Share

Marrying My Twin's Fiancé
Marrying My Twin's Fiancé
Author: Goldilocks

Chapter 1

Author: Goldilocks
last update Last Updated: 2025-03-11 09:35:01

Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan at pagbagsak ng mga kulog ay sumigaw si Lukas.

“Tinatanong kita, Seraphina! Nasaan si Celestine? Bakit hindi siya dumating sa kasal namin? Bakit ikaw ang pumalit sa kanya?" nag-aapoy sa galit na tanong ni Lukas habang mahigpit ang hawak nito sa palapulsuhan ni Seraphina.

Hindi niya ito sinagot at napaiyak na lamang. Hindi niya alam ang sasabihin kay Lukas... kung saan siya magsisimula magpaliwanag at kung paano nito maintindihan ang lahat ng nangyayari.

"L-Lukas... nasasaktan ako...” wika ni Seraphina habang pilit inaalis ang palapulsuhan niya mula kay Lukas.

Kadadating pa lang nila sa venue ng kasal pero agad na hinila ni Lukas si Seraphina rito sa gilid, kung saan walang tao at silang lang dalawa ang naroon. Kahit na magkamukha sina Celestine at Seraphina, alam ni Seraphina na hindi niya maloloko si Lukas. Kahit nakapikit ay kayang sabihin ni Lukas kung sino si Celestine, ganon nito to ang kakambal ni Seraphina.

Ngayon lang din nakita ni Seraphina kung paano magalit si Lukas. Kung hindi lang siguro siya babae at kakambal ni Celestine ay baka kanina pa siya nito nasuntok.

Hindi matanggap ni Lukas na si Seraphina ang narito ngayon. Hindi nito matanggap na bigla na lang umatras si Celestine sa mismong araw ng kasal nilang dalawa.

“Masasaktan ka talaga kung hindi mo sasabihin sa akin kung nasaan ang kakambal mo!” singhal nito, nagtagis ang mga bagang. “Bakit ikaw ang narito ngayon? Sabihin mo sa akin kung bakit! Nasaan si Celestine!"

Sunod-sunod na umiling si Seraphina at nagsimula na umiyak ng may tunog. Mahal niya si Lukas at hindi niya kayang nasasaktan ito ng ganito. Dapat talaga ay hindi siya pumayag sa gusto ni Celestine. Dapat ay hindi niya  hinayaan ang kakambal niya na iwan na lang ng basta ganito si Lukas.

“Fuck! Seraphina, sumagot ka!" mas malakas na sigaw ni Lukas. Tiyak si Seraphina na nagtataka na ang ibang bista kung nasaan sila kaya anumang sandali ay may maghahanap na sa kanila.

“A-Ayaw... Ayaw ka niyang pakasalan," hirap niyang sambit. "Ang sabi niya... narealize niya na hindi ka niya ganon kamahal..." Ramdam ni Seraphina ang dahan-dahang pagluwag ng kapit ni Lukas sa braso niya dahil sa gulat mula sa narinig. “Ayaw na... niya sa iyo, Lukas... Hindi ka niya... gusto makasama pa."

Tulala napatitig si Lukas kay Seraphina at unti-umatras palayo. Umiling ito at tinuro siya.

“Hindi ako naniniwala! Hindi yan totoo! Mahal ako ni Celestine at alam kong hindi niya magagawa ang mga sinasabi mo!" Nagsimula na may mamuong luha sa gilid ng mga mata ni Lukas. "Hindi ako kayang iwan!"

Tumingala si Lukas para pigilan ang pagbagsak at pumikit. Ilang sandali Itong ganon, bago muling iminulat ang mga mata at matalim na tumitig kay Seraphina.

“Pero iyon ang totoo, Lukas—"

“Pinilit mo ba ang daddy mo na ikaw ang ipakasal sa akin?" akusa nito na para bang siguradong-sigurado “Kaya ba lumayo si Celestine para pagbigyan ka? Alam kong may gusto ka sa akin, Seraphina. At alam ko rin na mahal ka ni Celestine kaya kung gugustuhin mo na kunin ako sa kanya ay alam kong pagbibigyan ka niya!"

Napasinghap si Seraphina sa sinabi ni Lukas. Paanong alam nito ang nararamdaman niya? Kailan pa alam ni Lukas na may gusto siya rito?

“Tama ako, hindi ba? Kaya wala si Celestine ngayon dahil nagmakaawa ka na ikaw ang ikakasal sa akin, Seraphina!"

Parang punyal na itinusok ang mga sinabi ni Lukas. Totoong gusto ko niya ito pero ni kahit kailan ay hindi sumagi sa isip niya na magmakaawa sa mga magulang nila na siya na lang ang ipakasal kay Lukas. Mahal niya ang kakambal niya, nirerespeto niya ito at ganon din ang relasyon na meron si Celestine kay Lukas.

“Hindi totoo ang sinabi mo!" depensa ni Seraphina sa sarili niya. Lumakas na rin ang boses niya sa galit. Wala karapatan si Lukas na akusahan siya dahil hindi lang ito ang sasaktan sa paglayo ni Celestine.

“Hindi ako naniniwala sayo, Seraphina. Kapag nalaman ko na kagagawan mo ang lahat ng ito, magiging miserable ang buhay mo sa kamay ko..."

