Share

Chapter 2

Author: Goldilocks
last update Last Updated: 2025-03-11 12:56:22

"Celestine, huwag ka magsalita ng ganyan! Hindi ka pa mawawala sa amin!" malakas na umiiyak si Seraphina habang nakahawak sa braso ng kakambal niyang si Celestine.

“Pero... walan ng kasiguraduhan na makakabalik pa ako, Seraphina..." naghihina at namunutla na sagot ni Celestine. "Malala na ang sakit ko at tanging Diyos na lang ang makapagsasabi kung malalagpasan ko ito."

“Celestine…” Umiling siya habang humahagulhol ng iyak. “Alam ko na gagaling ka. Hindi ka pwede sumuko. Paano na si Lukas? Paano na kami?"

Tumango si Celestine kay Seraphina. Pareho silang umiiyak.

“Mahal na mahal ko si Lukas," wika ni Celestine habang patuloy sa pag-iyak. "Pero sa tingin ko ay hindi ko matutupad ang pangako ko sa kanya na pakasalan siya at makasama siya para bumuo ng pamilya at magsama habang buhay."

“Celestine..."

“Seraphina, alam ko na hinahangaan mo siya."

Umawang ang labi ni Seraphina. Paano iyon nalaman ng kakambal niya?

“At hindi ako galit…” Ngumiti si Celestine kahit hinang-hina na. Hindi magawang tingnan ng dderisto ni Seraphina ang kakambal sa mga mata. Magkahalong awa at hiya ang nnararamdaman niya. “Mas maganda nga iyon kasi mapapanatag ako dahil kapag nawala ako, may magmamahal pa rin kay Lukas. Kampante ako na hindi mo siya sasaktan at iiwan. Na mamahalin mo siya higit pa sa pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanya."

Sandalng nnatigilan si Seraphina sa sinabi ni Celestine. Hindi niya agad nakuha ang ibig nitong sabihin, pero nang maproseso na niya iyon ay bumitaw siya sa kapit niya sa kakambal. Wala pa man sinasabi si Celestine ay parang alam na ni Seraphina ang gusto nitong mangyari.

“C-Celestine... ano bang sinasabi mo..."

"Magpakasal ka kay Lukas, Seraphina." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Seraphina sa narinig mula sa kakambal niya. “Ikaw ang magpatuloy ng kasunduan ng mga pamilya natin... Huwag mo biguin ang mga magulang natin. Pakasalan mo si Lukas.” Umubo si Celestine nang may kasamang dugo kaya nataranta si Seraphina at hinawakan ito balikat.

"Celestine, please huwag ka magsalita ng ganyan," pakiusap niya rito at pinunasan ang labi nitong may dugo. "Maghahanap kami ng pinakamagaling na doctor. Ipapagamot ka namin."

Ngumiti si Celestine kay Seraphina, pero hindi siya nito pinakinggan. "Alam ng katawan ko na hindi na ako magtatagal pa. Kaya pakiusap, pakasalan mo si Lukas."

"Ma'am Seraphina!"

Napatalon sa gulat si Seraphina at napabalik sa wisyo nang may tumapik sa balikat niya. Mabilis niyang inanggulo ang ulo at tiningnan kung sino iyon.

"Neneth, bakit ka naman nanggugulat?" tanong niya rito.

"Ma'am, kanina pa ako kasi kumakatok dito hindi ka naman sumasagot," pagdadahilan nito at napakamot naman sa ulo. "Pagpasok ko tinawag din kita, pero nakatulala ka naman dito. Akala namin kung ano na nangyayari sayo. Ayaw namin mapagalitan ni sir."

Mahinang natawa si Seraphina sa sinabi ng kasambahay. Wala naman pakialam si Lukas sa kanya at sa kung anong gawin niya kaya hindi ito magagalit. Ang gusto lang naman ni Lukas ay huwag siyang magpakita rito, at malaman nito kung nasaan ba talaga si Celestine.

Isang llinggona simula nang ikinasal siya kay Lukas. Bumisita ang mga magulang ni Lukas kasama ang mga magulang niya sa mansyon, pero puro business lang naman ang pinag-uusapan ng mga ito kaya hindi rin interesado si Seraph. Ni wala man lang nagtanong sa mga ito kung kumusta silang dalawa ni Lukas.

“Dad, Mom, and Tito... Ano ba talaga ang nangyayari? Can you explain this to me?” biglang singit ni Lukas sa seryosong kwentuhan ng matatanda. "Nasaan si Celestine?"

