"H-HELLO Melanie?" Suminghot-singhot si Keirah habang naghihintay na sumagot si Melanie. "Oh, bakit parang umiiyak ka? May problema ba?" tanong nito sa kabilang linya. "I-I think I need your help huhuhu," tuluyan na ngang umiyak ang dalaga. Hindi niya na kasi alam ang gagawin. Ayaw niya naman na istorbohin si Eunice dahil nag eenjoy ito ngayon sa Boracay kasama ang pamilya. "Teka..Teka lang, kumalma ka," nag-aalala si Melanie base sa boses nito. "Ahm, wala na kong matitirhan eh, huhuhu" "ANO?" gulat na bulalas ni Melanie. "Pupuntahan kita, wait ka lang diyan" Napahinga ng malalim si Keirah. Nagpapasalamat na lang talaga siya na may kaibigan pa siya na malalapitan. Kahit na kakikilala niya pa lang kay Melanie ay maaasahan na niya ito.****** Matamang tinititigan ni Davidson ang sick leave form na hawak niya. Napapahinga ng malalim sabay sandal sa swivel chair. "How is she?" seryoso na tanong niya kay Ms. Rodriguez. "Sir, appendicitis p
"GOOD morning, Mr. Montevella," nakangiting bati niya sa Boss niya. Binati niya pa rin ito kahit na magkasama na sila buong gabi hanggang kaninang umaga. Parang ang daming nangyari. "Sir, si Ms. Gustavo po muna ang ia-assign ko sa inyo while looking for a new secretary. I know na maaasahan niyo po siya," ani Ms. Rodriguez. "Is that so?" binalingan siya nito. "Are you capable to be my secretary? Pwede ka namang humindi, Ms. Gustavo" "I'm fine, Sir. Makakaasa po kayo that I'll do my very best to be your secretary" "Gano'n naman pala. You'll start today," utos ng Boss bago siya tinalikuran. Grabe. Kung tratuhin siya parang hindi siya natulog sa condo nito ah. ‘Iba talaga ang topak ng lalake'ng to, tch’ Hindi niya nalamang pinansin ang malamig na pakikitungo nito sa kanya. "Here is your schedule book, planner and diary," pukaw sa kanya ni Ms. Rodriguez at inabot sa kanya isa-isa ang makakapal na notebook. "Diary?" nagtatakang tanong niya. "
Nagkasalubong ang mga mata ni Keirah at Davidson. Hindi niya maiwasan ang malalamig na titig nito sa kanya. Sinalubong ni Keirah ang mga tingin ni Davidson na tila matutunaw siya. Isabay mo pa ang mga yakap nito sa kanya na para bang iniingatan siya na huwag tuluyang mawalan ng balanse. Baka kung hanggang mamaya pa siya nito tititigan baka matunaw na siya ng tuluyan. Napalunok siya ng dumako ang paningin sa mapupula nitong mga labi. Parang kay sarap halikan ng mga iyon. Mapapapikit na sana si Keirah at dadamhin pa ang yakap nito pero napawi ang pagiilusyon niya ng itulak siya nito. "Ano bang ginagawa mo? Are you out of your mind?" nakasimangot na singhal nito sa kanya. Ang kaninang kilig na nararamdaman ay napawi ng sinungitan siya ng binata. Umismid si Keirah. "Sorry po, Sir" "Sa susunod mag ingat ka, ayaw ko ng lampa sa mga tao ko!" "Eh 'di ikaw na perfect! Ikaw na ang hindi lampa! Kung hindi ako tinawagan ng bakulaw kong Ex, hindi naman ako maw
