Share

Chapter 74: kaskas

Author: Glen Da O2r
last update Huling Na-update: 2024-05-16 21:37:36

Sakto namang alas-sais ng gabi ay dumating si Davidson. Gwapong-gwapo ito sa suot na black coat with a white long-sleeve polo inside. Fitted-slack at kumikinang na sapatos sa kintab ang terno.

Napangiti si Keirah sa hairstyle ng lalake. Ang laging naka-brushed up nitong buhok, ngayon ay nakabagsak lang. Bahagyang nags-sway ang quiff-haircut nito sa hangin.

Napangiwi naman siya ng taliwas sa ayos ng binata ang kasuotan niya. White-hood jacket at wide pants lang ang suot niya. Tenernuhan niya lang yun ng high-cut na puting canvas shoes.

Tila rakista siya at ito naman ay kagalang-galang at kataas-taasang CEO.

Napabuntong-hininga si Keirah. Ano ba kasing nangyari sa magpapaganda siya ng bongga?

Naka-light make-up naman siya at naka-bun din ang buhok niya. Saka hindi mawawala ang anti-rad glasses niya.

Aesthetic nga, nag-mukha naman yata siyang yaya ni Davidson. Pero wala na siyang oras pa para mag-change outfit.

“Ahh you look good?” hindi alam ni Keirah kung nagtatanong ba ito o mali
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Melting The CEO's Cold Heart   Chapter 75: wish

    Napakaraming tao sa amusement park lalo na ang mga nakaupo sa dike at nanonood ng paghampas ng alon sa tabing-dagat.Pero sa mga tao na yun, ay hindi maiwasan na pagtinginan sila ng mga ito. O baka kay Davidson lang nakatingin ang mga ito. Lalo na ang mga kababaihan.Bakit kasi ang gwapo-gwapo ng lalakeng ito ngayon? “I think they’re looking at you,” pabulong niyang wika sa binata.“Huh? Baka nag-gwapuhan lang,” bira nito na kinangiti niya.“Ang yabang!” “Hahaha.”Naghanap sila ng matatambayan pero okupado naman ang buong gilid ng dike kaya naglakad-lakad na lang sila. Sayang, hindi nila naabutan ang sunset. Gabi na kasi eh.Namilog ang mga mata ni Keirah ng masulyapan niya ang nagtitinda ng customized cotton candy. “Doon tayo!” Walang nagawa si Davidson ng hilahin niya ito.“Kuya, magkano?” “Thirty lang, miss,” sagot ni manong. “Anong gusto niyong shape?”“Hmm gusto ko po yung bear. Dalawa,” mag-aabot na sana siya ng bayad ngunit nag-abot na agad si Davidson ng bills dito.“Wait

    Huling Na-update : 2024-05-16
  • Melting The CEO's Cold Heart   Chapter 76: Cold-hot night (SPG)

    Tapos na ang pag-ikot ng ferris wheel at nakababa na rin sila. Tiningala ni Keirah ang langit. Maulap. Sinulyapan niya ang paligid at unti-unting nag-aalisan na ang mga tao.“Mukhang uulan pa yata,” ani Davidson, nakatingala din ito sa langit.“Hmm, sayang naman. Hindi pa tayo nakakapag-enjoy eh,” nakangusong sabi niya. Gusto niya pang ikutin ang park. Pero ayaw na silang pag-bigyan ng panahon.“Bumalik na tayo sa kotse,” hinawakan ni Davidson ang kamay niya at inalalayan siya mag-lakad.Kahit na madilim na ang langit, mabagal pa rin ang lakad nila. Magkahawak-kamay nilang binabagtas ang kahabaan ng parking. Inalis ni Davidson ang kamay nito sa kamay niya at hinapit ang bewang niya para mag-dikit sila. Pinulupot niya naman ang braso sa bewang ng lalake.“Hmm, saan mo gustong pumunta?” maya-maya ay tanong ni Davidson.“May mapupuntahan pa ba tayo? Uulan na kaya.”“Oo nga eh, mag-book tayo ng hotel, baka abutin tayo ng ulan pabalik ng QC.” “Sige, ikaw bahala.” Ilang saglit pa naman