"Lukas, don't interrupt us," banta ng daddy ni Lukas.

"Pero kailangan ko malaman ang totoo! CLahat sila ay natahimik sa sigaw ni Lukas. Napasiksik naman si Seraphina sa dulo ng upuan at iniwas ang tingin sa asawa. "Anong nangyari kay Celestine? Siya ang pakakasalan ko, hindi ba? Bakit biglang si Seraphina ang naging bride?"

Malalim na nagbuntonghininga ang ina ni Lukas. “Magkamukha naman sila ni Celestine. Kambal sila, kaya anong problema kung si Celestine o si Seraphina ang maging bride?"

Inis na napahilamos ng mukhang si Lukas, halatang nagpipigil na lang para huwag magalit sa ina. "Mom, si Celestine ang mahal ko! Siya ang gusto ko pakasalan, hindi kung sino. Alin ba roon ang hindi niyo maintindihan?"

"Dad... sabihin na natin," bulong ni Seraphina sa ama, nasa tono ko ang pakikiusap. Kung hindi niya sasabihin kay Lukas ang totoo ay hindi sila titigilan ni Lukas. "Deserve niya malaman ang totoo."

"Hindi natin yun gagawin. Hindi mo yun gagawin," mariing bulong ng kanyang ama.

Gabi-gabi ay hindi nakakatulog ng maayos si Seraphine. Kinakain siya ng guilt. Hindi siya sanay magsinungaling.

“Umalis ng bansa si Celestine," wika ng ama ni Seraphina at hinawakan ang braso niya para patahimikin siya. “She doesnʼt want to marry you anymore. Narealize niya raw na marami pa siyang pangarap at gustong gawin. Hindi roon kasama ang pag-aasawa. Kaya si Seraphina ang ipinakasal namin sayo. Hindi na siya nagpaalam sayo dahil alam niyang hindi mo siya hahayaan na umalis."

Sarkastikong natawa si Lukas at umiling sa kanila. "That's bullshit! Mahal ako ni Celestine. Ramdam ko yun. Hindi niya ako magagawang iwan basta na lang. Kaya nga ako pumayag sa arrange marriage na ito dahil siya ang papakasalan ko!"

“Lukas..." Ang maotoridad na boses ng daddy ni Lukas ang nagpatigil kay Lukas. "Sa ayaw mo man o sa gusto mo ay wala ka ng magagawa pa. Kasal ka na kay Seraphina, siya na ang asawa mo ngayon. You should treat her better dahil habang buhay mo na siyang makakasama."

Nakita ni Seraphina ang pagkuyom ng mga palad ni Lukas. Tumalik ito sa kanilang lahat at handa na umalis, pero muling nagsalita ang daddy nito.

"Ipinagkasunod kita hindi para sa pagmamahal. This is all about business, Lukas. Pull up yourself. Kailangan natin ng supporta ng pamilya ni Seraphina, at kailangan din nila ang suporta natin. Ang pagmamahal at puso ay natuturuan magmahal. Isantabi mo ang nararamdaman mo kay Celestine at turuan mo ang puso mo na mahalin si Seraphina."

Hindi na pinatapos pa ni Lukas ang daddy niya at naglakad na ito. Iniwan silang lahat sa living room at lumabas na ng mansyon. Mula sa glass wall ay natanaw ito ni Seraphina na naglakad papunta sa garahe at pinagsisipa ang gulong ng mga sasakyan doon.

"Act like your twin sister, Seraphina. Kung yun lang ang paraan para makuha mo ang loob ni Lukas ay gawin mo."

Umawang ang labi ni Seraphina sa sinabi ng ina ni Lukas.

"Aralin mo ang mga bagay na gusto at ayaw ni Celestine. That's the only way to save your marriage."

Natulala saglit si Seraphina at nang mag-sink in sa kanya ang ibig nitong sabihin ay sumikip ang dibdib niya.

Alam niya naman na mas better si Celestine kaysa sa kanya. Pero kailan ba titigil ang mga tao sa pagkokompara sa kanila ng kakambal niya?

Pagkatapos ng lunch ay umalis na ang mga magulang ni Seraphina. Hindi niya alam kung saan na nagpunta si Lukas.

Bandang alas kwatro ng hapon nang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok si Lukas. Napatingin siya rito at ganon din ito sa kanya, pero mabilis din siya nito tinalikuran.

