Nanlaki ang mga mata ni Graciella sa narinig niya mula kay Cherry.Sigurado siyang peke ang singsing na ibinigay niya kay Drake noong nakaraan. Nabili lang niya iyon sa online at buy one take one na may kasama pang gift box. Napatingin si Graciella sa gawi ni Cherry at nakita niyang may hawak na itong dalawang singsing at sigurado siyang hindi iyon ang alahas na nabili niya noong nakaraan.Bago paman makapag-isip ng kung anu-ano si Graciella, isang mainit na kamay ang humawak sa palad niya at iniangat iyon sa ere sakto lang para makita ng kapatid niya at asawa nito. Napasulyap siya sa palasing-singan ng lalaki at nakita doon ang singsing na ibinigay niya dito.Kung suot nilang dalawa ang pekeng singsing, ibig sabihin ba totoo talaga ang singsing na nasa kamay ni Cherry?Bumili kaya si Drake ng totoong singsing?Bakit hindi nito sinabi sa kanya?Literal na hindi nakagalaw si Graciella sa kinauupuan niya at nalilitong napatingin kay Drake. Subalit ang nakakapasong init na nagmumula sa
At bilang pasasalamat, kumuha si Graciella ng hita ng crab at ipinagbalat si Drake. Hindi naman namalayan ni Graciella na nakatitig pala sa kanila si Gavin. Nang makita nito na hindi para sa kanya ang kinuha ni Graciella ay nagsimula na itong umiyak. Pakiramdam niya hindi na siya mahal ng tita Graciella niya at mas mahalaga na dito ang asawa nito."Shhh, wag ka ng umiyak," alo ni Graciella sa bata pero hindi parin ito tumahan."Ganito nalang, ahm, Drake ibigay mo nalang muna kay Gavin yung hita na ipinagbalat ko para sayo. Ipagbabalat nalang kita ulit," suhestyon niya.Pero hindi niya inaasahan na mabilis na umiling si Drake. "Ayoko," anito at walang pasabing kinain ang laman ng crab na inilagay niya sa pinggan nito sa harapan ng pamangkin niya.Mas lalo pang pumalahaw ng iyak si Gavin. Hindi naman makapaniwalang napatitig si Graciella may Drake. She didn't expect him to compete with a child. At parang bata pang iniinis ang pamangkin niya. Nakakahiya sa kapatid niya."Awat na. Ipagba
"D—drake…" Mahinang sambit ni Graciella.Hindi inaasahan ni Graciella ang pagdating ng kanyang ina. Kahit pa nasanay na siya sa hindi magandang pakikitungo nito sa kanya, hindi parin siya handa na makita ng iba ang parteng ito ng buhay niya."Sino ka?" Tanong ni Thelma habang sinisipat ng tingin ang kaharap.Nakaramdam siya ng takot sa awra ng lalaki pero nang maalala niya na may lalaki pala ang anak niya kaya tumanggi ito sa lalaking balak niyang ipakasal dito. "Ikaw ba ang lalaki ng anak ko?" Sikmat niya.Noong nakaraang pag-uusap nila, akala niya nagsisinungaling lang si Graciella dahil ayaw nitong magpakasal sa lalaking gusto niya pero mukhang totoo nga ang sinasabi ng babae. Sa kaisipang iyon ay nais niyang bugbugin si Graciella dahil mukhang nawawala na ito sa sariling katinuan.Napasimangot naman si Drake. Hindi niya gusto ang pag-uugali ng babaeng ito. Sinong mag-aakala na si Graciella na may mabait at masayahing personalidad ay galing sa isang ina na ganitong klase kung umast
