Before the sun rises at exactly 4am, Amara woke up from sleep. She immediately prepared some coffee and sits in front of her personal computer to check any news and emails.
"Hmm... Nangunguna parin ang company ko. That's good" she said while having a triumphant smile on her face.
After that, she stood up and walked to the kitchen. Then went to the refrigerator to get some ingredients for her breakfast. She decided to cook fried rice and two sunny side up eggs with hotdogs. This is what her old nanny usually cooked for her back then when she was still a kid.
"Oh! How I missed her..."
"What a perfect day! What a perfect breakfast!" masayang wika niya sa sarili.
Pagkatapos mag-agahan, naligo na siya at naghanda papunta sa Zevk Corporation. Ipinamana ito ng daddy niya sa kanya at kasalukuyan din siyang CEO ng sariling kompanya. May board meeting siya ngayon. They'll be launching a new product, and she'll have to check it out.
Her principal responsibilities as chief executive officer include making important corporate decisions and overseeing the company's overall operations and resources.Ayaw niya sanang pumayag noong una sa desisyon ng daddy niya na ilipat sa kanya ang pamamahala ng kompanya ngunit wala namang ibang anak kundi siya lang. Isang beses lang nagkakaanak ang lahi nila. It will take 1-2 miscarriages pa nga bago matuloy ang pagbubuntis nila. Sabi ng lola niya, sumpa daw iyon sa kanila dahil ang mga ninuno nila ay maraming pinaiyak na mga babae. Na para sa kanya ay kalokohan. She didn't believe in curses. It's the 21st century, wala ng naniniwala sa sumpa.
She picked the white halter crop top and partner it with cream long-sleeve suit and a cream shorts. Pinaresan niya rin ito ng brown low-heel ankle boots. Habang ang buhok niya ay inilugay lang niya and put it on the left side of her shoulder. Kinuha niya rin ang black shades niya to finalize her outfit. Naglagay lang siya ng red lipstick at konting press powder sa mukha. Pinagmasdan niya muna ang sarili sa salamin bago nagpasyang bumaba sa lobby. Doon na rin niya hinintay ang kanyang sasakyan na kinuha muna ng valet. Ang kanilang condominium ay exclusive lang for Alta Sociedad. Kapag wala kang koneksyon sa mga higher up, hindi ka pwedeng mag-purchase ng condo sa kanila.
Pagdating ng valet ay agad na siyang sumakay sa kanyang 2020 SUV Resvani Tank (Military Edition). Nabili niya ito ng half price lang sa kaibigang si Cora. Pinag-ipunan niya pa ang pagbili ng sasakyan. Ang mahal naman kasi nito. Almost $295,000. Isang beses lang siya bibili ng sasakyan kaya doon na siya sa mapapakinabangan niya talaga.
Hindi naman kasi siya maluho. It was supposed to be a gift from Cora but she insisted na bilhin. Pumayag nalang ang kaibigan kasi mapilit talaga siya. Friendship anniversary kasi nilang tatlo ni Faye last month at sasakyan ang naisip na iregalo sa kanila ni Cora. Ito ang ibinigay sa kanya. Paano ba naman kasi, manghang-mangha siya sa mga sasakyan ng kaibigan. Pwedeng pangsabak sa giyera!
Napansin seguro ni Cora ang reaksyon niya last time noong nag road trip sila. Kaya binilhan siya nito ng sasakyan. Alam din kasi ng kaibigan na pinag-iipunan niya ito.
Pina-customized pa ng kaibigan ang interior nito na nagustuhan niya talaga. May special off-roading shock absorber ito kaya smooth talaga ang biyahe with 1000 horsepower engine. Meron din itong thermal night vision system that include heat signatures, led light bar and self-sealing fuel tank.
The vehicle is equipped with ballistic armor, making it appear bulletproof.It can block shots from both high-caliber firearms and assault rifles.Electrified door handles, sirens and strobe lights, and magnetic deadbolts are all available. These are designed to provide the highest level of protection against illegal or coerced entry.Meron din itong smokescreen na pinakapaborito niyang feature ng sasakyan. Kapag pinindot mo ito, may lalabas na usok dito na sobrang kapal.