    Huling Na-update : 2024-05-17
  • Melting The CEO's Cold Heart   Chapter 77: Scenario

    Isang linggo ang lumipas mula ng pag-saluhan nila ang gabing iyon. Ngunit si Keirah, isang linggo na ding naghihintay sa pagpaparamdam ni Davidson.Ngayon nga ay heto siya at nakamukmok sa kama at inaalala pa ang napag-usapan nila ng ihatid siya nito.(Flashback)“Mhine, love, nandito na tayo,” marahang yugyog sa kanya ni Davidson. Nagising naman siya na nakaparada na ang kotse nito tabi ng gate nila.“Hmm, uuwi ka na ba?” malambing niyang tanong dito ngunit hindi ito sumagot, bagkus umusog ito sa tabi niya at hinalikan siya sa noo.“I won’t forget this night, Keirah. Mahal na mahal kita lagi mong tatandaan,” bumuntong-hininga ito. “Kapag kinailangan mo ko somedays, lagi lang akong nandito, got it?”Napatingin siya dito at hindi niya ito maintindihan.“What do you mean?”“Wala. Sige na pumasok ka na, malamang hinahanap ka ng Dad mo.”“Okay, I love you.” “Take care.” Napakunot-noo na lang siya ng hindi ito tumugon sa ‘i love you’ niya. Ipinag-walang bahala niya na lang yun at baka p

    Huling Na-update : 2024-05-19
  • Melting The CEO's Cold Heart   Chapter 78: Maureen's Side

    “Dave, saan ba tayo pupunta? Ilang beses ko bang sasabihin na wala akong kinalaman sa mga dumukot kay Keirah,” kahit anong pakiusap ni Cassidy ay hindi siya pinapansin ni Davidson. Patuloy lang ito sa pagmamaneho. “Not until iharap kita kay Maureen,” seryosong tugon ni Davidson habang ang tuon ay nasa kalsada. Gusto niya kasing patunayan ni Cassidy na wala itong kinalaman sa nangyari kay Keirah. Ayaw niya rin namang akusahan ang kababata kung nagsasabi naman ito ng totoo. Plano niyang ayusin muna ang lahat bago siya makipag-kita kay keirah. Baka yun na rin kasi ang huling pakikipag-kita niya sa dalaga. Namimiss niya na nga ito, pero hindi siya pwedeng mag-patalo sa nararamdaman niya. Kailangan na niyang sanayin ang sarili na harapin ang bukas na hindi niya na makakasama pa ang babaeng minamahal. “Dave?” “We’re here,” mabilis niyang sagot ng mapansin ni Cassidy ang pananahimik niya. Sakto namang nasa harap na sila ng Quezon City Jail kung saan naka-detain si Maureen at

    Huling Na-update : 2024-05-20
  • Melting The CEO's Cold Heart   Chapter 79: Date?

    Hindi nag-tagal at nag-paalam na rin si Eunice. Nagka-patawaran na silang mag-kaibigan at okay na sila. Ang aral lang nun sa kanya, ay dapat inalam niya muna ang buong kwento bago siya nagalit kay Eunice. Hinusgahan niya kasi ito agad at sinabihan ng plastik at peke. ‘Hays, napakasama ko’ naiiling na singhal niya sa sarili. Paakyat na sana siya ng hagdan ng makarinig ng busina ng sasakyan. Ang Daddy niya yun, kakauwi lang. Palagi na lang busy ang Dad niya at kung umuwi ay ikalawang araw pa. Hindi niya alam ang pinagkakaabalahan nito. Nagtuloy na siya sa pag-akyat ng hagdan at hindi na hinintay pang makapasok ang Dad niya. Nang makarating sa kwarto, agad siyang humiga sa kama at tumitig sa kisame. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin talaga siya kung bakit mag-kasama si Davidson at Cassidy. Bahagya niyang pinilig ang ulo para hindi na mag-isip. Masasaktan lang siya, kapag nag-isip pa nang nag-isip. Wala naman siguro iyong malisya at mag-kaibigan naman ang dalawa.

