Maaaring nasa kasalan pa nga ang dalawa at maayos pa ang kalagayan ni Kimmy sa ngayon na para bang nasa kasiyahan lang pero hindi parin kampante si Graciella.Base sa information ng business trip, kailangang manatili ni Kimmy at Marlou sa hotel sa loob ng isang gabi at wala siyang balak na isugal ang kaligtasan ng kaibigan niya."Magpatuloy tayo," utos niya sa driver.Nang marinig ng asawa ni Marlou ang sinabi ni Graciella ay agad nitong inabot ang driver at pinakialaman ang steering wheel.Nilukob ng kaba ang kasama nila na siyang nagmamaneho. Dahil sa pagkataranta ay inapakan niya ang brake kasabay ng pag-alog ng sasakyan at pag-usok ng harapan ng kotse. Mabilis na lumabas ng sasakyan si Graciella at tiningan hood ng kotse. Kahit na may alam sila sa sasakyan ay mahihirapan parin silang ayusin iyon.Nagkatinginan naman ang dalawang kasama niya bago lumingon sa kanya."Miss Graciella, nasiraan po tayo. Hindi po tayo makakapagpatuloy kapag itong sasakyan ang gagamitin natin. Tumawag n
Dahil sa labis na pag-aalala ni Graciella, hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. Nang marinig niya ang boses ni Drake, pakiramdam niya biglang gumaan ang pasanin niya. Tila isang anghel ang lalaki na bumaba sa lupa sa paningin niya.Agad niyang ikinuwento sa asawa niya ang tungkol kay Kimmy. "Pasensya ka na talaga Drake pero kailangan ko ang tulong mo. Pwede mo ba akong ihatid sa Tagaytay ngayon?"Agad namang tumango si Drake na ipinagpasalamat niya.Pero kahit nagpapasalamat siya, nakaramdam parin siya ng hiya. Alam niyang abala sa trabaho si Drake. Hindi niya dapat iniistorbo ang lalaki pero wala siyang choice. Isa pa ay hinuha lang naman ang kanya tungkol kay Marlou at Kimmy. Sa kaisipang iyon, hinanda na niya ang sarili niya na matanggihan ni Drake pero nasorpresa siya na agad itong pumayag. "It's more than one hundred kilometers away from here at lampas isang oras pa ang gugugulin natin bago tayo makarating doon," anito habang nagchecheck ng navigation sa cellphone nito
Abala si Kimmy sa kasal na dinaluhan niya. Hindi lang siya tumayong bridesmaid kundi siya rin ang magsisilbing emcee ng okasyon. Habang hinihintay na magsimula ang program, nakaramdam na siya ng pagkauhaw. Mabuti nalang at may waiter na dumaan sa harapan niya kaya agad niya itong nilapitan."Excuse me, can I have a glass of water?" Magalang niyang tanong."Naku, sorry po Ma'am pero beverages and wines lang po ang isiniserve ko. Kung gusto ninyo, may juice po akong dala," tugon nito.Napatingin siya sa tray na hawak nito. Mayroon ngang orange at pineapple juice na dala ang waiter pero kung iyon ang iinumin niya, baka mawalan pa siya ng boses mamaya at masira niya ang kasiyahan."Nauuhaw ka ba? May tubig ako dito."Napalingon si Kimmy sa kanyang likuran at nakita ang manager niyang si Sir Marlou na may hawak na isang baso ng tubig.Sandali niyang tinitigan ang lalaki bago umiling. "Hindi na po. Salamat."Hindi naman natuwa si Marlou sa naging sagot ni Kimmy. "Hindi ba't nauuhaw ka at g
