Share

CHAPTER 16

last update Last Updated: 2021-10-15 18:22:47

"Nasa Isla ako?!" napasigaw siya at napahampas sa lamesa sa sobrang gulat, "Paano ako makakauwi nito? I'm sure, walang signal dito. I watched documentaries about ethnic groups, wala raw signal kapag nasa isa kang Isla"

Natampal niya ang sarili. Nakalimutan niya yatang inaasahan na niyang sa isang Isla siya mapapadpad. Diba nga’t panay hanap niya ng Isla kanina habang palutang-lutang sa dagat?

"Kapag humupa na ang bagyo, pwede kang maihatid ni Mang Isko sa kabilang Isla, sa Sabtang. May signal sila roon" sagot nito saka sumandok muli ng kanin.

"Hindi mo ako sasamahan?" tumingin siya rito ng seryoso.

"Sasamahan kita... Huwag kang mag-alala" nilagyan siya ng binata ng binalatan nitong hipon.

"Segurado ka d'yan ha?" aniya na sumubo na ng ulam.

"Oo, segurado..."

"Seguradong-segurado?"

Natawa naman si Dakila sa kakulitan niya.

"Hmm... So, anong language niyo rito? Diba merong mga gano’n kapag sa Isla?" she asked curiously.

"Oo, Itbayat ang tawag sa salita namin..."

"Care to share?" she smiled at him.

Umuklo si Dakila at iniabot ang kanyang labi dahilan upang manigas siya sa kinauupuan. Hahalikan ba siya nito?

"Wait!" umatras siya at kaagad na tinakpan ang bibig, "Hindi pa ako nakakapag-toothbrush!"

Kumunot naman ang noo ni Dakila sa naging reaksyon niya. Habang siya naman ay biglang naalala ang halikan nila kanina ng binata. Ngayon pa talaga siya nakapag-isip about toothbrush!  Eh, naglaplapan na sila kanina.

"Mamaya ka na mag-toothbrush pagkatapos nating kumain..."

Nanlaki naman ang kanyang mga mata. So, tuloy na talaga ito? Sure na ba? Dito talaga sa hapag-kainan?

"S-Sige... Ikaw ang bahala" inilapit niya ang mukha kay Dakila at inalis ang kamay sa bibig.

Dahan-dahan niyang ininguso ang labi at pumikit. Ilang segundo pa ang nagdaan na wala manlang halik na dumating. Wait, ano bang ginagawa ni Dakila?

Idinilat niya ang isang mata at tiningnan ang binata na nakatitig lang sa kanya. Magkasalubong pa ang dalawang kilay nito.

"Amara? Bakit ka nakanguso?" tanong nito saka kinuha ang isang butil ng kanin na nasa gilid pala ng kanyang labi.

Hindi naman kaagad nakaimik si Amara. Shit! Kung pwede lang sanang bigla nalang maglaho!

"May kanin ka sa labi mo. Ito oh" ipinakita ng binata ang hawak nito sa kanya.

"Ah! Haha! Oo, sabi ko nga! A-Ano kasi... M-Makati ang labi ko. Tama! Medyo makati. Ganito ako kapag makati ang labi ko..." nauutal niyang paliwanag.

"Bakit? Allergy ka ba sa hipon? Hala, sana sinabi mo..." kinuha nito ang mga hipon na inilagay sa kanyang plato kanina, "Magluluto nalang ako ng bagong ulam. Pasensya ka na Amara"

Nakonsensya naman siya sa nagawa. Bakit ba naman kasi ang landi kong mag-isip!

"Naku, huwag na Dakila. Ayos lang naman ako. Sa ibang bagay ako allergy hindi sa hipon..."

"Ah ganun ba?" bumalik ito ng upo sa silya, "Akala ko kung ano ng mangyayari..."

"Mag-kwento ka nalang about sa tribo ninyo..." pag-iiba niya ng usapan na tinanguan nito, “Hay naku! Amara. Maghunos-dili ka!