Pang-aalipusta? Panghihiya? Kawalan ng pakialam?Mga bagay na naranasan ni Graciella mula sa kamay ng kanyang ina. Nagngangalit na sa galit ang kanyang mga ngipin pero pinigilan parin niya ang sarili niya at nanatiling mahinahon kahit paman sa sitwasyon na kinakaharap niya."Tigilan mo na ang kalokohang ito, Ma. Hindi ako papayag na manghihingi ka ng pera sa asawa ko dahil lang nagpakasal kaming dalawa," may diin niyang bigkas.Mas lalo lang na nagalit si Thelma sa naging pahayag ni Graciella. Pinagdadampot nito ang lahat ng gamit na naroon sa coffee table at itinapon."Bakit ayaw mong sumang-ayon sakin?! Nanay mo ako Graciella! Ako ang nagpakain sayo! Hindi ka lalaki ng ganyan kung hindi kita inalagaan!"Marahas itong napasuklay sa maikli nitong buhok gamit ang sariling kamay. "Diba sinabi ko sayo na may napili na akong lalaki para pakasalan mo? Pero ang anong ginawa mo? Tinanggihan mo! Tapos ngayon malaman-laman ko lang na nagpakasal ka sa isang hampas lupa na hindi ako kayang bayar
Nakaramdam ng konsensya si Thelma habang nakatayo sa isang tabi dahil siya ang sinisisi ni Garett sa nangyari sa anak nito. Natakot niya ang bata dahil sa pagiging gahaman niya kaya naman mas lalo lang na umusbong ang galit niya kay Graciella."Sa tingin mo ba ginagawa ko ang bagay na ito para sa akin lang? Gusto ko lang naman kunin ang pera para sayo. Para hindi ka na mahirapan pa. Kung may dapat mang sisihin dito, walang iba kundi si Graciella—""Tumigil ka na Ma!" Singhal ni Garett. "Hindi man ako ang klase ng lalaki na may mataas na integridad, pero may prinsipyo din ako. At hindi ko ibinebenta ang kapatid ko para lang maging maginhawa ang buhay ko!" Dagdag pa ng lalaki.Ang galit na tono ni Garett ang naging mitsa para tumigil si Thelma. Muling pinasalamatan ni Garett si Drake bago tuluyang umalis ang ambulansya.Pagkatapos maasikaso si Gavin ng mga doctor ay nakatulog itong muli dahil sa pagod. Maingat namang inayos ng higa ni Garett ang anak bago lumingon sa gawi ni Cherry."An
Dasal ni Graciella na sana ay maunang magsalita si Drake pero sa kabila ng panalangin niya ay kinakabahan parin siya sa maari nitong sabihin. Hindi niya alam kung naaawa ba ito sa lagay niya o iinsultuhin lang din siya dahil sa pamilyang meron siya.Kanina akala niya ay ayos lang ang lahat. Kahit na nagpakasal sila hindi dahil sa pag-ibig, masasabi niyang magkasundo naman sila sa mga bagay-bagay sa pagitan nila. Nirerespeto siya ng lalaki at ganun din siya dito. Kung tutuusin ay para na nga silang bagong magkaibigan.Subalit pagkatapos ng nangyari kanina…Hindi na niya alam kung ano ang iniisip ni Drake sa kanya. Nahihiya siya sa mga nasabi ng kanyang ina pero wala siyang magawa. Nangyari na ang lahat at naiinis siya sa nararamdaman niyang awa para sa sarili niya.Hindi naman ganun kalayo ang unit nila mula sa baba pero pakiramdam niya sampung floor pa ang babagtasin niya. Bawat hakbang ay mabigat. Parang ayaw makisama ng mga paa niya pero sa kabila ng lahat ay nakabalik parin siya sa
Kahit na napakaraming pagdududa sa isipan ni Drake kay Graciella nitong mga nakaraang araw, lahat iyon ay naglaho ng unti-unti na niyang nakilala ang babae.Akala niya noong una ay mahilig ito sa pera at salapi lang ang laging nasa isipan ng babae pero ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit. Masinop sa pera si Graciella dahil may ina itong napakagaham na halos ariin na ang lahat na dapat ay sa anak nito."What are your plans? Kung ako lang ay bibigyan ko na ng kalahating milyon ang nanay mo para matapos na to," seryoso niyang turan.Nanlaki ang mga mata ni Graciella at bahagya pa niyang naitulak si Drake. "Nababaliw ka na ba? Huwag kang padalos-dalos sa pagbibigay ng pera Drake at isa pa, saan ka naman kukuha ng ganun kalaking halaga? Ibebenta mo itong bahay? Saan na tayo titira pagkatapos? Sa lansangan?"Natahimik naman si Drake. Kung tutuusin, barya lang sa kanya ang five hundred thousand. Kahit na limang milyon pa yan ay wala iyong kaso sa kanya.Huminga ng malalim si Graciella
