"It's okay that you smashed the vase on that bàstard's head but you picked up a kettle Graciella. Kahit na nagtagumpay ka sa pagpigil sa kanina pero pwede ka paring masaktan. Paano kung nagkamali ka at sayo nasaboy ang tubig? What will you do?" Dagdag pa ni Drake.Napakurap-kurap si Graciella at saka lang niya napagtanto ang mga nangyari. Drake is right. Delikado nga ang ginawa niya."You should at least call me para matulungan kita. In that way, I can also assess the situation well..."Napayuko si Graciella bago siya nagsalita. "I'm sorry Drake. Nakalimutan ko kasi," pagsisinungaling niya.Ang totoo ay hindi naman talaga siya nakalimot pero dahil nasanay siya simula pa noong bata pa siya na kumilos ng mag-isa.Noong nasa elementarya pa siya, napagbintangan siya ng kaklase niya na nagnakaw sa wallet nito. Umuwi siya para magsumbong sa nanay niya pero napalo pa siya dahil kahihiyan lang ang dala niya sa pamilya nila."Napakarami ninyo sa klase pero bakit ikaw pa ang napagbintangan niya
Nang masiraan sila ng sasakyan kanina at bigla nalang lumitaw si Drake mula sa kung saan at inihatid pa talaga siya papunta ng Tagaytay, hindi pa siya nakaramdam ng ganitong tiwala at seguridad maliban nalang sa kapatid niya.And now there's Drake. Tama nga naman ito. Dapat ay inisip din niya ang sarili niya. May buhay na nakasalalay sa kanya. Kapag may nangyaring masama sa kanya ay madadamay ang anak niya. Speaking of the baby. Napahawak siya sa kanyang sikmura at napagtanto na nagugutom siya.Dahil sa pagmamadali nila ni Drake na makarating sa Tagaytay, nakalimutan na nga nilang maghapunan. Halos naubos na ang energy niya sa paroon at parito ngayong araw. Nang maihatid nila si Kimmy sa bahay nito ay saka palang siya nakahinga ng maluwag.Agad na sumagi sa isipan niya ang tirang dumplings na inilagay niya sa ref. "Magluluto lang ako sandali," paalam niya kay Drake.Tumango naman ang lalaki. "Okay."Mabilis siyang tumayo mula sa kinauupuan niya at nagtungo sa kusina para pakuluan ang
Pagkatapos nilang kumain ay si Drake na a g nagligpit ng mga pinggan at kubyertos. Naideliver narin kanina ang sink na inorder niya at ang house cleaner na naglinis sa apartment nila ang tumanggap. Nais niya iyong subukan kung okay ba."Konti lang naman yang hugasin kaya pwedeng ako na," awat ni Graciella sa kanya.Mariin namang umiling si Drake. "Ako na. Gusto kong subukan ang bagong dishwasher."Ayaw na ayaw ni Drake na humawak sa madumi at mamantikang hugasan. Nandidiri siya at kinikilabutan pa. Wala ng nagawa pa si Graciella kundi hayaan na ang lalaki. Ilang sandali pa'y pinanood niya kung paano umandar ang automatic dishwasher na inorder ni Drake. Mabango din ang aroma ng bagong hugasan pero mas mainam parin kung hindi ganun kamahal ang presyo.Ilang sandali pang nagpahinga si Graciella bago niya naisipang magwalking sa treadmill na nasa balkonahe.Napag-alaman niyang maganda sa buntis ang makinig ng musika habang marahang naglalakad kaya naman iyon ang kanyang ginawa at para hi