Masaya lang silang nag-usap ni Dakila tungkol sa tribo nito. Ipinaliwanag naman ng binata ang kanilang mga tradisyon at ang tungkol sa kanilang lenggwaheng Itbayat. Marami pa siyang itinanong rito na malugod namang sinasagot nito. Katatapos lang niyang kumain nang tumayo si Dakila. Busog na busog siya. Ang sarap ba naman magluto ng binata. Total package na talaga!

"Gusto mo ng magpahinga?" tanong nito saka inabutan siya ng tubig.

"Kung pwede?" nahihiya niyang sagot rito, "Salamat nga pala sa pagligtas sa akin, Dakila. Kung wala ka roon, patay na sana ako ngayon"

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa kanya ang nangyaring aksidente. Wala naman siyang naging kaaway sa business industry. Wala rin siyang maalalang taong inapakan niya para ipapatay siya.

"Kahit sino ay gagawin ang ginawa ko" sagot nito at nagsimula ng magligpit.

"Salamat parin" wika niya na nakatingin lang kay Dakila na pumunta na sa lababo upang hugasan ang mga plato.

"Okay lang bang malaman kung anong nangyari sa'yo?" tanong nito habang nakatalikod at kasalukuyang nagbabanlaw ng mga pinagkainan nila para hugasan.

"Sumabog ang sinasakyan kong private plane papuntang Denmark" sagot niya na nangalumbaba.

Napatigil naman ang binata sa pagbabanlaw at napalitan ng pagiging seryoso ang mukha. Maya-maya pa ay muli itong nagsalita.

"Nangyayari talaga minsan ang aksidente. Ang importante, buhay ka" lumingon ito sa kanya at matipid na ngumiti.

"Hindi rin... Bago nangyari ang pagsabog... M-May nagtangkang p-pumatay sa'kin" sagot niya at malungkot na napabuntong-hininga.

Hanggang ngayon, natatakot parin siya. Hindi niya akalain na mangyayari iyon sa kanya. Ramdam niya ang kabog ng dibdib.

"Wala naman akong maalala na may nakaaway ako o may inapakan akong tao. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa akin" dagdag pa niya na nagsisimula nang mangilid ang luha, "Pwede bang dito na muna ako, Dakila? Pansamantala lang naman. Aalis din ako kapag maayos na ang sitwasyon. I just need to call my friends then uuwi na ako"

Tumango naman ang binata sa sinabi niya na katatapos lang maghugas ng mga plato.

"Huwag kang mag-alala. Ligtas ka na ngayon" tumabi ito sa kanya saka tinapik ang balikat niya, "Pwede ka ring manatili rito hangga't gusto mo"

"Salamat, Dakila" seryoso niyang wika.

"Kanina ka pa nagpapasalamat, Amara" natatawang sagot nito.

"Eh, anong gusto mo? Yakapsul?" tanong niya sa nang-aasar na tono, "O di kaya ay kispirin?"

"A-Ano? Ya-yakapsul?, Kis-Kispirin?" nakakunot-noo nitong tanong.

"Oo, Sabi mo kasi kanina pa ako nagpapasalamat. So, naisip ko na baka iba ang gusto mong gawin ko" paliwanag niya saka kumindat rito.

"Wala naman akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko" katwiran pa ng binata.

"Alam ko, inaasar lang kita" kinurot niya ang matangos nitong ilong na ikinatawa ng binata.

"Magpahinga na tayo, gabi na" hinuli nito ang kamay niya at kinarga na siya papunta sa isang silid.

"Shit! Anong gagawin namin? Ito na ba iyon? Isusuko ko na ba ang bataan?!

Napahagikhik siya sa naisip. Kung ngayon na nga mangyayari ang inaasahan niya, okay lang. May nararamdaman na siyang attraction sa binata at nasa wastong gulang na siya para gawin ang bagay na iyon. Isa pa, kailangan niyang magbuntis at magkaanak. Kung anuman ang maging resulta ng gagawin nila, mapapanindigan niya ito.

"Dito ako sa itaas. Ikaw, dito sa baba. Kung hindi ka komportable, pwede naman na doon na ako sa sala" inilapag siya nito sa kawayang higaan.