Halos hindi siya makatingin ng diretso kay Drake nang dahan-dahan siya nitong ibinaba sa sahig. Nahihiya siya sa posisyon nila kanina. Pakiramdam niya nag-aapoy na sa init ang kanyang pisngi. Daig pa niya ang may lagnat."Be careful nextime. Lagi ka nalang nadudulas."Nakayuko siyang tumango. "Sorry and thank you," mahina niyang sambit.Hindi namana sumagot pa si Drake at nagpatuloy na sa pag-aayos ng hugasin nila. Nais man niyang humiwalay sa lalaki para kahit papaano ay kumalma ang sarili niya, hindi naman niya magawa dahil siya naman ang may ideya ng lahat ng ito.Kaya naman siya ang tagahawak ng pinggan at si Drake ang tagasabon. Sa hindi rin sinasadya ay nakita niya ng malapitan kung ano ang paraan ng paghuhugas ni Drake ng pinggan.Makalipas ang ilang segundo ay hindi na niya napigilan pa ang sarili na magsalita. "Alam mo Drake, may naisip na akong career na bagay sayo."Lumingon naman sa kanya ang lalaki. "Huh? Ano namang career yan?""Bathhouse master," nakangisi niyang sambit
Hindi makapaniwala si Graciella sa nakikita niyang kakapalan ng mukha ng babaeng kaharap niya. Bagay na bagay nga ito at si Marlou. Ginamit pa nito ang malaking tiyan para maharangan siya sa akmang pagkuha niya sa cellphone ng babae. At habang pilit niyang inaagaw ang cellphone nito, nagmumukha lang siyang desperada sa video.Matapos silang videohan ng asawa ni Marlou ay isang matagumapay na ngisi ang kumawala sa labi ng babae. "Kapag nagdemanda kayo sa mga pulis pagkalabas ninyo dito, ipalalabas ko itong video sa sociàl media para kumalat. Tingnan lang natin kung may mukha pa kayong ihaharap sa buong syudad kapag nangyari iyon!"Hindi pa nga humuhupa ang galit ni Graciella at mukhang madadagdagan na naman. Si Kimmy ang biktima sa insidenteng ito pero sila pa ang agrabyado at tinatakot ng kapawa pa nila babae."Ibigay mo sakin yang cellphone mo!" May diing bigkas ni Graciella.Nakakatakot ang boses ni Graciella. Parang bawat katagang sinasabi nito ay may dalang delubyo pero hindi nagp
"Baliw ka ba?!" Asik ng isa sa mga lalaking naroon kay Graciella.Narinig naman ng sinasabi ng mga itong boss ang nangyayari kaya mabilis itong nagpunta sa tea room kung saan naroon sina Graciella.Nang makarating sila sa loob ay labis ang gulat nila sa nakikitang sitwasyon. Nabuhusan ng mainit na tubig ang mga kasamahan niya at namumula pa na parang karneng baboy dahil sa init. Nag-aalala naman siya sa maaring maidulot ng pangyayari sa hotel. Sigurado siyang magiging blacklisted sila.Nataranta ang boss sa maaring eskandalo na lalabas kaya hinarap nito ang galit na galit na si Graciella. "Relax lang Miss. Ano ba yang ginagawa mo? Nagkakatuwaan lang naman sila.""Nagtatanong ka pa talaga? May nagkakatuwaan bang namimilit ng babae?! Hindi mo ba alam na ràpe ang ginagawa ng mga kasama mo?!" Galit na asik ni Graciella.Hilaw na natawa ang boss. Sa tingin niya ay ito yata ang groom sa kasal na dinaluhan nina Kimmy at Marlou. "Nagkakatuwaan lang nga sila. Normal lang naman sa babae at lala