    Huling Na-update : 2024-05-21
  • Melting The CEO's Cold Heart   Chapter 80: Truth hurts

    Pinagmasdan ni Keirah ang labas ng Restaurant na pagkikitaan nila ni Davidson. Isang expensive restaurant na sakop ng Shangri-La sa BGC. Pinaghandaan nga din naman pala ni Davidson. Naaayon lang din naman pala ang ayos niya sa lugar na pupuntahan niya. Huminga ng malalim si Keirah bago patayin ang engine ng kotse niya. Bumaba siya at tinungo ang resto. Sexy’ng naglakad siya papasok roon. Isang staff ng resto ang sumalubong sa kanya na halatang naghihintay sa pagdating niya. “This way ma’am,” anito. “Thanks,” matamis na nginitian niya ang staff. Marahan lang siyang sumusunod dito at pinapakinggan niya ang malamyos na tugtugin mula sa violin na gamit ng orchestra. Feeling niya tuloy ay nags-slowmo ang paligid niya habang naglalakad siya. Paliit nang paliit ang mga hakbang ni Keirah habang papalapit sa direksyon ng lalakeng nakatalikod sa kanila. Habang papalapit dito ay nagsasalubong ang mga kilay niya. Kilala niya ang likod na yun. Hindi yun ka

    Huling Na-update : 2024-05-21
  • Melting The CEO's Cold Heart   Chapter 81: endgame

    “Ano’ng nangyari, Dave? Where’s Keirah?” Dismayadong bumalik si Davidson sa kinaroroonan ni Leo. Bagsak ang balikat na naupo na lang siya sa table. “Ayokong maging manghuhula, Dave. Pero sa tingin ko, kailangan mong mag-paliwanag sa’kin,” ani Leo at naupo na rin sa harap niya. Nakahalukipkip ito at matamang nakatitig lang sa nakayukong si Davidson. Si Davidson nakayuko lang, nakakuyom ang dalawang palad na gulong-gulo ang isipan. Kailangan niya nga yatang mag-paliwanag sa kaibigan. Pagkatapos niyang sabihin kay Leo ang lahat, wala itong naging sagot. Bagkus, nahampas lang nito ang mesa. “Damn you, dude! Mahal ka ni Keirah pero kaya mo siyang isuko para lang sa negosyo? You are so stupid, Dave!” Parang sinasampal si Davidson sa bawat katagang binibitawan ni Leo. Oo na, tao lang siya. Mahina at nangangailangan. Tama naman si Leo, hindi deserve ni Keirah ang tulad niya. Katotohanang labis na dumudurog sa kanya. “You just made a decision, Dave. Makakaas

    Huling Na-update : 2024-05-22
  • Melting The CEO's Cold Heart    IKALAWANG YUGTO

    (A/N: IKALAWANG YUGTO means parang part 2 na po siya ng kwento. Marami ng nabago at nangyari sa ating mga lead characters, at mas huhusayan ko pa po. I will change it to FIRST POV, para sa mga readers na mas nakaka-gets ng first pov, para sa inyo po ito. Salamat po sa mga nagbasa at sumuporta hanggang dito, I'll signing off.. CHAAAR! Gusto ko lang sabihin na sana patuloy niyong subaybayan ang kwento ni Keirah at Davidson dito sa IKALAWANG YUGTO. I admit na mahirap siyang itawid, but I'm trying my very best to give you an explicit (explicit ba yun? haha) story. Sorry sa mga typos and wrong grahams ko, i-edit ko siya, pramis. Pls, continue to support me. ENJOY READING!! God bless us all..mwahh!) Ano na kaya ang mangyayari ngayong wala na si Davidson at Keirah? Magpapatuloy pa ba sila o titigil na? Pipiliin ba ni Keirah si Leo? Ano sa tingin niyo? ABANGAN.______________________________________________________________________________________________________KEIRAH POVIn-on ko