It will assist you in blinding your tracker and allowing you to flee.Electro-magnetic pulse protection is also included in the military edition, which can defend you from EMP strikes. When the doors are closed, the automatic retractable running boards fold up as well.Pagdating sa opisina, kaagad na siyang naghanda para sa meeting. Her secretary told her the details about it. Their artists will propose some designs for the upcoming launch of their new product. Pagpasok niya sa meeting hall ay naroon na ang lahat. Tumayo ang mga ito at binati siya.
"Good Morning Ms. Hernandez..."
Ngumiti lang siya at tumango sa mga ito.
"Please be seated and start the meeting" aniya at naupo na sa swivel chair.
Umupo narin sa gilid niya ang kanyang sekretarya. Itinuon niya ang atensyon sa harapan. Their artists present their designs at seryoso lang siyang nakikinig sa mga ito.
"We're creating art that will last a lifetime..." pagsisimula ng artists nila na si Herbert.
He is part of LGBTQ community. Matagal na ito sa kanilang kompanya at magaling talaga sa kanyang trabaho. Kung kaya malaki ang tiwala niya rito.
"We take these concepts and turn them into characters with story arcs." dagdag pa nito.
"The vast majority of our customers want a male sex doll. As a result, we propose launching this new product called "Michael" in order to satisfy them, as we always do."
Humarap ito sa screen at pinindot ang remote para mailipat ito sa next page.
"We conduct some survey and the results were pretty amazing" ngumiti si Herbert sa kanila at nagpatuloy sa discussion nito.
"The primary option is the boy next door. It's rather usual to have light chest hair. Clients also like a more rough appearance, which gives it a more authentic feel. They desired flaws in their personalities.
They want that reality, when everything is a little bit off."Nakilala lang niya ito sa condominium kung saan siya nakatira ngayon at napag-alaman niya na gusto nitong maging Artist talaga. Doon daw kasi ito magaling. Naisipan niyang alukin ito ng trabaho sa kanyang kompanya na maluha-luha nitong tinanggap. Natawa pa nga siya sa unang reaksyon nito. Tuwang-tuwa ito sa naging trabaho niya. Forte daw kasi nito iyon na ikinatawa niya.
Karamihan din sa mga employees niya ay mga Vocational Graduate. Kapag nakita niyang may passion ka sa trabaho mo, tanggap ka kaagad. Ganoon siyang Boss. Training for 3 months then kapag pursigido ka, regular ka na kaagad. Kaya seguro, mahal na mahal siya ng kanyang mga empleyado at malaki ang respeto ng mga ito sa kanya.
"I love the designs!" she exclaimed with a happy face.
"So, did you guys already decided the date of launching our Michael?" tanong niya kay Herbert na makikita mo sa mukha ang kasiyahan.
" Yes, Ms. Hernandez... Actually we are planning to launch this on October" sagot nito na tinanguan niya.
"Hmm... That settled then" wika niya at umayos ng upo.
"Kindly coordinate the accounting department for the budget and the marketing department okay?" dagdag pa niya.
"Yes, Ms. Hernandez" sagot ni Herbert na tinanguan niya.
