Share

Chapter 2

AGAD na itinaas ni Aera ang kamay niya upang makuha ang atensyon ng kaibigan na kasalukuyang nakikihalubilo at nagsasaya kasama ang ibang bisita sa naturang kasiyahan. Ngiting-ngiti naman itong lumapit sa kanya at akma na sana siyang yayakapin nang lumipat ang mga paningin nito sa kasintahan niyang nasa tabi niya.

"Kanina pa kayo?" Pormal na tanong ng kaibigan ng dalaga sa kanya. Mabilis lamang siyang umiling at hinigit si Lowell palapit sa kanya na animo'y pinapakita sa kanyang kaibigang si Janna.

"Nope..." Aera answered while popping the letter p. "... oo nga pala, Janna... Si Lowell, boyfriend ko-"

"Tara na d'on, Aera. I'm sure gutom na kayo parehas. I'll let other of our friends know na nandito na kayo. Wait lang ha."

Hindi na nagawang tapusin ng dalaga ang anumang sasabihin dahil mabilis na ring umalis sa kanilang harapan si Janna. Noong una ay nahihiwagaan siya sa kinikilos ng kaibigan ngunit isinawalang-bahala na lamang niya iyon.

"Let's go? Kumain na muna tayo-"

"I have to go to the bathroom first, baby. Mauna kana..." Lowell said while roaming his eyes.

Hindi na rin nakita ng binata ang kaguluhan at pagtataka sa mukha niya dahil masyado itong abala sa paglibot ng mga mata nito na para bang hinahanap niya talaga kung nasaan ang banyo.

"Aera?"

Aera shake her head first to clear her mind. Hindi niya napansin na hawak-hawak na pala ng kanyang nobyo ang kanyang dalawang pisngi. Agad siyang ngumiti nang pagkatamis-tamis nang mabilis siya nitong dampian ng isang halik sa labi.

"... you're seem spacing out, baby. What's wrong?" Malambing na tanong ng binata.

On the second time, Aera just let out a heavy sigh first before clinging her arms to her boyfriend's neck. Isinandal niya rin ang kanyang ulo sa dibdib nito.

"I'm sorry, medyo marami lang talaga akong iniisip lately-"

"Katulad ng?" singit ng binata sa kanyang mga sinasabi. Aera smiled a short one. As if hearing Lowell's soothing voice makes her calm and composed. Na marinig niya lang ang pag-aalala sa boses nito ay tila nawawala na parang isang bula ang mga problemang gumugulo sa isip niya.

"It's really nothing, Lowell. Sila mom pa din naman iyon. Sila lang naman palagi ang source ng stress ko. But don't worry about it, okay lang ako..." aniya upang kahit papaano ay mawala na rin ang agam-agam ng binata tungkol sa kanya.

Ayaw niya rin ipaalam rito ang kabaliwang naiisip ng pamilya niya. Baka ano pang isipin at bigla nalang makipaghiwalay ang nobyo niya sa kanya.

Ni hindi nga niya alam kung seryoso ba ang mga magulang niya tungkol sa bagay na iyon o sadyang gusto lang ng mga ito guluhin ang nananahimik na buhay niya. After almost five years, mangungulit na naman ito at sasabihing magpapakasal na siya sa pagtuntong niya ng eighteen years old! Isang napakalaking joke!

"Okay, Aera. Basta tell me if you need something or anything that you know I can provide. I'm your boyfriend after all, dapat nagtutulungan tayo. Ano pang silbi ko kung hindi mo sasabihin sa akin ang mga bagay na nagpapagulo ng isip mo," ani ng binata at isang beses siyang muling dinampian ng mabilis na halik sa labi.

Seconds had passed at tuluyan na ngang kumalas mula sa pagkakayakap ang dalawa. Ang binata na nagpunta na sa banyo at siya naman na akma na sanang maglalakad patungo sa hilera ng mga pagkain nang bigla namang may lumapit sa kanyang kakilala niya.