    Huling Na-update : 2024-05-23

Pinakabagong kabanata

  • Melting The CEO's Cold Heart   Chapter 161:

    MELTING THE CEO'S COLD HEART:IKATLONG YUGTOSIX YEARS LATER...(Keirah Pov) Sa paglipas ng mga taon, marami na ang nangyari. Meron na 'kong malusog at bibong anak na lalake. Six years old na si Yuan Dave sa susunod na buwan at balak ko na ring dalhin siya sa Pilipinas. "Lorraine, yung visa mo at passport, okay na ba?" tanong ko kay Lorraine. Busy ang gaga sa pagme-make up. "Oh yes, kahapon pa nasa bag ko," hindi niya talaga maitago ang excitement niya na uuwi na pagkalipas ng maraming taon. Bahagya akong natawa sa hitsura niya. London girl na rin ang pormahan nitong si Lorraine. Ang laki rin ng pasasalamat ko sa kanya, kung hindi dahil sa kanya, hindi ko kakayanin mag-isa si Yuan. "Mommy! Mommy, we're home!" Sabay kaming nagkatinginan ni Lorraine at nagkangitian rin. Nagpatiuna na 'kong lumabas ng kwarto niya para salubungin ang kararating kong anak. "Yuan? How's my baby?" hinalikan ko sa pisngi si Yuan. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang gasgas sa may t

  • Melting The CEO's Cold Heart   Chapter 160: Bawi

    THREE MONTHS LATER "Meeting dismissed! You all can go back to work now." Natapos na ang meeting nina Davidson at ng mga tauhan niya ngunit ang kanyang Auntie Jasmine ay hindi man lang tumalima. "Is there anything you want, Auntie?" Tiningnan muna siya malamlam ng ginang bago magsalita. "Are you okay, Davidson? Hanggang ngayon ba ay nasa isip mo pa rin si Keirah?" Tila naudlot ang pag-upo ng binata nang marinig ang sinabi ng tiyahin. "What do you mean, Auntie?" tanong niya saka tuluyang hinila ang swivel chair para makaupo. Hindi niya inakala talaga na magtatanong ng ganoon ang tiyahin niya. Kunsabagay, baka concern lang ito. Botong-boto pa naman ito kay Keirah. Sa totoo nga lang ay ito pa ang numero unong tagasuporta niya pagdating kay Keirah. Kaso wala eh, wala na itong magagawa, tapos na ang sa kanila ng dalaga. Kahit na manghinayang pa ang tiyahin, eh huli na rin naman ang lahat. Hindi niya nga alam kung nasaan si Keirah eh. Sinubukan niyang itanong sa mga kaibigan ng

  • Melting The CEO's Cold Heart   Chapter 159:

    "Magre-resign ka?" "Ah eh, yes po Sir," nanlalamig ang mga kamay ni Lorraine habang kaharap si Mr. Montevella. "What's the reason? You're one of the most trusted employee ko dito sa Montevella, and you're now resigning?" Hindi naman galit ang amo niya ngunit ang kaba sa dibdib ng dalaga ay hindi maiwasan. "Ahm kasi po..u-uwi po kasi ako ng probinsya, Sir. May aalagaan po akong kamag-anak," nakagat ni Lorraine ang pang-ibabang labi. Sana lang ay hindi mapansin ni Mr. Montevella na nagsisinungaling siya. Bakit naman kasi kailangan pa siyang isama ni Keirah sa England? Mahigit anim na taon na siyang nagtatrabaho sa Montevella Corp. kaya ngayon ay nahihirapan siyang magpaalam. "Sir? Payagan niyo po ako please." Nakita ni Lorraine ang pagbuntong-hininga ni Mr. Montevella. Pinagdaop rin nito ang palad sa harap ng mukha para ipakita kung interesante ba ito sa sinasabi niya. "Well, kung yan ang desisyon mo, Miss Lorraine. Who am I para pigilan ka, 'di ba?" Muli ay