After that, the chief financial officer (CFO) discussed the status update of the company. The company's performance and profit. Then she dismissed the meeting after. Bumalik na rin siya sa kanyang opisina pagkatapos at humingi ng kape sa kanyang sekretarya na kaagad namang sinunod nito. She's busy signing some papers when her secretary knock on the door."Get in..." wika niya."Ms. Hernandez, Mr. Noah is in the lobby. He wants to talk to you" inilapag nito ang kape sa mesa niya.Napalingon naman siya sa sinabi nito."Si Noah? Ano namang ginagawa ng gago na yun dito?!"Napabuntong-hininga siya sa sariling tanong. It's been 6 months after that horrifying night. Kung saan, nabisto niya ang ex-boyfriend at ang isa pa niyang kaibigan na si Layla na may relasyon pala. Noong una, todo walwal pa siya pero ngayon, hindi na. Tanggap na niya ang lah
The days went on and as usual, busy parin si Amara sa trabaho. Lalo na ngayon at may hinahanda silang event to launch their new product. Hindi na rin nangulit pa sa kanya si Noah na ipinagpasalamat niya. Abala siya sa pagbabasa ng mga dokumento nang tumunog ang kanyang cellphone. Itinigil na muna niya ang pagbabasa at tiningnan ito. Kaagad siyang napangiti sa nabasa.Beshy Faye:Let's chill! I miss you guys. 🥺Kitakits sa Royal Night Club @6pm sharp. Wag kayong mali-late. Labyu! 😘Kaagad naman siyang nag-reply.To Beshy Faye:G...Then sent. Ganun lang siya mag-reply. Gets na 'yon ng kaibigan niya. Mas maigi ng nag-reply siya keysa tadtarin siya ng text ng kaibigan. Loka-loka pa naman iyon kapag di napansin.At exactly 5 pm ay umuwi na siya. She needs to prepare for their bonding. Seguradong lasing na naman ang kaibigan na si Faye pagkatapos. She took a quick shower and picked her outfit.Na
Nagkatinginan naman sila ni Cora sa sinabi ng kaibigan."Naku! Mas mabuti pang sumayaw nalang tayo. Hindi ba sabi mo, nakapag-move on ka na dun?" wika niya na hinila na si Faye papunta sa dance floor.Nagpaiwan naman si Cora para bantayan ang mga gamit nila. Lumapit pa sa DJ si Faye para mag-request ng sasayawin nila na agad namang pinatugtog nito. They dance seductively at sinabayan ang ritmo ng musika. Aliw na aliw sila sa pagsasayaw nang may mabangga sa likuran si Faye."Ano ba!" sigaw ng babae.Napalingon naman silang dalawa ni Faye sa sigaw nito. Nakatalikod ang babae kay Faye at medyo nahihilo pa siya sa ilaw ng disco club, kaya hindi niya ito namukhaan agad."Ooppsss... I'm sorry miss–" nabitin sa pagsasalita si Faye nang lumingon sa kanila ang babae."Long time no see my dearest friends..." the girl smirked at them then flip
Tawang-tawa naman si Cora sa sinabi niya. Nag-usap pa sila about kay Noah bago siya naihatid nito sa condo niya at umalis na rin. Pagkapasok, dumiritso na siya sa kama para mahiga. Salamat sa binigay ni Cora kanina, hindi na siya masyadong nahihilo."Ano naman kaya ang mangyayari bukas?"Napatitig siya sa kisame. Hindi niya maiwasang balikan ang mga napagdaanan niya. Ilang beses na ba siyang na-inlove pero palaging nauuwi sa break-up? Lahat ng lalake na dumaan sa buhay niya ay nambabae. Palagi naman niyang binibigay ang best niya. Maswerte nga seguro siya sa ibang bagay subalit, mailap naman ang pag-ibig sa kanya."makakapag-asawa pa kaya ako? Magkaka-pamilya?"Bumangon siya at pumunta sa kitchen. Kumuha ng tubig sa refrigerator at uminom. Napatitig siya sa kawalan."Kung sakali man, kung may darating pa sa buhay ko...Sana, sana talaga siya na"B
After 3 months...Nakahanda na si Amara para lumipad sa bansang Denmark. Her medication went well at binigyan na siya ng go signal ng kanyang gynecologist na magbuntis. Sinabi niya rin kasi rito na gusto niyang sumailalim sa Artificial Insemination. Samantala, wala namang nagawa ang mga kaibigan niya sa kanyang desisyon.She's very thankful that her friends, understand her decision. Sila na muna ang bahala sa maiiwan niyang trabaho rito sa Pinas at dahil nga high-tech na ang panahon, zoom meeting nalang ang gagawin niya palagi upang magampanan parin ang responsibility bilang CEO.Nag-iyakan pa muna sila ni Faye bago siya pumasok sa kanyang private plane. Matagal-tagal din bago sila magkitang muli."Don't forget to communicate with us ha? You take care of yourself doon. Wala pa naman ang magaganda mong mga Beshy na inaalagaan ka palagi" yumakap si Faye sa kanya habang umiiyak.