"Wait, does it mean na hindi kami magkatabing matutulog?!"

Tiningnan niya ang kama na gawa sa kawayan. Double deck ang style nito. Na may nakalagay na manipis na kutson. Tamang-tama lang upang hindi sumakit ang likod niya sa paghiga. May hagdanan din ito sa gilid na nagsisilbing daanan.

"H-Hindi! Dito ka lang..." kaagad na sagot niya.

"Paano kita lalandiin kung hindi mo ako tatabihan?!"

"Segurado kang okay lang?" tanong nito na inaayos na ang mga unan niya at tumalikod papuntang kabinet upang kunin ang bedsheet na gagamitin niyang kumot.

"Oo, okay na okay lang talaga!" tinanggap niya ang iniabot nitong bedsheet.

"Okay lang din na buntisin mo ako kaagad!"

"Sige, tawagin mo lang ako kapag may problema, nasa taas lang ako. Matulog ka na rin" wika nito na ginulo pa ang buhok niya.

Pumunta na ito sa gilid ng kama na may hagdanan at aakyat na sana nang tawagin niya.

"Dakila, wait lang!" hinawakan niya ito sa kamay at makailang beses na napalunok ng sariling laway.

Ito na, ito na talaga. Kakapalan na niya ang mukha. Alang-alang sa kapakanan ng magiging anak niya! Ng future niya! Bahala na! Alam niyang mabibigla ang binata sa kanyang sasabihin pero kailangan niyang subukan. Isa pa, wala na siyang oras. It's either now or never!

"Ano iyon, Amara? May kailangan ka ba?" humarap ito sa kanya at seryosong nakikinig sa susunod niyang sasabihin.

"Pwede mo ba akong..." napalunok siya bago nagpatuloy, "Buntisin?"

Related chapters

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 17

    "Pwede mo ba akong..." napalunok siya bago nagpatuloy, "Bunti– ayy!"Naputol ang dapat sanang sasabihin niya nang biglang kumulog ng malakas. Kasabay nun ay ang pagkawala ng kuryente."Dito ka na muna, Amara. Sisindihan ko lang ang mga lampara para may ilaw tayo"Tumango lang siya rito at malungkot na napasandal sa higaan niya."Ang malas naman! Wrong timing eh!"Napabuntong-hininga nalang siya sa kama. Baka nga, hindi pa oras para sabihin ko kay Dakila ang sitwasyon ko. Ang tanong, papayag din kaya ito sa alok ko?Sa konting oras na nakasama niya ang binata ay nakita niya kung gaano ito kainosente at kabuting tao. Parang lumalabas na ako ang bad influence sa kanya kapag ako ang nag-initiate ng alam mo na...“Sana nandito si Cora... Miss ko na sil

    Last Updated : 2021-10-15
  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 18

    Isinarado na ni Dakila ang pintuan at nagsimulang baybayin ang tirahan ng kaibigan niyang si Makisig. Ito ang papupuntahin niya sa nayon upang sunduin ang Inang niya. Kailangan niya kasing balikan si Amara kaagad upang malinisan ang mga sugat nito sa paa. Alam niyang naguguluhan ang dalaga sa naging reaksyon niya sa sinabi nito kanina.Naalala niya bigla ang pinagsaluhan nilang halik sa tabing-dagat nang makita niya ito sa unang pagkakataon. Mukhang nakalimot siya sa panata."Hindi dapat nangyari iyon! Isang malaking pagkakamali ang lahat!"Humugot muna siya ng malalim na hininga bago kumatok sa pinto ng bahay ni Makisig."Oh, Dakila! Imu sawen (ikaw pala) Anong atin?" mukhang nagulat yata ito sa pagdating niya, “Sumdep ka, maywayaw ka... (tuloy ka, maupo ka)Ara u maisidung ku jimu? (may maipaglilingkod ba ako sa'yo?)"Hindi

    Last Updated : 2021-10-15
  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 19

