Halos hindi siya makatingin ng diretso kay Drake nang dahan-dahan siya nitong ibinaba sa sahig. Nahihiya siya sa posisyon nila kanina. Pakiramdam niya nag-aapoy na sa init ang kanyang pisngi. Daig pa niya ang may lagnat."Be careful nextime. Lagi ka nalang nadudulas."Nakayuko siyang tumango. "Sorry and thank you," mahina niyang sambit.Hindi namana sumagot pa si Drake at nagpatuloy na sa pag-aayos ng hugasin nila. Nais man niyang humiwalay sa lalaki para kahit papaano ay kumalma ang sarili niya, hindi naman niya magawa dahil siya naman ang may ideya ng lahat ng ito.Kaya naman siya ang tagahawak ng pinggan at si Drake ang tagasabon. Sa hindi rin sinasadya ay nakita niya ng malapitan kung ano ang paraan ng paghuhugas ni Drake ng pinggan.Makalipas ang ilang segundo ay hindi na niya napigilan pa ang sarili na magsalita. "Alam mo Drake, may naisip na akong career na bagay sayo."Lumingon naman sa kanya ang lalaki. "Huh? Ano namang career yan?""Bathhouse master," nakangisi niyang sambit
Nakahinga ng maluwag si Garett sa kaisipang hindi man mayaman ang napangasawa ng kapatid niya, maayos naman ang trato nito kay Graciella. Sapat na iyon para sa kanya. Naisip ng kanilang ina na isang mahirap lang si Drake mas mainam na isang ordinaryong tao lang ang asawa ni Graciella. Hindi rin naman mayaman ang pamilya nila. Natatakot siya na baka kapag nakapag-asawa ng mayaman ang kapatid niya ay aapihin lang ito ng pamilya ng lalaki dahil hindi pantay ang estado ng dalawa. Kapag nangyari iyon, hindi siya basta-basta makakalaban at maipagtanggol ang kapatid niya. Di bale ng mahirap, basta mahal nito Graciella.Maraming niluto si Graciella kanina para sa tanghalian pero hindi iyon naubos dahil nagkagulo sila. Naisipan niyang itabi nalang ang mga ulam at iinitin nalang nila para sa hapunan.Pero ang pinoproblema niya ay marami pang stocks ang nasa kusina. Okay lang ang karne at gulay dahil pwede naman iyong ilagay sa freezer pero itong organic fish at hipon na nabili nila ay buhay na
"Thank you for the food," ani Drake nang matapos na silang kumain.Gumising ng maaga si Graciella para ihanda ang agahan nila. Alam niyang hindi madali ang ginawa nito kaya nagpapasalamat talaga siya. "You're welcome," kibit balikat na ani Graciella.Binigyan siya ni Drake ng pera pambili ng ingredients kaya naman nagluto talaga siya. Isa pa, kailangan niya ring kumain ng masustansyang pagkain para sa anak niya kaya maiman talaga ang lutong bahay. Sayang nga lang at hindi siya pwedeng kumain ng ganun karami.Bitbit naman ni Drake ang pabaon na lunchbox ni Graciella habang naglalakad siya papunta sa pinto. Hinatid siya ng babae hanggang sa may pintuan. Akmang aalis na siya nang pigilan siya nito at binigyan ng payong."Narinig ko sa balita kanina na magiging maulan na naman ngayon kaya magdala ka ng payong.""Salamat," aniya at tuluyan ng nilisan ang apartment.Nang makaalis na si Drake ay inasikaso naman ni Graciella ang alaga niyang pusa. Nilagyan niya ito ng bagong tubig at pagkain
Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Graciella bago sumagot. "Wala kaming ganyan kalaking halaga ng pera, Ma.""Walang pera? Hindi ba't sabi ko sa iyo ibenta ninyo yang bahay na tinitirhan ninyo? Nasa commercial area kayo kaya malamang malaki ang halaga ng bahay na yan. Sapat na ang halaga niyan para ibigay ninyo sa akin."Mariing napapkit si Graciella dahil sa labis na inis. Hanggang kailan ba ito titigil sa kakadaldal tungkol sa pagbebenta sa bahay nila?Humigpit ang hawak niya sa telephone habang nakikipag-usap sa kanyang ina. "At kung ibebenta namin itong bahay? Saan mo kami patitirahin? Sa kalsada?"Wala akong pakialam Graciella. Kasalanan mo yan dahil nag-asawa ka ng mahirap. Kung nakinig ka lang sana sakin na yung matandang lalaki na handang magbayad ng three hundred thousand ang pinakasalan mo, wala sana tayong problema ngayon! Pero dahil matigas ang ulo mo pwes magtiis ka!" Galit nitong singhal.Humugot siya ng hangin para kahit papaano ay kumalma siya. Nakakasa
Napakurap-kurap naman si Graciella. "M—may sasabihin po ba kayo sa akin?""Of course!" Agaran nitong sagot. "Iniligtas mo ako noong nakaraan mula sa kapahamakan kaya nais kitang pasalamatan. Kung hindi mo ako tinulungan, wala na sana ako ngayon."Unti-unting napangiti si Graciella sa sinabi ng matanda. "Huwag niyo pong sabihin yan. Pinagpala po kayo kaya nandito parin po kayo hanggang ngayon. Hindi niyo na po ako kailangang pasalamatan. Kahit na iba po siguro ang makakakita sa inyo ay ganun parin ang gagawin."Mariin nang umiling ang matanda. "Sigurado akong ikaw lang ang gagawa ng ganung klaseng bagay. Ikaw ang tagapagligtas ko."Mataman na tinitigan ng ginang si Graciella. Nagmamadali ito noong nakaraan nang iligtas siya kaya hindi niya naipakilala ang sarili niya.Dalawang araw na siyang gumigising ng maaga para abangan ang babae. Kung nagtatrabaho man ito, sigurado siyang dadaan ulit ang dalaga sa kalsada kung saan sila nagkita. At hindi nga siya nagkakamali. Narito na ang babae s
Kanina pa palihim na sinusulyapan ni Owen si Master Levine. Mula ng dumating ito sa opisina, pakiramdam niya may kakaiba sa boss niya. Nanatili parin naman ang seryoso at halos walang kangiti-ngiti nitong mukha pero may nagbago talaga.Hindi niya lang matukoy kung ano.Mukhang good mood rin ang lalaki…Hindi mapigilan ni Owen na maisip kung pwede ba niyang kausapin si Master Levine na taasan ang sahod niya tutal maganda naman ang mood nito.Sumapit ang alas dose kung saan tanghalian na. Handa na si Owen na samahan ang boss niya sa Ambrosia Pavilion kung saan ito madalas magtanghalian ng mga high ends na pagkain. Pero sa kanyang pagtataka, bigla nalang naglabas ng lunch box ang lalaki mula sa bag nitong dala."Where's the microwave here Owen?" Tanong pa nito.Hindi naman siya agad nakasagot at sinigurado pa talaga kung tama ba ang nakita niya. Hindi pa siya nakuntento at kinusot pa ang kanyang mga mata pero totoo talaga.May baon na lunch box si Master Levine!Bakit pakiramdam niya hin
Habang napakaraming bagay ang tumatakbo sa isipan ni Owen, nasa lunch box lang ang atensyon ni Drake.Masarap ang dumpling soup na ginawa ni Graciella kaninang umaga kaya naman hindi na siya makapaghintay pa na makita kung ano ang ulam niya sa tanghalian.Hindi naman siya nabigo sa antisipasyon niya. Fish fillet, tempura at garlic broccoli ang ipinabaon ni Graciella sa kanya Sinamahan pa iyon ng babae ng stew milky fish soup. Masarap na, masustansya pa!At dahil abala sa pakikinig sa tsismis si Owen, nakalimutan na niyang mag-order ng pagkain para sa sarili niya. Nang makita niya ang laman ng lunch box ni Master Levine, hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit.Nang mapansin ni Master Levine ang klase ng titig niya ay bahagya nitong iniusog palapit sa sarili nito ang pagkain na para bang aagawin niya iyon at tiningnan siya ng masama. "Bakit hindi ka magpaluto sa asawa mo?!"Napanguso naman si Owen. Gustuhin man niya ay nakadepende iyon sa asawa niya. Isa pa, hindi naman ganun kagalin
