Mi Amor, Mi Tesoro

Mi Amor, Mi Tesoro

last updateLast Updated : 2021-11-30
By:   Selenophile 🌜  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
45Chapters
1.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

“Life will always bring you surprises, even if you don't want it.” She caught her boyfriend cheating on her with her friend, Layla. She even caught them with her own two eyes making out. But hindi pa d'yan nagtatapos ang lahat. After 6 months, isinugod siya sa hospital only to find out that she have PCOS. The gynecologist told her that she will struggle to bear a child. Heartbroken and devastated with her situation, Amara decided to get pregnant without a partner. She planned to undergo artificial insemination in Denmark. Kailangan niyang gawin ito dahil wala na siyang tiwala sa mga lalake at ang angkan nilang mga Hernandez ay isang beses lang nagkakaanak. Nakahanda na ang lahat ng plano niya. Unfortunately, habang sakay si Amara ng kanyang private plane ay biglang nagkaroon ng pagsabog at aksidenteng bumagsak ito sa dagat. Napadpad siya sa isang island na kalapit lang ng Batanes. Ang Vohas Island kung saan makikilala niya ang lalakeng bibihag sa puso niyang ilang ulit ng nasaktan. Si Dakila ay anak ng isang Datu ng Tribong Itbayat. Isang lalakeng may prinsipyo sa buhay. Naniniwala ito na kailangang manatiling dalisay ang isang lalake kung gusto nitong pamunuan ang tribo. Will she allow herself to fall in love o mas pipiliin niyang iwasan ito? Paano na ang plano niyang pagbubuntis? Kung ang lalakeng iniibig ay may panatang manatiling dalisay habambuhay? Halina't sabay-sabay nating tuklasin ang pag-iibigan nila Amara at Dakila.

View More

Latest chapter

Free Preview

CHAPTER 1

Nagising si Amara dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw. It's almost 12 in the afternoon. She forgot to close the curtain behind the terrace door of her condo last night, because of too much drinking. Bakit nga ba siya naglasing at hinayaan ang sarili na magwalwal kasama ang dalawang kaibigan na sina Cora at Faye? Simple lang naman ang dahilan. She caught her man; The love of her life making out with her close friend na inaanak ng Daddy niya! They were on a relationship for almost 8 years at tinapon lang na parang basura ng lalake ang lahat. Ilang beses na nga ba itong nangyari sa kanya? Her 5 exe's, lahat sila,nag-cheat sa kanya at ngayon naman, ang ika-6 na si Noah, na akala niya na siya na talagang binigay ni Lord sa kanya ay ganun din ang ginawa. They all have the same reasons; Kasalanan daw niya dahil hindi niya maibigay ang mga hinihiling nito sa kanya which is Sex....