  • Melting The CEO's Cold Heart   Chapter 158: Positive

    Tulala. Tulala sa kawalan si Keirah. Walang pumapasok sa kanyang isip. Nakipaghiwalay siya kay Davidson ng ganoon kadali. Parang wala siyang ideya kung bakit niya 'yon nagawa. "Keirah, kaya mo 'to, okay. Magiging okay din ang lahat. Magiging okay ka rin," patuloy na pang-aalo niya sa sarili. Para maiban ang lungkot na nadarama, isinubsob niya ang mukha sa unan at doon ay umiyak nang umiyak. Nasasaktan din naman siya. Hindi niya gustong hiwalayan si Davidson. Pero dahil sa miserable niyang sitwasyon, ayaw niya itong madamay. Gusto niyang sarilinin ang lahat ng problema. Ngunit sa ginawa niyang ito, malaking parte rin sa buhay niya ang nawala. ***** "S-sigurado ka ba sa gagawin mo, Akira?" "Yes Auntie. Pupunta ako ng England para ayusin do'n ang business ni Dad. Gusto kong i-expand ang branch do'n." "Well, kung yan ang nararapat at desisyon mo. Paano naman ang company dito sa Pilipinas?" "Five years lang ang kailangan ko, Auntie Laida. Babalik din ako dito

  • Melting The CEO's Cold Heart   Chapter 157: Give Up

    "Mr. Montevella, she's here." Nakangiting tinanguan ni Davidson ang manager ng isang mamahaling restaurant. Special ang gabing ito. Nag-rent pa siya ng buong restaurant para sa surpresa niya kay Keirah. Kailangan niyang gawin ang lahat para pagaanin ang loob ng nobya. Gusto niyang kahit papaano ay sumaya naman ang dalaga at sandaling makalimot mula sa mapapait na mga nangyari. "Yung music, ha. I want this night to be more special," hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Muling tiningnan ni Davidson ang isang diamond ring na nakalagay sa crystal box. Tonight, he' gonna propose. Yayayain niya na ng kasal si Keirah. Alam niyang hindi ito tatanggi pagkat mahal na mahal siya nito. At ganun din naman siya sa dalaga. In short, nagmamahalan silang talaga. Habang papalapit nang papalapit si Keirah sa kanya mas lalo namang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Bahala na. "Hi, babe," nakangiting bati niya sa dalaga nang makalapit na ito ng tuluyan sa direksyon niya. Ma

  • Melting The CEO's Cold Heart   Chapter 156: Company

    "Dad? Bakit ngayon pa?" Sobrang gulo na ng isipan ni Keirah. Halos buong unang lamay ng kanyang ama ay wala na siyang ginawa kundi ang umiyak. Masakit na masakit na rin ang kanyang mga mata. Mugtong-mugto na sa kakaiyak. Pakiramdam niya nga ay wala na siyang mailabas na luha. Hindi naman umalis sa tabi niya si Davidson. Tulad niya ay nangungulila rin ito. Alam niya ang pinagsamahan ng dalawa. Halos ama na rin ni Davidson ang Daddy niya dahil ito na ang gumabay rito mula noong namatay ang Daddy nito. "Keirah, tahan na," pang-aalo ni Davidson. Nakahilig siya sa balikat nito. "I don't think I can move on." "Keirah, you have me pa. Magiging okay din ang lahat--" "Okay? People are dying! Because of me! Paano magiging okay?!" hindi namamalayan ng dalaga na tumataas na ang boses niya. "What if, ikaw ang sumunod ha Davidson? "Ano bang sinasabi mo?" maski si Davidson ay kumunot ang noo at bahagya na ring tumaas ang boses. Umalis siya sa pagkakahilig sa balikat nito at marah

