Katatapos lang nila Irish at kaibigan nito na nagumagahan . Tatayo na sana siya ng tumatawag ang alalay ng ama. Bigla siyang kinabahan at bakit biglang tumatawag ang alalay ng ama.
"sagutin mo beshy baka importante" biglang bumalik ang tino ng isip niya ng magsalita ang kaibigan.
"hello mang obet .napatawag po kayo" .alinlangan niyang tanong sa kausap.
"Senyora wala na Papa niyo po" nabigla siya sa kausap kaya napatayo siya sa sobrang pagkabigla niya ay muntik na siyang natumba buti nalang at nasalo siya ng kaibigan.
"mang obet ano po pinagsasabi niyo ." maluluha na niyang saad sa kausap.
"tama po ang narinig niyo po .May article po akong pinasa at basahin niyo nalang po senyora" agad agad niyang binuksan ang loptop kung saan meron sa harap niya kaya nakita niya ang buong detalye kung paano namatay ang ama. Ayon sa balita ang sinasakyan nitong kotse ay nahulog sa bangin at nasunog kaya ang nangyari ay sunog na sunog ang bangkay na halos hindi na makilala.
"daddyyyyyy" sa sobrang sakit sa nangyari sa ama ay napasigaw nalang ito at umiyak nang umiyak .
"shhhh .besh tama na wag masyado ..beshyy tahan na yang baby" pagtatahan ng kaibigan .Nalulungkot si Rachel sa kaibigan dahil sa pinagdadaanan nito . Ngunit hindi na niya ito madadamayan dahil paalis na siya bukas.
"mang obet gusto ko pong makita si dady" paki usap sa kabilang linya.
"bilin po ng inyong ama na wag na wag na daw po kayo babalik at magpapakita pa sa mansyon senyora .dahil bawal na daw po kayo aapak doon" nabigla siya sa sinabi ng lalaki at umiyak na namam siya dahil kahit patay na ang ama ay galit parin ito sa kanya.
"maiintindihan niyo parin balang araw senyora .lumayo layo muna kayo dito sa atin at baka isunod po nila kayo " nagaalalang tugon ng lalaki sa kanya .Kung ganun ay nasa panganib na din ang buhay niya at baka madamay ang magiging anak niya .
"may mapupuntahan kaba bukas beshh ." sabay hagod ng kaibigan sa likuran niya. Pinapakalma man siya pero hindi parin mawala ang lungkot niya.
"hindi ko alam besh kung saan ako pupunta .gulong gulo na ang isip ko"
-//*
Hindi makapaniwala si samantha na abo na ang kanyang amahin at nilalamayan siya ngaun .Ang buong akala niya mapapahirapan nito para yung mga ibang asset ng amahin ay mapapa sakanya .Ngunit nabigo ang plano niya.
Hindi niya alam kung sino ang may gawa ngunit gusto niyang makilala ito dahil kahit papaano ay gumaan ang plano niya.
"wala na siya mommy " ngumisi siya dahil sa tuwang nadarama niya ngunit hindi niya maaring ipakita dahil meron ang ibang kasosyo sa negosyo kung saan makikiramay sila sa namayapang amahin .
Hindi naging maganda ang relasyon nilang bilang mag ama dahil hindi siya tanggap ito at lalong lalo hindi siya tunay na anak. Kabit lang ng amahin niya ang kanyang ina .Pero ayon sa kwento ng kanyang ina ginawa niya lahat para masolo niya ang pekeng ama. Kaya pinapatay nito ang tunay na ina ni Irish .Mas panganay ng isang taon si Irish kumpara sa kanya Kaya noong namatay ang ina ni Irish ay ginawa lahat ng kanyang ina upang maangkin ang Amahin noon .May nangyari sa kanila noong lugmok sa alak ang amahin kaya ang ginawa ng kanya ina daw noon ay inakit ito at may nangyari.Pero bago pa may mangyari sa kanila ay nakanaig muna ng ina ang kanyang tunay na ama kaya hindi kalayuan ay may nabuo at ang buong akala ng amahin ay sa kanya kaya tinggap niya ang ina sa mansion .Ngunit hindi pa sila kinasal .Mula noon hanggang ngaun .
*-//
Sa malayo nakasilip at nakakubli si Irish sa madilim na parte para hindi makita ng mga nandoon sa pakikiramay sa kanyang ama.
"wala daw yung anak .naglayas daw bago namatay si Robert .ayon kay Lucy" rinig niyang naguusap ang dalawang ginang.
"kawawang Robert. suwail na anak ang meron siya.buti nalang at mabait yang samantha " gusto niyang sugurin ang dalawa para sabihin na yang sinasabi nilang mababait ay mga demonyo.
Hahakbang na sana siya ng biglang may humila sa kanya. Hindi na siya nakapiglas dahil tinakpan niya nito ng panyo at nawalan na siya ng malay.
*--/
"asan kana beshyyy" upo lakad ang ginagawa ni Rachel dahil ang kanyang kaibigan ay nawawala at hindi nagpaalam sa kanya .
Nag aalala siya dahil baka mapano ito at baka isunod siya sa kanyang ama. Magdamag na siyang wala kaya labis ang pag aalala niya sa kanyang kaibigan.
"patay ang cellphone" sambit niya sa kanyang sarili .
Ilang oras ang nakalipas ay wala parin dumating kaya napilitan siyang umalis na at pinaiwan nalang sa guard ang susi ng condo .Dahil nandoon pa ang gamit ng kaibigan . Mabigat man ang loob na iwan siya ngunit kailangan siya ng kanyang pamilya sa Amerika
*-/
Nagising si Irish sa isang parang abandonadong bahay .