"SOUND SYSTEM?" "Check" "Lightings?" "Check" "Special Guest?" "Check?" "Okay, good, we'll start the sound system in thirty minutes. got it?" "Yes ma'am" Abala ang lahat. Paroo't parito ang mga tao. Hindi sila magkandaugaga. Ngayong gabi ang birthday party celebration ng kanilang CEO. "Yung seating arrangements, okay na ba? Lalo na yung sa mga VIP?" "Okay na Ma'am. Wala na po kayong aalalahanin" "Hooo!" nakahinga ng maluwag ang HR. Buti naman. Sa wakas ay natapos din ang preparation nila. Sa Montevella Hotel lang naman ang venue, bongga na, pinabongga pa. Sa disenyo pa lang ng venue, ay pang-mayaman talaga. Monochromic ang theme na ginamit pero masarap sa mata. Hindi siya nagkamali na piliin si Keirah para gumawa ng layout, magaling pala ito mag-plano.****** "YOUR wardrobe is now ready, Mr. Montevella" Bilang isang secretary ng isang CEO, kasama sa trabaho ni Keirah ang paghahanda ng susuotin ni Davidson. "I prepared a grey bl
ISANG love song ang pinatugtog ng DJ. Kasali naman yun sa tema eh. Kaya kapag may kapareha ka, pwede na kayong sumayaw sa gitna. ~//When you smile, everything's in placeI've waited so long, can make no mistakeAll I am reaching out to youI can't be scared, gotta make a move//~ Kasabay ng pag-intro ng music, ay ang sabay-sabay din na lingon ng mga tao. Napanganga silang lahat sa babaeng pumasok sa entrance. ~//While we're young, come away with meKeep me close and don't let go//~ Isang babaeng nakasuot ng white long dress ang naglakad papunta sa maraming tao. Petite style ang dress na suot nito with slit na mula hita hanggang sakong. Tinernuhan ng four inches heels at simpleng white pouch lang ang dala. Nakalugay din ang bagsak na bagsak na buhok ng babae. Pagkakakilala nila dito ay lagi itong naka ponytail. Simple lang din ang ayos nito, para ngang hindi ito nag-make up dahil made in heaven na talaga ang angking ganda. Para itong anghel na bumaba sa lupa. Sa
"LEO?" Agad na natutop ni Keirah ang bibig, saglit pa siyang natigilan bago nakabawi. Nang makabawi, dali-dali siyang tumalikod. Hindi dapat nito malaman na nandoon siya. "Ke..i..rah?" dahan-dahan pang sabi nito habang sinisipat siya. May kadiliman ang lights kaya sigurado siyang hindi pa siya nito nakikita. "S-sorry, Sir," naramdaman na niyang titingnan nito ang mukha kaya agad siyang tumakbo palayo sa lalake. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Humahangos si Keirah nang tumigil sa pagtakbo. Sinulyapan niya ang suot na heels, medyo sumakit ang paa niya dun ah. Ano bang ginagawa ng lalakeng yun dito? Bakit dito pa sila nagkita? Pero sigurado naman siyang hindi siya nito namukhaan. Maybe? Nakamaang na sinundan ni Leo ang direksyon ng tinakbuhan ng babaeng nabangga niya. Hindi siya nagkakamali. Si Akira yon. Sa malambing na boses palang ng babae, makikilala niya na agad yun. Pero baka nga hindi. Ano namang gagawin ni Akira dito 'di ba? Napailing na lang
"DAVE kaya ba ayaw mong pakasalan ang anak ko, dahil may girlfriend ka na?" Natigil sa ere ang paginom sana ni Davidson ng red wine. Napatingin siya sa kanyang seryosong ninong Salvador. Nasa iisang table sila. Sa lahat ng bisita at mga shareholders ay ang ninong niya lang talaga ang pinakikihalubiluhan niya. "What? Cassidy is not my girlfriend, ninong. She's just…she's just a little sister to me," napabuntong-hininga siya saka humalukipkip. Nahilot niya ang sentido niya. Lahat nalang talaga ng mga unexpected plan ni Cassidy ay nagpapasakit ng ulo niya. "Why is she acting like one?" pagpilit pa rin nito na ‘gf’ niya si Cassidy. "I don't know, ninong. At bakit ba natin siya pinag-uusapan?" "Tama ka, bakit nga ba natin siya pinag-uusapan?" dume-kwatro ito ng upo. "Kamusta na pala ang paghahanap mo sa anak ko? May ideya ka na ba kung nasaan siya?" Muli ay napatingin siya sa ninong niya."Sadly, hindi ko pa siya nahahanap. Nag-hire pa 'ko ng mga investigato
