Dear readers, please give this book a review. Please search Mine ang Baklang CEO then sa gitna makikita n'yo po ang space provided para sa reviews. Thank you.
JANINA MARIE Tulala kami ni Xavier habang nakatingin sa balita. Wala man lang nag-inform sa amin tungkol sa nangyari kay Rhian. Kung hindi pa iyon lumabas sa tv ay hindi namin malalaman na nagpakamatay na pala siya. "I can't believe it. She's not the type of person na sasayangin ang buhay dahil lang sa walang kwentang bagay." Napakunot ang aking noo nang marinig ko ang sinabi ni Xavier. Unexpected kasi ang nakita kong reaction niya. Nasasaktan ba siya sa nangyari kay Rhian? Hindi niya ba matanggap na wala na ito? Nang napansin ni Xavier ang pananahimik ko ay nilapitan niya ako at sinalat niya ang aking noo. Hinawakan niya rin ang mukha ko at iniharap ako sa kaniya. "Are you sick? How do you feel?" tanong n'ya sa nag-aalala na tinig. "I am jealous," bulong ng isip ko pero hindi ako nagsalita. Umiling lang ako at saka inalis ang kamay ni Xavier sa mukha ko. "Loves," tawag niya sa akin. "Sa tingin mo patay na ba talaga si Rhian?" "Bakit? Hindi mo ba matanggap?" "Oh, no. Ple
XAVIER WESLEY Janina and I met in the hospital. She was crying nonstop. Worried kasi siya sa kalagayan ng kaibigan niya. Habang ako naman ay daig pa ang sumali sa long distance foot race run dahil sa bilis ng tibok ng puso ko nang nalaman ko ang nangyari sa kaniya. Iniwan ko ang napaka-importanteng meeting just to be with my wife. Matinding pag-aalala ang nararamdaman ko para sa aking asawa na ngayon ay nagsusuka na dahil sa matinding nerbyos. I begged the doctors na kung pwede ay tingnan din nila ang asawa ko lalo na at nahihirapan itong huminga. I held her hands and massaged it para kahit paano ay kumalma siya. “Loves, alalahanin mo ang anak natin. Please, stay calm,” I told her. Tumango si Janina habang panay ang pakawala niya ng malalim na buntong-hininga. Umiiyak na yumakap siya sa akin. “Si Jake… Si Jake ang may gawa nito,” she said while gasping for breath. Napatiim-bagang ako. Nakuyom ko rin ang aking kamao. Ang pag-aalala sa puso ko ay napalitan ng matinding galit
JANINA MARIENang tumayo at lumayo sa akin si Xavier habang kausap niya si Tommy ay kinabahan ako. Ang kilos kasi ng asawa ko ay kaduda-duda. Hindi kasi niya ginagawa ang mga ganoong bagay kahit sino pa ang kausap niya. Unang beses na umiwas siya na marinig ko ang pinag-uusapan nila ng kausap niya. Hindi ko siya agad sinita para makapag-usap sila ng maayos pero sa isip ko ay nagbabanta na ako. Habang naghihintay akong pumasok ulit si Xavier sa silid namin ay naisip kong mag-abang sa may pintuan. Nakahalukipkip ako at nakasandal sa dingding. Naiinip man ay nanatili ako roon hanggang sa pumasok ang aking mister. “Ano ang pinag-usapan ninyo ni Tommy?” usig ko agad sa kaniya pagbukas niya ng pintuan. “I almost have a heart attack!” sabi niya habang nakahawak sa dibdib. Baklang-bakla ang itsura niya kaya hindi ko napigilan ang tumawa. “Ayan, napatawa rin kita. Selos ka kasi nang selos.”“Ano nga?” pangungulit ko. Hindi kasi ako mapapakali kung hindi ko malalaman ang sinabi ni Tommy. Ala
JANINA MARIE Sa panahon na kailangan kong maging matatag ay hindi ako nagpakita ng kahinaan kahit kanino. Ngunit deep inside ay para akong pinapatay knowing na ang mga bata ay posibleng dumaan sa matinding trauma dahil sa nangyaring pamamaril ng kung sino sa tinutuluyan nila sa Baler. “How is it going there? I want a report as soon as possible!” parang bomba sa lakas ang boses ni Xavier. “Call the pilot. Lilipad kami ngayon papuntang Baler.” “Sir, under maintenance daw po ang chopper," natatakot na sabi ni Gemma. “Dámn! What kind of employees are they? Bakit hindi nila tinapos agad ang pag-aayos sa sasakyan na iyan?” Habang nagagalit si Xavier ay nagpapalakad-lakad siya sa harapan ko. Nahihilo na ako dahil sa kaniya kaya bigla ko siyang hinila sa kamay. “Calm down, please,” pakiusap ko sa kaniya. “Gemma, tawagan mo ang personal assistant ko. Sabihin mong magpadala siya ng chopper na maghahatid sa amin ng Sir mo sa Baler.”“I’m so sorry, Loves. Nag-aalala ako para sa mga bata.