Kita ni Drake na natigilan si Graciella sa tanong niya. Hindi naman basta-basta nalang nalalaman ng isang tao any five line scores kung hindi ka dumaan sa isang piano lesson at kahit na dumaan ka sa pagsasanay, hindi mo iyon basta-basta nalang maitutugtog.Kung hindi pa nakahawak ng piano kailanman si Graciella, paano niya nalaman ang tungkol sa bagay nayun?Kumurap-kurap si Graciella bago nagsalita. "Ah, baka naturo sakin ng kaklase ko noong college at nakalimutan ko lang. Isa pa ang pangit kaya ng tugtog ko."Bahagya namang tumango si Drake. "Tama ka. Medyo pangit nga."Napasimangot siya sa sagot ng lalaki. "Grabe. Sumang-ayon ka talaga?"Tinaasan naman siya nito ng kilay. "What? Masama bang sumang-ayon ako? Ikaw naman ang naunang nagbanggit na pangit ang tugtog mo."Mas lalo lang siyang napanguso. Minsan nakakainis din ang masyadong pagiging straight forward ng lalaki. Pero hindi naman siya galit lalo pa't natutuwa siya sa bago nilang dishwasher.Automatic na, malinis pa ang pagkak
Nitong mga nakaraang araw na lagi niyang kasalo sa pagkain si Graciella, tuluyan ng nasira ang diet na nakasanayan niya. Dati halos lahat ng pagkain niya low sugar, low fat at high protein tapos ngayon hapos puro carbohydrates na ang kinakain niya. Masustansya parin naman ang inihahanda ni Graciella pero nakakataba.Pagkatapos na magshower ni Graciella, lumabas siya ng silid para uminom ng tubig nang may marinig siyang tunog ng treadmill sa may balkonahe. Napansin din niyang may kabilisan ang takbo nito.Sandaling sumilip si Graciella sa may balkonahe. Bumungad sa kanya ang pawisang likuran ni Drake. Bahagya pang umawang ang dalawa niyang labi dahil sa ganda ng katawan ng asawa niya."Wow... Gwapo na may magandang tindig pa," naiiling niyang bigkas Mukhang alagang-alaga talaga ng lalaki ang mga muscles nito. At hindi lang puro porma, kaya pa siyang ipagtanggol laban sa gustong manakit sa kanya.Napahikab siya at tumuloy na si kusina. Mukhang hindi lang pala mukha ni Drake ang pwedeng
Ilang buntong hininga ang pinakawalan ng general manager nago sumandal sa sarili nitong swivel chair sa loob ng opisina. Uminom siya ng tsaa para kahit papaano ay pagaanin ang sarili niya.Matagal na niyang hindi gusto ang pag-uugali ni Marlou. Ang lalaki ang gumawa ng maraming kasalanan sa loob ng pagtatrabaho nito sa Dynamic. Maraming babae ang inabuso ni Marlou at ginamit ang posisyon nito para makapanlamang ng kapwa.Kahit na mas mataas ang posisyon niya kaysa kay Marlou, wala naman siyang sapat na kapangyarihan para patigilin ang lalaki sa ginagawa nito dahil kung tutuusin, titulo lang sa pagiging general manager ang meron siya habang malakas ang kapit nito sa nakakataas.Hindi niya sinasabing natutuwa siya sa sinapit nito, pero gumagawa na talaga ng paraan ang tadhana para pagbayaran nito ang mga kasalanan na nagawa.Masama ang ugali ni Marlou sa kapwa nito. At dapat ding maturuan ang leksyon ang asawa ng lalaki na kinukunsinti ang maling ginagawa ni Marlou. Isa pa, wala namang
Hindi lang si Graciella ang naroon, maging ang mga ibang babaeng kasamahan niya sa Dynamic Wheels ay nagpunta rin. Hindi pa nakuntento ang mga ito at nagdala pa talaga ng megaphone para siguradong marinig sila ni Brittany."Brittany, masaya ka ba sa inihanda naming sorpresa sayo?""Nasa ospital ngayon si Sir Marlou, wala ka bang balak na dalawin siya at alagaan? Hihiwalayan mo na ba siya ngayong mawawalan na siya ng trabaho?"Isa sila sa mga inapi ni Brittany noong nasa Dynamic Wheels pa ang babae. Tiniis nila ang trato nito sa kanila dahil malakas ang kapit ng dalaga sa mismong manager ng shop subalit ngayong wala na itong inaasahang iba, nais nilang gumanti at makita ng buong mundo kung gaano ito kasamang babae.Karamihan sa mga dumadaan ay napapahinto at nakiusyuso sa nangyayari. Hindi lang iyon, naglabas pa ang mga ito ng cellphone at nagsimula ng magvideo para i-upload sa social media.Karga ni Brittany ang alaga niyang aso habang pababa siya ng apartment gamit ang elevator ng bu