    "Dininig na ni Bathala ang mga panalangin natin, Mahal ko" maluha-luha namang wika ng ginang. "Masaya ako para sa anak natin, Mahal" niyakap ng Datu ang asawa saka hinagkan sa noo nito, "Gusto mo bang samahan kita sa pagbisita?" "Naku, huwag na Mahal. Magpahinga ka nalang. Alam kong pagod ka. Ako na muna ang bibisita. Dadalhin din naman ng anak natin dito ang nobya niya. Isa pa, baka magulat pa natin ang nobya niya. Hintayin nalang natin ang pagbisita nila rito sa bahay" sagot nito, " Maiwan ka na muna namin, Iho. Aasikasuhin ko na muna ang Datu" "Sige lang po" tumango siya rito ng nakangiti. Hinila na ng ginang ang Datu sa kwarto nila upang makapagpahinga. Habang naiwan naman si Makisig sa sala na naghihintay lang. Hindi naman nagtagal ay nakabalik na ang ginang na may dalang isang malaking tampipi. "Ako na po ang magdadala nito, Dayang Diwa" kinuha niya kaagad ang bitbit nito at ini

    Last Updated : 2021-10-15
  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 20

    Mabigat ang pakiramdam ni Amara nang magising. It’s almost 10 am in the morning. Medyo masakit din ang puson niya. Kinapa niya ang ilalim ng panty upang malaman kung may menstruation na ba siya. “Wala naman pala. Baka PMS lang...” Sinubukan niyang igalaw ang kanang paa ngunit may kirot pa rin siyang nararamdaman. Medyo namamaga pa rin ito. Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Dakila. Mukhang katatapos lang nitong maligo. May bitbit itong isang malaking kahon na hindi niya alam kung ano ang tawag. “Ano iyang hawak mo Dakila?” tinuro niya ang hawak nito. “Ah ito ba?” itinaas nito ang hawak na kahon, “Isa itong tampipi, may mga laman itong dam

    Last Updated : 2021-10-15
  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 21

    Seryoso itong lumapit sa kanya at nakahalukipkip ang mga braso na nagsalita.“Ipagpaumanhin mo binibini, ngunit maaari ko bang malaman kung sino ka?”seryoso nitong tanong na nagpakaba sa kanya.Sa tono kasi ng pananalita nito ay para bang ayaw nito sa kanya. Para bang hindi nito gusto na nandito siya.Lumunok muna siya bago sumagot,“A-Ako si A-Ama–”Naputol ang sasabihin niya ng biglang dumating si Dakila galing sa kusina.“Oh Alab, narito ka pala...” wika ni Dakila saka inilapag ang dala-dalang maliit na planggana sa mesang nasa harapan niya.“Dala ko ito” bumaling ang atensyon nito kay Dakila saka itinaas ang bagahe na hawak nito, “Nakuha namin ito mula sa dagat. Mukhang inanod ng alon”Nilapitan ni Dakila ang binata at saka kinuha ang dala nito.“Ito lang ba ang nak

    Last Updated : 2021-10-15
  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 22

    Kasalukuyang nasa kusina si Dakila at naghahanda ng Eskabetcheng Tuyo na ni-request ni Amara. Napangiti nalang ito nang maalala ang simpleng banat ng dalaga kanina sa kanya. Narinig niya ang sinabi nito. Malinaw. Malinaw na malinaw. Gusto niya lang asarin talaga ang dalaga na nangyari nga naman. Ang cute nitong maasar. Gustong-gusto niyang tinititigan ang dalaga. Ang ganda kasi ng luntian nitong mga mata. Dagdagan pa sa malalantik nitong mga pilik-mata. Hindi niya maintindihan ngunit naaaliw siya sa presensya ng dalaga. Ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganito. Para bang nagkakulay bigla ang mundo niya nang dumating si Amara. Kung dati, tahimik lang ang bahay niya, ngayon ay hindi na. Ngayon lang din siya ulit ginanahang magluto.Dati kasi, kung anong makuha lang niya sa refrigerator ay iyon nalang din ang kakainin niya. Subalit ngayon ay nag-iba na. Pinag-iisipan na niya ang mga inihahanda. Ang nakakatawa pa roo