Hindi na nga siya natutuwa sa komento ng kanyang lola tapos makikita pa niya si Owen habang nagpipigil ito ng tawa sa isang tabi. Mas lalo lang siyang napasimangot.Inilapag niya ang hawak niyang kutsara at nag-angat ng tingin sa kanyang lola. "Grandma, nagsadya ka bang pumunta dito para lang sabihin sakin na tumaba na ako?"Kilala niya ang lola niya. Alam niyang may iba pang dahilan kaya naparito ang ginang.Huminga ito ng malalim bago nagsalita. "Dalhin mo ako sa bahay ng mga Nagamori," sa wakas ay sabi nito.Sumandal siya sa kanyang upuan. Kung karibal nila sa negosyo ang mga Inoue, kaibigan naman nila ang pamilya ng mga Nagamori sa loob ng mahabang panahon. Hindi rin pareho ang produktong meron sila. Ang kanyang lola at ang matandang Hermania Nagamori ay may malalim ng pinagsamahan dahil magkaibigan na ang mga ito noong kabataan nila.Nakakalungkot lang na habang bumabyahe ang anak ng matandang Nagamori na si William kasama ang anak nitong apat na taong gulang noon, naaksidente an
Isang katok mula sa labas ang pumukaw sa abalang isipan ni Drake. Nag-angat siya ng tingin at napadako ang kanyang mga mata sa orasan at napagtanto na tanghali na pala."Master Levine, gusto niyo po bang mag-order ng pagkain para sa tanghalian?" Tanong ni Owen.Wala sa sariling napasimangot si Drake nang maalala ang pagkain na inorder nito kahapon. Akmang tatanggi siya nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang lola. Huminga siya ng malalim bago ito sinagot."Grandma?""Levine, pagod na pagod ako galing sa pagshoshoping. Pwede mo ba akong puntahan? Sabay na tayong mananghalian. Malapit lang naman ako sa opisina mo. Wag kang magtatagal ha, gutom na gutom na ako. Hihintayin kita."Dahil sa takot na tanggihan siya ni Drake, sinabi niya agad ang pangalan ng restaurant at mabilis na pinatayan ng tawag ang apo.Kumunot ang noo ni Drake habang nakatitig sa screen ng kanyang cellphone.Maganda sa pandinig niya ang sinabi nitong manananghalian sila, but knowing his grandmother, alam niyang
Sa kaisipang iyon ay tuluyan ng nakatulog ng mahimbing si Graciella...Kinabukasan, nasa kusina na si Graciella gaya ng kadalasan nang magising si Drake. Nagluto si Graciella ng egg rolls, dumplings, sausages at sinamahan pa ng toasted bread.Agad na nanuot sa kanyang ilong ang mabangong aroma ng pagkain. Kahapon ay nagdiet na siya kaya ngayon, pagbibigyan niya ang sarili niya na kumain sa inihanda ni Graciella. Isa pa, laging masarap ang pagkain niya nitong mga nakaraang araw kaya nahihirapan siyang mg-adjust at bumalik sa dating gawi na puro asin lang ang seasonings ng mga kinakain niya.Siguro dadalasan nalang niya ang pag-eexercise niya para hindi siya tumaba.Nang makaupo siya sa mesa ay agad siyang inasikaso ni Graciella. Inabutan siya nito ng pinggan at kubyertos. Halos kulang nalang subuan siya ng babae na ipinagtaka niya subalit kanya na lamang ipinagsawalang bahala."Thank you.""You're welcome," tugon ng asawa niya bago naupo sa silya na katapat niya. "Oo nga pala Drake, an
