Tawang-tawa naman si Cora sa sinabi niya. Nag-usap pa sila about kay Noah bago siya naihatid nito sa condo niya at umalis na rin. Pagkapasok, dumiritso na siya sa kama para mahiga. Salamat sa binigay ni Cora kanina, hindi na siya masyadong nahihilo.
"Ano naman kaya ang mangyayari bukas?"
Napatitig siya sa kisame. Hindi niya maiwasang balikan ang mga napagdaanan niya. Ilang beses na ba siyang na-inlove pero palaging nauuwi sa break-up? Lahat ng lalake na dumaan sa buhay niya ay nambabae. Palagi naman niyang binibigay ang best niya. Maswerte nga seguro siya sa ibang bagay subalit, mailap naman ang pag-ibig sa kanya.
"makakapag-asawa pa kaya ako? Magkaka-pamilya?"
Bumangon siya at pumunta sa kitchen. Kumuha ng tubig sa refrigerator at uminom. Napatitig siya sa kawalan.
"Kung sakali man, kung may darating pa sa buhay ko...Sana, sana talaga siya na"
Bumalik siya sa kwarto at nagpasyang itulog nalang ang mga iniisip. Maaga pa siya bukas. Napakarami pa niyang dapat asikasuhin para sa launching of their new product.
Nagising si Amara dahil sumasakit ang kanyang puson. Bumabaluktot na ang kanyang katawan sa sobrang sakit na nararamdaman.
"Anong nangyayari sa'kin? Am I having my period?"
Pinilit niyang bumangon pero hindi niya kaya. Parang may pumapalo ng ubod ng lakas sa puson niya. Nanginginig na rin siya sa sobrang sakit.
"Ang phone ko! I need to call someone!"
Gumapang siya papunta sa side table pero wala roon ang cellphone niya. Nangingilid na ang luha niya sa mga mata sa tindi ng nararamdamang hirap.
"Shit! Baka naiwan ko sa couch"
Sinubukan niyang bumangon muli at tumayo pero hindi niya talaga kaya. Sa tuwing iginagalaw niya ang katawan, mas tumitindi ang sakit na nararamdaman niya. Lumagapak ang pwet niya sa pagkakahulog mula sa kama. Mas nadagdagan pa tuloy ang iniinda niya ngayon. Gumapang siya mula kwarto papunta sa sala. Namamawis na siya at nanginginig sa sobrang sakit at hirap na nararamdaman. Tiniis niya ang sakit habang gumagapang. Nang makita niya ang cellphone kaagad niyang pinindot ang emergency call. After 3 calls, finally sinagot na ito ng kaibigan.
"Hello, Mars?" wika ni Cora na halatang kagigising palang.
Tiningnan niya ang orasan. Pasado alas 3:45 palang ng madaling araw. Kaya pala madilim pa sa labas. Hindi na niya napansin iyon kanina dahil sa iniindang sakit.
"H-Help..." sagot niya at nawalan na ng malay.
Isang maputing kisame ang sumalubong sa kamumulat lang niyang mga mata. Inilibot niya ang paningin at napadako ang mga mata sa kamay na may dextrose. She realized na nasa hospital pala siya. Paglingon niya sa gilid ay nakita niya kaagad ang kaibigang si Cora na natutulog. She carefully lift up her body to sit down. It's 5 am in the morning already. Mahigit isang oras din pala siyang nakatulog.
"Mars..." wika ni Cora na kagigising palang, "Kamusta ang pakiramdam mo?"
"I'm okay... Hindi na masyadong masakit ang puson ko ngayon unlike kanina" sagot niya at matipid na ngumiti rito.
"Wait here... Tatawagin ko lang muna si Dok. Okay?" wika nito na tinanguan lang niya.
Lumabas ang kaibigan na âdi rin nagtagal ay bumalik kasama ang doctor.
"Good morning Ms.Hernandez" bati ng may edad ng babaeng doktor sa kanya.
"Good morning po dok" sagot niya rito at umayos ng upo, "What is happening to me po dok? Biglaan nalang po sumakit ang puson ko kanina but wala naman po akong period.â
Nahinto siya sa pagsasalita at biglang napasinghap. Ngayon lang niya na-realized ang lahat.
âActually, mag-3 months na po akong walang periodâ dagdag pa niya.
Tumango-tango ang doktor sa kanyang sinabi saka ito tumingin ng diritso sa kanya.