    Last Updated : 2021-10-15
  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 23

    Naitikom ko kaagadang aking bibig. Gosh! Nakakahiya! Tumalikod na ito at naghanda ng aming pananghalian. Bakit ba kasi ang gwapo mo?! Pinagmasdan ko lang ito habang abala sa ginagawa. Ang mga muscle nito sa likod ay parang nagfi-flex habang naghihiwa ng mga sangkap para sa sawsawan nito. Ang hot tuloy nitong tingnan. Grabe! Likod palang nito, ulam na! Walang binatbat ang mga dating nobyo ko pagdating kay Dakila. Height palang, panlaban na! Cooking Skills, pamatay na! At ang smile nito. Makalaglag panty! “Ito na ang Eskabetcheng Tuyo!” inilapag nito ang isang malaking plato na may lamang ulam.Naamoy ko kaagad ang mabangong aroma ng pagkain. Nakakatulo-laway ito at ang sarap tingnan. Lalo na ang nagluto! “Wow! Mukhang masarap ah?” komento ko saka kumuha

    Last Updated : 2021-10-15
  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 24

    Nang matapos sa pananghalian ay napagdesisyonan nila Amara at Dakila na mamayang meryenda nalang nila kakainin ang natirang dessert na nasa refrigerator. Busog na busog si Amara. Napasarap ang kain niya kanina habang kakwentohan si Dakila.Naikwento niya rin kasi rito ang mga kagagahan nila ng mga kaibigan niya sa tuwing nalalasing sila sa club. Hindi nga niya alam kung bakit komportable siyang magkwento rito ng kahit na ano na kung tutuusin ay hindi dapat. Baka, na-turn off na ang binata sa kanya! Kasalukuyan silang nakatambay ngayon dito sa isang kubo sa labas na kalapit lang ng bahay ni Dakila. Gumagawa ang binata ng gagamitin niyang saklay. Nagsisi nga siya kung bakit pa siya nag-inarte kanina. Tapos na tuloy ang maliligayang araw niya. Katitila lang ng ulan kaya heto at nasa labas sila."Ikaw ba ang may gawa nito, Dakila?" tanong niya saka itinuro ang kubo.Nilingon siya ng binata na huminto

    Last Updated : 2021-10-15

Latest chapter

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 44

    “Handa na ang pagkain...”Napalingon kami ni Mama Diwa sa tawag ni Dakila. Ang cute nitong tingnan sa suot nitong pink apron na galing sa akin. Ibinigay ko iyon sa kanya after kong makuha ang aking luggage bag. Noong una, ayaw niya pang tanggapin pero napilit ko rin kalaunan.“Kumain na muna tayo ng hapunan, Inang...” napakamot ito sa kanyang ulo at palipat-lipat ang tingin sa amin, “Nakadisturbo ba ako?”Mukhang napansin yata nito ang namamaga naming mga mata dahil sa naging iyakan namin kanina.“Tapos na kaming mag-usap, halika na Amara. Masarap iyong mga dala ko. Magugustuhan mo panigurado”Tumango ako kay Mama at saka magkasabay kaming naglakad patungo sa loob ng bahay. Nakasunod naman sa amin si Dakila na tahimik lang. Pagdating namin sa kusina ay nabungaran kaagad namin si Makisig na may malaking ngiti sa labi habang namimilog ang mga m

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 43

    Tuluyan na ngang napahagulhol ng iyak si Mama. Niyakap ko siya ng mahigpit. Nasasaktan ako para sa kanya. Hindi madali ang pinagdaanan ni Mama. Alam ko dahil pinagdaanan ko narin iyon. Nangyari narin sa akin na nasaktan ako ng pisikal ni Noah.“Tahan na, Mama...” I rubbed her back to calm her.“No, I’m okay... I want you to know what happened also...” inilayo nito ang sarili sa akin at binigyan ako ng isang matipid na ngiti, “Nagtiis ako. Akala ko kasi, magiging maayos din kami. Kasi, hindi naman siya ganun nung nagkakilala kami. He’s a very sweet and caring man. He loves me so much. Sabi ko sa sarili ko, hindi iyon si Jude. Hindi niya kayang gawin sa akin ang mga bagay na iyon. Pinaniwala ko ang sarili ko na magiging maayos kami muli. Kaya mas pinili ko parin mag-stay kahit binubugbog na niya ako ng paulit-ulit. Hanggang sa nag away na naman kami. Sinuntok niya ako sa sikmura. Alam mo kung ano ang