Pumapatak ang malakas na ulan mula sa madilim na kalangitan. Ang hangin ay humahampas sa kakahoyan. Sarado na lahat ng bahay pero heto siya at nasa labas. Nagmamasid sa karagatan. Siya ang nagbabantay ngayon upang seguraduhin ang kaligtasan ng tribo. Inilibot niya ang paningin."Mukhang may bagyo nga..." bulong niya sa sarili at tumalikod na upang umalis.Subalit, hindi pa man siya nakakahakbang palayo nang may narinig siyang pagsabog mula sa kalangitan. Napatingala siya. Kasabay ng kulog at kidlat ay ang pagkahulog ng isang bagay na parang isang bulalakaw. Bumagsak ito sa dagat. Dali-dali niyang inobserbahan kung ano ang bagay na iyon. Nang bigla niyang maalala ang sinabi ni Apo Milda sa kanya."Umiiyak ang kalangitan, galit na galit ang mga alon. Sa anyo ng isang bulalakaw, mangyayari ang nakatakda!" mariin nitong wika."Anong ibig niyong sabihin, Apo Milda?" nakakunot-noo niyang tanong at umayos ng upo
Isinandal niya ang ulo sa matitigas at bato-bato nitong dibdib. Ang mga kamay niya ay nakayapos sa batok nito. Ramdam niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa leeg niya. "Bakit ako kinikilig sa lalakeng ito?!" Nahawakan na siya ng mga naging nobyo niya noon at hindi ito ang unang beses na may lalakeng kinarga siya. May mga kilig moments naman sila ng mga naging boyfriend niya pero hindi umabot sa puntong naghalikan na sila o higit pa. Ngunit, ang lalakeng ito na hindi naman niya kilala ay nagawa niyang halikan ng walang pag-aalinlangan. Hindi rin siya nakaramdam ng pagkailang dito. Para bang, matagal na silang magkakilala. O baka naman, epekto lang ito ng aksidenteng natamo niya. Baka ito na ang sign na dapat siyang lumandi? "Why not? Hindi naman ako lugi sa lalakeng ito and I'm sure, papatulan ako nito. Sa ganda kong ito, choosy pa ba siya?" Pinagmasdan niya ang lalake na seryos
"Nasa Isla ako?!" napasigaw siya at napahampas sa lamesa sa sobrang gulat, "Paano ako makakauwi nito? I'm sure, walang signal dito. I watched documentaries about ethnic groups, wala raw signal kapag nasa isa kang Isla" Natampal niya ang sarili. Nakalimutan niya yatang inaasahan na niyang sa isang Isla siya mapapadpad. Diba nga’t panay hanap niya ng Isla kanina habang palutang-lutang sa dagat? "Kapag humupa na ang bagyo, pwede kang maihatid ni Mang Isko sa kabilang Isla, sa Sabtang. May signal sila roon" sagot nito saka sumandok muli ng kanin. "Hindi mo ako sasamahan?" tumingin siya rito ng seryoso. "Sasamahan kita... Huwag kang mag-alala" nilagyan siya ng binata ng binalatan nitong hipon. "Segurado ka d'yan ha?" aniya na sumubo na ng ulam. "Oo, segurado..." "Seguradong-segurado?" Natawa naman si Dakila sa
“Handa na ang pagkain...”Napalingon kami ni Mama Diwa sa tawag ni Dakila. Ang cute nitong tingnan sa suot nitong pink apron na galing sa akin. Ibinigay ko iyon sa kanya after kong makuha ang aking luggage bag. Noong una, ayaw niya pang tanggapin pero napilit ko rin kalaunan.“Kumain na muna tayo ng hapunan, Inang...” napakamot ito sa kanyang ulo at palipat-lipat ang tingin sa amin, “Nakadisturbo ba ako?”Mukhang napansin yata nito ang namamaga naming mga mata dahil sa naging iyakan namin kanina.“Tapos na kaming mag-usap, halika na Amara. Masarap iyong mga dala ko. Magugustuhan mo panigurado”Tumango ako kay Mama at saka magkasabay kaming naglakad patungo sa loob ng bahay. Nakasunod naman sa amin si Dakila na tahimik lang. Pagdating namin sa kusina ay nabungaran kaagad namin si Makisig na may malaking ngiti sa labi habang namimilog ang mga m