"For now, we can't tell. You need to undergo some test para malaman natin kung ano talaga ang problema" sagot nito.
Bumuntong-hininga siya sa sinabi ng doktora. Tumango naman ang kaibigan na si Cora na pinapalakas ang loob niya sa pamamagitan ng mahigpit na paghawak nito sa kanyang mga kamay. She undergo some test including blood test and abdominal ultrasound. Tinanong din siya ng doktor about her medical history. Binigyan siya nito ng painkillers for the meantime. Sa susunod pa na araw malalaman ang results ng isinagawang mga test sa kanya. Napagpasyahan nila ni Cora na umuwi nalang muna. Cora then decided na doon na muna mag-stay sa condo niya para maalagaan siya nito. The doctor then advice to her na magpahinga na muna kaya she took a break from work for the meantime. Si Cora na rin muna ang nag-asikaso ng lahat para sa launching ng product nila.
Mabilis na dumaan ang mga araw at ngayon nga ay malalaman na nila ang results ng diagnosis sa kanya ng doktor. Aaminin niyang kinakabahan siya. Mabuti nalang at nandito ang mga kaibigan sa tabi niya.
"You have Polycystic Ovarian Syndrome..." wika ng doktor na nagpahinto ng mundo niya, "In your case, I'm afraid that you will struggle to bear a child"
"Ano pong dapat naming gawin dok?" nag-aalalang tanong ni Faye.
"Ms. Hernandez needs to do some medication. As of now, wala pa tayong cure for PCOS pero may mga gamot naman na pwedeng inumin to improve the condition with proper diet and exercise" paliwanag ng doktor sa kanila.
"M-magkakaanak pa ba ako?" kinakabahang tanong niya.
Ngumiti naman ng matipid ang doktor sa tanong niya.
"Some of my patients ay nabubuntis parin naman after their medication. So, you don't have to worry Ms. Hernandez"sagot nito sa kanya, "Just continue to eat healthy and a proper exercise"
"Yes, Doc" sagot niya saka tumayo na, " I'll visit you again for check up. Hopefully, maging okay na ako after that"
"Okay Ms. Hernandez, I'll see you soon" wika nito.
Matapos makapag-paalam, napagpasyahan nilang tatlo na umuwi na. Tahimik lang sila habang nasa sasakyan. Lutang na lutang siya kanina pa. Natatakot siya. Gusto niyang magkapamilya. Gusto niyang maranasang magbuntis at maging isang Ina. Nanghihina siyang napaupo sa couch. Inabutan naman siya ng tubig ni Faye na kaagad niyang ininom.
"What's with that face?" tanong ni Cora at umupo sa tabi niya.
"Natatakot ako mga Beshy" malungkot na sabi niya, "Gusto kong maranasan ang mga bagay na dapat mapagdaanan ng isang babae"
"May pag-asa pa naman ha," sagot naman ni Cora at humarap sa kanya.
"Yeah, actually pwede ka magbayad ng surrogate mother kung imposible na talaga. High-tech na ang panahon ngayon, Beshy" dagdag naman ni Faye na halatang pinapagaan ang loob niya.
"Pero gusto kong magbuntis" reklamo niya saka yumakap sa mga kaibigan.
Napapagitnaan siya nina Cora at Faye na niyakap din siya ng mahigpit. Sa mga ganitong sitwasyon, ipinagpapasalamat niya palagi sa Maykapal ang mga kaibigan. Paano nalang siya kung wala sila?
"Huwag na muna tayong mag-assume ng mga negative na mangyayari, you need to do your medication. After that, pa-check up ka ulit. Saka na tayo mag-decide ng dapat gawin" paliwanag naman ni Cora na tumayo na para pumunta sa kusina at magluto.
Tumango lang siya sa kaibigan at nahiga nalang sa mga binti ni Faye na sinusuklay naman ang kanyang buhok gamit ang kamay nito.
