Ilang beses ng napabahing si Graciella habang nagbabasa siya ng mga dokumento na nakatambak sa kanyang mesa. Pakiramdam niya may mga taong laging nag-uusap tungkol sa kanya ng hindi niya alam.Akmang ilalapag niya ang hawak niyang papel nang pumasok ang general manager sa opisina nito kung saan siya naroon. "Isaulo mong mabuti ang mga nakasulat diyan Graciella. Isang kakaibang oportunidad na mapasali ang branch natin sa pagpipilian para sa Dynamic Luxury Cars. Dapat ay makapasa ka talaga."Kararating palang niya kanina nang salubungin siya ng general manager para ipamemorize sa kanya ang mga dokumentong ibinigay nito. Mukhang mas kinakabahan pa nga ang lalaki kaysa sa kanya."May nakabinbin parin po akong trabaho Sir. Hindi naman po pwede na buong araw lang akong umupo dito. Baka masabi nila na ang tamad-tamad ko na dahil wala na akong ginagawa.""Ako ang nag-utos sayo kaya wala silang magagawa. Kung gusto nilang maupo lang buong araw kagaya mo, eh di magsales champion din sila para m
Nagmamadaling umalis si Brittany para hindi siya maabutan ng babaeng kinakatakutan niya pero mabilis ang babae kahit na malaki na ang tiyan nito. Marahas nitong hiniklas ang braso ni Brittany at pwersahan siyang pinaharap."Hindi ba't ikaw si Brittany Lorenzo? Ikaw ang malanding babae na nang-aakit sa asawa ko!"Kahit na buntis ang babae, sopistikada parin ito kung manamit. Matagal na ang relasyon nilang dalawa ni Marlou. Ilang beses na niyang nakita ang asawa ng lalaki kapag magkasama sila kaya kilalang-kilala niya ito. At dahil sa takot na maeskandalo siya, mariin siyang umiling sa tanong ng babae."H—hindi po ako ang kabit ng asawa ninyo. Nagkakamali po kayo.""Huwag mo na akong lokohin pa! Kitang kita ko sa cellphone ng asawa ko ang mga larawan mo!" Singhal nito."Maniwala po kayo. Hindi po talaga ako," mahigpit niyang tanggi.Agad na nag-isip ng paraan si Brittany para makawala siya sa kahihiyan na aabutin niya. Eksakto namang lumabas ng shop si Graciella kaya mabilis niyang itin
"Aphródisiac?" Mahinang sambit ni Graciella."Wag ka ng magmaang-maangan pa! Hindi ba't yan ang ginamit mo para ganahan sayo ang asawa ko?!" Singhal nito.Dahil sa gulat ay nabitawan ni Graciella ang babae. Mabilis naman nitong hinugot mula sa bag ang isang bote at binato sa kanya. Nang masalo ni Graciella ang bote ay mataman niya itong pinagmasdan."Aphródisiac," ulit niya.Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib habang nakatitig sa bote. Isang pangit na pangitain ang agad na sumagi sa isipan niya. Mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone saka tinawagan niya si Kimmy pero hindi ito sumasagot. Sa nagngingitngit niyang damdamin, tinawagan niya si Marlou pero nakapatay ang cellphone nito.Mas lalo lang na nadagdagan ang takot at pag-aalala niya para kay Kimmy.Tinanong niya ang lahat ng naroon kung may alam ba ito kung saan ang eksaktong address ng business trip ni Marlou pero walang nakakaalam kahit na isa sa kanila. Ang tanging sigurado sila ay nasa Tagaytay ito pero napakalaki ng lug