JANINA MARIEPara kaming pinaglalaruan ng tadhana. Nakakapanlumo ang ibinalita ng mga police na nakatakas daw si Rhian pero sugatan ito. Napasigaw na lang ako dahil sa sobrang inis. Pakiramdam ko ay tila walang katapusan ang mga problema. “Don’t worry, Loves, lahat ng ito ay matatapos din. I believe that everything in this world happens in its own time. All we have to do now is wait for the ideal moment. God established a timetable for the resolution of each problem.” Alam kong pinakakalma lang ako ni Xavier dahil batid niyang pinanghihinaan na naman ako ng loob pero pinili ko pa rin na pakinggan siya. Tama si Xavier na lahat ng nangyayari ngayon ay may katapusan. Kung kailan man iyon, hindi ko na alam. Ang mahalaga ngayon ay maayos ang pamumuhay namin sa kabila ng mga panganib. Isang araw, umattend kami ni Xavier ng isang napakaimportante na business conference sa isang sikat na hotel sa Pasay. Dahil limited lang ang mga taong pwedeng pumasok sa venue kaya hindi kami pwedeng magsa
JAKE ADMERSONHalos paliparin ko ang kotse sa express way. Panay ang tili ni Rhian habang ako naman ay panay ang mura. Sunod-sunod ko rin na sinusuntok ang manibela. We both wanted to explode and ruin those who will block our way. I wasn't expecting na darating bigla ang mga tauhan ni Xavier or maybe tauhan iyon ni Janina. I don't care anyway. Sira na rin naman ang mga plano ko for today. Tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang babaeng kinausap ko para sirain sana ang reputation ni Xavier sa event na dinaluhan nila. "Sir, iyong bayad ko, akala ko ba ay ibibigay ninyo agad pagkatapos na pagkatapos ng trabaho ko. Nasaan na kayo?" tanong ng babae. "Fûck you! Huwag kang umasa na babayaran pa kita pagkatapos mong hindi gawin ng maayos ang trabaho mo!""Pero, sir, hin-"Inis na pinatay ko ang cellphone at ibinalibag iyon sa dashboard ng sasakyan. "What are we gonna do next?" tanong ni Rhian. "I still do not know," singhal ko kay Rhian. "May naiisip ka ba? Bwisit na Xavier na iyon, pina
JANINA MARIEDahil sa incident sa may pool area kaya nagdesisyon na rin si Xavier na kausapin si Yna tungkol sa kaniyang ina. Walang inilihim ang aking asawa sa kaniyang anak. Panay ang iyak ng bata pero sa tulong ni Jude ay tumahan din ito kinalaunan. “I hate her. She didn’t love me at all,” sabi ni Yna. “Siya pa rin ang ina mo, Yna. Maaaring may mga pagkakamali si Rhian pero hindi mo siya dapat kasuklaman. Ang Mommy mo ang nagluwal sa iyo sa mundong ito,” sabi ko. “Ah, basta! I don’t want to see her again. She’s bad, mama.”Hindi ko na pinilit pa si Yna na huwag magalit sa kaniyang ina. At one point ay tama rin naman kasi siya. Subalit ayaw ko rin masabi ng ibang tao na nilason ko ang utak ng bata. Matuling lumipas ang mga araw. Muling dumating ang kaarawan ni Jude. Dahil gusto ng mga bata na mamasyal kami kaya nagdesisyon kami ni Xavier na dalahin sila sa isang sikat na pasyalan sa Hongkong. Sikretong inayos ng aking personal assistant ang lahat na kailangan namin. Mahigpit ang
