Share

Chapter 3

Author: Goldilocks
last update Last Updated: 2025-03-12 08:33:15

“Seraphina... kumusta ka? Tinatrato ka ba ng ayos ni Lukas?"

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang ikinasal si Seraphina kay Lukas, at ngayon pa lang nagparadam si Celestine. Katulad ng naging banta ni Lukas kay Seraphina, na kung hindi niya sasabihin rito kung nasaan si Celestine ay araw-araw siyang magdudusa kasama ito.

Sa dalawang linggong pananatili ni Seraphina sa mansyon ay walang gabi at araw na hindi siya umiiyak. Kung sigawan siya ni Lukas ay parang hindi siya kapatid ng babaeng mahal nito. He treated her like nobody. Mas mabait pa ito sa mga kasambahay at driver kaysa kay Seraphina.

"Oo naman, ate. Mabait... sa akin si Lukas," pagsisinungaling ni Seraphina sa kakambal. Hindi niya ito gusto mag-alala pa. Ayaw niya dumagdag pa sa iisipin nito kapag sinabi niya ang totoong estado ng pagsasama nila ni Lukas. "Ikaw, kumusta ang lagay mo?"

“G-Ganon pa rin ang lagay ko, Seraphina... Nanghihina pa rin ako at walang lakas. Minsan ay nagigising na lang ako ilang araw pagkatapos kong mawalan ng malay," sagot ni Celestine mula sa kabilang linya. “Si Lukas... Galit ba siya...?"

Kinagat ni Seraphina ang ibabang labi. Nanginginig ang buong katawan niya sa lamig. Narito siya ngayon sa loob ng bathtub at nakababad ang katawan. Ayaw ni Celestine na narinig ni Lukas ang kahit ano sa pag-uusap nilang magkapatid.

“Celestine, iniwan mo siya ano sa tingin mo ang magiging reaksyon niya?" Hindi nakasagot si Celestine sa sinabing iyon ni Seraphina. "Sana ay gumaling ka na,” umaasa na sambit niyaa. “Ikaw ang kailangan ni Lukas dito... hindi ako.”

Parang sumikip ang ddibdid ni Seraphina matapos sabihin iyon. Paulit-ulit siyang huminga nang malalim upang gumaan ang pakiramdam niya at huwag mag-alala ang kakambal.

“Seraphina…” malambing na tawag ni Celestine. "Iʼm sorry. Iʼm sorry kasi inilagay kita sa ganyang sitwasyon. Sa sitwasyong alam kong mahihirapan ka."

“Hindi mo ito kasalanan, Celestine,” anita at pilit na ngumiti. “Ginagawa ko ito para sayo. Ginawa ko ito dahil kapatid kita, kakambal... at mahal kita."

“Alam ko, Seraphina. Alam ko na mahirap at nahihirapan ka na rin. Pero hiling ko pa rin na sana, tumibok ang puso ni Lukas sa iyo.”

“A-Ano...?" Ano bang sinasabi ng kakambal niya?

Napakalabong mangyari ng gusto nito. Kay Lukqs na mismong nanggaling na kahit kailan ay hindi siya nito magugustuhan.

“Dahil wala na akong balak… wala na akong balak balikan sa kanya, Seraphina..."

Napatayo si Seraphina at napatakip sa bibig niya.

“Ano bang sinasabi mo? Hinihintay ka niya bumalik, Celestine!"

“He is not for me, Seraphina. Hindi siya ang nakatadhana sa akin."

Hanggang matapos ang tawag at pag-uusap nilang magkapatid ay nakatulala si Seraphina sa kawalan. Ang ibig bang sabihin non ay kahit gumaling pa si Celestine, hindi pa rin ito babalik kay Lukas?

Bakit iyon nasabi ni Celestine?

Hindi maintindihan ni Seraphina. Kung gumaling si Celestine sa sakit na meron ito at bumalik rito sa Pilipinas at bumalik kay Lukas ay magiging mas maayos ang lahat dito. Bakit ngayon ay ayaw na nito?