Maaaring nasa kasalan pa nga ang dalawa at maayos pa ang kalagayan ni Kimmy sa ngayon na para bang nasa kasiyahan lang pero hindi parin kampante si Graciella.Base sa information ng business trip, kailangang manatili ni Kimmy at Marlou sa hotel sa loob ng isang gabi at wala siyang balak na isugal ang kaligtasan ng kaibigan niya."Magpatuloy tayo," utos niya sa driver.Nang marinig ng asawa ni Marlou ang sinabi ni Graciella ay agad nitong inabot ang driver at pinakialaman ang steering wheel.Nilukob ng kaba ang kasama nila na siyang nagmamaneho. Dahil sa pagkataranta ay inapakan niya ang brake kasabay ng pag-alog ng sasakyan at pag-usok ng harapan ng kotse. Mabilis na lumabas ng sasakyan si Graciella at tiningan hood ng kotse. Kahit na may alam sila sa sasakyan ay mahihirapan parin silang ayusin iyon.Nagkatinginan naman ang dalawang kasama niya bago lumingon sa kanya."Miss Graciella, nasiraan po tayo. Hindi po tayo makakapagpatuloy kapag itong sasakyan ang gagamitin natin. Tumawag n
Dahil sa labis na pag-aalala ni Graciella, hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. Nang marinig niya ang boses ni Drake, pakiramdam niya biglang gumaan ang pasanin niya. Tila isang anghel ang lalaki na bumaba sa lupa sa paningin niya.Agad niyang ikinuwento sa asawa niya ang tungkol kay Kimmy. "Pasensya ka na talaga Drake pero kailangan ko ang tulong mo. Pwede mo ba akong ihatid sa Tagaytay ngayon?"Agad namang tumango si Drake na ipinagpasalamat niya.Pero kahit nagpapasalamat siya, nakaramdam parin siya ng hiya. Alam niyang abala sa trabaho si Drake. Hindi niya dapat iniistorbo ang lalaki pero wala siyang choice. Isa pa ay hinuha lang naman ang kanya tungkol kay Marlou at Kimmy. Sa kaisipang iyon, hinanda na niya ang sarili niya na matanggihan ni Drake pero nasorpresa siya na agad itong pumayag. "It's more than one hundred kilometers away from here at lampas isang oras pa ang gugugulin natin bago tayo makarating doon," anito habang nagchecheck ng navigation sa cellphone nito
Abala si Kimmy sa kasal na dinaluhan niya. Hindi lang siya tumayong bridesmaid kundi siya rin ang magsisilbing emcee ng okasyon. Habang hinihintay na magsimula ang program, nakaramdam na siya ng pagkauhaw. Mabuti nalang at may waiter na dumaan sa harapan niya kaya agad niya itong nilapitan."Excuse me, can I have a glass of water?" Magalang niyang tanong."Naku, sorry po Ma'am pero beverages and wines lang po ang isiniserve ko. Kung gusto ninyo, may juice po akong dala," tugon nito.Napatingin siya sa tray na hawak nito. Mayroon ngang orange at pineapple juice na dala ang waiter pero kung iyon ang iinumin niya, baka mawalan pa siya ng boses mamaya at masira niya ang kasiyahan."Nauuhaw ka ba? May tubig ako dito."Napalingon si Kimmy sa kanyang likuran at nakita ang manager niyang si Sir Marlou na may hawak na isang baso ng tubig.Sandali niyang tinitigan ang lalaki bago umiling. "Hindi na po. Salamat."Hindi naman natuwa si Marlou sa naging sagot ni Kimmy. "Hindi ba't nauuhaw ka at g
Pilit na nagpupumiglas si Kimmy para makawala mula sa lalaking bumuhat sa kanya pero sa hindi inaasahan ay pinagtulungan siya ng mga ito. At dahil mas malakas ang mga ito kaysa sa kanya, walang siyang nagawa kundi ang sumigaw para may makasaklolo sa kanya."Tulong! Bitiwan niyo ako! Ano ba!"Nagpatuloy parin ang mga lalaki sa panghaharass sa kanya at idiniin siya sa higaan para hindi siya makagalaw. Nakaramdam na siya ng takot na baka magtagumpay ang mga ito sa masamang binabalak sa kanya nang maalala niyang hawak niya parin ang kanyang cellphone.Akmang magtatawag na siya ng pulis nang magring ang kanyang cellphone. Hindi na niya tiningnan pa kung sino ang caller at basta nalang niyang sinagot. Pero sa kasamaang palad, hinablot ng isa ang kanyang telepono at itinapon nalang basta sa kung saan.Dahil sa galit ay pinagsusuntok ni Kimmy ang dalawang lalaki na nakadagan sa kanya. Inalagaan siya ng kanyang pamilya mula pa noong bata siya at itinuring na parang isang diyamante tapos babast