JANINA MARIEHalos liparin ko ang papuntang Cavite. Habng nakasakay ako sa mamahalin na sasakyan ay panay ang dasal ko na sana ay walang mangyaring masama kay Xavier. Sa bawat intersecion na dinadaanan namin ay gusto ko nang magmakaawa sa mga ilaw para magpalit na sila ng kulay. "Xavier, hindi mo ako pwedeng iwan. Humanda ka talaga sa akin," banta ko habang nasa biyahe. Paraan ko iyon para mawala ang kabang nararamdaman ko. "JM, magpakahinahon ka. Wala pa naman sinasabi ang mga doctor kaya kumalma ka muna," payo ni Nanay Elsa. Napalingon ako sa mga bata. Si Yna ay abala sa kaniyang cellphone habang si Jude ay tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana. Huminga ako ng malalim. Hindi pwedeng makita ni Jude na nakakaramdam ako ng matinding nerbyos. Pinilit kong umupo ng tuwid at nagdasal na lang. Nang marating namin ang Tanza, pinahatid ko muna ang mga bata sa bahay namin ni Xavier. Naroon na si Althea na tinawagan ko bago pa man kami dumating. Siya na muna ang bahala sa mga bata
JANINA MARIE Makalipas ang isang taon, habang masaya kaming magkakaharap na kumakain sa malawak na bakuran ng Paraiso De Montefona sa Calauag ay biglang umiyak ang aking bunso. Parang sinilaban ang puwet ni Xavier dahil sa bilis n’yang tumayo. "Dessa, don't cry, baby," sabi niya habang isinasayaw ito. Kumikislap ang aking mga mata habang pinapanood ko sila. Sa tabi ko ay naroon sina Yna at Jude. Tinutulungan ni Yna ang kanyang kapatid para tanggalan ng tinik ang isda na nasa plato nito. "Ako na ate. Ayaw kong mahirapan ka kasi girl ka. Dapat ako ang tutulong sa iyo," saad ni Jude. "'Wag ka na ngang magreklamo diyan. Ate ako," sagot ni Yna. "Oh, 'wag na kayong mag-away. Ako na lang ang gagawa," sabad ni Nanay Elle. "Hindi po kami nag-aaway. Ganito lang po talaga kami," mahinang sabi ni Jude. Nakangiting sumubo ako ng pagkain. Sa mga gano'ng pagkakataon ay pinapabayaan ko ang aking mga anak upang matutunan nila kung paano respetuhin ang isa't isa. Hinahayaan ko sila para
JANINA MARIEAng mga sumunod na linggo na wala si Xavier ay napakahirap para sa akin. Nagsimula na akong makaranas ng morning sickness at katulad noong ipinagbubuntis ko si Jude, wala akong asawa na puwedeng tumulong sa akin. Nag-initiate ang mga biyenan ko na sa mansyon ng Montefona muna ako tumira subalit tinanggihan ko sila. Mas gusto ko kasing manatili sa bahay kung saan ay na kasama ko si Xavier ng matagal. Gusto kong mabuhay sa mga alaala ng aking mag-ama. "Kumusta ka rito," tanong sa akin ni Althea. "Maayos naman ako," sagot ko sa kan'ya. Tumingin sa akin ang aking kaibigan na para bang hindi niya ako pinaniniwalaan. "Sigurado ka?" tanong niya ulit sa akin. "Baka mamaya tumalon ka riyan sa swimming pool katulad nang ginawa mo noon sa dagat sa Batangas."Nahampas ko ang aking bestfriend. Kahit kasi ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang nangyaring iyon. Aaminin kong nawala ako noon sa aking sarili, ngunit hindi ko na gustong mangyari pa iyon.