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 42

    Nakaupo kami ngayon sa sala. Magkatabi si Dakila at Makisig na nasa harapan namin habang kami naman ng Inang Diwa ni Dakila ang magkatabi. Ang Inang niya na dati ko palang nanny. Oo, tama kayo, ang hinahanap kong nanny ay nasa isang Isla lang pala na katabi ng Batanes. Ang nanny ko na itinuring ko ng pangalawang Nanay. Ang nanny na mahal na mahal ako at mahal na mahal ko. Nakayakap ako ngayon sa kanya. Naglalambing habang nakataas ang isang kilay kay Makisig. Ano ka ngayon ha?! May bago akong kakampi! “Ano bang nangyari sa inyong dalawa, Makisig?” tanong ni Inang Diwa sa malumanay na boses.Umayos ng upo si Makisig saka nagsimulang magpaliwanag.“Nagkukulitan lang naman kami, Dayang Diwa...” hindi makatingin nitong sagot.Bumaling naman si Inang Diwa sa akin. Hinaplos nito ang buhok ko at may ngiti sa mga labing nagsalita.“Amara... Ano bang nangyari

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 41

    Naiyak nalang ako ng tahimik sa loob ng cubicle. Hindi pa ako tapos magsalita. Bakit naman ganun?Natawa nalang ako nang maalala ang mga nangyari. Pagkatapos noon ay iniwan ako ni Noah sa restaurant. Mabuti nalang at dumating sina Cora at Faye upang tulungan ako.Gusto nga nila na hiwalayan ko kaagad si Noah after what happened pero nagpaliwanag naman din kasi ito na nagkaroon daw ng emergency sa bahay nila kung kaya hindi na nakapag-paalam sa akin. Syempre, mahal ko kaya pinatawad ko.Sinabunutan pa nga ako ni Faye noon na humantong sa tampuhan namin. Tanga raw kasi ako na sa ngayon ay masasabi kong tama talaga siya. Mabuti nalang at naayos ni Cora ang misunderstanding namin na iyon. Ilang beses rin naming pinag-awayan si Noah.Naalala ko rin ang dati na nag-away kami at hinayaan niya lang akong umiyak. Iniwan niya pa ako sa gitna ng kalsada. Ni hindi manlang naisip nito na mapapahamak ako. Mabut

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 40

    "Hala! Sorry! Ikaw kasi eh! Puro kababuyan ang mga sinasabi mo!" wika ko saka dali-daling kumuha ng tissue na palaging nasa gitna ng lamesa ni Dakila nakalagay.Napapikit ito at halatang nagpipigil lang sa sarili.Pinunasan ko ang mukha nito habang pinipigilan ang sarili kong matawa at the same time, naaawa rin ako rito. Poor Makisig. Sorry talaga."At natatawa ka pa talaga ha?" naiinis na bulyaw nito sa akin."Ha? Hindi... Sinong natatawa? Ako ba? Naku! Hindi. Bakit naman ako matatawa? May Buko-Salad ka lang naman sa may bukana ng ilong mo" sagot ko na hindi makatingin dito."Ano ba! Sinusundot mo na ang ilong ko eh!" reklamo nito."Ay naku! Sorry talaga Beshy..." inilayo nito ang mukha sa akin saka ito tumayo at naghilam