"M-MR. Montevella, na-nagpapahangin lang po ako e-este kami," hindi niya malaman kung ba't nagkakanda-utal siya, sabay tingin kay Alexander. Daig niya pa yung babaeng nahuling may kabit kung magpaliwanag. Tumayo na din ang lalake at inilahad ang palad kay Davidson para makipag-kamay. "Happy birthday, Mr. Montevella" Parang si Keirah na lang ang nahiya sa inasal ng Boss. Tiningnan lang kasi ito ni Davidson at hindi nakipag-kamay pabalik kay Alexander. Sa disappointment, binawi na lamang ni Alexander ang palad. "Salamat," yun na nga lang ang sinabi ni Davidson, labas pa sa ilong. "Can I borrow her?" seryoso pang dugtong nito. Nagkasalubong ang paningin ng dalawang lalake. Parehong ayaw magpatinag sa nagsisimulang tensyon sa paligid. "You see, we're talking. You're a little bit rude, Mr. Montevella," seryoso na din si Alexander. "Am I?" "Is she not allowed to have fun?" "Is being with your company fun?" Napangiwi si Keirah. Parehong ayaw may sumuko
MELTING THE CEO'S COLD HEART:IKATLONG YUGTOSIX YEARS LATER...(Keirah Pov) Sa paglipas ng mga taon, marami na ang nangyari. Meron na 'kong malusog at bibong anak na lalake. Six years old na si Yuan Dave sa susunod na buwan at balak ko na ring dalhin siya sa Pilipinas. "Lorraine, yung visa mo at passport, okay na ba?" tanong ko kay Lorraine. Busy ang gaga sa pagme-make up. "Oh yes, kahapon pa nasa bag ko," hindi niya talaga maitago ang excitement niya na uuwi na pagkalipas ng maraming taon. Bahagya akong natawa sa hitsura niya. London girl na rin ang pormahan nitong si Lorraine. Ang laki rin ng pasasalamat ko sa kanya, kung hindi dahil sa kanya, hindi ko kakayanin mag-isa si Yuan. "Mommy! Mommy, we're home!" Sabay kaming nagkatinginan ni Lorraine at nagkangitian rin. Nagpatiuna na 'kong lumabas ng kwarto niya para salubungin ang kararating kong anak. "Yuan? How's my baby?" hinalikan ko sa pisngi si Yuan. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang gasgas sa may t
THREE MONTHS LATER "Meeting dismissed! You all can go back to work now." Natapos na ang meeting nina Davidson at ng mga tauhan niya ngunit ang kanyang Auntie Jasmine ay hindi man lang tumalima. "Is there anything you want, Auntie?" Tiningnan muna siya malamlam ng ginang bago magsalita. "Are you okay, Davidson? Hanggang ngayon ba ay nasa isip mo pa rin si Keirah?" Tila naudlot ang pag-upo ng binata nang marinig ang sinabi ng tiyahin. "What do you mean, Auntie?" tanong niya saka tuluyang hinila ang swivel chair para makaupo. Hindi niya inakala talaga na magtatanong ng ganoon ang tiyahin niya. Kunsabagay, baka concern lang ito. Botong-boto pa naman ito kay Keirah. Sa totoo nga lang ay ito pa ang numero unong tagasuporta niya pagdating kay Keirah. Kaso wala eh, wala na itong magagawa, tapos na ang sa kanila ng dalaga. Kahit na manghinayang pa ang tiyahin, eh huli na rin naman ang lahat. Hindi niya nga alam kung nasaan si Keirah eh. Sinubukan niyang itanong sa mga kaibigan ng