"Kadarating mo lang at aalis ka ulit?" hindi maiwasan ang hindi magtanong ni Seraphina sa asawa.

Lumingon si Lukas sa kanya at seryoso siyang tinitigan. "Hahanapin ko si Celestine dahil ni isa sa inyo ay walang balak sabihin sa akin kung saan ba siya nagpunta."

Tumayo si Seraphina mula sa pagkakaupo ko at nilapitan ang asawa. "Lukas, lahat ng nalalaman ko ay sinabi ko na sayo. Sinabi na rin sayo ni daddy ang dahilan kung bakit siya umalis. Kung saang bansa siya naroon ay yun ang hindi naman alam dahil ayaw niya ipaalam kahit kanino."

Humakbang si Lukas palapit kay Seraphina at dahan-dahang pinagapang ang kamay nito mula sa mukha niya. Sunod-sunod naman ang naging paglunok ni Seraphina, parang libo-libong voltage ng kuryente ang dumaloy sa kanya sa sandaling iyon. Napasinghap pa siya nang hawakan ni Lukas ang panga niya at diinan ang pagkakahawak doon.

"Sinungaling ka, Seraphina..." angil ni Lukas sa mukha ni Seraphina. "Alam kong alam mo kung nasaan ang ate mo."

"H-Hindi ko alam, Lukas..." Iling ni Seraphina. Hinawakan niya ang kamay ni Lukas pero malakas nito iyong tinabig.

"Sabihin mo nga sakin... ginagawa mo ba ito dahil umaasa ka na mababaling sayo ang atensyon ko sayo?"

Hindi nakasagot si Seraphina. Pero hindi iyon totoo. Kung gusto nita makuha ang atensyon ni Lukas ay sana noon pa niya ginawa. Pero hindi niya magagawang saktan ang kakambal niya at agawin ang lalaking mahal nito

"Seraphina, kahit anong gawin mo... si Celestine lang mahal at mamahalin ko," deristong sabi ni Lukas. Hindi man lang nagdalawang isip. "Kung hindi mo sasabisa akin kung saan ko siya makikita..." Malakas na kumalabog ang puso ni Seraphine at kinabahan sa mga susunod na sasabihin ni Lukas. "Araw-araw kang magdudusa na kasama ako..."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Marrying My Twin's Fiancé    Chapter 3

    “Seraphina... kumusta ka? Tinatrato ka ba ng ayos ni Lukas?"Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang ikinasal si Seraphina kay Lukas, at ngayon pa lang nagparadam si Celestine. Katulad ng naging banta ni Lukas kay Seraphina, na kung hindi niya sasabihin rito kung nasaan si Celestine ay araw-araw siyang magdudusa kasama ito.Sa dalawang linggong pananatili ni Seraphina sa mansyon ay walang gabi at araw na hindi siya umiiyak. Kung sigawan siya ni Lukas ay parang hindi siya kapatid ng babaeng mahal nito. He treated her like nobody. Mas mabait pa ito sa mga kasambahay at driver kaysa kay Seraphina."Oo naman, ate. Mabait... sa akin si Lukas," pagsisinungaling ni Seraphina sa kakambal. Hindi niya ito gusto mag-alala pa. Ayaw niya dumagdag pa sa iisipin nito kapag sinabi niya ang totoong estado ng pagsasama nila ni Lukas. "Ikaw, kumusta ang lagay mo?"“G-Ganon pa rin ang lagay ko, Seraphina... Nanghihina pa rin ako at walang lakas. Minsan ay nagigising na lang ako ilang araw pagkatapos

    Last Updated : 2025-03-12
  • Marrying My Twin's Fiancé    Chapter 4

    "Maupo ka na. Ipaghahanda kita."Agad na sumunod si Seraphina sa utos ni Lukas at naupo nga sa upuan na hinila nito para sa kanya. Kanina pa sila nakauwi sa mansyon, pero hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit sa isang inggap, nagbago ang pakikitungo ni Lukas sa kanya.Hindi niya tuloy maiwasan na magduda kung totoo ba ang ipinapakita nito. Kanina lang ay galit na galit ito at sinabing hahanapin si Celestine. Ngayon naman ay umaakto ito na parang isang ulirang asawa."Hindi mo ba gusto ang hinanda ko?"Umangat si Seraphina ng tingin at nakitang nakitingin si Lukas sa kanya, mukhang hinihintay siya na tikman ang niluto nito."Ikaw... ang nagluto nito?" tanong niya.Isa sa mga nagustuhan ni Celestine kay Lukas ay pagiging husband material ni Lukas. Sa tuwing dumadalaw ito noon sa bahay nila ay parati itong may dalang home-made na pagkain kay Celestine. Parati rin naman iyon ipinatitikim ni Celestine kay Seraphina kaya hindi na bago sa panlasa niya ang mga niluto ni Lukas ng