Pilit na nagpupumiglas si Kimmy para makawala mula sa lalaking bumuhat sa kanya pero sa hindi inaasahan ay pinagtulungan siya ng mga ito. At dahil mas malakas ang mga ito kaysa sa kanya, walang siyang nagawa kundi ang sumigaw para may makasaklolo sa kanya."Tulong! Bitiwan niyo ako! Ano ba!"Nagpatuloy parin ang mga lalaki sa panghaharass sa kanya at idiniin siya sa higaan para hindi siya makagalaw. Nakaramdam na siya ng takot na baka magtagumpay ang mga ito sa masamang binabalak sa kanya nang maalala niyang hawak niya parin ang kanyang cellphone.Akmang magtatawag na siya ng pulis nang magring ang kanyang cellphone. Hindi na niya tiningnan pa kung sino ang caller at basta nalang niyang sinagot. Pero sa kasamaang palad, hinablot ng isa ang kanyang telepono at itinapon nalang basta sa kung saan.Dahil sa galit ay pinagsusuntok ni Kimmy ang dalawang lalaki na nakadagan sa kanya. Inalagaan siya ng kanyang pamilya mula pa noong bata siya at itinuring na parang isang diyamante tapos babast
"Baliw ka ba?!" Asik ng isa sa mga lalaking naroon kay Graciella.Narinig naman ng sinasabi ng mga itong boss ang nangyayari kaya mabilis itong nagpunta sa tea room kung saan naroon sina Graciella.Nang makarating sila sa loob ay labis ang gulat nila sa nakikitang sitwasyon. Nabuhusan ng mainit na tubig ang mga kasamahan niya at namumula pa na parang karneng baboy dahil sa init. Nag-aalala naman siya sa maaring maidulot ng pangyayari sa hotel. Sigurado siyang magiging blacklisted sila.Nataranta ang boss sa maaring eskandalo na lalabas kaya hinarap nito ang galit na galit na si Graciella. "Relax lang Miss. Ano ba yang ginagawa mo? Nagkakatuwaan lang naman sila.""Nagtatanong ka pa talaga? May nagkakatuwaan bang namimilit ng babae?! Hindi mo ba alam na ràpe ang ginagawa ng mga kasama mo?!" Galit na asik ni Graciella.Hilaw na natawa ang boss. Sa tingin niya ay ito yata ang groom sa kasal na dinaluhan nina Kimmy at Marlou. "Nagkakatuwaan lang nga sila. Normal lang naman sa babae at lala
Hindi makapaniwala si Graciella sa nakikita niyang kakapalan ng mukha ng babaeng kaharap niya. Bagay na bagay nga ito at si Marlou. Ginamit pa nito ang malaking tiyan para maharangan siya sa akmang pagkuha niya sa cellphone ng babae. At habang pilit niyang inaagaw ang cellphone nito, nagmumukha lang siyang desperada sa video.Matapos silang videohan ng asawa ni Marlou ay isang matagumapay na ngisi ang kumawala sa labi ng babae. "Kapag nagdemanda kayo sa mga pulis pagkalabas ninyo dito, ipalalabas ko itong video sa sociàl media para kumalat. Tingnan lang natin kung may mukha pa kayong ihaharap sa buong syudad kapag nangyari iyon!"Hindi pa nga humuhupa ang galit ni Graciella at mukhang madadagdagan na naman. Si Kimmy ang biktima sa insidenteng ito pero sila pa ang agrabyado at tinatakot ng kapawa pa nila babae."Ibigay mo sakin yang cellphone mo!" May diing bigkas ni Graciella.Nakakatakot ang boses ni Graciella. Parang bawat katagang sinasabi nito ay may dalang delubyo pero hindi nagp
"Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Graciella habang naglalakad sila palabas ng hotel.Marahan namang umiling si Kimmy.Tipid siyang napabuntong hininga bago muling nagsalita. "Huwag kang mag-alala. Hindi natin palalampasin ang ginawa nila sayo."Inalalayan niya si Kimmy papasok ng sasakyan pero nang makaupo na ang dalaga ay hinawakan nito ang kanyang kamay at mariing pinisil. "Hindi pwedeng makalabas sa media ang nangyari ngayon Graciella," takot na sambit ng babae.Mabilis namang tumango si Graciella. "Okay, naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala. Hindi lalabas sa madla ang nangyari ngayon. Ihahatid na nalang muna namin sa bahay mo."Kilala niya si Kimmy. Hindi nito basta nalang palalampsin amg nangyari kung walang malalim na dahilan. Kaya kahit nais ni Graciella sa managot ang nanakit at nambastos kay Kimmy, wala siyang magawa. Hindi basta ordinaryong pamilya lang ang kinabibilangan ni Kimmy. Oras na lumabas sa media ang nangyari, makakaladkad a
