JANINA MARIEBigla akong hinaltak ni Xavier at pinadapa sa sahig. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon kaya pilit kong sinikap na makausap siya. Gusto kong sabihin sa kaniya na nasa bahay namin si Jake at may hawak itong baril. Subalit bigla niya akong kinubkob at wala na akong nakita. Narinig ko na lang ang malakas na sigawan ng mga lalaki at paminsan-minsan ay putok ng baril.‘What is this? Don't you dare touch me!” tungayaw ni Rhian. “Habulin n’yo!” sigaw ng isang lalaki na hindi ko kilala ang boses.Pilit akong kumakawala mula kay Xavier. Sinabihan niya naman ako na mag-stay lang daw ako sa posisyon ko dahil hindi ligtas ang sitwasyon. Sumunod ako sa kaniya dahil sa naririnig kong putok ng baril. “Xavier, nandito si Jake,” pabulong kong sabi.“I know, Loves,” bulong niya rin sa akin. “Sir, nakatakas si Admerson sa likuran ng bahay. Tumalon siya sa bakod doon,” sabi ng isang lalaki. “What the fuck? You're so stupid, sir!” sigaw ni Xavier. Tumayo na siya at inalalayan niy
JANINA MARIEDaig pa ni Xavier ang isang mabangis na hayop para lang protektahan ako. Nasa isang restaurant kami at tahimik na kumakain habang naghihintay sa pagdating ni Tommy. Subalit isang hindi kilalang lalaki ang lumapit sa amin na agad pinadapa ng mga tauhan ng Montefona. Hindi ito makahinga at hirap magsalita dahil sa tindi ng pagkakasakal ni Xavier sa kan'ya. Iyon pala ay naroon ang lalaki para sabihin lang na nasa sasakyan niya si Tommy at hindi na nito gusto pang pumasok sa kinaroroonan namin dahil galing daw sa isang labanan ang ex ko. “Hina-hunting ako ng grupo ni Rhian,” bungad agad ni Tommy sa amin nang pumasok kami sa sasakyan niya. “Why would she do that?” tanong ng walang alam na si Xavier na magkasabwat ang mga exes namin. “Dahil nag-iingat siya. Alam niyang pwede ko siyang ipagkanulo katulad ng ginagawa ko ngayon.” Ngumisi si Tommy at inabot sa akin ang isang envelope. “Nandiyan na ang mga kailangan ninyo. Xavier, please protect Janina. Aalis na muna ako para ma
RHIAN HOFREY Feeling prinsesa ako sa loob ng kulungan. I am not a typical inmate. Actually, natutuwa pa nga ako na naranasan ko ang makulong at madama ko ang pakiramdam na I am above anyone. Syempre, unlike anyone else, I am treated with extra special care. The news about what happened sa house nina Xavier at Janina reached me. I rolled my eyes dahil sa stupidity ni Lolo at ng parents ko. Anyways, hindi pa pala ako nadadalaw ng aking pamilya simula nang nakulong ako. Hindi pa raw kasi ako gustong makita ni Lolo dahil na-highblood ito nang nalaman niyang nahuli ako. Subalit binigyan nila agad ako ng security sa loob ng kulungan. Gayunpaman, tiyak ko ang walang katapusan na sermon ni Lolo dahil sa nangyari sa akin. Nabalitaan kong muntik patayin ng mga bayaran ni Lolo ang mga katulong nina Xavier at Janina pero hindi sila nagtagumpay. According sa informant ko, lumaban ang mga tauhan ni Janina. “Pwede bang palabasin n'yo na ako rito?” inis na sabi ko sa isang police na binabayaran
JANINA MARIE Tulala kami ni Xavier habang nakatingin sa balita. Wala man lang nag-inform sa amin tungkol sa nangyari kay Rhian. Kung hindi pa iyon lumabas sa tv ay hindi namin malalaman na nagpakamatay na pala siya. "I can't believe it. She's not the type of person na sasayangin ang buhay dahil lang sa walang kwentang bagay." Napakunot ang aking noo nang marinig ko ang sinabi ni Xavier. Unexpected kasi ang nakita kong reaction niya. Nasasaktan ba siya sa nangyari kay Rhian? Hindi niya ba matanggap na wala na ito? Nang napansin ni Xavier ang pananahimik ko ay nilapitan niya ako at sinalat niya ang aking noo. Hinawakan niya rin ang mukha ko at iniharap ako sa kaniya. "Are you sick? How do you feel?" tanong n'ya sa nag-aalala na tinig. "I am jealous," bulong ng isip ko pero hindi ako nagsalita. Umiling lang ako at saka inalis ang kamay ni Xavier sa mukha ko. "Loves," tawag niya sa akin. "Sa tingin mo patay na ba talaga si Rhian?" "Bakit? Hindi mo ba matanggap?" "Oh, no. Ple