Bahagyang nagulat si Graciella sa tanong ni Drake pero mabilis din naman siyang nakabawi at tipid na ngumiti. "Salamat Drake pero hindi na nagparamdam pa sa akin si Mama Thelma."Pakiramdam ni Drake, hindi nagsasabi ng totoo si Graciella. Masyadong bayolente ang ina ng babae noong pumunta ito sa apartment nila noong nakaraan kaya imposible na tumigil na ito sa panggugulo kay Graciella. Pero dahil sinabi na nito na hindi, hindi narin niya ito pwedeng kulitin pa.Hindi naman inaasahan ni Graciella na maaalala pa ni Drake ang tungkol sa bagay na iyon. It was her family's affair at hindi pa kaaya-aya kung iisipin. Ayaw niyang magkaroon pa ito ng ugnayan sa kanyang ina. Kung sakali man na manggulo ulit si Mama Thelma, siya lang dapat ang pagtuunan nito ng pansin at hindi si Drake.Akmang magsasalita siya pero walang boses na lumabas sa labi niya dahil hindi naman niya alam kung ano pa ang sasabihin niya.Nang oras na iyon, napagtanto ni Graciella na wala pala siyang masyadong alam tungkol
Wala namang problema kay Drake kahit na hiwalay sa asawa ang makakatuluyan niya but dating her while she's still bound to her husband is really, really indecent!Kaya naman, mariin ang naging pagtanggi ni Drake at pinangakuan lang ang dalawang matanda na uuwi siya sa mga susunod na araw bago pinatayan ng tawag ang kanyang lola.Nakahinga naman ng maluwag si Daichi habang masama ang loob ni Celestina."Noong nakaraan walang pag-aalinlangan niya akong pinababa sa sasakyan niya tapos ngayon pinatayan na ako ng tawag kahit na hindi pa ako tapos na makipag-usap sa kanya!""Bata pa ang apo natin Celestina. Kung tutuusin ay hindi pa niya kailangan na magmadali sa paghahanap ng asawa. Isa pa, kung pipilitin mo siyang makipagdate kay Graciella habang kasal pa ito, ano nalang ang kaibahan nilang dalawa sa nagtataksil na asawa ni Graciella?"Nang marinig ni Celestina ang opinyon ng asawa niya ay napatango-tango siya. May punto din naman si Daichi sa mga sinabi nito."Kung ganun ay pupuntahan ko
Napangiwi si Graciella dahil sa hiya. "Grandma, bakit hindi pa kayo natutulog? Halos hating gabi na po," pag-iiba niya ng usapan."Hay naku Graciella, wag mong binabago ang usapan. Dapat kumprontahin mo ang asawa mo tungkol sa bagay na natuklasan mo. Hindi na mapagkakatiwalaan ang mga lalaki sa panahon ngayon. Kapag hindi ka kumilos ngayon, lolokohin kalang niya ng paulit-ulit kaya wag kang matakot."Huminga ng malalim si Graciella bago nagsalita. "Sige po Grandma. Gagawin ko po ang sinabi ninyo.""Mabuti naman kung ganun. Hindi na uso ang magpakamartyr ngayon. Dapat lumaban ka para hindi ka apakan ng mga yan!" Matapang pa nitong asik.Akmang sasagot siya nang may marinig siyang isa pang boses sa kabilang linya. "Bakit mo naman nasabi na hindi mapagkakatiwalaan ang mga lalaki ngayon? Inaano ba kita?" Boses ng isang matandang lalaki.Siguro ay asawa ito ni Grandma Celestina."Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya wag kang makisali. Ang ibig kong sabihin ay ang asawa ni Graciella na makapal
Napakurap-kurap siya. Talaga bang halata siya masyado o sadyang matalino lang si Drake? Ganito rin ang nangyari kanina nang hindi pa niya ito nasasabihan tungkol sa pakay niya na turuan nito si Gavin ng piano."Care to tell me the reason why?"Napalunok siya. Ayaw niyang makita nito ang nararamdaman niyang tensyon. "Ano ka ba naman Drake. Hindi kita iniiwasan no. Wala namang rason para gawin ko yan. Sadyang gabi na talaga at gusto ko ng magpahinga," pagsisinungaling niya at binuntutan pa ng isang pilit na tawa."Then why won't you look at me?" Mapang-arok nitong tanong.Hindi alam ni Graciella kung nag-iilusyon lang siya pero pakiramdam niya, kahit kinorner na siya ni Drake at nasa lalaki ang momentum sa kasalukuyan, tila isa itong bata na hindi nakuha ang gusto kaya nagmamaktol.Subalit sa kabila ng tono nito, alam niyang hindi kasing inosente ng isang bata si Drake and she can prove that. Humugot siya ng hangin bago dahan-dahang sinalubong ang nakakapasong titig ng lalaki.Sa tagal