"Hey, busy ka ba?" Bungad ni Graciella nang sagutin ni Drake ang tawag niya."Hindi naman. May sasabihin ka ba?""Nais ko lang ibalita sayo na naaksidente si Sir Marlou kagabi kasama ang asawa niya. Tapos nawala din yung baby nila. Balita ko rin natanggal na siya sa kumpanya at kapag nakalabas na siya ng ospital ay may haharapin pa siyang kaso dahil sa damage of properties sa nasira niyang sasakyan ng Dynamic," mahaba niyang litaniya."Yeah, right..."Agad namang tumaas ang isang kilay ni Graciella sa naging sagot ni Drake. "Bakit pakiramdam ko hindi ka na nagulat sa ibinalita ko?"Sandaling natigilan si Drake. Mali pala ang naging sagot niya. Pero totoo namang hindi na siya nagulat. Bakit naman siya masosorpresa gayung siya ang nag-order na tanggalin na sa trabaho si Marlou at pagbayarin sa damage nito sa kumpanya niya.Napakamot ng kilay si Drake habang nag-iisip kung magkukunwari ba siyang nagulat nang muli niyang marinig ang boses ni Graciella sa kabilang linya."Hindi ka ba napag
"Huh?" Medyo nataranta si Graciella at hinawakan ang kanyang noo bago muling nagsalita. "Okay lang, hindi mainit—"Nang makita ang seryosong mukha ni Drake, unti-unting humina ang boses niya hanggang sa sabihin niya sa lalaki na mayroong isang kahon ng gamot sa kabinet ng TV, at mayroong ding isang electronic thermometer na binili niya noon.Kinuha ni naman agad ni Drake ang electronic thermometer at itinapat sa kanya.Thirty nine degree Celsius ang kanyang noo at forty naman sa kanyang kamay. Kaya pala nasabi niya na hindi siya mainit dahil mas mataas ang temperatura niya sa kamay kaysa sa kanyang noo."May lagnat ka," ani Drake. Nasa harap niya ang mga numero sa thermometer kaya hindi na ito maitatanggi pa ni Graciella. Kaya pala medyo nahihilo siya. Dahil siguro sa sobrang pagod niya ngayong araw. Pinagpapawisan siya habang naglalakad mula sa bar hanggang sa nakarating sila sa kinaroroonan ni Kimmy. "Huwag kang mag-alala, Drake, hindi naman mataas ang lagnat ko. Kailangan ko
Iyon ang unang beses na may nagsabi ng ganung klaseng kataga kay Graciella bukod sa kapatid niya kaya hindi niya maiwasang mahiya at pamulahan ng pisngi."Salamat sa pag-aalala mo, Drake pero ayos lang talaga ako," mahina niyang sambit.Pagkatapos ng medyo maikling panahon na nagkakilala sila, napagtanto ni Drake na hindi talaga aamin si Graciella sa kung anuman ang nararamdaman nito kahit anong pilit niya kaya naman ang pinakamabisang paraan ay gagawin ng direkta ang bagay na nais niyang ipagawa sa babae gaya nalang ang pagpapahinga.Sinuutan niya ito ng seatbelt nang mapasulyap siya sa tiyan nito. Huminga siya ng malalim bago iningatan ang kanyang galaw at baka mapano ang baby nila.Hindi naman napansin ni Graciella ang mga tinginan ni Drake sa kanya. Ang inaalala niya ay lumiban siya sa trabaho dahil sa nangyari kay Kimmy at hindi siya nakapagpaalam sa supervisor niya.First day of work palang tapos nag-half day na agad siya! "Wag mo ng masyadong isipin pa yan. Naipagpaalam na k