  • Melting The CEO's Cold Heart   Chapter 155: Dad

    "Kamusta ka na?" pangangamusta ni Melanie kay Keirah nang minsa'y naisipan nilang lumabas na magkaibigan. Ayaw niya pa nga sana kaya lang baka masiraan na siya ng ulo kapag nagmukmok lang siya sa bahay. "Okay lang naman. Pilit na bumabalik sa dati," matipid niyang sagot. "Dapat lang ano. Hindi naman pwedeng habang-buhay ka nang magmukmok r'yan. Mag-refresh ka." "Ano pa bang ginagawa ko?" nagpangalumbaba siya saka tinuon ang panson sa paghahalo ng kapeng inorder. "Si Matmat?" minabuti ni Keirah na ibahin na lang ang usapan. "Kamusta naman ang school niya?" "Nako, ayon. Napakakulit sa school. Lagi nga akong napapatawag ng teacher," umiirap pa ito habang nagkukwento. "Syempre bata." Kahit anong pilit na pag-iiba ni Keirah ng usapan, nanghihina pa rin talaga siya at nawawalan ng gana. Ayaw naman niyang makahawa ang bad energy na bumabalot sa katawan niya kaya pinipilit niya na ring maging masaya nang hindi naiisip ang mga nangyari. Nasa gitna sila ng usa

  • Melting The CEO's Cold Heart   Chapter 154: Pangungulila

    Alexander's death leads to their Mom's depression. Kahit na hindi magpakita si Alicia ng sisi kay Davidson, ramdam pa rin ng binata na sinisisi siya ng ina sa pagkamatay ng kapatid. Nararamdaman niya yun sa t'wing kinakausap niya ang ina at kung paano ito katipid sumagot sa kanya. "Ma? Kumain ka na. May dala akong pagkain," aniya, minsang siya ang nagdala ng pagkain sa kwarto nito. "Iwan mo na lang r'yan. Busog pa 'ko," matipid na sagot ni Alicia. Isang linggo na ang lumilipas mula nang maihatid nila si Alexander sa huling hantungan nito. Walang may gustong pag-usapan ang pagkamatay ng binata. Naghahatid lamang kasi ito ng lungkot sa kanilang lahat. Gayundin sa parte ni Keirah. Sobrang lungkot at galit sa sarili ang nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang sisihin ang sarili niya sa pagkamatay nito. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, pero nadamay pa rin si Alexander dahil sa kanya. "Kumusta ka na? 'Wag mo sabihing sinisisi mo na naman ang sarili mo?" ani Davidson. Mag

  • Melting The CEO's Cold Heart   Chapter 153: Painful Goodbye

    "Alex? N-no, oh my God! A-ALEX!" nanginginig ang buong katawan ni Keirah habang dinadaluhan si Alexander na nakahandusay sa semento. Hinahabol ng binata ang paghinga at pinipilit pang bumangon kahit unti-unti nang dumadanak ang dugo nito sa semento. "ALEXANDER!" hindi na nagpapigil pa si Davidson. Nabingi siya sa alingawngaw ng baril at tila umurong ang dila niya nang makitang bumagsak ang kapatid. Natigil ang aktong pagtakbo ni Davidson palapit kina Keirah nang magpaputok ang mga pulis sa kinaroroonan nila Leo. Tila natauhan naman si Leo sa ginawa niya. Nanginig bigla ang mga kamay niya nang mapagtantong nabaril niya si Alexander. "Leo, nabaril mo siya!" singhal ni Maureen sa lalake na ngayon ay natataranta na rin ito. "He deserves it. Tumatakas na tayo, bilis!" mabilis niyang hinila si Maureen para makabalik sa loob ng building. Ngunit isang hakbang pa lamang nila ay nagpaputok na ang mga pulis. Nagulat pa si Leo nang biglang yumakap sa kanya si Maureen. "L

DMCA.com Protection Status