa ganda ng dalaga. Marami na siyang nakilala na babae ngunit ang babaeng kaharap niya ay hindi basta basta ang ganda sa paningin niya.
"so ----hmmmmm shit" tinig nalang niya ng makita niyang nakatitig na din sa kanya ang dalaga na kanina pa pala nakakunot ang noo. Siguro mawiwirduhan na ang dalaga sa kanya kaya bigla siyang nainis sa sarili niya.
"ehemmm" umupo ng tuwid si Yael para hindi ipahalata na nabighani siya sa ganda ng dalaga.
"ikaw pala ang pamangkin ni Nay myrna. Paano mo siya naging pamangkin nay ganung wala ka namang asawa or kapatid na sa malayo .Andito naman si Nay marie na kapatid mo na wala din anak at asawa" pinatong niya ang kanyang siko sa mesa upang kausapin sila..
"ahh senyorito" .nabigla man ang ginang sa tanong ng binata .Hindi niya alam na ganun pala ang sasabihin kaya hindi niya alam kung ano ang isasagot dito lalot hindi siya sanay dito magsinungaling.
"Ako nga pala si Irish Jimenez " pagsingit ni Irish sa ginang at binata. Ginamit niya ang Jimenez na apelyedo dahil ito ang middle name ng kanyang ina noong dalaga pa siya.
"pamangkin ako nila nanay myrna dahil may kapatid po sila sa labas at ako po ay anak ng stepsister nila ." buti nalang at nakaisip siya ng palusot .
Matalik na magkaibigan ang ina at yaya niya noon kaya tinuring nila ang isat isa na magkapatid.
Tumango lamang ang binata ngunit hindi siya kumbinsado sa paliwanag nila .Tumayo na siya at iniwan ang dalawa .Hindi na siya nakapag paalam dahil baka kung ano pa ang matanong niya at baka lalo lang siya mabighani sa ganda ng dalaga.
Nakahinga naman ng malalim sina Irish at ang ginang nang umalis na harap nila ang binata.
"salamat nak" hinawakan niya ang palad ng dalaga .Nabigla siy dahil nanlalamig ito.
"ako dapat ang magpasalamat nay " ngumit siya sa ginang.
"tara na kain na tayo baka nagugutom na ang baby mo" pagyaya niya sa dalaga at pumunta na sila sa kusina na siyang may kainan sila doon na mga katulong .Kung ano ang ulam ng mga amo na siya rin ang ulam nila.
Naparami ng kain si Irish dahil nasarapan siya sa lutong ulam .