Namilog ang mga mata ni Cherry kasabay ng kanyang panlalamig."Ikaw ang babalaan ko Ate Cherry, ayokong ako mismo ang magsabi kay Kuya sa natuklasan ko pero kapag hindi mo ititigil yang kakatihan mo sa katawan, wag mo akong sisisihin sa mangyayari sayo!"Kung kanina ay mayabang at puno ng galit ang mukha ni Cherry, ngayon ay nagmistula na itong tupa na hindi makabasag pinggan.Mabilis at maingat siyang lumabas ng bar kanina para hindi siya makita ni Graciella pero mukhang nahuli parin siya ng babae na kasama si Felip!Kung minamalas nga naman!Dahan-dahang napatingin si Cherry kay Graciella na nasa harapan niya. Malamig ang mga mata nito at hindi mo kakakitaan ng pag-aalangan. Napalunok siya ng ilang beses bago ito nilapitan."G—graciella... Baka naman pwede nating pag-usapan 'to. Alam kong mali ako pero please, wag mo munang sabihin sa kapatid mo ang nalaman mo. Kahit na hindi mo ako gusto, kailangan mong isipin si Gavin. Ano nalang ang mangyayari sa kanya kung maghihiwalay kami ng k
Bumuhos ang lahat ng emosyon sa dibdib ni Kimmy. Pilit siyang nagpupumiglas hanggang sa niyakap na siya ni Graciella. Sandali siyang natigilan bago bumalik sa kanyang wisyo."Wala akong ginagawang masama Graciella... Hindi naman ako nananakit ng kapwa eh pero bakit... bakit ang malas-malas ko?" Humagulgol niyang sambit.Nalungkot si Graciella nang marinig ang hinagpis ni Kimmy. Marahan niyang tinapik ang sa likod ng dalaga para kahit papaano ay pagaanin ang nararamdaman nito. "Gaya ng sabi ko, hindi mo kasalanan ang nangyari. Sadyang may mga tao lang talaga na maitim ang budhi at mahilig manakit. Hindi ka dapat na magpatalo sa kanila. Ikaw nasa tama."Napatingala si Oliver para kontrolin ang emosyon niya. Hindi niya lubos maisip na ganito ang kahihinatnan ng kapatid niya matapos nitong umalis sa puder nila. Nais niyang sisihin ang sarili niya dahil hindi niya ito napagtuunan ng pansin sa pag-aakalang nasa maayos lang na kalagayan ang babae. Dapat pala ay binalian niya ng nga buto ang
Nagkatinginan silang tatlo sa sinabi ng kapatid niya at ilang sandali lang ay patakbo na silang lumabas ng bar at nagmamadaling pumunta sa lugar kung saan naroon ang pwesto ng kapatid niya.Naalala ni Graciella na bumili pala ng building si Kimmy malapit lang doon. Nabanggit pa nga nito na nais nitong magpatulong sa kapatid niya para sa iba pang bagay na kakailanganin nito upang mapatayo ang eSports team na gusto nito kaya malamang doon pumunta ang kaibigan niya.Nabanggit din ng kapatid niya na nakatayo na sa gilid ng pinakamataas na palapag si Kimmy. Mukhang plano na nitong tapusin ang sariling buhay. Agad siyang tumawag ng pulis habang nasa daan palang sila."Kuya, baka pwede mo siyang kausapin at pakalmahin hanggang sa makarating kami diyan," puno ng kabang pakiusap ni Graciella.Kasalukuyan pa siyang lulan ng kotse ni Drake habang nakasunod naman sa kanila ang sasakyan ni Oliver. Habang binabaybay nila ang daan papunta sa kinaroroonan ni Kimmy, sinamantala ni Graciella ang pagkak
Aroganteng nakatingin si Drake kay Oliver at sinamaan pa ng tingin si lalaki. "Nosy!"Nakaramdam naman ng inis si Oliver sa klase ng pakikipag-usap ni Drake kaya't nakipagsukatan narin siya ng titig sa lalaki. "You're so full of yourself. Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Beatrice at Akira sayo!"Kumunot ang noo ni Graciella.Hindi ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang pangalang Akira.Isang beses itong binanggit ni Drake noong kasama nilang dalawa ng asawa niya ang lola nito. Kahit pa sinabi ng dalawa sa kanya noon na magkaibigan lang si Drake at Akira at kapatid lang ang turing ng asawa niya sa babae, ngunit bilang intuwisyon ng isang babae, at ang amoy ng perfume na naiwan sa damit ni Drake, pakiramdam niya may gusto si Akira sa asawa niya!'O baka si Drake din!' Sigaw ng isipan niya.Tapos akala niya si Akira lang, paanong ngayon ay may Beatrice na naman? Sino kaya si Beatrice sa buhay ng asawa niya?!Naniningkit ang mga mata ni Drake sa mga pangalang nabanggit ni Olive
