Share

Kabanata 97

Author: Georgina Lee
last update Last Updated: 2025-04-12 17:50:31

Kita ni Drake na natigilan si Graciella sa tanong niya. Hindi naman basta-basta nalang nalalaman ng isang tao any five line scores kung hindi ka dumaan sa isang piano lesson at kahit na dumaan ka sa pagsasanay, hindi mo iyon basta-basta nalang maitutugtog.

Kung hindi pa nakahawak ng piano kailanman si Graciella, paano niya nalaman ang tungkol sa bagay nayun?

Kumurap-kurap si Graciella bago nagsalita. "Ah, baka naturo sakin ng kaklase ko noong college at nakalimutan ko lang. Isa pa ang pangit kaya ng tugtog ko."

Bahagya namang tumango si Drake. "Tama ka. Medyo pangit nga."

Napasimangot siya sa sagot ng lalaki. "Grabe. Sumang-ayon ka talaga?"

Tinaasan naman siya nito ng kilay. "What? Masama bang sumang-ayon ako? Ikaw naman ang naunang nagbanggit na pangit ang tugtog mo."

Mas lalo lang siyang napanguso. Minsan nakakainis din ang masyadong pagiging straight forward ng lalaki. Pero hindi naman siya galit lalo pa't natutuwa siya sa bago nilang dishwasher.

Automatic na, malinis pa ang pagkak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 98

    Nitong mga nakaraang araw na lagi niyang kasalo sa pagkain si Graciella, tuluyan ng nasira ang diet na nakasanayan niya. Dati halos lahat ng pagkain niya low sugar, low fat at high protein tapos ngayon hapos puro carbohydrates na ang kinakain niya. Masustansya parin naman ang inihahanda ni Graciella pero nakakataba.Pagkatapos na magshower ni Graciella, lumabas siya ng silid para uminom ng tubig nang may marinig siyang tunog ng treadmill sa may balkonahe. Napansin din niyang may kabilisan ang takbo nito.Sandaling sumilip si Graciella sa may balkonahe. Bumungad sa kanya ang pawisang likuran ni Drake. Bahagya pang umawang ang dalawa niyang labi dahil sa ganda ng katawan ng asawa niya."Wow... Gwapo na may magandang tindig pa," naiiling niyang bigkas Mukhang alagang-alaga talaga ng lalaki ang mga muscles nito. At hindi lang puro porma, kaya pa siyang ipagtanggol laban sa gustong manakit sa kanya.Napahikab siya at tumuloy na si kusina. Mukhang hindi lang pala mukha ni Drake ang pwedeng

    Last Updated : 2025-04-12
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 99

    Ilang buntong hininga ang pinakawalan ng general manager nago sumandal sa sarili nitong swivel chair sa loob ng opisina. Uminom siya ng tsaa para kahit papaano ay pagaanin ang sarili niya.Matagal na niyang hindi gusto ang pag-uugali ni Marlou. Ang lalaki ang gumawa ng maraming kasalanan sa loob ng pagtatrabaho nito sa Dynamic. Maraming babae ang inabuso ni Marlou at ginamit ang posisyon nito para makapanlamang ng kapwa.Kahit na mas mataas ang posisyon niya kaysa kay Marlou, wala naman siyang sapat na kapangyarihan para patigilin ang lalaki sa ginagawa nito dahil kung tutuusin, titulo lang sa pagiging general manager ang meron siya habang malakas ang kapit nito sa nakakataas.Hindi niya sinasabing natutuwa siya sa sinapit nito, pero gumagawa na talaga ng paraan ang tadhana para pagbayaran nito ang mga kasalanan na nagawa.Masama ang ugali ni Marlou sa kapwa nito. At dapat ding maturuan ang leksyon ang asawa ng lalaki na kinukunsinti ang maling ginagawa ni Marlou. Isa pa, wala namang

    Last Updated : 2025-04-12
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 100

    Hindi lang si Graciella ang naroon, maging ang mga ibang babaeng kasamahan niya sa Dynamic Wheels ay nagpunta rin. Hindi pa nakuntento ang mga ito at nagdala pa talaga ng megaphone para siguradong marinig sila ni Brittany."Brittany, masaya ka ba sa inihanda naming sorpresa sayo?""Nasa ospital ngayon si Sir Marlou, wala ka bang balak na dalawin siya at alagaan? Hihiwalayan mo na ba siya ngayong mawawalan na siya ng trabaho?"Isa sila sa mga inapi ni Brittany noong nasa Dynamic Wheels pa ang babae. Tiniis nila ang trato nito sa kanila dahil malakas ang kapit ng dalaga sa mismong manager ng shop subalit ngayong wala na itong inaasahang iba, nais nilang gumanti at makita ng buong mundo kung gaano ito kasamang babae.Karamihan sa mga dumadaan ay napapahinto at nakiusyuso sa nangyayari. Hindi lang iyon, naglabas pa ang mga ito ng cellphone at nagsimula ng magvideo para i-upload sa social media.Karga ni Brittany ang alaga niyang aso habang pababa siya ng apartment gamit ang elevator ng bu