"Baliw ka ba?!" Asik ng isa sa mga lalaking naroon kay Graciella.Narinig naman ng sinasabi ng mga itong boss ang nangyayari kaya mabilis itong nagpunta sa tea room kung saan naroon sina Graciella.Nang makarating sila sa loob ay labis ang gulat nila sa nakikitang sitwasyon. Nabuhusan ng mainit na tubig ang mga kasamahan niya at namumula pa na parang karneng baboy dahil sa init. Nag-aalala naman siya sa maaring maidulot ng pangyayari sa hotel. Sigurado siyang magiging blacklisted sila.Nataranta ang boss sa maaring eskandalo na lalabas kaya hinarap nito ang galit na galit na si Graciella. "Relax lang Miss. Ano ba yang ginagawa mo? Nagkakatuwaan lang naman sila.""Nagtatanong ka pa talaga? May nagkakatuwaan bang namimilit ng babae?! Hindi mo ba alam na ràpe ang ginagawa ng mga kasama mo?!" Galit na asik ni Graciella.Hilaw na natawa ang boss. Sa tingin niya ay ito yata ang groom sa kasal na dinaluhan nina Kimmy at Marlou. "Nagkakatuwaan lang nga sila. Normal lang naman sa babae at lala
"Huh?" Medyo nataranta si Graciella at hinawakan ang kanyang noo bago muling nagsalita. "Okay lang, hindi mainit—"Nang makita ang seryosong mukha ni Drake, unti-unting humina ang boses niya hanggang sa sabihin niya sa lalaki na mayroong isang kahon ng gamot sa kabinet ng TV, at mayroong ding isang electronic thermometer na binili niya noon.Kinuha ni naman agad ni Drake ang electronic thermometer at itinapat sa kanya.Thirty nine degree Celsius ang kanyang noo at forty naman sa kanyang kamay. Kaya pala nasabi niya na hindi siya mainit dahil mas mataas ang temperatura niya sa kamay kaysa sa kanyang noo."May lagnat ka," ani Drake. Nasa harap niya ang mga numero sa thermometer kaya hindi na ito maitatanggi pa ni Graciella. Kaya pala medyo nahihilo siya. Dahil siguro sa sobrang pagod niya ngayong araw. Pinagpapawisan siya habang naglalakad mula sa bar hanggang sa nakarating sila sa kinaroroonan ni Kimmy. "Huwag kang mag-alala, Drake, hindi naman mataas ang lagnat ko. Kailangan ko
Iyon ang unang beses na may nagsabi ng ganung klaseng kataga kay Graciella bukod sa kapatid niya kaya hindi niya maiwasang mahiya at pamulahan ng pisngi."Salamat sa pag-aalala mo, Drake pero ayos lang talaga ako," mahina niyang sambit.Pagkatapos ng medyo maikling panahon na nagkakilala sila, napagtanto ni Drake na hindi talaga aamin si Graciella sa kung anuman ang nararamdaman nito kahit anong pilit niya kaya naman ang pinakamabisang paraan ay gagawin ng direkta ang bagay na nais niyang ipagawa sa babae gaya nalang ang pagpapahinga.Sinuutan niya ito ng seatbelt nang mapasulyap siya sa tiyan nito. Huminga siya ng malalim bago iningatan ang kanyang galaw at baka mapano ang baby nila.Hindi naman napansin ni Graciella ang mga tinginan ni Drake sa kanya. Ang inaalala niya ay lumiban siya sa trabaho dahil sa nangyari kay Kimmy at hindi siya nakapagpaalam sa supervisor niya.First day of work palang tapos nag-half day na agad siya! "Wag mo ng masyadong isipin pa yan. Naipagpaalam na k