"Ano bang ginagawa mo sa loob, Seraphina! Kanina ka pa riyan! Mala-late na ako sa trabaho!" Napatalon si Seraphina sa gulat nang malakas na kumalabog ang pintuan at marinig ang sigaw ni Lukas sa labas. "Bilisan mo na!"

"Lalabas na!" Tarantang sigaw niya pabalik at dali-daling kinuha ang tuwalya.

Mas mabilis pa sa alas kwarto siyang nagbihis at tiniyak na maayos ang itsura niya. Nang buksan niya ang pintuan ay nakita niya ang iretableng mukha ni Lukas. Para bang handa na itong sakmalin siya sa anumang sandali.

"P-Pasensya na..." wika niya at napayuko.

"Sa susunod, tanungin mo muna ako kung gagamitin ko ang banyo." Nilagpasan siya nito at pabagsak na isinarado ang pintuan.

Bakit ba hindi pa siya nasasanay eh araw-araw naman ito ganito sa kanya.

Tinungo ni Seraphina ang vanity at nag-ayos ng buhok. Magkikita sila ngayon ng mga kaibigan niya. Kilangan niya rin huminga at malayo rito sa mansyon kahit papaano para makapag-relax naman ang isip niya. Pakiramdam niya kasi, araw-araw siyang pagod. Nakakapagod na harapin si Lukas araw-araw.

Isama mo pa ang pressure ng mga magulang ni Lukas at mga magulang niya para sa pagkakaroon sila ng anak ni Lukas. Gusto ng mga ito na mabuntis siya ngayong taon.

"Paano naman ako mabubuntis? Hindi nga ako matingnan ng maayos ni Lukas, ang hawakan pa kaya?" bulong niya sa sarili.

Napabuntong-hininga na lang si Seraphina.

Lalabas na sana siya ng kwarto nang bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa non si Lukas. He's just wearing towel on his waist.

"Magkikita kami ng mga kaibigan ko," paalam niya rito.

Dahan-dahan sumalubong ang kilay ni Lukas at pinasadahan ng tingin si Seraphina. “Wala akong pakialam kung saan ka pupunta, Seraphina. Gawin mo ang gusto mong gawin dahil hindi ako interesado roon."

Nag-iwas si Seraphina ng tingin. Ayaw niyang ipakita rito na nasasaktan siya sa mga salita nito. Gusto niyang umakto kung paano ito maging walang pakialam sa kanya kahit mahirap iyon.

Iniwan na niya ito, pero bago siya tuluyang makalabas ng pintuan ay narinig pa ang huli nitong sinabi.

“At kung puwede lang, huwag ka na rin bumalik."

Nagpaulit-ulit ang salita ni Lukas sa tainga ni Seraphina. Buong biyahe papunta sa restaurant kung saan sila magkikita ng mga kaibigan niya ay natahimik siya at nakatingin sa labas. Pakiramdam niya ay namanhid siya sa mga sandaling iyon.

"Ma'am, anong oras kita susundin?" tanong ng driver.

Ayaw na ni Lukas na bumalik pa siya roon sa mansyon. Kung iyon talaga ang gusto nito ay gagawin na lang iyon ni Seraphina. Hindi na siya babalik pa ng mansyon.

"Tatawagan na lang kita." Iyon lang ang sinagot niya at tumalikod na.

Pumasok siya sa loob ng restaurant. Nakita niya ang mga kaibigan niya sa dulo at nagtatawanan.

"Hi!" kunwari ay masiglang bati niya sa mga ito.

"Seraphina!" Tili ni Josephine at niyakap siya nang mahigpit. "How are you doing?"

"I'm doing great," sagot niya at nagbeso naman kay Paula.

"Kung hindi ka talaga pumunta ngayon ay magtatampo na kami sayo." Pabirong umirap si Hazel. "Hindi mo na nga kami sinabihan na ikakasal ka, palarati ka lang nagtatago sa amin."