    Last Updated : 2025-04-13
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 101

    "Hey, busy ka ba?" Bungad ni Graciella nang sagutin ni Drake ang tawag niya."Hindi naman. May sasabihin ka ba?""Nais ko lang ibalita sayo na naaksidente si Sir Marlou kagabi kasama ang asawa niya. Tapos nawala din yung baby nila. Balita ko rin natanggal na siya sa kumpanya at kapag nakalabas na siya ng ospital ay may haharapin pa siyang kaso dahil sa damage of properties sa nasira niyang sasakyan ng Dynamic," mahaba niyang litaniya."Yeah, right..."Agad namang tumaas ang isang kilay ni Graciella sa naging sagot ni Drake. "Bakit pakiramdam ko hindi ka na nagulat sa ibinalita ko?"Sandaling natigilan si Drake. Mali pala ang naging sagot niya. Pero totoo namang hindi na siya nagulat. Bakit naman siya masosorpresa gayung siya ang nag-order na tanggalin na sa trabaho si Marlou at pagbayarin sa damage nito sa kumpanya niya.Napakamot ng kilay si Drake habang nag-iisip kung magkukunwari ba siyang nagulat nang muli niyang marinig ang boses ni Graciella sa kabilang linya."Hindi ka ba napag

    Last Updated : 2025-04-13
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 102

    Soy sauce fried egg ang ginawa ni Miss Santiago. Apat na fried egg na sinadyang pina-golden brown subalit napanatili parin ang malambot na ilalim.Hindi lang iyon, nilagyan pa ito ng sausage at winter vegetables. Nakadagdag sa flavor ang sausage habang dagdag sustansya naman ang mga gulay at nawala pa ang pagiging oily ng pagkain.May nakalagay pang seaweed at steamed broccoli sa ibang compartment ng baunan kasama na ang tofu soup. Talagang napakamaasikaso ni Miss Santiago.Nang makita ni Drake ang laman ng lunchbox, agad siyang nakaramdam ng pagsisisi na ibinigay niya iyon kay Owen kaya lang, wala ng rason pa para bawiin niya ang pagkain. Isa pa ay may inorder narin namang pagkain para sa kanya.Subalit ang kadalasang malamig at walang ekspresyon niyang mukha ay lumala pa. Nag-isang linya nalang din ang labi niya dahilan para makaramdam ng takot ang secretary na nagdeliver ng ilan pang mahalagang dokumento sa opisina niya.Halos hindi siya huminga habang kaharap si Master Levine. Ini

    Last Updated : 2025-04-13
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 103

    Makalipas ang halos dalawampung minuto ay tumawag kay Drake ang head supervisor ng Dynamic. Agad naman niyang sinagot ang tawag nito para malaman kung ano ang importanteng sadya ng empleyado niya."Master Levine," panimula nito sa tila kinakabahang tono."What is it?""Narito po sa labas si Miss Akira Inoue at hinarangan niya po ang lahat ng papasok at lalabas ng kumpanya. Sabi niya ay hindi siya aalis hangga't hindi niyo po siya hinaharap."Libo-libo ang mga empleyado at business partners nila ang naroon sa ibaba kaya walang dahilan para gumawa ng aberya si Akira. Subalit sa ilang taon na pagtatrabaho niya sa kumpanya, nabalitaan niya na may malapit na relasyon kay Master Levine ang pamilya ng mga Inoue.Noon nga ay muntik ng maikasal ang boss niya sa panganay ng pamilyang Inoue. Pero hindi niya alam kung bakit hindi natuloy ang kasal at kung bakit lumipad papuntang abroad si Miss Inoue.Ngayon naman ay ang ikalawang anak na babae ang sunod ng sunod kay Master Levine. Kahit na iniiwa

    Last Updated : 2025-04-13
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 104