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 39

    Nagising ako dahil sa isang awitin na aking narinig. May kumakanta gamit ang gitara. Medyo husky ang boses ha? Alam kong hindi si Dakila iyon dahil alam ko na ang boses nun. Napailing nalang ako at tinampal ang aking noo."Baka naman nagkakamali ako? Baka si Dakila nga? May mga singer din naman na nag-iiba ang boses kapag umaawit na, diba?"Bumangon na ako saka niligpit ang aking higaan. Medyo, pagod parin ang pakiramdam ko. Malakas ang menstruation ko ngayon dahil first day. Usually kasi, lumalakas agad ang period ko basta unang araw at pangalawa. Kapag 3rd day na, medyo okay na ang pakiramdam ko nun. Hindi narin masyadong malakas ang period ko that day. Pagka-4th day, mawawala na. Kaya, tiis-tiis nalang muna ako sa period na ito.Binuksan ko ang pintuan at dumiritso muna sa banyo. Kailangan ko kasing e-dispose ang nakolektang dugo galing sa cervix ko at itapon. After that, huhugasan ko

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 38

    Nabulunan ako sa aking pagkain dahil sa sinabi ni Dakila. Dali-dali namang iniabot nito ang tubig sa akin at hinagod ang aking likod.“Ayos ka lang ba, Amara?” nag-aalalang tanong ni Dakila sa akin.“H-Ha? Oo, Oo naman. Ayos lang ako. Uhm... Iyong kanina ba? A-Ano kasi... Personal cup ko iyon!” paliwanag ko na nauutal.Para tuloy akong pinagpapawisan. Bigla akong na hot seat! Paano ko naman kasi ipapaliwanag rito na iyong laman nun ay para sa period ko?! Tiningnan naman ako ni Dakila ng nagtataka pero hindi na rin ito nag-usisa pa na ipinagpasalamat ko. Nakahinga ako ng maluwag. Sa susunod, hindi ko na talaga iiwanan ang MC ko kahit saan! Mag-iingat na ako upang hindi na maulit ang kahihiyang ito.Tumayo na si Dakila upang ligpitin ang aking pinagkainan at lumabas ng kwarto. Pagbalik ni Dakila ay inilapat na nito ang tumbler na kanina ay inihanda nito. Min

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 37

    Tanghali na ng magising si Amara. Ang bigat ng kanyang pakiramdam. Kanina pa siya ginigising ni Dakila pero puro tango lang ang naging tugon niya. Wala siya sa tamang wisyo ng iminulat niya ang mga mata. Parang gusto niyang manapak dahil sa bigat ng pakiramdam niya ngayon. Ang sakit din ng kanyang puson. Naglakad siya palabas sa kwarto dala ang kanyang mini pouch na may lamang mga necessary items na need niya. Nagpakulo na muna siya ng tubig. After that, kinuha niya ang kanyang menstrual cup.Si Faye ang nag-introduced nito sa kanila ni Cora and she finds it so convenient and environmentally friendly. The menstrual cup is collapsible and she likes the fact that it is so small that you can carry it anywhere. Given that it is the only collapsible menstrual cup. It has a compact-like container. This means you can discreetly toss it in the bottom of your purse, assured that it’s there whenever and whereve

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 36

    DAKILA’S POV Ako ang unang nagbaba ng tingin. Kailangan kong pigilan ang aking sarili. Gusto kong magsimula kami ulit ni Amara. Mula sa pagiging magkaibigan. Gusto kong makilala siya. Gusto ko ring makilala niya ako ng lubusan. Nang sa gayon ay unti-unti kong maipapaliwanag sa kanya ang tungkol sa aking panata. Alam kong may iba na akong nararamdaman ngunit kailangan ko itong pigilan. Hindi maaari. May sinumpaan ako. Hindi ko ito kayang baliin. “I am a CEO of a big company in Manila. May iba rin akong mga business aside from that” wika ni Amara na nakatingin sa kalangitan, “I am in a relationship with my longtime boyfriend” Naging masama ang templa ko sa huling sinabi ni Amara. Hindi ko mapigilang mairita. Tumikhim muna ako bago nagsalita. “Anong nangyari pagkatapos?” tanong ko. Tumagilid ng higa si Amara paharap sa akin saka ngumiti ng malungkot. “He cheate

DMCA.com Protection Status