Humila si Seraphina ng upuan sa tabi ni Hazel.

"Alam niyo naman na hindi talaga ako yung ikakasal. Substitute bride lang naman ako ni Celestine."

Isa sa dream wedding ni Seraphina ang maglakad ang mga kaibigan niya bilang mga bride's maid sa kasal niya. Pero kahit iyon ay hindi man lang natuloy. Bukod sa daddy at mommy niya wala na siyang ibang kakilala na dumalo sa kasal. Halos lahat sila ay kaibigan ng pamilya ni Lukas, o kaya naman ay kaibigan ni Celestine.

Ilang oras din sikang nagkwentuhan. Bukambibig ng mga ito si Lukas, at kung gaano ito kagwapo at kung gaano ang mga ito naiingit na siya ang naging asawa ni Lukas.

Kung alam lang ng mga kaibigan niya ang totoong kalagayan nila ni Lukas ay hindi nila gugustuhin sa posisyon niya. At kung bibigyan lang siya ng pagkakataon na makipagpalit ng sitwasyon sa kahit sino ay hindi niya iyon hihindian. 

Napakahirap mahalin ni Lukas.

**

Hapon na nang magpaalam ang magkakaibigan sa isa't-isa. Hindi na tinawagan ni Seraphina ang driver ni Lukas. Buo na ang desisyon niya na aalis na siya at hindi na babalik pa ng mansyon.

Hindi niya alam kung saan siyq pupunta ngayon. Hindi siya pwede umuwi sa mga magulang niya dahil alam niyang pababalikin lang siya ng mga ito kay Lukas.

Wala siyang mapupuntahan...

“Miss, mukhang mag-isa ka lang ata?”

Napahinto si Seraphine sa paglalakakad at binalingan ang isang lalaki na sakay ng lumang kotse, mukhang lasing ito.

“Hindi ba obvious?" mataray niyang tanong sa lalaki.

Natawa naman ang lalaki. “Saan ba ang punta mo? Uuwi ka na sa inyo? Hatid na kita, gusto mo?"

“Hindi na kailangan," boses mula sa likuran.

Gulat na nilingon ni Seraphina ang may-ari ng boses na iyon. Umawang ang labi niya nang makita niya si Lukas na kalalabas lang ng kotse. Lumapit ito sa kanila at napasinghap siyasa gulat nang hawakan nito ang kamay niya.

“Umuwi na tayo," wika nito, seryoso ang tinig.

“Kilala mo ba siya, Miss?” tanong ng lalalaki mula sa lumang kotse.

Bago pa man makasagot si Seraphina ay naunahan na siya ni Lukas.

“Kilala ko siya. Asawa ko siya," maangas nitong sagot sa lalaki.

Hinila siya ni Lukas papasok sa kotse at inis na napahilamos ng mukha. "Tama bang nasa labas pa kahit ganitong oras na?!" singhal nito sa kanya.

Pero sa halip na matakot sa sigaw ni Lukas ay kumunot ang noo ni Seraphina. Hindi ba't ayaw na nito na bumalik siya sa mansyon?

"At tama bang umuwi ng gabi ang may asawa na, Seraphina?"

Asawa...?

Hindi ba't hindi asawa ang turing ni Lukas sa kanya? Naguguluhan siya sa inaasal nito sa kanya ngayon. Parang... nag-iba ito ngayon? Hindi na ito galit sa kanya... Tanggap na ba nito na hindi na babalik si Celestine at talagang iniwan na ito?

Ang dami gustong itanong ni Seraphina kay Lukas, pero hindi niya magawang ibukas ang bibig niya.

"Kapag gagabihin ka ng uwi tawagan mo ako. Naiintindihan mo?"

Kumurap siya at dahan-dahang tumango kahit naguguluhan siya sa mga sinasabi ni Lukas.