Napahawak si Marlou sa sugat niya sa noo at agad na napangiwi dahil sa sakit.Tangína!Akala niya may mahalagang papel sa buhay ni Master Levine si Graciella kaya hindi na siya pumalag at hinayaan na ang babaeng makaalis. Pero ngayong sigurado na siya na isang ordinaryong empleyado lang ng Dynamic ang babae, sisiguraduhin niyang hinding-hindi na ito makakatakas sa galit niya.Inilinga niya ang tingin sa magulong paligid hanggang sa isang ideya ang pumasok sa isipan niya. Tumawag siya ng hotel staff para ipabalot ang mga basag na vase sa sahig. Pinalo siya ng Graciella ng vase sa ulo kaya siya nasugatan. Sigurado siyang may mga fingerprints pa ni Graciella ang vase. Iyon ang gagamitin niyang ebidensya para kasuhan si walang hiyang yun. Tingnan lang niya kung saan pupulutin ang babae pagkatapos ng gagawin niya."Halika na. Kailangan nating pumunta ng ospital at makakuha ng medical records sa sugat ko."Nilagyan nina Marlou at ng asawa niya ng paunang lunas ang kanyang sugat bago sila u
Isang katok mula sa labas ang pumukaw sa abalang isipan ni Drake. Nag-angat siya ng tingin at napadako ang kanyang mga mata sa orasan at napagtanto na tanghali na pala."Master Levine, gusto niyo po bang mag-order ng pagkain para sa tanghalian?" Tanong ni Owen.Wala sa sariling napasimangot si Drake nang maalala ang pagkain na inorder nito kahapon. Akmang tatanggi siya nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang lola. Huminga siya ng malalim bago ito sinagot."Grandma?""Levine, pagod na pagod ako galing sa pagshoshoping. Pwede mo ba akong puntahan? Sabay na tayong mananghalian. Malapit lang naman ako sa opisina mo. Wag kang magtatagal ha, gutom na gutom na ako. Hihintayin kita."Dahil sa takot na tanggihan siya ni Drake, sinabi niya agad ang pangalan ng restaurant at mabilis na pinatayan ng tawag ang apo.Kumunot ang noo ni Drake habang nakatitig sa screen ng kanyang cellphone.Maganda sa pandinig niya ang sinabi nitong manananghalian sila, but knowing his grandmother, alam niyang
Sa kaisipang iyon ay tuluyan ng nakatulog ng mahimbing si Graciella...Kinabukasan, nasa kusina na si Graciella gaya ng kadalasan nang magising si Drake. Nagluto si Graciella ng egg rolls, dumplings, sausages at sinamahan pa ng toasted bread.Agad na nanuot sa kanyang ilong ang mabangong aroma ng pagkain. Kahapon ay nagdiet na siya kaya ngayon, pagbibigyan niya ang sarili niya na kumain sa inihanda ni Graciella. Isa pa, laging masarap ang pagkain niya nitong mga nakaraang araw kaya nahihirapan siyang mg-adjust at bumalik sa dating gawi na puro asin lang ang seasonings ng mga kinakain niya.Siguro dadalasan nalang niya ang pag-eexercise niya para hindi siya tumaba.Nang makaupo siya sa mesa ay agad siyang inasikaso ni Graciella. Inabutan siya nito ng pinggan at kubyertos. Halos kulang nalang subuan siya ng babae na ipinagtaka niya subalit kanya na lamang ipinagsawalang bahala."Thank you.""You're welcome," tugon ng asawa niya bago naupo sa silya na katapat niya. "Oo nga pala Drake, an