Pilit na nagpupumiglas si Kimmy para makawala mula sa lalaking bumuhat sa kanya pero sa hindi inaasahan ay pinagtulungan siya ng mga ito. At dahil mas malakas ang mga ito kaysa sa kanya, walang siyang nagawa kundi ang sumigaw para may makasaklolo sa kanya."Tulong! Bitiwan niyo ako! Ano ba!"Nagpatuloy parin ang mga lalaki sa panghaharass sa kanya at idiniin siya sa higaan para hindi siya makagalaw. Nakaramdam na siya ng takot na baka magtagumpay ang mga ito sa masamang binabalak sa kanya nang maalala niyang hawak niya parin ang kanyang cellphone.Akmang magtatawag na siya ng pulis nang magring ang kanyang cellphone. Hindi na niya tiningnan pa kung sino ang caller at basta nalang niyang sinagot. Pero sa kasamaang palad, hinablot ng isa ang kanyang telepono at itinapon nalang basta sa kung saan.Dahil sa galit ay pinagsusuntok ni Kimmy ang dalawang lalaki na nakadagan sa kanya. Inalagaan siya ng kanyang pamilya mula pa noong bata siya at itinuring na parang isang diyamante tapos babast
Abala si Kimmy sa kasal na dinaluhan niya. Hindi lang siya tumayong bridesmaid kundi siya rin ang magsisilbing emcee ng okasyon. Habang hinihintay na magsimula ang program, nakaramdam na siya ng pagkauhaw. Mabuti nalang at may waiter na dumaan sa harapan niya kaya agad niya itong nilapitan."Excuse me, can I have a glass of water?" Magalang niyang tanong."Naku, sorry po Ma'am pero beverages and wines lang po ang isiniserve ko. Kung gusto ninyo, may juice po akong dala," tugon nito.Napatingin siya sa tray na hawak nito. Mayroon ngang orange at pineapple juice na dala ang waiter pero kung iyon ang iinumin niya, baka mawalan pa siya ng boses mamaya at masira niya ang kasiyahan."Nauuhaw ka ba? May tubig ako dito."Napalingon si Kimmy sa kanyang likuran at nakita ang manager niyang si Sir Marlou na may hawak na isang baso ng tubig.Sandali niyang tinitigan ang lalaki bago umiling. "Hindi na po. Salamat."Hindi naman natuwa si Marlou sa naging sagot ni Kimmy. "Hindi ba't nauuhaw ka at g
Dahil sa labis na pag-aalala ni Graciella, hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. Nang marinig niya ang boses ni Drake, pakiramdam niya biglang gumaan ang pasanin niya. Tila isang anghel ang lalaki na bumaba sa lupa sa paningin niya.Agad niyang ikinuwento sa asawa niya ang tungkol kay Kimmy. "Pasensya ka na talaga Drake pero kailangan ko ang tulong mo. Pwede mo ba akong ihatid sa Tagaytay ngayon?"Agad namang tumango si Drake na ipinagpasalamat niya.Pero kahit nagpapasalamat siya, nakaramdam parin siya ng hiya. Alam niyang abala sa trabaho si Drake. Hindi niya dapat iniistorbo ang lalaki pero wala siyang choice. Isa pa ay hinuha lang naman ang kanya tungkol kay Marlou at Kimmy. Sa kaisipang iyon, hinanda na niya ang sarili niya na matanggihan ni Drake pero nasorpresa siya na agad itong pumayag. "It's more than one hundred kilometers away from here at lampas isang oras pa ang gugugulin natin bago tayo makarating doon," anito habang nagchecheck ng navigation sa cellphone nito
Maaaring nasa kasalan pa nga ang dalawa at maayos pa ang kalagayan ni Kimmy sa ngayon na para bang nasa kasiyahan lang pero hindi parin kampante si Graciella.Base sa information ng business trip, kailangang manatili ni Kimmy at Marlou sa hotel sa loob ng isang gabi at wala siyang balak na isugal ang kaligtasan ng kaibigan niya."Magpatuloy tayo," utos niya sa driver.Nang marinig ng asawa ni Marlou ang sinabi ni Graciella ay agad nitong inabot ang driver at pinakialaman ang steering wheel.Nilukob ng kaba ang kasama nila na siyang nagmamaneho. Dahil sa pagkataranta ay inapakan niya ang brake kasabay ng pag-alog ng sasakyan at pag-usok ng harapan ng kotse. Mabilis na lumabas ng sasakyan si Graciella at tiningan hood ng kotse. Kahit na may alam sila sa sasakyan ay mahihirapan parin silang ayusin iyon.Nagkatinginan naman ang dalawang kasama niya bago lumingon sa kanya."Miss Graciella, nasiraan po tayo. Hindi po tayo makakapagpatuloy kapag itong sasakyan ang gagamitin natin. Tumawag n