Namilog ang mga mata ni Cherry kasabay ng kanyang panlalamig."Ikaw ang babalaan ko Ate Cherry, ayokong ako mismo ang magsabi kay Kuya sa natuklasan ko pero kapag hindi mo ititigil yang kakatihan mo sa katawan, wag mo akong sisisihin sa mangyayari sayo!"Kung kanina ay mayabang at puno ng galit ang mukha ni Cherry, ngayon ay nagmistula na itong tupa na hindi makabasag pinggan.Mabilis at maingat siyang lumabas ng bar kanina para hindi siya makita ni Graciella pero mukhang nahuli parin siya ng babae na kasama si Felip!Kung minamalas nga naman!Dahan-dahang napatingin si Cherry kay Graciella na nasa harapan niya. Malamig ang mga mata nito at hindi mo kakakitaan ng pag-aalangan. Napalunok siya ng ilang beses bago ito nilapitan."G—graciella... Baka naman pwede nating pag-usapan 'to. Alam kong mali ako pero please, wag mo munang sabihin sa kapatid mo ang nalaman mo. Kahit na hindi mo ako gusto, kailangan mong isipin si Gavin. Ano nalang ang mangyayari sa kanya kung maghihiwalay kami ng k
Bumuhos ang lahat ng emosyon sa dibdib ni Kimmy. Pilit siyang nagpupumiglas hanggang sa niyakap na siya ni Graciella. Sandali siyang natigilan bago bumalik sa kanyang wisyo."Wala akong ginagawang masama Graciella... Hindi naman ako nananakit ng kapwa eh pero bakit... bakit ang malas-malas ko?" Humagulgol niyang sambit.Nalungkot si Graciella nang marinig ang hinagpis ni Kimmy. Marahan niyang tinapik ang sa likod ng dalaga para kahit papaano ay pagaanin ang nararamdaman nito. "Gaya ng sabi ko, hindi mo kasalanan ang nangyari. Sadyang may mga tao lang talaga na maitim ang budhi at mahilig manakit. Hindi ka dapat na magpatalo sa kanila. Ikaw nasa tama."Napatingala si Oliver para kontrolin ang emosyon niya. Hindi niya lubos maisip na ganito ang kahihinatnan ng kapatid niya matapos nitong umalis sa puder nila. Nais niyang sisihin ang sarili niya dahil hindi niya ito napagtuunan ng pansin sa pag-aakalang nasa maayos lang na kalagayan ang babae. Dapat pala ay binalian niya ng nga buto ang
Nagkatinginan silang tatlo sa sinabi ng kapatid niya at ilang sandali lang ay patakbo na silang lumabas ng bar at nagmamadaling pumunta sa lugar kung saan naroon ang pwesto ng kapatid niya.Naalala ni Graciella na bumili pala ng building si Kimmy malapit lang doon. Nabanggit pa nga nito na nais nitong magpatulong sa kapatid niya para sa iba pang bagay na kakailanganin nito upang mapatayo ang eSports team na gusto nito kaya malamang doon pumunta ang kaibigan niya.Nabanggit din ng kapatid niya na nakatayo na sa gilid ng pinakamataas na palapag si Kimmy. Mukhang plano na nitong tapusin ang sariling buhay. Agad siyang tumawag ng pulis habang nasa daan palang sila."Kuya, baka pwede mo siyang kausapin at pakalmahin hanggang sa makarating kami diyan," puno ng kabang pakiusap ni Graciella.Kasalukuyan pa siyang lulan ng kotse ni Drake habang nakasunod naman sa kanila ang sasakyan ni Oliver. Habang binabaybay nila ang daan papunta sa kinaroroonan ni Kimmy, sinamantala ni Graciella ang pagkak
Aroganteng nakatingin si Drake kay Oliver at sinamaan pa ng tingin si lalaki. "Nosy!"Nakaramdam naman ng inis si Oliver sa klase ng pakikipag-usap ni Drake kaya't nakipagsukatan narin siya ng titig sa lalaki. "You're so full of yourself. Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Beatrice at Akira sayo!"Kumunot ang noo ni Graciella.Hindi ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang pangalang Akira.Isang beses itong binanggit ni Drake noong kasama nilang dalawa ng asawa niya ang lola nito. Kahit pa sinabi ng dalawa sa kanya noon na magkaibigan lang si Drake at Akira at kapatid lang ang turing ng asawa niya sa babae, ngunit bilang intuwisyon ng isang babae, at ang amoy ng perfume na naiwan sa damit ni Drake, pakiramdam niya may gusto si Akira sa asawa niya!'O baka si Drake din!' Sigaw ng isipan niya.Tapos akala niya si Akira lang, paanong ngayon ay may Beatrice na naman? Sino kaya si Beatrice sa buhay ng asawa niya?!Naniningkit ang mga mata ni Drake sa mga pangalang nabanggit ni Olive