Tuluyan na ngang napahagulhol ng iyak si Mama. Niyakap ko siya ng mahigpit. Nasasaktan ako para sa kanya. Hindi madali ang pinagdaanan ni Mama. Alam ko dahil pinagdaanan ko narin iyon. Nangyari narin sa akin na nasaktan ako ng pisikal ni Noah.“Tahan na, Mama...” I rubbed her back to calm her.“No, I’m okay... I want you to know what happened also...” inilayo nito ang sarili sa akin at binigyan ako ng isang matipid na ngiti, “Nagtiis ako. Akala ko kasi, magiging maayos din kami. Kasi, hindi naman siya ganun nung nagkakilala kami. He’s a very sweet and caring man. He loves me so much. Sabi ko sa sarili ko, hindi iyon si Jude. Hindi niya kayang gawin sa akin ang mga bagay na iyon. Pinaniwala ko ang sarili ko na magiging maayos kami muli. Kaya mas pinili ko parin mag-stay kahit binubugbog na niya ako ng paulit-ulit. Hanggang sa nag away na naman kami. Sinuntok niya ako sa sikmura. Alam mo kung ano ang
Nakaupo kami ngayon sa sala. Magkatabi si Dakila at Makisig na nasa harapan namin habang kami naman ng Inang Diwa ni Dakila ang magkatabi. Ang Inang niya na dati ko palang nanny. Oo, tama kayo, ang hinahanap kong nanny ay nasa isang Isla lang pala na katabi ng Batanes. Ang nanny ko na itinuring ko ng pangalawang Nanay. Ang nanny na mahal na mahal ako at mahal na mahal ko. Nakayakap ako ngayon sa kanya. Naglalambing habang nakataas ang isang kilay kay Makisig. Ano ka ngayon ha?! May bago akong kakampi! “Ano bang nangyari sa inyong dalawa, Makisig?” tanong ni Inang Diwa sa malumanay na boses.Umayos ng upo si Makisig saka nagsimulang magpaliwanag.“Nagkukulitan lang naman kami, Dayang Diwa...” hindi makatingin nitong sagot.Bumaling naman si Inang Diwa sa akin. Hinaplos nito ang buhok ko at may ngiti sa mga labing nagsalita.“Amara... Ano bang nangyari
Naiyak nalang ako ng tahimik sa loob ng cubicle. Hindi pa ako tapos magsalita. Bakit naman ganun?Natawa nalang ako nang maalala ang mga nangyari. Pagkatapos noon ay iniwan ako ni Noah sa restaurant. Mabuti nalang at dumating sina Cora at Faye upang tulungan ako.Gusto nga nila na hiwalayan ko kaagad si Noah after what happened pero nagpaliwanag naman din kasi ito na nagkaroon daw ng emergency sa bahay nila kung kaya hindi na nakapag-paalam sa akin. Syempre, mahal ko kaya pinatawad ko.Sinabunutan pa nga ako ni Faye noon na humantong sa tampuhan namin. Tanga raw kasi ako na sa ngayon ay masasabi kong tama talaga siya. Mabuti nalang at naayos ni Cora ang misunderstanding namin na iyon. Ilang beses rin naming pinag-awayan si Noah.Naalala ko rin ang dati na nag-away kami at hinayaan niya lang akong umiyak. Iniwan niya pa ako sa gitna ng kalsada. Ni hindi manlang naisip nito na mapapahamak ako. Mabut
"Hala! Sorry! Ikaw kasi eh! Puro kababuyan ang mga sinasabi mo!" wika ko saka dali-daling kumuha ng tissue na palaging nasa gitna ng lamesa ni Dakila nakalagay.Napapikit ito at halatang nagpipigil lang sa sarili.Pinunasan ko ang mukha nito habang pinipigilan ang sarili kong matawa at the same time, naaawa rin ako rito. Poor Makisig. Sorry talaga."At natatawa ka pa talaga ha?" naiinis na bulyaw nito sa akin."Ha? Hindi... Sinong natatawa? Ako ba? Naku! Hindi. Bakit naman ako matatawa? May Buko-Salad ka lang naman sa may bukana ng ilong mo" sagot ko na hindi makatingin dito."Ano ba! Sinusundot mo na ang ilong ko eh!" reklamo nito."Ay naku! Sorry talaga Beshy..." inilayo nito ang mukha sa akin saka ito tumayo at naghilam