    Last Updated : 2025-03-12
  • Marrying My Twin's Fiancé    Chapter 1

    Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan at pagbagsak ng mga kulog ay sumigaw si Lukas.“Tinatanong kita, Seraphina! Nasaan si Celestine? Bakit hindi siya dumating sa kasal namin? Bakit ikaw ang pumalit sa kanya?" nag-aapoy sa galit na tanong ni Lukas habang mahigpit ang hawak nito sa palapulsuhan ni Seraphina.Hindi niya ito sinagot at napaiyak na lamang. Hindi niya alam ang sasabihin kay Lukas... kung saan siya magsisimula magpaliwanag at kung paano nito maintindihan ang lahat ng nangyayari."L-Lukas... nasasaktan ako...” wika ni Seraphina habang pilit inaalis ang palapulsuhan niya mula kay Lukas.Kadadating pa lang nila sa venue ng kasal pero agad na hinila ni Lukas si Seraphina rito sa gilid, kung saan walang tao at silang lang dalawa ang naroon. Kahit na magkamukha sina Celestine at Seraphina, alam ni Seraphina na hindi niya maloloko si Lukas. Kahit nakapikit ay kayang sabihin ni Lukas kung sino si Celestine, ganon nito to ang kakambal ni Seraphina.Ngayon lang din nakita ni Seraph

    Last Updated : 2025-03-11

Latest chapter

  • Marrying My Twin's Fiancé    Chapter 2

    "Celestine, huwag ka magsalita ng ganyan! Hindi ka pa mawawala sa amin!" malakas na umiiyak si Seraphina habang nakahawak sa braso ng kakambal niyang si Celestine.“Pero... walan ng kasiguraduhan na makakabalik pa ako, Seraphina..." naghihina at namunutla na sagot ni Celestine. "Malala na ang sakit ko at tanging Diyos na lang ang makapagsasabi kung malalagpasan ko ito."“Celestine…” Umiling siya habang humahagulhol ng iyak. “Alam ko na gagaling ka. Hindi ka pwede sumuko. Paano na si Lukas? Paano na kami?"Tumango si Celestine kay Seraphina. Pareho silang umiiyak.“Mahal na mahal ko si Lukas," wika ni Celestine habang patuloy sa pag-iyak. "Pero sa tingin ko ay hindi ko matutupad ang pangako ko sa kanya na pakasalan siya at makasama siya para bumuo ng pamilya at magsama habang buhay."“Celestine..."“Seraphina, alam ko na hinahangaan mo siya."Umawang ang labi ni Seraphina. Paano iyon nalaman ng kakambal niya?“At hindi ako galit…” Ngumiti si Celestine kahit hinang-hina na. Hindi magawa

  • Marrying My Twin's Fiancé    Chapter 1

    Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan at pagbagsak ng mga kulog ay sumigaw si Lukas.“Tinatanong kita, Seraphina! Nasaan si Celestine? Bakit hindi siya dumating sa kasal namin? Bakit ikaw ang pumalit sa kanya?" nag-aapoy sa galit na tanong ni Lukas habang mahigpit ang hawak nito sa palapulsuhan ni Seraphina.Hindi niya ito sinagot at napaiyak na lamang. Hindi niya alam ang sasabihin kay Lukas... kung saan siya magsisimula magpaliwanag at kung paano nito maintindihan ang lahat ng nangyayari."L-Lukas... nasasaktan ako...” wika ni Seraphina habang pilit inaalis ang palapulsuhan niya mula kay Lukas.Kadadating pa lang nila sa venue ng kasal pero agad na hinila ni Lukas si Seraphina rito sa gilid, kung saan walang tao at silang lang dalawa ang naroon. Kahit na magkamukha sina Celestine at Seraphina, alam ni Seraphina na hindi niya maloloko si Lukas. Kahit nakapikit ay kayang sabihin ni Lukas kung sino si Celestine, ganon nito to ang kakambal ni Seraphina.Ngayon lang din nakita ni Seraph

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status