"Hi Aera! Long time no see, grabe nasa iisang school lang tayo pero bihira pa sa bihira kung magtagpo ang mga landas natin ah!" It was Diana, her classmate in high school and on some of her subject in way back in her first two years in college.

Mabait ito at madali lang pakisamahan kaya naman naging kaibigan niya ang dalaga. May ilang subjects silang magkaparehas noon kaya naman madalas rin silang nagkakasama. Nagbago lang at nalimitahan ang pagkikita nila noong pagtuntong nila ng third year dahil magkaiba ang major na kinuha nilang dalawa.

"Oo nga eh, how's life? Kamusta naman ang future boss madam natin dyan?" tanong niya habang may malapad na ngiti sa labi. Diana just rolled her eyes before shook her head.

"Hindi ko na nga alam eh. Baka hindi na boss ang magiging trabaho ko when I finished my studies. Pero my parents wants me to pursue my masteral in States, ikaw? Anong plano mo after college?" Inosenteng tanong ng kaibigan.

Hindi alam ng dalaga kung bakit tila yata natutop niya ang bibig at animo'y nalunok ang dila dahil hindi niya alam kung paano o ano nga ba ang sasabihin niyang sagot rito. After college, ano na nga ba ang ginagawa niya? Nasaan na kaya siya sa mga panahong iyon?

Her parents wants her to marry Mr. Rodriguez, the unknown guy, after she turned eighteen and finish her studies, ano nalang ang mangyayari sa kanya? Magiging isang losyang at taong-bahay nalang ba siya? Anong magiging purpose niya sa buhay? Isang housewife na hinihintay ang asawa na makabalik sa bahay pagkatapos ng isang nakakapagod na araw sa trabaho?

Hindi niya maisip. At ayaw niyang isipin!

"Ahh hindi ko pa kasi alam eh. I don't know if I want to pursue or continue a masteral. Pinapauwi na kasi ako nila mom sa amin-"

"What the heck? Your parents are still alive?!" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Diana sa kanya. Agad namang kumunot ang noo niya at dahan-dahan na tumango.

"Y-yeah, why?" balik tanong niya rito.

Diana shook her head at humawak pa sa kanyang sentido na animo'y biglang sumakit ang kanyang ulo sa nalaman. Her friend is weird. Iyon na lamang ang naisip ng dalaga.

"I'm sorry to tell you this, my dear Aera pero akala ko kasi ay ulilang lubos kana. Wala naman kasi akong nakikitang kasama mong parents or guardian kapag may mga family event dito sa school. At saka noong recognition way back in high school, wala kang kasama noon, 'di ba?"

Hindi alam ng dalaga kung masasaktan ba siya sa narinig na sinabi ng kaibigan o iilingan na lamang ito ng ulo. Lahat naman kasi ng sinabi nito ay totoo. In her five years being alone and independent, nakasanayan na niyang hindi hanapin ang presensya ng mga magulang niya sa tuwing may mga special recognition or events sa school niya noon.

Kaya nga mas ginusto nalang din niyang mamuhay mag-isa, at least sa ganoong set up, hindi na siya masasaktan o aasa sa mga magulang niyang lagi lang namang walang oras sa kanya.

All they did was work after work. Ni paghatid nga minsan sa eskwelahan ay wala siyang maalalang ginawa ng mga ito.

"They're busy. At saka sanay naman na ako sa ganoon..."

"Kahit na 'no! At saka halos ikaw nga palagi ang may pinakamaraming medals kapag recognition, hindi mo naman kinukuha-"

"Aanhin ko naman kasi ang mga iyon? Nakakain ba 'yon?" Tanong niya at kunyari na lamang ay natatawa.