Interesting books of the same period

Comments

No Comments
45 Chapters
CHAPTER 1
Nagising si Amara dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw. It's almost 12 in the afternoon. She forgot to close the curtain behind the terrace door of her condo last night, because of too much drinking. Bakit nga ba siya naglasing at hinayaan ang sarili na magwalwal kasama ang dalawang kaibigan na sina Cora at Faye? Simple lang naman ang dahilan. She caught her man; The love of her life making out with her close friend na inaanak ng Daddy niya! They were on a relationship for almost 8 years at tinapon lang na parang basura ng lalake ang lahat. Ilang beses na nga ba itong nangyari sa kanya? Her 5 exe's, lahat sila,nag-cheat sa kanya at ngayon naman, ang ika-6 na si Noah, na akala niya na siya na talagang binigay ni Lord sa kanya ay ganun din ang ginawa. They all have the same reasons; Kasalanan daw niya dahil hindi niya maibigay ang mga hinihiling nito sa kanya which is Sex.
last updateLast Updated : 2021-07-25
Read more
CHAPTER 2
"Tapos?" tanong nito na inilapit pa talaga ang mukha sa kanya."Hayun, binuksan niya ang ilaw then gulat na gulat nang makita ako"Muli niyang binalikan ang nangyari kagabi. Kung paano sila nagkagulatan ng nobyo. Akma pa siya nitong lalapitan nang mabitawan niya ang cake na dala-dala. Napaatras ito at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. Habang siya naman ay nanginginig ang buong katawan at parang binuhusan ng napakalamig na tubig. Ni hindi nga niya maibuka ang sariling bibig. Parang may nakabara sa lalamunan niya at hindi siya makapagsalita.Tahimik lang siyang lumuluha habang papalit-palit ng tingin sa nobyo at sa matalik na kaibigan na nakahubo't hubad. Walang imik siyang humakbang papalayo at sumakay ng kanyang kotse. Lutang na lutang siyang nagmaneho.Kalaunan ay napagpasyahan niyang itigil ang kotse sa gilid ng kalsada sa pangambang baka maaksidente pa siya. Doon na niya ibinuhos ang natitir
last updateLast Updated : 2021-07-25
Read more
CHAPTER 3
Tuluyan namang naglandas ang mga luha niya dahil sa sinabi ng kaibigan. Sinabi niya sa sarili na magsi-celebrate siya ngayong gabi dahil single na ulit siya pero heto't umiiyak na naman siya. Wala na yatang katapusan ang pag-iyak niyang ito.Sakto namang pagdating ni Faye bitbit ang drinks nila. Kinuha niya kaagad ang tequila at diritsong nilagok ito. Mabuti nalang at maraming inorder ang kaibigan. Mukhang malalasing talaga siya ng bongga ngayong gabi."Hey... anong problema mo ha beshy? Parang tubig lang ang tequila ah? Broken ka ano?!" tanong nito sa nang- aasar na tono.Sopistikada itong umupo sa tabi niya at may kinawayan pang mga kalalakihan sa kabilang mesa."Don't get me wrong, ganyan na ganyan din kasi ako dati noong na-heartbroken ako nung letcheng lalake na iyon!" dagdag pa nito.Hindi niya ito sinagot. Pinagpatuloy lang niya ang pag-inom ng alak na parang wala ng bukas.
last updateLast Updated : 2021-07-25
Read more
CHAPTER 4
Humigit-kumulang isang daang isang milya, pa-Hilagang Luzon at isang daan at siyamnaput kilometro sa gawing Timog ng Taiwan.Matatagpuan sa Kanlurang bahagi ng Sabtang Island na pinaghihiwalay ng isang malalim na karagatan, na halos dalawang kilometro kalapad. Makikita ang isang mala-paraisong Isla na malayo sa kabihasnan.The government declared that the island was uninhabitable. Ibig sabihin, imposible itong tirhan ng mga tao dahil sa mapanganib ang lugar. Later on, the government revoked and declared that it is now habitable. Ngunit, lingid sa kaalaman ng lahat ay may isang pangkat na ng mga tao ang matagal ng naninirahan sa Isla. Sila ay binubuo ng isang tribo. Ang tribong Itbayat. Sila ang namamahala at pumoprotekta sa Isla. Pinamumunoan sila ng isang Datu na may nasasakupan na halos 250 katao.Mahigit apat na libong taon na ang nakakalipas, sa panahon ng Neolithic. Nanirah
last updateLast Updated : 2021-09-25
Read more
CHAPTER 5
Nilunok muna niya ang kinain at uminom ng tubig bago sumagot sa Ama."Ou nga pala. Sa susunod na buwan na iyon Ama diba?""Oon... (Ou) kaya kailangang ma-plano ng maiigi ang mga gagawin para sa araw na iyon. Seguradong may mga turistang dadagsa rito sa Isla"Nanumbalik tuloy sa kanyang alaala ang mga pangaral ng Ama noong bata pa siya tungkol sa kahulugan ng selebrasyong Vakul-Kanayi.Ang pagdiriwang ng Vakul-Kanayi ay simbolo ng kanilang dignidad. Ipinapakita rin nito ang diwa ng mga tribong Itbayat. Ang bawat detalye ng kanilang buhay ay nakasentro sa kaligtasan. Mula sa pagtutuyo ng mga isda, para mayroon silang makain kapag ang alon ay hindi mapagkatiwalaan. Hanggang sa pagtatayo ng mga bahay na gawa sa soledong mga bato. Na nagsisilbing pananggalang nila laban sa matinding bagyo. Sinasalamin din nito ang pagiging simple a