Nagising ako dahil sa isang awitin na aking narinig. May kumakanta gamit ang gitara. Medyo husky ang boses ha? Alam kong hindi si Dakila iyon dahil alam ko na ang boses nun. Napailing nalang ako at tinampal ang aking noo."Baka naman nagkakamali ako? Baka si Dakila nga? May mga singer din naman na nag-iiba ang boses kapag umaawit na, diba?"Bumangon na ako saka niligpit ang aking higaan. Medyo, pagod parin ang pakiramdam ko. Malakas ang menstruation ko ngayon dahil first day. Usually kasi, lumalakas agad ang period ko basta unang araw at pangalawa. Kapag 3rd day na, medyo okay na ang pakiramdam ko nun. Hindi narin masyadong malakas ang period ko that day. Pagka-4th day, mawawala na. Kaya, tiis-tiis nalang muna ako sa period na ito.Binuksan ko ang pintuan at dumiritso muna sa banyo. Kailangan ko kasing e-dispose ang nakolektang dugo galing sa cervix ko at itapon. After that, huhugasan ko
Nabulunan ako sa aking pagkain dahil sa sinabi ni Dakila. Dali-dali namang iniabot nito ang tubig sa akin at hinagod ang aking likod.“Ayos ka lang ba, Amara?” nag-aalalang tanong ni Dakila sa akin.“H-Ha? Oo, Oo naman. Ayos lang ako. Uhm... Iyong kanina ba? A-Ano kasi... Personal cup ko iyon!” paliwanag ko na nauutal.Para tuloy akong pinagpapawisan. Bigla akong na hot seat! Paano ko naman kasi ipapaliwanag rito na iyong laman nun ay para sa period ko?! Tiningnan naman ako ni Dakila ng nagtataka pero hindi na rin ito nag-usisa pa na ipinagpasalamat ko. Nakahinga ako ng maluwag. Sa susunod, hindi ko na talaga iiwanan ang MC ko kahit saan! Mag-iingat na ako upang hindi na maulit ang kahihiyang ito.Tumayo na si Dakila upang ligpitin ang aking pinagkainan at lumabas ng kwarto. Pagbalik ni Dakila ay inilapat na nito ang tumbler na kanina ay inihanda nito. Min
Tanghali na ng magising si Amara. Ang bigat ng kanyang pakiramdam. Kanina pa siya ginigising ni Dakila pero puro tango lang ang naging tugon niya. Wala siya sa tamang wisyo ng iminulat niya ang mga mata. Parang gusto niyang manapak dahil sa bigat ng pakiramdam niya ngayon. Ang sakit din ng kanyang puson. Naglakad siya palabas sa kwarto dala ang kanyang mini pouch na may lamang mga necessary items na need niya. Nagpakulo na muna siya ng tubig. After that, kinuha niya ang kanyang menstrual cup.Si Faye ang nag-introduced nito sa kanila ni Cora and she finds it so convenient and environmentally friendly. The menstrual cup is collapsible and she likes the fact that it is so small that you can carry it anywhere. Given that it is the only collapsible menstrual cup. It has a compact-like container. This means you can discreetly toss it in the bottom of your purse, assured that it’s there whenever and whereve
DAKILA’S POV Ako ang unang nagbaba ng tingin. Kailangan kong pigilan ang aking sarili. Gusto kong magsimula kami ulit ni Amara. Mula sa pagiging magkaibigan. Gusto kong makilala siya. Gusto ko ring makilala niya ako ng lubusan. Nang sa gayon ay unti-unti kong maipapaliwanag sa kanya ang tungkol sa aking panata. Alam kong may iba na akong nararamdaman ngunit kailangan ko itong pigilan. Hindi maaari. May sinumpaan ako. Hindi ko ito kayang baliin. “I am a CEO of a big company in Manila. May iba rin akong mga business aside from that” wika ni Amara na nakatingin sa kalangitan, “I am in a relationship with my longtime boyfriend” Naging masama ang templa ko sa huling sinabi ni Amara. Hindi ko mapigilang mairita. Tumikhim muna ako bago nagsalita. “Anong nangyari pagkatapos?” tanong ko. Tumagilid ng higa si Amara paharap sa akin saka ngumiti ng malungkot. “He cheate