"Magre-resign ka?" "Ah eh, yes po Sir," nanlalamig ang mga kamay ni Lorraine habang kaharap si Mr. Montevella. "What's the reason? You're one of the most trusted employee ko dito sa Montevella, and you're now resigning?" Hindi naman galit ang amo niya ngunit ang kaba sa dibdib ng dalaga ay hindi maiwasan. "Ahm kasi po..u-uwi po kasi ako ng probinsya, Sir. May aalagaan po akong kamag-anak," nakagat ni Lorraine ang pang-ibabang labi. Sana lang ay hindi mapansin ni Mr. Montevella na nagsisinungaling siya. Bakit naman kasi kailangan pa siyang isama ni Keirah sa England? Mahigit anim na taon na siyang nagtatrabaho sa Montevella Corp. kaya ngayon ay nahihirapan siyang magpaalam. "Sir? Payagan niyo po ako please." Nakita ni Lorraine ang pagbuntong-hininga ni Mr. Montevella. Pinagdaop rin nito ang palad sa harap ng mukha para ipakita kung interesante ba ito sa sinasabi niya. "Well, kung yan ang desisyon mo, Miss Lorraine. Who am I para pigilan ka, 'di ba?" Muli ay
Tulala. Tulala sa kawalan si Keirah. Walang pumapasok sa kanyang isip. Nakipaghiwalay siya kay Davidson ng ganoon kadali. Parang wala siyang ideya kung bakit niya 'yon nagawa. "Keirah, kaya mo 'to, okay. Magiging okay din ang lahat. Magiging okay ka rin," patuloy na pang-aalo niya sa sarili. Para maiban ang lungkot na nadarama, isinubsob niya ang mukha sa unan at doon ay umiyak nang umiyak. Nasasaktan din naman siya. Hindi niya gustong hiwalayan si Davidson. Pero dahil sa miserable niyang sitwasyon, ayaw niya itong madamay. Gusto niyang sarilinin ang lahat ng problema. Ngunit sa ginawa niyang ito, malaking parte rin sa buhay niya ang nawala. ***** "S-sigurado ka ba sa gagawin mo, Akira?" "Yes Auntie. Pupunta ako ng England para ayusin do'n ang business ni Dad. Gusto kong i-expand ang branch do'n." "Well, kung yan ang nararapat at desisyon mo. Paano naman ang company dito sa Pilipinas?" "Five years lang ang kailangan ko, Auntie Laida. Babalik din ako dito
"Mr. Montevella, she's here." Nakangiting tinanguan ni Davidson ang manager ng isang mamahaling restaurant. Special ang gabing ito. Nag-rent pa siya ng buong restaurant para sa surpresa niya kay Keirah. Kailangan niyang gawin ang lahat para pagaanin ang loob ng nobya. Gusto niyang kahit papaano ay sumaya naman ang dalaga at sandaling makalimot mula sa mapapait na mga nangyari. "Yung music, ha. I want this night to be more special," hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Muling tiningnan ni Davidson ang isang diamond ring na nakalagay sa crystal box. Tonight, he' gonna propose. Yayayain niya na ng kasal si Keirah. Alam niyang hindi ito tatanggi pagkat mahal na mahal siya nito. At ganun din naman siya sa dalaga. In short, nagmamahalan silang talaga. Habang papalapit nang papalapit si Keirah sa kanya mas lalo namang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Bahala na. "Hi, babe," nakangiting bati niya sa dalaga nang makalapit na ito ng tuluyan sa direksyon niya. Ma
"Dad? Bakit ngayon pa?" Sobrang gulo na ng isipan ni Keirah. Halos buong unang lamay ng kanyang ama ay wala na siyang ginawa kundi ang umiyak. Masakit na masakit na rin ang kanyang mga mata. Mugtong-mugto na sa kakaiyak. Pakiramdam niya nga ay wala na siyang mailabas na luha. Hindi naman umalis sa tabi niya si Davidson. Tulad niya ay nangungulila rin ito. Alam niya ang pinagsamahan ng dalawa. Halos ama na rin ni Davidson ang Daddy niya dahil ito na ang gumabay rito mula noong namatay ang Daddy nito. "Keirah, tahan na," pang-aalo ni Davidson. Nakahilig siya sa balikat nito. "I don't think I can move on." "Keirah, you have me pa. Magiging okay din ang lahat--" "Okay? People are dying! Because of me! Paano magiging okay?!" hindi namamalayan ng dalaga na tumataas na ang boses niya. "What if, ikaw ang sumunod ha Davidson? "Ano bang sinasabi mo?" maski si Davidson ay kumunot ang noo at bahagya na ring tumaas ang boses. Umalis siya sa pagkakahilig sa balikat nito at marah