RHIAN HOFREY Jake has been irritable lately. Madalas ay ikinukulong niya ako sa silid at hindi pinakakain. Ginagamit niya rin ako na parang hayop. My life with him is like hell. Nakakasakal at nakakapagod ang bawat segundo. Kapag lasing siya ay pinagdidiskitahan niya ako at binubugbog na para bang wala ng bukas. Madalas ay nagiging unconscious ako sa bawat atake niya. The love I felt for him turned into hate. Galit na pumapatay unti-unti sa akin. Ang daming mga boses ang bumubulong sa akin na tapusin ko na raw ang aking buhay pero pilit kong pinaglalabanan iyon. Ang tanging pangarap ko ngayon ay ang makita si Yna. Subalit idineklara na siyang patay ng mga alagad ng batas. Pumasok si Jake sa silid ko at pinukpok ako ng baril sa ulo. Naramdaman ko ang pagtulo ng pulang likido sa aking noo. Pinahid ko iyon ng likod ng aking palad. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig ako kay Jake na parang sinasapian din ng demonyo. “Jake, set me free. Hayaan mong hanapin ko si Yna,” I beg
JANINA MARIEHalos mawasak ang mundo ko dahil sa balitang dumating. Hindi ko napigilan nang unti-unti akong nawalan ng malay. Nagising na lang ako dahil sa mga boses na tumatawag sa pangalan ko. “Ma’am, gusto n’yo po bang dalhin namin kayo sa hospital?” tanong sa akin ng secretary ko. "Ma'am, ano po ang nararamdaman mo?""Misis Montefona, kumusta po kayo?""Ma'am, gusto n'yo po ba ng tubig o kahit anong inumin?"Umiling ako sa bawat tanong ng mga taong nakapaligid sa akin. Pinilit kong umupo kahit nanghihina ako. Agad kong inutusan ang aking personal assistant na tawagan si Althea at Lola Genevieve. Agad naman siyang tumalima sa utos ko. “Ma’am, on the way na raw po ang lola mo,” wika ng inutusan ko.Bago pa man ako magsalita ay agad na pumasok si Althea sa conference room ng isang hotel kung saan namin isinagawa ang meeting para sa expansion ng mga projects ng Villasanta. Agad akong yumakap kay Althea habang hinahayaan niya lang na dumaloy ang mga luha ko.“Ano ang gagawin ko?” ta
JAKE ADMERSONKapag pera ang gumalaw, kahit anghel ay magiging demonyo!I am patiently waiting sa news sa tv. Hindi ko na kasi makontak ang taong inutusan ko kaya sa balita ako ngayon umaasa. Si Rhian ay walang alam sa ginawa ko at panay lang ang ngawa niya dahil wala raw akong ginagawa kahit malapit na kaming magutom. Nakaririndi ang bibig niya ngunit hindi ko siya magawang palayasin o patayin dahil pwede ko pa siyang magamit laban kay Xavier. “Jake, ano ba, wala ka na bang gagawin riyan kung hindi ang umupo at tumunganga sa tv?” she asked angrily. Sinulyapan ko lang siya. Hindi ko gustong makipag-away dahil ayaw kong mabahiran ang saya ko ng galit. Hanggang sa binato niya ako ng unan. Sinalo ko lang iyon. “Jake, ano ba ang susunod na plano natin? Nakakainip na. Wala ka ng pera, wala na rin ako. Paano na tayo? Magtatago na lang ba tayo rito? I don’t want to live my life like this forever,” reklamo ni Rhian. Dahil nakakatulig na ang bibig niyang walang preno kaya binunot ko ang ba
XAVIER WESLEY As I watched Tommy suffer because of some people's cruelty, I couldn't keep my range under control. I feel bad for his mother, who recently lost her husband. I feel sorry for my wife because she blames herself for what happened.I resolved to take action once more. Although paulit-ulit na pumapalpak ang mga plano ko, hindi ako mapapagod na sumubok ulit para sa safety ng aking buong pamilya. Batid kong hanggang nakakalaya sina Jake at Rhian, hindi mararanasan ng mga anak ko ang kalayaan na tinamasa ko dati. Hindi nila magagawang maglaro ng malaya sa mga parks at lalong hindi sila makakakain sa labas na walang iniisip na panganib. Dad was surprised when I told him na pipilayan kong muli ang mga Admerson. He asked me why and I simply said na preparation lang iyon para sa isang sorpresa. He looked at me and said, "Okay. I'll support you all the way. Tell me what you need and I'll give it to you." It's not usual na basta-basta ako papayagan ni Daddy sa mga ganoong gawain pe