Unti-unting kumunot ang noo ni Graciella. Wala siyang naalala na nakita na niya ang lalaki noon lalo pa sa estadong meron ito.Akmang iiling-iling siya bilang tugon nang isang malaking kamay ang bigla nalang pumulupot sa kanyang bewang at inilapit siya sa tagiliran nito, palayo kay Oliver. Nang tumingala siya ay nakita niya ang mukha ni Drake na may malamig na ekspresyon."Mukhang dapat mo ng palitan yang salamin mo para makakita ka ng maayos at hindi mo mapagkamalan ang kahit na sinuman," seryoso nitong sambit.Inayos ni Oliver ang walang frame niyang salamin bago umangat ang sulok ng kanyang labi. Levine is showing such a territorial attitude towards him as of the moment. "Why so grumpy? Gusto ko lang naman magpasalamat kay Miss Graciella."Hindi sigurado si Graciella kung ilusyon niya lang ba ang nararamdaman niyang sarkasmo sa boses ng kaharap nila ni Drake subalit ilang saglit pa'y isang magiliw na ngiti ang sumilay sa labi nito "Salamat sa pagtawag sakin dito. Hindi ko aakalain
Sobrang sakit ang naramdaman ni Felip mula sa suntok na natamo niya kaya hindi siya nakabangon agad. Napatingin siya sa lalaking bigla nalang sumulpot na parang galit na galit at kulang nalang ay patayin siya. "Tangina! Sino ka ba? Ang lakas ng loob mong saktan ako ha!"Kanina pa talaga napansin ng security ng bar ang ingay dito, pero dahil regular customer si Felip, nagkunwari ang mga ito na walang nakikita. Ngayong nakita niyang binugbog si Felip, saka palang siya humakbang para pigilan ang nanuntok sa regular customer nila. Subalit sa hindi inaasahan, dose-dosenang mga bodyguards na nakasuot ng itim ang biglang sumugod at pinalibutan ang buong bar dahilan para makaramdam din ng takot si Felip. "S—sino ka ba talaga? Hindi kita kilala. A—anong kailangan mo sakin?!" Natatarantang tanong ni Felip."Hindi mo talaga ako kilala pero ikaw, kilalang-kilala kita! Felip, tama?" Hinawakan ng lalaki ang baba ni Felip habang puno ng pagkasuklam ang mga mata "Ikaw ang lalaking nanakit at nang-a
That's right. Siya si Cherry Reyes Santiago. Ang mahal na asawa ni Garett.Tuwang-tuwa si Cherry nang marinig niya ang sinabi ni Felip. Hindi niya maiwasang abutin at hawakan ang makinis na mukha ni Felip. "Ang sweet mo talaga.""Sinasabi ko lang ang totoo. Nakakabagot siyang kasama. Hindi gaya mo. Kung hindi ka lang sana nagpakasal ng maaga, tayo sana ang nagsasama ng masaya ngayon. Pero ayos lang... Ang importante ay narito ka parin sa tabi ko." Naging mas malapit ang mukha nila sa isa't isa.Matagal nang pagod si Cherry sa mga boring na lalaking tulad ni Garett. Dahil hindi niya sinasadyang nakita ang live broadcast room ni Felip sa kanyang mobile phone noong nakaraang taon kaya sinubukan niyang bigyan ng reward ang lalaki para sa live broadcast nito at unti-unting gumawa ng pribadong appointment para makipagkita. Mas bata sa kanya si Felip at masaya itong kausap. Napaparamdam nito sa kanya kung paano maging bata ulit.Pero syempre, ang ganitong uri ng masayang pagsasama ay hindi