Bahagyang nagulat si Graciella sa tanong ni Drake pero mabilis din naman siyang nakabawi at tipid na ngumiti. "Salamat Drake pero hindi na nagparamdam pa sa akin si Mama Thelma."Pakiramdam ni Drake, hindi nagsasabi ng totoo si Graciella. Masyadong bayolente ang ina ng babae noong pumunta ito sa apartment nila noong nakaraan kaya imposible na tumigil na ito sa panggugulo kay Graciella. Pero dahil sinabi na nito na hindi, hindi narin niya ito pwedeng kulitin pa.Hindi naman inaasahan ni Graciella na maaalala pa ni Drake ang tungkol sa bagay na iyon. It was her family's affair at hindi pa kaaya-aya kung iisipin. Ayaw niyang magkaroon pa ito ng ugnayan sa kanyang ina. Kung sakali man na manggulo ulit si Mama Thelma, siya lang dapat ang pagtuunan nito ng pansin at hindi si Drake.Akmang magsasalita siya pero walang boses na lumabas sa labi niya dahil hindi naman niya alam kung ano pa ang sasabihin niya.Nang oras na iyon, napagtanto ni Graciella na wala pala siyang masyadong alam tungkol
Wala namang problema kay Drake kahit na hiwalay sa asawa ang makakatuluyan niya but dating her while she's still bound to her husband is really, really indecent!Kaya naman, mariin ang naging pagtanggi ni Drake at pinangakuan lang ang dalawang matanda na uuwi siya sa mga susunod na araw bago pinatayan ng tawag ang kanyang lola.Nakahinga naman ng maluwag si Daichi habang masama ang loob ni Celestina."Noong nakaraan walang pag-aalinlangan niya akong pinababa sa sasakyan niya tapos ngayon pinatayan na ako ng tawag kahit na hindi pa ako tapos na makipag-usap sa kanya!""Bata pa ang apo natin Celestina. Kung tutuusin ay hindi pa niya kailangan na magmadali sa paghahanap ng asawa. Isa pa, kung pipilitin mo siyang makipagdate kay Graciella habang kasal pa ito, ano nalang ang kaibahan nilang dalawa sa nagtataksil na asawa ni Graciella?"Nang marinig ni Celestina ang opinyon ng asawa niya ay napatango-tango siya. May punto din naman si Daichi sa mga sinabi nito."Kung ganun ay pupuntahan ko
Napangiwi si Graciella dahil sa hiya. "Grandma, bakit hindi pa kayo natutulog? Halos hating gabi na po," pag-iiba niya ng usapan."Hay naku Graciella, wag mong binabago ang usapan. Dapat kumprontahin mo ang asawa mo tungkol sa bagay na natuklasan mo. Hindi na mapagkakatiwalaan ang mga lalaki sa panahon ngayon. Kapag hindi ka kumilos ngayon, lolokohin kalang niya ng paulit-ulit kaya wag kang matakot."Huminga ng malalim si Graciella bago nagsalita. "Sige po Grandma. Gagawin ko po ang sinabi ninyo.""Mabuti naman kung ganun. Hindi na uso ang magpakamartyr ngayon. Dapat lumaban ka para hindi ka apakan ng mga yan!" Matapang pa nitong asik.Akmang sasagot siya nang may marinig siyang isa pang boses sa kabilang linya. "Bakit mo naman nasabi na hindi mapagkakatiwalaan ang mga lalaki ngayon? Inaano ba kita?" Boses ng isang matandang lalaki.Siguro ay asawa ito ni Grandma Celestina."Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya wag kang makisali. Ang ibig kong sabihin ay ang asawa ni Graciella na makapal
Napakurap-kurap siya. Talaga bang halata siya masyado o sadyang matalino lang si Drake? Ganito rin ang nangyari kanina nang hindi pa niya ito nasasabihan tungkol sa pakay niya na turuan nito si Gavin ng piano."Care to tell me the reason why?"Napalunok siya. Ayaw niyang makita nito ang nararamdaman niyang tensyon. "Ano ka ba naman Drake. Hindi kita iniiwasan no. Wala namang rason para gawin ko yan. Sadyang gabi na talaga at gusto ko ng magpahinga," pagsisinungaling niya at binuntutan pa ng isang pilit na tawa."Then why won't you look at me?" Mapang-arok nitong tanong.Hindi alam ni Graciella kung nag-iilusyon lang siya pero pakiramdam niya, kahit kinorner na siya ni Drake at nasa lalaki ang momentum sa kasalukuyan, tila isa itong bata na hindi nakuha ang gusto kaya nagmamaktol.Subalit sa kabila ng tono nito, alam niyang hindi kasing inosente ng isang bata si Drake and she can prove that. Humugot siya ng hangin bago dahan-dahang sinalubong ang nakakapasong titig ng lalaki.Sa tagal