    Biglang tumalim ang mga mata ni Levine at diretsong inilapag ang kubyertos na hawak nito. "Are you spying on me? Sabihin mo nga sakin kung sino sa mga tauhan ko ang sinuhulan mo?"Bahagyang nakaramdam ng kaba si Akira sa reaksyon ni Levine. Alam niyang pinakaayaw ng lalaki ang minamanmanan ang mga kilos nito. Hilaw siyang natawa bago nagsalita."Ano ka ba! I didn't bribed anyone. I just heard your employees talking about it kaya ko nalaman."Ilang saglit niyang pinagmasdan ang reaksyon ni Levine bago siya nagpatuloy. "But seriously, totoo ba ang sinasabi nila?"May mysophobia si Levine kaya hindi ito kumakain ng pagkain na kung sino lang ang may gawa. He always eats at high-end restaurants with super good hygiene. Tapos mapili pa ito sa pagkain. Dapat ay mga low fat fitness ang kakainin nito. Kaya naman halos hindi siya makapaniwala na talagang kumain ito sa isang ordinaryong lunch box lang at hindi galing sa kitchen ng mga Yoshida.Pero kung totoo man ang narinig niya, it means may b

    Last Updated : 2025-04-13
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 105

    Humila ng isang upuan si Graciella at inalalayan si Grandma Celestina na maupo. "Kung gusto niyo po ng kausap, hindi niyo na ako kailangan pang tulungan dito. Pumunta lang po kayo dito sa shop o di kaya ay tumawag sa akin. Kakausapin ko po kayo ng walang hinihinging kapalit."Isang matamis na ngiti ang kumawala sa labi ng matanda. "Ganun ba?"Nakangiti naring tumango si Graciella.Mas lalo pang natuwa si Madam Celestina sa ipinapakitang ugali ni Graciella. Hindi nga siya nagkamali sa babae. Bukod sa matulungin, maalalahanin din. Hindi siya uuwi ngayong gabi nang hindi niya nadadala sa mansion si Graciella.At dahil balak niyang dalhin sa pamamahay niya si Graciella para gawing asawa ni Levine, hindi pwedeng magkaroon ng pangit na imahe ang kanyang apo sa dalaga."Pero alam mo, may apo akong lalaki. Halos hindi siya nalalayo sa edad mo. Mabait yun at kasundo ko siya. Yun nga lang ay madalas siyang wala dahil abala siya sa trabaho niya."Yes, sobrang busy ni Levine na halos ipagtabuyan

    Last Updated : 2025-04-14

Latest chapter

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 170

    "Huh?" Medyo nataranta si Graciella at hinawakan ang kanyang noo bago muling nagsalita. "Okay lang, hindi mainit—"Nang makita ang seryosong mukha ni Drake, unti-unting humina ang boses niya hanggang sa sabihin niya sa lalaki na mayroong isang kahon ng gamot sa kabinet ng TV, at mayroong ding isang electronic thermometer na binili niya noon.Kinuha ni naman agad ni Drake ang electronic thermometer at itinapat sa kanya.Thirty nine degree Celsius ang kanyang noo at forty naman sa kanyang kamay. Kaya pala nasabi niya na hindi siya mainit dahil mas mataas ang temperatura niya sa kamay kaysa sa kanyang noo."May lagnat ka," ani Drake. Nasa harap niya ang mga numero sa thermometer kaya hindi na ito maitatanggi pa ni Graciella. Kaya pala medyo nahihilo siya. Dahil siguro sa sobrang pagod niya ngayong araw. Pinagpapawisan siya habang naglalakad mula sa bar hanggang sa nakarating sila sa kinaroroonan ni Kimmy. "Huwag kang mag-alala, Drake, hindi naman mataas ang lagnat ko. Kailangan ko

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 169

    Iyon ang unang beses na may nagsabi ng ganung klaseng kataga kay Graciella bukod sa kapatid niya kaya hindi niya maiwasang mahiya at pamulahan ng pisngi."Salamat sa pag-aalala mo, Drake pero ayos lang talaga ako," mahina niyang sambit.Pagkatapos ng medyo maikling panahon na nagkakilala sila, napagtanto ni Drake na hindi talaga aamin si Graciella sa kung anuman ang nararamdaman nito kahit anong pilit niya kaya naman ang pinakamabisang paraan ay gagawin ng direkta ang bagay na nais niyang ipagawa sa babae gaya nalang ang pagpapahinga.Sinuutan niya ito ng seatbelt nang mapasulyap siya sa tiyan nito. Huminga siya ng malalim bago iningatan ang kanyang galaw at baka mapano ang baby nila.Hindi naman napansin ni Graciella ang mga tinginan ni Drake sa kanya. Ang inaalala niya ay lumiban siya sa trabaho dahil sa nangyari kay Kimmy at hindi siya nakapagpaalam sa supervisor niya.First day of work palang tapos nag-half day na agad siya! "Wag mo ng masyadong isipin pa yan. Naipagpaalam na k