Hinila ni Lukas ang mga kamay niya kaya napasinghap siya. "Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" malambing na tanong nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Marrying My Twin's Fiancé    Chapter 4

    "Maupo ka na. Ipaghahanda kita."Agad na sumunod si Seraphina sa utos ni Lukas at naupo nga sa upuan na hinila nito para sa kanya. Kanina pa sila nakauwi sa mansyon, pero hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit sa isang inggap, nagbago ang pakikitungo ni Lukas sa kanya.Hindi niya tuloy maiwasan na magduda kung totoo ba ang ipinapakita nito. Kanina lang ay galit na galit ito at sinabing hahanapin si Celestine. Ngayon naman ay umaakto ito na parang isang ulirang asawa."Hindi mo ba gusto ang hinanda ko?"Umangat si Seraphina ng tingin at nakitang nakitingin si Lukas sa kanya, mukhang hinihintay siya na tikman ang niluto nito."Ikaw... ang nagluto nito?" tanong niya.Isa sa mga nagustuhan ni Celestine kay Lukas ay pagiging husband material ni Lukas. Sa tuwing dumadalaw ito noon sa bahay nila ay parati itong may dalang home-made na pagkain kay Celestine. Parati rin naman iyon ipinatitikim ni Celestine kay Seraphina kaya hindi na bago sa panlasa niya ang mga niluto ni Lukas ng

    Last Updated : 2025-03-12
  • Marrying My Twin's Fiancé    Chapter 1

    Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan at pagbagsak ng mga kulog ay sumigaw si Lukas.“Tinatanong kita, Seraphina! Nasaan si Celestine? Bakit hindi siya dumating sa kasal namin? Bakit ikaw ang pumalit sa kanya?" nag-aapoy sa galit na tanong ni Lukas habang mahigpit ang hawak nito sa palapulsuhan ni Seraphina.Hindi niya ito sinagot at napaiyak na lamang. Hindi niya alam ang sasabihin kay Lukas... kung saan siya magsisimula magpaliwanag at kung paano nito maintindihan ang lahat ng nangyayari."L-Lukas... nasasaktan ako...” wika ni Seraphina habang pilit inaalis ang palapulsuhan niya mula kay Lukas.Kadadating pa lang nila sa venue ng kasal pero agad na hinila ni Lukas si Seraphina rito sa gilid, kung saan walang tao at silang lang dalawa ang naroon. Kahit na magkamukha sina Celestine at Seraphina, alam ni Seraphina na hindi niya maloloko si Lukas. Kahit nakapikit ay kayang sabihin ni Lukas kung sino si Celestine, ganon nito to ang kakambal ni Seraphina.Ngayon lang din nakita ni Seraph

    Last Updated : 2025-03-11
  • Marrying My Twin's Fiancé    Chapter 2

    "Celestine, huwag ka magsalita ng ganyan! Hindi ka pa mawawala sa amin!" malakas na umiiyak si Seraphina habang nakahawak sa braso ng kakambal niyang si Celestine.“Pero... walan ng kasiguraduhan na makakabalik pa ako, Seraphina..." naghihina at namunutla na sagot ni Celestine. "Malala na ang sakit ko at tanging Diyos na lang ang makapagsasabi kung malalagpasan ko ito."“Celestine…” Umiling siya habang humahagulhol ng iyak. “Alam ko na gagaling ka. Hindi ka pwede sumuko. Paano na si Lukas? Paano na kami?"Tumango si Celestine kay Seraphina. Pareho silang umiiyak.“Mahal na mahal ko si Lukas," wika ni Celestine habang patuloy sa pag-iyak. "Pero sa tingin ko ay hindi ko matutupad ang pangako ko sa kanya na pakasalan siya at makasama siya para bumuo ng pamilya at magsama habang buhay."“Celestine..."“Seraphina, alam ko na hinahangaan mo siya."Umawang ang labi ni Seraphina. Paano iyon nalaman ng kakambal niya?“At hindi ako galit…” Ngumiti si Celestine kahit hinang-hina na. Hindi magawa