Mabilis siyang naglakad paalis ng suite kinabukasan. Sa nanginginig niyang mga kamay, nais niyang tumawag ng mga pulis subalit agad siyang nakaramdam ng hiya. Ano nalang ang magiging tingin sa kanya ng lahat kapag nalaman ng mga ito ang sinapit niya?Hindi niya lubos aakalain na maling numero pala ang napuntahan niya kagabi at hindi ang ibinigay ng client niya. At lahat ng sinapit niya ngayon ay dahil lang sa katangahan niya! Sa kasamaang palad ay hindi pa niya lubos na natatandaan ang mukha ng lalaking nakaniig niya!"Miss Santiago? Ayos kalang ba?" Nag-aalalang tanong ng kliyente niya sa kabilang linya.Tumikhim siya at pilit na pinakalma ang sarili niya kahit pa halos maiyak na siya sa sama ng loob. "A—ayos lang po ako."Gosh! Malamang hindi siya okay!She lost her vírginity to a stranger!"Kung ganun ay hintayin mo lang sandali ang tauhan ko. Papunta na iyon sa kinaroroonan mo.""O—okay. Maghihintay po ako," aniya at pinatay na ang tawag.Habang hinintay niya ang kukuha ng gamit ng
Akala ni Graciella nakalimutan na niya ang gabing yun pero hindi pa pala. At tandang-tanda pa niya ang lahat ng kaganapan sa pagitan nilang dalawa ni Drake na ikinapula ng pisngi niya.May bumili ng sasakyan sa kanya ng hapon at nakalimutan ng may-ari ang ibang gamit nito kaya naman tinawagan niya ang kanyang customer para ipagbigay alam ang tungkol sa naiwanan nito subalit humiling ito sa kanya na kung pwefe ay ihatid niya ang gamit sa address na ibinigay nito.Pagkatapos ng kanyang trabaho ay agad siyang sumampa sa kanyang electric scooter at nagpunta sa address na nabanggit ng customer. Pero ang hindi niya inaasahan ay isang high-end club pala ang napuntahan niya. Tinawagan pa niyang muli ang kanyang customer para siguraduhin kung tama ba ang address na naibigay nito sa kanya."Sigurado po ba kayo na dito talaga sa La Grande Club ang location?" Paninigurado niya."Yes, Miss Santiago. Just look for the room number I gave you," sagot ng kausap niya.Matapos kumpirmahin na eksakto ang
Sinamantala ni Owen ang pagkakataon na mapuri ang asawa ng kanyang boss bago niya pinatay ang tawag. Ang hindi niya alam, natigilan naman si Graciella sa kabilang linya.Masarap siyang magluto...Fried rice...So, ibinigay pala ni Drake ang lunch box nito kay Mr.Ortega?Bakit nagsinungaling sa kanya na masarap ang luto niya at naparami ang kain nito kung ganun?Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang manuot sa kanyang ilong ang isang mabangong pambabaeng perfume na hindi pamilyar sa kanya. Inilinga niya ang tingin sa paligid hanggang sa dumako ang kanyang mga mata sa coat ni Drake na nasa laundry basket. Wala sa sarili niya iyong dinampot at inamoy.Sigurado siyang may mysophobia si Drake at hindi pa niya ito kailanman napansin na naglagay ng matamis na amoy ng perfume kaya alam niyang hindi iyon sa lalaki!Hindi maintindihan ni Graciella ang sarili niya pero tila nagbago ang mood niya...Kaya ba ibinigay ni Drake ang lunch box nito kay Mr.Ortega ay dahil may kasabay itong mananghalia