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 168

    Namilog ang mga mata ni Cherry kasabay ng kanyang panlalamig."Ikaw ang babalaan ko Ate Cherry, ayokong ako mismo ang magsabi kay Kuya sa natuklasan ko pero kapag hindi mo ititigil yang kakatihan mo sa katawan, wag mo akong sisisihin sa mangyayari sayo!"Kung kanina ay mayabang at puno ng galit ang mukha ni Cherry, ngayon ay nagmistula na itong tupa na hindi makabasag pinggan.Mabilis at maingat siyang lumabas ng bar kanina para hindi siya makita ni Graciella pero mukhang nahuli parin siya ng babae na kasama si Felip!Kung minamalas nga naman!Dahan-dahang napatingin si Cherry kay Graciella na nasa harapan niya. Malamig ang mga mata nito at hindi mo kakakitaan ng pag-aalangan. Napalunok siya ng ilang beses bago ito nilapitan."G—graciella... Baka naman pwede nating pag-usapan 'to. Alam kong mali ako pero please, wag mo munang sabihin sa kapatid mo ang nalaman mo. Kahit na hindi mo ako gusto, kailangan mong isipin si Gavin. Ano nalang ang mangyayari sa kanya kung maghihiwalay kami ng k

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Chapter 167

    Bumuhos ang lahat ng emosyon sa dibdib ni Kimmy. Pilit siyang nagpupumiglas hanggang sa niyakap na siya ni Graciella. Sandali siyang natigilan bago bumalik sa kanyang wisyo."Wala akong ginagawang masama Graciella... Hindi naman ako nananakit ng kapwa eh pero bakit... bakit ang malas-malas ko?" Humagulgol niyang sambit.Nalungkot si Graciella nang marinig ang hinagpis ni Kimmy. Marahan niyang tinapik ang sa likod ng dalaga para kahit papaano ay pagaanin ang nararamdaman nito. "Gaya ng sabi ko, hindi mo kasalanan ang nangyari. Sadyang may mga tao lang talaga na maitim ang budhi at mahilig manakit. Hindi ka dapat na magpatalo sa kanila. Ikaw nasa tama."Napatingala si Oliver para kontrolin ang emosyon niya. Hindi niya lubos maisip na ganito ang kahihinatnan ng kapatid niya matapos nitong umalis sa puder nila. Nais niyang sisihin ang sarili niya dahil hindi niya ito napagtuunan ng pansin sa pag-aakalang nasa maayos lang na kalagayan ang babae. Dapat pala ay binalian niya ng nga buto ang

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 166

    Nagkatinginan silang tatlo sa sinabi ng kapatid niya at ilang sandali lang ay patakbo na silang lumabas ng bar at nagmamadaling pumunta sa lugar kung saan naroon ang pwesto ng kapatid niya.Naalala ni Graciella na bumili pala ng building si Kimmy malapit lang doon. Nabanggit pa nga nito na nais nitong magpatulong sa kapatid niya para sa iba pang bagay na kakailanganin nito upang mapatayo ang eSports team na gusto nito kaya malamang doon pumunta ang kaibigan niya.Nabanggit din ng kapatid niya na nakatayo na sa gilid ng pinakamataas na palapag si Kimmy. Mukhang plano na nitong tapusin ang sariling buhay. Agad siyang tumawag ng pulis habang nasa daan palang sila."Kuya, baka pwede mo siyang kausapin at pakalmahin hanggang sa makarating kami diyan," puno ng kabang pakiusap ni Graciella.Kasalukuyan pa siyang lulan ng kotse ni Drake habang nakasunod naman sa kanila ang sasakyan ni Oliver. Habang binabaybay nila ang daan papunta sa kinaroroonan ni Kimmy, sinamantala ni Graciella ang pagkak