After 3 months...Nakahanda na si Amara para lumipad sa bansang Denmark. Her medication went well at binigyan na siya ng go signal ng kanyang gynecologist na magbuntis. Sinabi niya rin kasi rito na gusto niyang sumailalim sa Artificial Insemination. Samantala, wala namang nagawa ang mga kaibigan niya sa kanyang desisyon.She's very thankful that her friends, understand her decision. Sila na muna ang bahala sa maiiwan niyang trabaho rito sa Pinas at dahil nga high-tech na ang panahon, zoom meeting nalang ang gagawin niya palagi upang magampanan parin ang responsibility bilang CEO.Nag-iyakan pa muna sila ni Faye bago siya pumasok sa kanyang private plane. Matagal-tagal din bago sila magkitang muli."Don't forget to communicate with us ha? You take care of yourself doon. Wala pa naman ang magaganda mong mga Beshy na inaalagaan ka palagi" yumakap si Faye sa kanya habang umiiyak.
Pumapatak ang malakas na ulan mula sa madilim na kalangitan. Ang hangin ay humahampas sa kakahoyan. Sarado na lahat ng bahay pero heto siya at nasa labas. Nagmamasid sa karagatan. Siya ang nagbabantay ngayon upang seguraduhin ang kaligtasan ng tribo. Inilibot niya ang paningin."Mukhang may bagyo nga..." bulong niya sa sarili at tumalikod na upang umalis.Subalit, hindi pa man siya nakakahakbang palayo nang may narinig siyang pagsabog mula sa kalangitan. Napatingala siya. Kasabay ng kulog at kidlat ay ang pagkahulog ng isang bagay na parang isang bulalakaw. Bumagsak ito sa dagat. Dali-dali niyang inobserbahan kung ano ang bagay na iyon. Nang bigla niyang maalala ang sinabi ni Apo Milda sa kanya."Umiiyak ang kalangitan, galit na galit ang mga alon. Sa anyo ng isang bulalakaw, mangyayari ang nakatakda!" mariin nitong wika."Anong ibig niyong sabihin, Apo Milda?" nakakunot-noo niyang tanong at umayos ng upo
Isinandal niya ang ulo sa matitigas at bato-bato nitong dibdib. Ang mga kamay niya ay nakayapos sa batok nito. Ramdam niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa leeg niya. "Bakit ako kinikilig sa lalakeng ito?!" Nahawakan na siya ng mga naging nobyo niya noon at hindi ito ang unang beses na may lalakeng kinarga siya. May mga kilig moments naman sila ng mga naging boyfriend niya pero hindi umabot sa puntong naghalikan na sila o higit pa. Ngunit, ang lalakeng ito na hindi naman niya kilala ay nagawa niyang halikan ng walang pag-aalinlangan. Hindi rin siya nakaramdam ng pagkailang dito. Para bang, matagal na silang magkakilala. O baka naman, epekto lang ito ng aksidenteng natamo niya. Baka ito na ang sign na dapat siyang lumandi? "Why not? Hindi naman ako lugi sa lalakeng ito and I'm sure, papatulan ako nito. Sa ganda kong ito, choosy pa ba siya?" Pinagmasdan niya ang lalake na seryos
"Nasa Isla ako?!" napasigaw siya at napahampas sa lamesa sa sobrang gulat, "Paano ako makakauwi nito? I'm sure, walang signal dito. I watched documentaries about ethnic groups, wala raw signal kapag nasa isa kang Isla" Natampal niya ang sarili. Nakalimutan niya yatang inaasahan na niyang sa isang Isla siya mapapadpad. Diba ngaât panay hanap niya ng Isla kanina habang palutang-lutang sa dagat? "Kapag humupa na ang bagyo, pwede kang maihatid ni Mang Isko sa kabilang Isla, sa Sabtang. May signal sila roon" sagot nito saka sumandok muli ng kanin. "Hindi mo ako sasamahan?" tumingin siya rito ng seryoso. "Sasamahan kita... Huwag kang mag-alala" nilagyan siya ng binata ng binalatan nitong hipon. "Segurado ka d'yan ha?" aniya na sumubo na ng ulam. "Oo, segurado..." "Seguradong-segurado?" Natawa naman si Dakila sa