"Kamusta ka na?" pangangamusta ni Melanie kay Keirah nang minsa'y naisipan nilang lumabas na magkaibigan. Ayaw niya pa nga sana kaya lang baka masiraan na siya ng ulo kapag nagmukmok lang siya sa bahay. "Okay lang naman. Pilit na bumabalik sa dati," matipid niyang sagot. "Dapat lang ano. Hindi naman pwedeng habang-buhay ka nang magmukmok r'yan. Mag-refresh ka." "Ano pa bang ginagawa ko?" nagpangalumbaba siya saka tinuon ang panson sa paghahalo ng kapeng inorder. "Si Matmat?" minabuti ni Keirah na ibahin na lang ang usapan. "Kamusta naman ang school niya?" "Nako, ayon. Napakakulit sa school. Lagi nga akong napapatawag ng teacher," umiirap pa ito habang nagkukwento. "Syempre bata." Kahit anong pilit na pag-iiba ni Keirah ng usapan, nanghihina pa rin talaga siya at nawawalan ng gana. Ayaw naman niyang makahawa ang bad energy na bumabalot sa katawan niya kaya pinipilit niya na ring maging masaya nang hindi naiisip ang mga nangyari. Nasa gitna sila ng usa
Alexander's death leads to their Mom's depression. Kahit na hindi magpakita si Alicia ng sisi kay Davidson, ramdam pa rin ng binata na sinisisi siya ng ina sa pagkamatay ng kapatid. Nararamdaman niya yun sa t'wing kinakausap niya ang ina at kung paano ito katipid sumagot sa kanya. "Ma? Kumain ka na. May dala akong pagkain," aniya, minsang siya ang nagdala ng pagkain sa kwarto nito. "Iwan mo na lang r'yan. Busog pa 'ko," matipid na sagot ni Alicia. Isang linggo na ang lumilipas mula nang maihatid nila si Alexander sa huling hantungan nito. Walang may gustong pag-usapan ang pagkamatay ng binata. Naghahatid lamang kasi ito ng lungkot sa kanilang lahat. Gayundin sa parte ni Keirah. Sobrang lungkot at galit sa sarili ang nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang sisihin ang sarili niya sa pagkamatay nito. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, pero nadamay pa rin si Alexander dahil sa kanya. "Kumusta ka na? 'Wag mo sabihing sinisisi mo na naman ang sarili mo?" ani Davidson. Mag
"Alex? N-no, oh my God! A-ALEX!" nanginginig ang buong katawan ni Keirah habang dinadaluhan si Alexander na nakahandusay sa semento. Hinahabol ng binata ang paghinga at pinipilit pang bumangon kahit unti-unti nang dumadanak ang dugo nito sa semento. "ALEXANDER!" hindi na nagpapigil pa si Davidson. Nabingi siya sa alingawngaw ng baril at tila umurong ang dila niya nang makitang bumagsak ang kapatid. Natigil ang aktong pagtakbo ni Davidson palapit kina Keirah nang magpaputok ang mga pulis sa kinaroroonan nila Leo. Tila natauhan naman si Leo sa ginawa niya. Nanginig bigla ang mga kamay niya nang mapagtantong nabaril niya si Alexander. "Leo, nabaril mo siya!" singhal ni Maureen sa lalake na ngayon ay natataranta na rin ito. "He deserves it. Tumatakas na tayo, bilis!" mabilis niyang hinila si Maureen para makabalik sa loob ng building. Ngunit isang hakbang pa lamang nila ay nagpaputok na ang mga pulis. Nagulat pa si Leo nang biglang yumakap sa kanya si Maureen. "L