"Aphródisiac?" Mahinang sambit ni Graciella."Wag ka ng magmaang-maangan pa! Hindi ba't yan ang ginamit mo para ganahan sayo ang asawa ko?!" Singhal nito.Dahil sa gulat ay nabitawan ni Graciella ang babae. Mabilis naman nitong hinugot mula sa bag ang isang bote at binato sa kanya. Nang masalo ni Graciella ang bote ay mataman niya itong pinagmasdan."Aphródisiac," ulit niya.Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib habang nakatitig sa bote. Isang pangit na pangitain ang agad na sumagi sa isipan niya. Mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone saka tinawagan niya si Kimmy pero hindi ito sumasagot. Sa nagngingitngit niyang damdamin, tinawagan niya si Marlou pero nakapatay ang cellphone nito.Mas lalo lang na nadagdagan ang takot at pag-aalala niya para kay Kimmy.Tinanong niya ang lahat ng naroon kung may alam ba ito kung saan ang eksaktong address ng business trip ni Marlou pero walang nakakaalam kahit na isa sa kanila. Ang tanging sigurado sila ay nasa Tagaytay ito pero napakalaki ng lug
Nagmamadaling umalis si Brittany para hindi siya maabutan ng babaeng kinakatakutan niya pero mabilis ang babae kahit na malaki na ang tiyan nito. Marahas nitong hiniklas ang braso ni Brittany at pwersahan siyang pinaharap."Hindi ba't ikaw si Brittany Lorenzo? Ikaw ang malanding babae na nang-aakit sa asawa ko!"Kahit na buntis ang babae, sopistikada parin ito kung manamit. Matagal na ang relasyon nilang dalawa ni Marlou. Ilang beses na niyang nakita ang asawa ng lalaki kapag magkasama sila kaya kilalang-kilala niya ito. At dahil sa takot na maeskandalo siya, mariin siyang umiling sa tanong ng babae."H—hindi po ako ang kabit ng asawa ninyo. Nagkakamali po kayo.""Huwag mo na akong lokohin pa! Kitang kita ko sa cellphone ng asawa ko ang mga larawan mo!" Singhal nito."Maniwala po kayo. Hindi po talaga ako," mahigpit niyang tanggi.Agad na nag-isip ng paraan si Brittany para makawala siya sa kahihiyan na aabutin niya. Eksakto namang lumabas ng shop si Graciella kaya mabilis niyang itin
Ilang beses ng napabahing si Graciella habang nagbabasa siya ng mga dokumento na nakatambak sa kanyang mesa. Pakiramdam niya may mga taong laging nag-uusap tungkol sa kanya ng hindi niya alam.Akmang ilalapag niya ang hawak niyang papel nang pumasok ang general manager sa opisina nito kung saan siya naroon. "Isaulo mong mabuti ang mga nakasulat diyan Graciella. Isang kakaibang oportunidad na mapasali ang branch natin sa pagpipilian para sa Dynamic Luxury Cars. Dapat ay makapasa ka talaga."Kararating palang niya kanina nang salubungin siya ng general manager para ipamemorize sa kanya ang mga dokumentong ibinigay nito. Mukhang mas kinakabahan pa nga ang lalaki kaysa sa kanya."May nakabinbin parin po akong trabaho Sir. Hindi naman po pwede na buong araw lang akong umupo dito. Baka masabi nila na ang tamad-tamad ko na dahil wala na akong ginagawa.""Ako ang nag-utos sayo kaya wala silang magagawa. Kung gusto nilang maupo lang buong araw kagaya mo, eh di magsales champion din sila para m