Ayaw nalang niyang isipin ang mga bagay na makakapagpalungkot sa kanya. Kung sa ibang kaedaran niya na masaya kapag napag-uusapan ang pamilya, siya ay iba. Ang pamilya niya ang nagiging dahilan ng kalungkutan niya.

"Hay nako! Ewan ko na sayo. I'll just see you around, Aera. I really need to pee now. Kanina pa kasi ako inom nang inom. Baka bigla nalang akong magkalat dito kung hindi ko pa ito ilalabas," wika ng kaibigan niya at napahawak pa sa may bandang puson.

Diana must be go to the comfort room real quick. Ayaw naman siguro niyang makasaksi ng isang seventeen years old na hanggang ngayon ay umiihi pa rin sa saluwal.

They bid each other goodbyes at bumalik na rin siya agad sa kanina pa sana ay gagawin niya. Ang kumuha ng pagkain. Ngunit hindi niya pa man nagagawang ihakbang ang mga paa ay tila nakaramdam siya ng pares ng mga mata na animo'y tinititigan siya.

Agad niyang inilibot ang mga mata sa paligid ngunit bigo siyang makita ang hinahanap.

Tumingin siya sa itaas, sa kanan at kaliwa ngunit wala.

Akma na sana niyang ibabalik ang paningin sa harapan at maglalakad nang sa paghakbang niya ng isa ay biglang may matigas na bagay ang siyang bumangga sa kanya na naging dahilan upang mawalan siya ng balanse at babagsak sa kinatatayuan.

Mabilis siyang pumikit at naghintay ng ilang segundo upang maramdaman ang sakit ng pagbagsak niya ngunit halos manlaki ang mga mata niya nang may isang kamay ang siyang humigit sa kanya habang ang isa naman ay nakalagay sa kanyang likod upang alalayan siya.

Tahimik siyang napalunok habang ramdam na ramdam ang mabilis at malakas na pagtibok ng kanyang puso. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa inakalang pagkabagsak niya sa matigas na sahig o dahil hawak siya ngayon ng isang estrangherong lalaki.

Nang makuha na niya ang balanse ng katawan ay akma na sana siyang aalis sa hawak ng kung sino man na iyon ngunit hindi siya nito hinayaang makaalis.

"A-ah okay na. I'm okay, hindi na ako babagsak-"

"Stay still for a moment. Realize what you did and stop having an interaction with some petty guy. You only have a couple of months and after that, you are mine. Completely mine."

Hindi alam ng dalaga kung bakit sa mga simpleng salita lamang na iyon ay kakaibang kaba na agad ang binibigay n'on sa kanya. Isang beses siyang muling lumunok ng laway dahil pakiramdam niya ay natutuyuan na siya ng lalamunan.

Hindi siya makakilos, ni bumigkas nga lamang ng isang salita ay hindi niya rin magawa. Para bang sa mga sandaling ito ay napako siya sa mga bisig ng binata. Gising at dilat siya ngunit hindi niya magawang pagalawin ang buong sistema niya.

"L-let me g-go..."

"As I should," simpleng wika nito.

Agad namang inalis ng binata ang pagkakahawak sa kanya at mabilis na tumalikod. Nanatili siyang nakatulala at sa isang banda lamang nakatingin. Nakakailang hakbang na palayo sa kanya ang lalaki nang marealize niya kung anong nangyari.

Kumurap-kurap siya at umasang makikita niyang muli ang bulto ng binata ngunit bumagsak ang dalawa niyang balikat nang hindi na niya ito muling nakita sa lugar. Grabeng bilis naman maglakad n'on.

A strong feeling raise inside of her system. She's not dumb not to realize who is that person earlier. Malakas ang kutob niya.

That guy is Mr. Rodriguez, pero bakit ngayon? Bakit ngayon siya magpapakita sa dalaga kung kelan kuntento na siya sa buhay niya at masaya? Na nasanay na siya sa buhay na mag-isa at walang sinusunod na iba. Ano ba talagang plano ng mga magulang niya?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status