"Pwede mo ba akong..." napalunok siya bago nagpatuloy, "Bunti– ayy!"Naputol ang dapat sanang sasabihin niya nang biglang kumulog ng malakas. Kasabay nun ay ang pagkawala ng kuryente."Dito ka na muna, Amara. Sisindihan ko lang ang mga lampara para may ilaw tayo"Tumango lang siya rito at malungkot na napasandal sa higaan niya."Ang malas naman! Wrong timing eh!"Napabuntong-hininga nalang siya sa kama. Baka nga, hindi pa oras para sabihin ko kay Dakila ang sitwasyon ko. Ang tanong, papayag din kaya ito sa alok ko?Sa konting oras na nakasama niya ang binata ay nakita niya kung gaano ito kainosente at kabuting tao. Parang lumalabas na ako ang bad influence sa kanya kapag ako ang nag-initiate ng alam mo na...“Sana nandito si Cora... Miss ko na sil
Isinarado na ni Dakila ang pintuan at nagsimulang baybayin ang tirahan ng kaibigan niyang si Makisig. Ito ang papupuntahin niya sa nayon upang sunduin ang Inang niya. Kailangan niya kasing balikan si Amara kaagad upang malinisan ang mga sugat nito sa paa. Alam niyang naguguluhan ang dalaga sa naging reaksyon niya sa sinabi nito kanina.Naalala niya bigla ang pinagsaluhan nilang halik sa tabing-dagat nang makita niya ito sa unang pagkakataon. Mukhang nakalimot siya sa panata."Hindi dapat nangyari iyon! Isang malaking pagkakamali ang lahat!"Humugot muna siya ng malalim na hininga bago kumatok sa pinto ng bahay ni Makisig."Oh, Dakila! Imu sawen (ikaw pala) Anong atin?" mukhang nagulat yata ito sa pagdating niya, “Sumdep ka, maywayaw ka... (tuloy ka, maupo ka)Ara u maisidung ku jimu? (may maipaglilingkod ba ako sa'yo?)"Hindi
"Dininig na ni Bathala ang mga panalangin natin, Mahal ko" maluha-luha namang wika ng ginang. "Masaya ako para sa anak natin, Mahal" niyakap ng Datu ang asawa saka hinagkan sa noo nito, "Gusto mo bang samahan kita sa pagbisita?" "Naku, huwag na Mahal. Magpahinga ka nalang. Alam kong pagod ka. Ako na muna ang bibisita. Dadalhin din naman ng anak natin dito ang nobya niya. Isa pa, baka magulat pa natin ang nobya niya. Hintayin nalang natin ang pagbisita nila rito sa bahay" sagot nito, " Maiwan ka na muna namin, Iho. Aasikasuhin ko na muna ang Datu" "Sige lang po" tumango siya rito ng nakangiti. Hinila na ng ginang ang Datu sa kwarto nila upang makapagpahinga. Habang naiwan naman si Makisig sa sala na naghihintay lang. Hindi naman nagtagal ay nakabalik na ang ginang na may dalang isang malaking tampipi. "Ako na po ang magdadala nito, Dayang Diwa" kinuha niya kaagad ang bitbit nito at ini
Mabigat ang pakiramdam ni Amara nang magising. Itâs almost 10 am in the morning. Medyo masakit din ang puson niya. Kinapa niya ang ilalim ng panty upang malaman kung may menstruation na ba siya. âWala naman pala. Baka PMS lang...â Sinubukan niyang igalaw ang kanang paa ngunit may kirot pa rin siyang nararamdaman. Medyo namamaga pa rin ito. Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Dakila. Mukhang katatapos lang nitong maligo. May bitbit itong isang malaking kahon na hindi niya alam kung ano ang tawag. âAno iyang hawak mo Dakila?â tinuro niya ang hawak nito. âAh ito ba?â itinaas nito ang hawak na kahon, âIsa itong tampipi, may mga laman itong dam
“Handa na ang pagkain...”Napalingon kami ni Mama Diwa sa tawag ni Dakila. Ang cute nitong tingnan sa suot nitong pink apron na galing sa akin. Ibinigay ko iyon sa kanya after kong makuha ang aking luggage bag. Noong una, ayaw niya pang tanggapin pero napilit ko rin kalaunan.“Kumain na muna tayo ng hapunan, Inang...” napakamot ito sa kanyang ulo at palipat-lipat ang tingin sa amin, “Nakadisturbo ba ako?”Mukhang napansin yata nito ang namamaga naming mga mata dahil sa naging iyakan namin kanina.“Tapos na kaming mag-usap, halika na Amara. Masarap iyong mga dala ko. Magugustuhan mo panigurado”Tumango ako kay Mama at saka magkasabay kaming naglakad patungo sa loob ng bahay. Nakasunod naman sa amin si Dakila na tahimik lang. Pagdating namin sa kusina ay nabungaran kaagad namin si Makisig na may malaking ngiti sa labi habang namimilog ang mga m