"nasaan ako" sigaw niya ngunit walang sumasagot. Pinihit niya ang doornab at nagpasalamat dahil bukas .Dahan dahan siyang bumaba sa hagdan ng makita niyang may dalawang lalaki na nagiinuman sa sala ng bahay kung saan siya ngaun.
"sabi ni boss.Pag tapos na daw niyang pagnasahan yang babae sa atin na daw.kaya tiis muna ako pre" rinig niyang sinabi ng lalaki sa kausap .
May naramdaman siyang takot ngunit nagpakatatag siya.
Kinapa niya ang bulsa ng kanyang swerte kung saan ang bulsa ay sa loob .Meron doon ang kanyang pitaka at cellphone .
Bumalik ulit siya sa kwarto kung saan siya kinulong at tinignan ang likuran .May beranda ngunit medyo mataas .Kaya nag isip siya kung paano siya makakalabas at makababa ng walang nakakaalam.
Agad niyang kinuha ang mga kumot at tinali upang gamitin niyang bumaba .Kaya naman niyang talunin ngunit buntis siya . Kaya medyo natakot siyang isipin na baka mapano siya kung tatalunin niya ito.
Mabilis ang galaw niya para itali ang kumot sa beranda ng makita niyang medyo sumayad na sa lupa ay bilis siyang bumababa nilock niya ang pintuan kung saan siya kinulong para kahit papaano ay may time pa siyang tumakas.
Nakababa na siya ngunit namomoblema parin siya kung saan siya susuot sa kagubatan. Bilis niyang tinahak ang kakahuyan at masukal .Buti nalang ay nakapantalon siya ng maong at naka jaket ng medyo makapal kaya hindi siya hirap kung may sumasagi sa kanyang katawan na mga halaman na matitinik.
Takbo siya ng takbo ng makarating sya sa gilid ng daan at naghintay kung may mapara siyang sasakyan .Ilang minuto may dumaan na tricycle kaya pinara ito .Laking pasalamat niya dahil may ginang at bata sa loob medyo kampante siya.
"saan ka punta ineng" tanong ng matandang driver sa kanya.
"sa bayan po if okey lang po ba sumabay" ngiting saad niya sa kausap .Palingon lingon siya na baka maabutan siya ngunit walang sumusunod kaya sumakay na ito at nakaalis ang tricy kaya gumaam ang pakiramdam niya .
"ineng bakit san kaba galing at mukhang parang may naghahabol sayo" tanong ng matandang ginang.
"may humahabol po sa akin ,nakatakas lang po ako ngunit kailangan kong lumayo dto dahil nanganganib ang buhay ko " pagpapaliwanag niya sa ginang at buti nalang naintindihan siya at tinulungan nilang magtago .pinapasok siya sa loob ng tricy pinagpalit siya ng damit at binigyan ng balabal para hindi siya mapansin ng mga masasamang loob na humahabol sa kanya.
"maiiwan kana namin dito ineng Ingat ka palagi ."ngumiti siya sa ginang dahil kung hindi dahil sa kanila ay nahuli na ulit siya dahil ang humahabol sa kanya ay dumaan mismo ang sakay nila kaya akala niya ay mahuhuli ngunit hindi siya napansin dahil iba na ang damit niyang suot .
"salamat po Maari ko bang malaman ang pangalan at taga saan po kayo" nagkatinginan ang mag asawa baka ang iniisip nila ay ayaw nilang madamay.
"okey lang po kung hindi.pero utang ko sa inyo ang buhay ko ." yumuko siya sa kanila upang maparamdam niyang hindi siya masamang tao at hindi madadamsmay .
"sige po alis na ako ." paalam niya sa magasawang tumulong sa kanya.
Mabilis siyang naglakad upang pumirmi muna sa comfort room para makapaghilamos at mag ayos na din . Naisipan niyang tawagan ang kanyang Yaya noon .May usapan na sila kaya tatawag siya dito para malaman kung paano ang punta nila sa kanila .
Mabilis niyang kinontak ang dating yaya niya noon .
"hello iha,kamusta kana .Nabalitaan ko ang nangyari sa ama mo "malungkot ang ginang sa nangyari sa dating amo ngunit mas nag aalala siya sa dating alaga.
"Yaya Tulungan mo ako .may naghahabol sa akin at mukhan hindi nila ako bubuhayin" .wala na siyang paligoy ligoy kaya pinaliwanag na niya lahat ng nangyari sa kanya. Kailangan niya ang ligtas na lugar dahil hindi lamang para sa kanya kundi para sa batang nasa sinapupunan niya.
"susss maryosep...asan ka anak" pag aalala na ginang. Kung hindi pa niya makuha ang alaga ay baka mapahamak na ito.
"barangay Santa cruz daw po ito sabi ng tumulong sa akin .Parang may Isla po." naguguluhan man siya ngunit kailangan niyang malaman kung saan siya ngaun.
"Punta ka sa terminal ng bus s may Mall jan anak .nagiisa lang ang mall jan .Baba ka sa Isla Alap may kalayuan jan mga limang oras ang byahe ngunit kailangan mo magmadali baka makita ka nila ulit." pagmamadaling paliwanag ng kausap sa kanya. Kaya agad siya pumunta sa mall at swerte siya dahil may nakita na siya agad na mga bus at nakita niya ang isang bus na may karatulang Isla Alap.
"paalis na isa nalang" sigaw ng kundoktor kaya mabilis siyang kumaripas at umakyat dahil namukhaan niya ang isa sa bantay kung saan siya kinulong .Palinga linga man ang dalawang armado ngunit hindi siya mapansin dahil ang bus na sinakyan niya ay may tabing na kurtina sa bintana .nagtago siya ng maigi at nagkunwaring naka yuko. Saka lang siya nakahinga ng malalim nung medyo nakalayo na sila sa terminal.