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 165

    Aroganteng nakatingin si Drake kay Oliver at sinamaan pa ng tingin si lalaki. "Nosy!"Nakaramdam naman ng inis si Oliver sa klase ng pakikipag-usap ni Drake kaya't nakipagsukatan narin siya ng titig sa lalaki. "You're so full of yourself. Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Beatrice at Akira sayo!"Kumunot ang noo ni Graciella.Hindi ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang pangalang Akira.Isang beses itong binanggit ni Drake noong kasama nilang dalawa ng asawa niya ang lola nito. Kahit pa sinabi ng dalawa sa kanya noon na magkaibigan lang si Drake at Akira at kapatid lang ang turing ng asawa niya sa babae, ngunit bilang intuwisyon ng isang babae, at ang amoy ng perfume na naiwan sa damit ni Drake, pakiramdam niya may gusto si Akira sa asawa niya!'O baka si Drake din!' Sigaw ng isipan niya.Tapos akala niya si Akira lang, paanong ngayon ay may Beatrice na naman? Sino kaya si Beatrice sa buhay ng asawa niya?!Naniningkit ang mga mata ni Drake sa mga pangalang nabanggit ni Olive

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Chapter 164

    Unti-unting kumunot ang noo ni Graciella. Wala siyang naalala na nakita na niya ang lalaki noon lalo pa sa estadong meron ito.Akmang iiling-iling siya bilang tugon nang isang malaking kamay ang bigla nalang pumulupot sa kanyang bewang at inilapit siya sa tagiliran nito, palayo kay Oliver. Nang tumingala siya ay nakita niya ang mukha ni Drake na may malamig na ekspresyon."Mukhang dapat mo ng palitan yang salamin mo para makakita ka ng maayos at hindi mo mapagkamalan ang kahit na sinuman," seryoso nitong sambit.Inayos ni Oliver ang walang frame niyang salamin bago umangat ang sulok ng kanyang labi. Levine is showing such a territorial attitude towards him as of the moment. "Why so grumpy? Gusto ko lang naman magpasalamat kay Miss Graciella."Hindi sigurado si Graciella kung ilusyon niya lang ba ang nararamdaman niyang sarkasmo sa boses ng kaharap nila ni Drake subalit ilang saglit pa'y isang magiliw na ngiti ang sumilay sa labi nito "Salamat sa pagtawag sakin dito. Hindi ko aakalain

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 163

    Sobrang sakit ang naramdaman ni Felip mula sa suntok na natamo niya kaya hindi siya nakabangon agad. Napatingin siya sa lalaking bigla nalang sumulpot na parang galit na galit at kulang nalang ay patayin siya. "Tangina! Sino ka ba? Ang lakas ng loob mong saktan ako ha!"Kanina pa talaga napansin ng security ng bar ang ingay dito, pero dahil regular customer si Felip, nagkunwari ang mga ito na walang nakikita. Ngayong nakita niyang binugbog si Felip, saka palang siya humakbang para pigilan ang nanuntok sa regular customer nila. Subalit sa hindi inaasahan, dose-dosenang mga bodyguards na nakasuot ng itim ang biglang sumugod at pinalibutan ang buong bar dahilan para makaramdam din ng takot si Felip. "S—sino ka ba talaga? Hindi kita kilala. A—anong kailangan mo sakin?!" Natatarantang tanong ni Felip."Hindi mo talaga ako kilala pero ikaw, kilalang-kilala kita! Felip, tama?" Hinawakan ng lalaki ang baba ni Felip habang puno ng pagkasuklam ang mga mata "Ikaw ang lalaking nanakit at nang-a

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 162

    That's right. Siya si Cherry Reyes Santiago. Ang mahal na asawa ni Garett.Tuwang-tuwa si Cherry nang marinig niya ang sinabi ni Felip. Hindi niya maiwasang abutin at hawakan ang makinis na mukha ni Felip. "Ang sweet mo talaga.""Sinasabi ko lang ang totoo. Nakakabagot siyang kasama. Hindi gaya mo. Kung hindi ka lang sana nagpakasal ng maaga, tayo sana ang nagsasama ng masaya ngayon. Pero ayos lang... Ang importante ay narito ka parin sa tabi ko." Naging mas malapit ang mukha nila sa isa't isa.Matagal nang pagod si Cherry sa mga boring na lalaking tulad ni Garett. Dahil hindi niya sinasadyang nakita ang live broadcast room ni Felip sa kanyang mobile phone noong nakaraang taon kaya sinubukan niyang bigyan ng reward ang lalaki para sa live broadcast nito at unti-unting gumawa ng pribadong appointment para makipagkita. Mas bata sa kanya si Felip at masaya itong kausap. Napaparamdam nito sa kanya kung paano maging bata ulit.Pero syempre, ang ganitong uri ng masayang pagsasama ay hindi

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status