Tuluyan na ngang napahagulhol ng iyak si Mama. Niyakap ko siya ng mahigpit. Nasasaktan ako para sa kanya. Hindi madali ang pinagdaanan ni Mama. Alam ko dahil pinagdaanan ko narin iyon. Nangyari narin sa akin na nasaktan ako ng pisikal ni Noah.“Tahan na, Mama...” I rubbed her back to calm her.“No, I’m okay... I want you to know what happened also...” inilayo nito ang sarili sa akin at binigyan ako ng isang matipid na ngiti, “Nagtiis ako. Akala ko kasi, magiging maayos din kami. Kasi, hindi naman siya ganun nung nagkakilala kami. He’s a very sweet and caring man. He loves me so much. Sabi ko sa sarili ko, hindi iyon si Jude. Hindi niya kayang gawin sa akin ang mga bagay na iyon. Pinaniwala ko ang sarili ko na magiging maayos kami muli. Kaya mas pinili ko parin mag-stay kahit binubugbog na niya ako ng paulit-ulit. Hanggang sa nag away na naman kami. Sinuntok niya ako sa sikmura. Alam mo kung ano ang
Nakaupo kami ngayon sa sala. Magkatabi si Dakila at Makisig na nasa harapan namin habang kami naman ng Inang Diwa ni Dakila ang magkatabi. Ang Inang niya na dati ko palang nanny. Oo, tama kayo, ang hinahanap kong nanny ay nasa isang Isla lang pala na katabi ng Batanes. Ang nanny ko na itinuring ko ng pangalawang Nanay. Ang nanny na mahal na mahal ako at mahal na mahal ko. Nakayakap ako ngayon sa kanya. Naglalambing habang nakataas ang isang kilay kay Makisig. Ano ka ngayon ha?! May bago akong kakampi! “Ano bang nangyari sa inyong dalawa, Makisig?” tanong ni Inang Diwa sa malumanay na boses.Umayos ng upo si Makisig saka nagsimulang magpaliwanag.“Nagkukulitan lang naman kami, Dayang Diwa...” hindi makatingin nitong sagot.Bumaling naman si Inang Diwa sa akin. Hinaplos nito ang buhok ko at may ngiti sa mga labing nagsalita.“Amara... Ano bang nangyari
Naiyak nalang ako ng tahimik sa loob ng cubicle. Hindi pa ako tapos magsalita. Bakit naman ganun?Natawa nalang ako nang maalala ang mga nangyari. Pagkatapos noon ay iniwan ako ni Noah sa restaurant. Mabuti nalang at dumating sina Cora at Faye upang tulungan ako.Gusto nga nila na hiwalayan ko kaagad si Noah after what happened pero nagpaliwanag naman din kasi ito na nagkaroon daw ng emergency sa bahay nila kung kaya hindi na nakapag-paalam sa akin. Syempre, mahal ko kaya pinatawad ko.Sinabunutan pa nga ako ni Faye noon na humantong sa tampuhan namin. Tanga raw kasi ako na sa ngayon ay masasabi kong tama talaga siya. Mabuti nalang at naayos ni Cora ang misunderstanding namin na iyon. Ilang beses rin naming pinag-awayan si Noah.Naalala ko rin ang dati na nag-away kami at hinayaan niya lang akong umiyak. Iniwan niya pa ako sa gitna ng kalsada. Ni hindi manlang naisip nito na mapapahamak ako. Mabut
"Hala! Sorry! Ikaw kasi eh! Puro kababuyan ang mga sinasabi mo!" wika ko saka dali-daling kumuha ng tissue na palaging nasa gitna ng lamesa ni Dakila nakalagay.Napapikit ito at halatang nagpipigil lang sa sarili.Pinunasan ko ang mukha nito habang pinipigilan ang sarili kong matawa at the same time, naaawa rin ako rito. Poor Makisig. Sorry talaga."At natatawa ka pa talaga ha?" naiinis na bulyaw nito sa akin."Ha? Hindi... Sinong natatawa? Ako ba? Naku! Hindi. Bakit naman ako matatawa? May Buko-Salad ka lang naman sa may bukana ng ilong mo" sagot ko na hindi makatingin dito."Ano ba! Sinusundot mo na ang ilong ko eh!" reklamo nito."Ay naku! Sorry talaga Beshy..." inilayo nito ang mukha sa akin saka ito tumayo at naghilam