Unti-unting kumunot ang noo ni Graciella. Wala siyang naalala na nakita na niya ang lalaki noon lalo pa sa estadong meron ito.Akmang iiling-iling siya bilang tugon nang isang malaking kamay ang bigla nalang pumulupot sa kanyang bewang at inilapit siya sa tagiliran nito, palayo kay Oliver. Nang tumingala siya ay nakita niya ang mukha ni Drake na may malamig na ekspresyon."Mukhang dapat mo ng palitan yang salamin mo para makakita ka ng maayos at hindi mo mapagkamalan ang kahit na sinuman," seryoso nitong sambit.Inayos ni Oliver ang walang frame niyang salamin bago umangat ang sulok ng kanyang labi. Levine is showing such a territorial attitude towards him as of the moment. "Why so grumpy? Gusto ko lang naman magpasalamat kay Miss Graciella."Hindi sigurado si Graciella kung ilusyon niya lang ba ang nararamdaman niyang sarkasmo sa boses ng kaharap nila ni Drake subalit ilang saglit pa'y isang magiliw na ngiti ang sumilay sa labi nito "Salamat sa pagtawag sakin dito. Hindi ko aakalain
Sobrang sakit ang naramdaman ni Felip mula sa suntok na natamo niya kaya hindi siya nakabangon agad. Napatingin siya sa lalaking bigla nalang sumulpot na parang galit na galit at kulang nalang ay patayin siya. "Tangina! Sino ka ba? Ang lakas ng loob mong saktan ako ha!"Kanina pa talaga napansin ng security ng bar ang ingay dito, pero dahil regular customer si Felip, nagkunwari ang mga ito na walang nakikita. Ngayong nakita niyang binugbog si Felip, saka palang siya humakbang para pigilan ang nanuntok sa regular customer nila. Subalit sa hindi inaasahan, dose-dosenang mga bodyguards na nakasuot ng itim ang biglang sumugod at pinalibutan ang buong bar dahilan para makaramdam din ng takot si Felip. "S—sino ka ba talaga? Hindi kita kilala. A—anong kailangan mo sakin?!" Natatarantang tanong ni Felip."Hindi mo talaga ako kilala pero ikaw, kilalang-kilala kita! Felip, tama?" Hinawakan ng lalaki ang baba ni Felip habang puno ng pagkasuklam ang mga mata "Ikaw ang lalaking nanakit at nang-a
That's right. Siya si Cherry Reyes Santiago. Ang mahal na asawa ni Garett.Tuwang-tuwa si Cherry nang marinig niya ang sinabi ni Felip. Hindi niya maiwasang abutin at hawakan ang makinis na mukha ni Felip. "Ang sweet mo talaga.""Sinasabi ko lang ang totoo. Nakakabagot siyang kasama. Hindi gaya mo. Kung hindi ka lang sana nagpakasal ng maaga, tayo sana ang nagsasama ng masaya ngayon. Pero ayos lang... Ang importante ay narito ka parin sa tabi ko." Naging mas malapit ang mukha nila sa isa't isa.Matagal nang pagod si Cherry sa mga boring na lalaking tulad ni Garett. Dahil hindi niya sinasadyang nakita ang live broadcast room ni Felip sa kanyang mobile phone noong nakaraang taon kaya sinubukan niyang bigyan ng reward ang lalaki para sa live broadcast nito at unti-unting gumawa ng pribadong appointment para makipagkita. Mas bata sa kanya si Felip at masaya itong kausap. Napaparamdam nito sa kanya kung paano maging bata ulit.Pero syempre, ang ganitong uri ng masayang pagsasama ay hindi