last updateLast Updated : 2021-09-25
Read more
CHAPTER 6
Napakamot naman ang kaibigan sa ulo nito at natawa nalang na humabol sa kanya. "Ngay"(okay) sagot pa nito, "Eto naman, sobrang seryoso. English is the universal language, kaya okay lang na gamitin natin ito. Isa pa, halos mga dayuhan ang mga turista sa kabilang Isla. Gamit na gamit ito para sa akin Amigo" Tinapik pa nito ang balikat niya at nauna nang naglakad habang pasipol-sipol. Nagkatinginan nalang sila ni Alab na nagkibit-balikat lang. "Balita ko, kinasal na raw si Kora" Napahinto ito sa paglalakad at napayuko. Si Kora ay matagal ng kasintahan ni Makisig pero biglang nagpakasal sa isang taga Maynila. "Iyon din ang alam ko. Hindi pa naman kami nagkakausap. Biglaan lang ang lahat. Ni wala manlang siyang sinabi. Sana, nakapaghanda ako" sagot nito na may matigas na ekspresyon sa mukha. "Kamusta ka naman? May palek (alak) ako sa bahay. Baka gusto mo
last updateLast Updated : 2021-10-15
Read more
CHAPTER 7
Napatango naman siya sa sinabi nito. Tama nga naman ang kaibigan. Sa totoo lang, hindi niya inaakala na sa kanilang tatlo, ito pa ang makakapagpayo ng may katuturan kay Makisig. Tahimik lang kasi ito. Napakadalang magsalita at parang may sariling mundo.Nakilala nila si Alab noong nag-aaral pa sila ng High school. May nakaaway si Makisig sa kanilang paaralan. Dalawa lang sila noon at pinagtutulungan ng isang grupo ng kalalakihan. Hindi pa sila maalam noon sa pakikipag-away.Biglang dumating si Alab at sinita ang mga nambugbog sa kanila. Nang makita ito ng grupo ay bigla nalang ang mga itong namutla at nag-atrasan. Inalok sila ni Alab na sumali sa Taekwondo at Eskrima, na kaagad nilang sinang-ayonan. Simula noon, sabay na silang tatlo na umuuwi sa Isla tuwing bakasyon. Napag-alaman din kasi nila na ang Ina nito ay nakapag-asawa ng ka-tribo nila at doon na nanirahan."From your experienced
last updateLast Updated : 2021-10-15
Read more
CHAPTER 8
Before the sun rises at exactly 4am, Amara woke up from sleep. She immediately prepared some coffee and sits in front of her personal computer to check any news and emails."Hmm... Nangunguna parin ang company ko. That's good" she said while having a triumphant smile on her face.After that, she stood up and walked to the kitchen. Then went to the refrigerator to get some ingredients for her breakfast. She decided to cook fried rice and two sunny side up eggs with hotdogs. This is what her old nanny usually cooked for her back then when she was still a kid."Oh! How I missed her..." She was basically living on her own. She likes the idea of being independent. Marunong din naman siya sa mga household chores. Tinuruan siya ng kanyang nanny dati at isa pa, she really values her privacy. She then gets some plates to put the food on it and prepare herself to eat.
last updateLast Updated : 2021-10-15
Read more
CHAPTER 9
After that, the chief financial officer (CFO) discussed the status update of the company. The company's performance and profit. Then she dismissed the meeting after. Bumalik na rin siya sa kanyang opisina pagkatapos at humingi ng kape sa kanyang sekretarya na kaagad namang sinunod nito. She's busy signing some papers when her secretary knock on the door."Get in..." wika niya."Ms. Hernandez, Mr. Noah is in the lobby. He wants to talk to you" inilapag nito ang kape sa mesa niya.Napalingon naman siya sa sinabi nito."Si Noah? Ano namang ginagawa ng gago na yun dito?!"Napabuntong-hininga siya sa sariling tanong. It's been 6 months after that horrifying night. Kung saan, nabisto niya ang ex-boyfriend at ang isa pa niyang kaibigan na si Layla na may relasyon pala. Noong una, todo walwal pa siya pero ngayon, hindi na. Tanggap na niya ang lah
last updateLast Updated : 2021-10-15
Read more
CHAPTER 10
The days went on and as usual, busy parin si Amara sa trabaho. Lalo na ngayon at may hinahanda silang event to launch their new product. Hindi na rin nangulit pa sa kanya si Noah na ipinagpasalamat niya. Abala siya sa pagbabasa ng mga dokumento nang tumunog ang kanyang cellphone. Itinigil na muna niya ang pagbabasa at tiningnan ito. Kaagad siyang napangiti sa nabasa. Beshy Faye: Let's chill! I miss you guys. đŸ„șKitakits sa Royal Night Club @6pm sharp. Wag kayong mali-late. Labyu! 😘Kaagad naman siyang nag-reply. To Beshy Faye: G...Then sent. Ganun lang siya mag-reply. Gets na 'yon ng kaibigan niya. Mas maigi ng nag-reply siya keysa tadtarin siya ng text ng kaibigan. Loka-loka pa naman iyon kapag di napansin. At exactly 5 pm ay umuwi na siya. She needs to prepare for their bonding. Seguradong lasing na naman ang kaibigan na si Faye pagkatapos. She took a quick shower and picked her outfit.Na
last updateLast Updated : 2021-10-15
Read more
DMCA.com Protection Status