XAVIER WESLEY Janina and I met in the hospital. She was crying nonstop. Worried kasi siya sa kalagayan ng kaibigan niya. Habang ako naman ay daig pa ang sumali sa long distance foot race run dahil sa bilis ng tibok ng puso ko nang nalaman ko ang nangyari sa kaniya. Iniwan ko ang napaka-importanteng meeting just to be with my wife. Matinding pag-aalala ang nararamdaman ko para sa aking asawa na ngayon ay nagsusuka na dahil sa matinding nerbyos. I begged the doctors na kung pwede ay tingnan din nila ang asawa ko lalo na at nahihirapan itong huminga. I held her hands and massaged it para kahit paano ay kumalma siya. “Loves, alalahanin mo ang anak natin. Please, stay calm,” I told her. Tumango si Janina habang panay ang pakawala niya ng malalim na buntong-hininga. Umiiyak na yumakap siya sa akin. “Si Jake… Si Jake ang may gawa nito,” she said while gasping for breath. Napatiim-bagang ako. Nakuyom ko rin ang aking kamao. Ang pag-aalala sa puso ko ay napalitan ng matinding galit
JANINA MARIENang tumayo at lumayo sa akin si Xavier habang kausap niya si Tommy ay kinabahan ako. Ang kilos kasi ng asawa ko ay kaduda-duda. Hindi kasi niya ginagawa ang mga ganoong bagay kahit sino pa ang kausap niya. Unang beses na umiwas siya na marinig ko ang pinag-uusapan nila ng kausap niya. Hindi ko siya agad sinita para makapag-usap sila ng maayos pero sa isip ko ay nagbabanta na ako. Habang naghihintay akong pumasok ulit si Xavier sa silid namin ay naisip kong mag-abang sa may pintuan. Nakahalukipkip ako at nakasandal sa dingding. Naiinip man ay nanatili ako roon hanggang sa pumasok ang aking mister. “Ano ang pinag-usapan ninyo ni Tommy?” usig ko agad sa kaniya pagbukas niya ng pintuan. “I almost have a heart attack!” sabi niya habang nakahawak sa dibdib. Baklang-bakla ang itsura niya kaya hindi ko napigilan ang tumawa. “Ayan, napatawa rin kita. Selos ka kasi nang selos.”“Ano nga?” pangungulit ko. Hindi kasi ako mapapakali kung hindi ko malalaman ang sinabi ni Tommy. Ala
JANINA MARIE Sa panahon na kailangan kong maging matatag ay hindi ako nagpakita ng kahinaan kahit kanino. Ngunit deep inside ay para akong pinapatay knowing na ang mga bata ay posibleng dumaan sa matinding trauma dahil sa nangyaring pamamaril ng kung sino sa tinutuluyan nila sa Baler. “How is it going there? I want a report as soon as possible!” parang bomba sa lakas ang boses ni Xavier. “Call the pilot. Lilipad kami ngayon papuntang Baler.” “Sir, under maintenance daw po ang chopper," natatakot na sabi ni Gemma. “Dámn! What kind of employees are they? Bakit hindi nila tinapos agad ang pag-aayos sa sasakyan na iyan?” Habang nagagalit si Xavier ay nagpapalakad-lakad siya sa harapan ko. Nahihilo na ako dahil sa kaniya kaya bigla ko siyang hinila sa kamay. “Calm down, please,” pakiusap ko sa kaniya. “Gemma, tawagan mo ang personal assistant ko. Sabihin mong magpadala siya ng chopper na maghahatid sa amin ng Sir mo sa Baler.”“I’m so sorry, Loves. Nag-aalala ako para sa mga bata.
JANINA MARIEPara kaming pinaglalaruan ng tadhana. Nakakapanlumo ang ibinalita ng mga police na nakatakas daw si Rhian pero sugatan ito. Napasigaw na lang ako dahil sa sobrang inis. Pakiramdam ko ay tila walang katapusan ang mga problema. “Don’t worry, Loves, lahat ng ito ay matatapos din. I believe that everything in this world happens in its own time. All we have to do now is wait for the ideal moment. God established a timetable for the resolution of each problem.” Alam kong pinakakalma lang ako ni Xavier dahil batid niyang pinanghihinaan na naman ako ng loob pero pinili ko pa rin na pakinggan siya. Tama si Xavier na lahat ng nangyayari ngayon ay may katapusan. Kung kailan man iyon, hindi ko na alam. Ang mahalaga ngayon ay maayos ang pamumuhay namin sa kabila ng mga panganib. Isang araw, umattend kami ni Xavier ng isang napakaimportante na business conference sa isang sikat na hotel sa Pasay. Dahil limited lang ang mga taong pwedeng pumasok sa venue kaya hindi kami pwedeng magsa