Nagising ako dahil sa isang awitin na aking narinig. May kumakanta gamit ang gitara. Medyo husky ang boses ha? Alam kong hindi si Dakila iyon dahil alam ko na ang boses nun. Napailing nalang ako at tinampal ang aking noo."Baka naman nagkakamali ako? Baka si Dakila nga? May mga singer din naman na nag-iiba ang boses kapag umaawit na, diba?"Bumangon na ako saka niligpit ang aking higaan. Medyo, pagod parin ang pakiramdam ko. Malakas ang menstruation ko ngayon dahil first day. Usually kasi, lumalakas agad ang period ko basta unang araw at pangalawa. Kapag 3rd day na, medyo okay na ang pakiramdam ko nun. Hindi narin masyadong malakas ang period ko that day. Pagka-4th day, mawawala na. Kaya, tiis-tiis nalang muna ako sa period na ito.Binuksan ko ang pintuan at dumiritso muna sa banyo. Kailangan ko kasing e-dispose ang nakolektang dugo galing sa cervix ko at itapon. After that, huhugasan ko
Nabulunan ako sa aking pagkain dahil sa sinabi ni Dakila. Dali-dali namang iniabot nito ang tubig sa akin at hinagod ang aking likod.“Ayos ka lang ba, Amara?” nag-aalalang tanong ni Dakila sa akin.“H-Ha? Oo, Oo naman. Ayos lang ako. Uhm... Iyong kanina ba? A-Ano kasi... Personal cup ko iyon!” paliwanag ko na nauutal.Para tuloy akong pinagpapawisan. Bigla akong na hot seat! Paano ko naman kasi ipapaliwanag rito na iyong laman nun ay para sa period ko?! Tiningnan naman ako ni Dakila ng nagtataka pero hindi na rin ito nag-usisa pa na ipinagpasalamat ko. Nakahinga ako ng maluwag. Sa susunod, hindi ko na talaga iiwanan ang MC ko kahit saan! Mag-iingat na ako upang hindi na maulit ang kahihiyang ito.Tumayo na si Dakila upang ligpitin ang aking pinagkainan at lumabas ng kwarto. Pagbalik ni Dakila ay inilapat na nito ang tumbler na kanina ay inihanda nito. Min
Tanghali na ng magising si Amara. Ang bigat ng kanyang pakiramdam. Kanina pa siya ginigising ni Dakila pero puro tango lang ang naging tugon niya. Wala siya sa tamang wisyo ng iminulat niya ang mga mata. Parang gusto niyang manapak dahil sa bigat ng pakiramdam niya ngayon. Ang sakit din ng kanyang puson. Naglakad siya palabas sa kwarto dala ang kanyang mini pouch na may lamang mga necessary items na need niya. Nagpakulo na muna siya ng tubig. After that, kinuha niya ang kanyang menstrual cup.Si Faye ang nag-introduced nito sa kanila ni Cora and she finds it so convenient and environmentally friendly. The menstrual cup is collapsible and she likes the fact that it is so small that you can carry it anywhere. Given that it is the only collapsible menstrual cup. It has a compact-like container. This means you can discreetly toss it in the bottom of your purse, assured that it’s there whenever and whereve
DAKILAâS POV Ako ang unang nagbaba ng tingin. Kailangan kong pigilan ang aking sarili. Gusto kong magsimula kami ulit ni Amara. Mula sa pagiging magkaibigan. Gusto kong makilala siya. Gusto ko ring makilala niya ako ng lubusan. Nang sa gayon ay unti-unti kong maipapaliwanag sa kanya ang tungkol sa aking panata. Alam kong may iba na akong nararamdaman ngunit kailangan ko itong pigilan. Hindi maaari. May sinumpaan ako. Hindi ko ito kayang baliin. âI am a CEO of a big company in Manila. May iba rin akong mga business aside from thatâ wika ni Amara na nakatingin sa kalangitan, âI am in a relationship with my longtime boyfriendâ Naging masama ang templa ko sa huling sinabi ni Amara. Hindi ko mapigilang mairita. Tumikhim muna ako bago nagsalita. âAnong nangyari pagkatapos?â tanong ko. Tumagilid ng higa si Amara paharap sa akin saka ngumiti ng malungkot. âHe cheate