    Last Updated : 2025-03-11

Latest chapter

  • Marrying My Twin's Fiancé    Chapter 3

    “Seraphina... kumusta ka? Tinatrato ka ba ng ayos ni Lukas?"Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang ikinasal si Seraphina kay Lukas, at ngayon pa lang nagparadam si Celestine. Katulad ng naging banta ni Lukas kay Seraphina, na kung hindi niya sasabihin rito kung nasaan si Celestine ay araw-araw siyang magdudusa kasama ito.Sa dalawang linggong pananatili ni Seraphina sa mansyon ay walang gabi at araw na hindi siya umiiyak. Kung sigawan siya ni Lukas ay parang hindi siya kapatid ng babaeng mahal nito. He treated her like nobody. Mas mabait pa ito sa mga kasambahay at driver kaysa kay Seraphina."Oo naman, ate. Mabait... sa akin si Lukas," pagsisinungaling ni Seraphina sa kakambal. Hindi niya ito gusto mag-alala pa. Ayaw niya dumagdag pa sa iisipin nito kapag sinabi niya ang totoong estado ng pagsasama nila ni Lukas. "Ikaw, kumusta ang lagay mo?"“G-Ganon pa rin ang lagay ko, Seraphina... Nanghihina pa rin ako at walang lakas. Minsan ay nagigising na lang ako ilang araw pagkatapos

  • Marrying My Twin's Fiancé    Chapter 2

    "Celestine, huwag ka magsalita ng ganyan! Hindi ka pa mawawala sa amin!" malakas na umiiyak si Seraphina habang nakahawak sa braso ng kakambal niyang si Celestine.“Pero... walan ng kasiguraduhan na makakabalik pa ako, Seraphina..." naghihina at namunutla na sagot ni Celestine. "Malala na ang sakit ko at tanging Diyos na lang ang makapagsasabi kung malalagpasan ko ito."“Celestine…” Umiling siya habang humahagulhol ng iyak. “Alam ko na gagaling ka. Hindi ka pwede sumuko. Paano na si Lukas? Paano na kami?"Tumango si Celestine kay Seraphina. Pareho silang umiiyak.“Mahal na mahal ko si Lukas," wika ni Celestine habang patuloy sa pag-iyak. "Pero sa tingin ko ay hindi ko matutupad ang pangako ko sa kanya na pakasalan siya at makasama siya para bumuo ng pamilya at magsama habang buhay."“Celestine..."“Seraphina, alam ko na hinahangaan mo siya."Umawang ang labi ni Seraphina. Paano iyon nalaman ng kakambal niya?“At hindi ako galit…” Ngumiti si Celestine kahit hinang-hina na. Hindi magawa

  • Marrying My Twin's Fiancé    Chapter 1

    Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan at pagbagsak ng mga kulog ay sumigaw si Lukas.“Tinatanong kita, Seraphina! Nasaan si Celestine? Bakit hindi siya dumating sa kasal namin? Bakit ikaw ang pumalit sa kanya?" nag-aapoy sa galit na tanong ni Lukas habang mahigpit ang hawak nito sa palapulsuhan ni Seraphina.Hindi niya ito sinagot at napaiyak na lamang. Hindi niya alam ang sasabihin kay Lukas... kung saan siya magsisimula magpaliwanag at kung paano nito maintindihan ang lahat ng nangyayari."L-Lukas... nasasaktan ako...” wika ni Seraphina habang pilit inaalis ang palapulsuhan niya mula kay Lukas.Kadadating pa lang nila sa venue ng kasal pero agad na hinila ni Lukas si Seraphina rito sa gilid, kung saan walang tao at silang lang dalawa ang naroon. Kahit na magkamukha sina Celestine at Seraphina, alam ni Seraphina na hindi niya maloloko si Lukas. Kahit nakapikit ay kayang sabihin ni Lukas kung sino si Celestine, ganon nito to ang kakambal ni Seraphina.Ngayon lang din nakita ni Seraph

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status