JANINA MARIEFeeling ko ay nabura ang lahat ng hinanakit at galit ko sa isang simpleng yakap lang ni Xavier. Mas nanaig kasi sa akin ang pagkagulat nang nakita ko siya sa police station. Hindi siya nakadamit pangkasal bagkus ay nakasuot siya ng isang simpleng t-shirt at maong pants lang. Pagkatapos masiguro na okay kami ng mga bata ay iniuwi kami ni Xavier sa bahay naming dalawa. Natatakot man dahil sa isyu ng security pero buo ang loob niya at ng mga police na hanggang nagtatago kami ay lalong hindi rin lalabas sina Jake at Rhian. Sinang-ayunan ni Lola Genevieve ang pasya ni Xavier. Ngunit may isang kondisyon, iyon ay itatago ulit ang mga bata at kaming mag-asawa lang ang parang magsisilbi na pain. Subalit hindi gusto nina Jude at Yna na malayo sa aming mag-asawa kaya no choice na ang lahat kung hindi magsama-sama sa loob ng isang bahay. Ang bahay namin na dapat ay ubod ng saya ay punong-puno palagi ng tensyon. Maraming tauhan kaming kasama bukod pa sa mga pulis na maya't-maya ang
JAKE ADMERSONDaig pa namin ni Rhian ang aso't pusa habang nasa biyahe kami pabalik ng Cavite. Kasal daw nila ni Xavier at naghihintay na ang fücking bestfriend ko. I was not about to go dahil hindi ko gustong maki-celebrate sa buhay ni Xavier. Magiging masaya lang kasi ako kung patay na siya. Tumawag si Rhian sa pinagkakatiwalaan niyang katulong na nasa mansion ng mga Montefona. Gusto kong marinig ang latest activity ni Xavier dahil aaminin kong duda ako sa magaganap na kasal nila ni Rhian kaya inutusan ko siyang lakasan ng tawag para marinig ko. “Ma’am, kinausap ako ni Sir Xavier. Tulungan ko raw siyang mag-ayos ng mga gagamitin sa kasal at inayos ko na po lahat,” wika ni Gemma. “Ano ang ginagawa niya ngayon?” ‘Nakakulong lang po siya sa kan’yang silid. Nitong mga nakaraan ay palagi siyang nasa kaniyang room lang kasi masama raw ang pakiramdam niya. Masakit daw ang kaniyang ulo.” “Have you seen any unwanted actions or may narinig ka ba na kahit na anong mga salita na laban sa
JANINA MARIEMatinding awa ang naramdaman ko habang tinitingnan ko si Rhian na dahan-dahang umuupo sa sahig at umiiyak. Alam kong biktima rin siya ng mga sakim na tao lalo na ng kaniyang kinilalang ina. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagdaanan niya pero may hinuha akong marami siyang pasakit na naranasan. Inilayo ko si Yna sa kaniyang ina. Ayaw kong makita niya na nasasaktan ang Mommy niya. Kahit hindi ko man siya dugo’t-laman, mahal ko si Yna na parang tunay kong anak. Hanggang hindi matino si Rhian ay ipaglalaban ko ang batang natutunan ko nang mahalin. Nang madala ko si Yna sa silid, muli kong binalikan si Rhian. Ngunit naroon na si Jake. Parang bata na naglambitin si Rhian sa bestfriend ng asawa ko at umiyak lang siya nang umiyak. Panay naman ang tanong ni Jake sa kan’ya kung bakit siya umiiyak pero hindi naman nagsasalita si Rhian. Dahan-dahan akong lumayo sa kanila para hindi ako makaistorbo. Alam ko kasing may relasyon sila dahil nahuli ko silang naghahalikan sa living room