Mabilis siyang naglakad paalis ng suite kinabukasan. Sa nanginginig niyang mga kamay, nais niyang tumawag ng mga pulis subalit agad siyang nakaramdam ng hiya. Ano nalang ang magiging tingin sa kanya ng lahat kapag nalaman ng mga ito ang sinapit niya?Hindi niya lubos aakalain na maling numero pala ang napuntahan niya kagabi at hindi ang ibinigay ng client niya. At lahat ng sinapit niya ngayon ay dahil lang sa katangahan niya! Sa kasamaang palad ay hindi pa niya lubos na natatandaan ang mukha ng lalaking nakaniig niya!"Miss Santiago? Ayos kalang ba?" Nag-aalalang tanong ng kliyente niya sa kabilang linya.Tumikhim siya at pilit na pinakalma ang sarili niya kahit pa halos maiyak na siya sa sama ng loob. "A—ayos lang po ako."Gosh! Malamang hindi siya okay!She lost her vírginity to a stranger!"Kung ganun ay hintayin mo lang sandali ang tauhan ko. Papunta na iyon sa kinaroroonan mo.""O—okay. Maghihintay po ako," aniya at pinatay na ang tawag.Habang hinintay niya ang kukuha ng gamit ng
Akala ni Graciella nakalimutan na niya ang gabing yun pero hindi pa pala. At tandang-tanda pa niya ang lahat ng kaganapan sa pagitan nilang dalawa ni Drake na ikinapula ng pisngi niya.May bumili ng sasakyan sa kanya ng hapon at nakalimutan ng may-ari ang ibang gamit nito kaya naman tinawagan niya ang kanyang customer para ipagbigay alam ang tungkol sa naiwanan nito subalit humiling ito sa kanya na kung pwefe ay ihatid niya ang gamit sa address na ibinigay nito.Pagkatapos ng kanyang trabaho ay agad siyang sumampa sa kanyang electric scooter at nagpunta sa address na nabanggit ng customer. Pero ang hindi niya inaasahan ay isang high-end club pala ang napuntahan niya. Tinawagan pa niyang muli ang kanyang customer para siguraduhin kung tama ba ang address na naibigay nito sa kanya."Sigurado po ba kayo na dito talaga sa La Grande Club ang location?" Paninigurado niya."Yes, Miss Santiago. Just look for the room number I gave you," sagot ng kausap niya.Matapos kumpirmahin na eksakto ang
Sinamantala ni Owen ang pagkakataon na mapuri ang asawa ng kanyang boss bago niya pinatay ang tawag. Ang hindi niya alam, natigilan naman si Graciella sa kabilang linya.Masarap siyang magluto...Fried rice...So, ibinigay pala ni Drake ang lunch box nito kay Mr.Ortega?Bakit nagsinungaling sa kanya na masarap ang luto niya at naparami ang kain nito kung ganun?Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang manuot sa kanyang ilong ang isang mabangong pambabaeng perfume na hindi pamilyar sa kanya. Inilinga niya ang tingin sa paligid hanggang sa dumako ang kanyang mga mata sa coat ni Drake na nasa laundry basket. Wala sa sarili niya iyong dinampot at inamoy.Sigurado siyang may mysophobia si Drake at hindi pa niya ito kailanman napansin na naglagay ng matamis na amoy ng perfume kaya alam niyang hindi iyon sa lalaki!Hindi maintindihan ni Graciella ang sarili niya pero tila nagbago ang mood niya...Kaya ba ibinigay ni Drake ang lunch box nito kay Mr.Ortega ay dahil may kasabay itong mananghalia