Halos tumindig ang mga balahibo ni Seraphina sa braso sa banta ni Lukas. Pakiramdam niya ay nanginginig ang mga tuhod niya. Ngayon lang siya natakot ng ganito sa tanang buhay niya.

Iniwan na siya ni Lukas roon at hinarap ang mga bisita nila. Kabilaan naman ang tanong ng mga bisita kung saan si Seraphina, dahil ang ang akala ng lahat ay si Celestine talaga ang narito ngayon para ikasal kay Lukas. Pero iisa lang ang nagiging sagot ng mga magulang niya, na umalis si Seraphina para mag-aral sa ibang bansa. Wala na ring sumunod pang mga tanong. Ang importante lang naman kasi ay ma-merge ang dalawang malaking kompanya sa pamamagitan ng kasal. Wala na ring pakialam ang mga magulang ni Lukas kung kanino kina Celestine at Seraphina ikasal si Lukas dahil pareho lang naman daw iyon. At the end of the day, ang goal ng mga magulang nila ay mapag-isa ang dalawang kompanya para mas lumakas pa lalo ito at mas kilalanin sa buong mundo.

Pero parang pinagbagsakan si Seraphina ng langit at lupa sa mga oras na iyon dahil ipinamukha ni Lukas sa kanya na hindi talaga siya ang gusto nito. Hindi ganito ang pinangarap kasal ni Seraphina para sa sarili niya. Dapat ay masaya siya ngayon, pero halos durog na durog ang puso niya.

“This is just temporary, Seraphina. Donʼt tell Lukas about your sister's whereabouts. Sikapin mo na huwag sabihin ang dinadalang sakit ni Celestine. Para ito sa ikabubuti ng lahat," mahinang wika ng ama ni Seraphina habang isinasayaw siya nito.

“Kailan ba talaga natin sasabihin sa kanya ang totoo, dad?" tanong ni Seraphina sa ama. Sinulyapan niya si Lukas mula roon sa upuan nila at nakitang hindi pa rin nagbabago ang matalim nitong tingin sa kanya. "Hindi ko na kayang magsinungaling pa kay Lukas."

Kung nakamamatay lang siguro ang tingin ay kanina pa pinaglalamayan si Seraphina.

"Kapag nalaman ng mga Montecelio ang kalagayan ni Celestine ay puputulin nila ang kasunduan sa pamilya natin, Seraphina. O kung hindi man, ikaw pa rin ang ipapakasal kay Lukas."

“H-Hindi naman... siguro iyon mangyayari lalo naʼt nagmamahalan naman po sila Celestine at Lukas, Dad... Gusto nila si Celestine para kay Lukas."

Umiling sa kanya ang ama. Humigpit ang kapit nito sa kamay niya bilang di pagsang-ayon sa sinabi niya. “Gusto nila ng tagapagmana para kay Lukas. Sa tingin mo ba ay gugustuhin pa nila si Celestine kapag nalaman ng pamilya nila na hindi na pwede magkaanak ang kakambal mo? Kahit mahal pa ni Lukas si Celestine ay hindi nila iyon iisipin."

Hindi nakaimik si Seraphina. At some point ay naiintindihan na niya si Celestine sa naging desisyon nitong lumayo muna. Pero sana ay maging maayos na ito para makabalik na kay Lukas.

"Nasaan po si Lukas?" tanong ni Seraphina matapos makabalik sa table nila. Wala na roon si Lukas at hindi niya napansin na umalis ito.

"Hindi ba niya sinabi sayo, iha? Ang sabi niya ay pupunta na siya sa kwarto niyo," sagot ng ina ni Lukas. "Siguro ay naroon na siya at naghihintay sayo."

Napapahiya siyang ngumiti. "Ganon po ba... Sige po, pupuntahan ko muna siya."

Pero wala si Lukas sa loob ng hotel room nila. Naghintay siya na dumating ito, pero inabot na siya ng alas tres sa kakahintay, at wala pa rin si Lukas.

Halo-halong sakit ang nararamdaman ni Seraphina ng gabing iyon. Kung pwede lang na siya ang pumalit sa kinalalagyan ng kakambal niya ngayon ay gagawin niya iyon. Dahil kung sa kanya naman iyon nangyari ay wala namang mawawala. Ayos pa sana ang lahat kung siya ang nagkasakit at hindi si Celestine.

"Ma'am, ako po ang magiging driver niyo. Ipinadala po ako ni Sir Lukas. Ihahatid ko na po kayo sa mansyon," bungad ng isang driver paglabas ni Seraphina sa lobb ng hotel.

Tumango siya sa driver at tinungo na ang mansyon. Wlang Lukas na sumalubong kay Seraphina nang makarating siya roon.

Lumipas ang limang araw na pagiging Mrs. Montecelio ni Seraphina, pero ni isang beses ay hindi pa niya nakita si Lukas sa mansyon. Uuwi ito kapag tulog na siya at aalis naman ito bago siya gumising sa umaga. Kung wala naman ito sa kompanya para magtrabaho ay naroon naman ito sa opisina nito rito sa mansyon.

"Ma'am, ang kunti niyo naman kumain. Damihan mo pa," bulalas ng isang kasambahay at nilagyan pa siya ng kanina sa plato. "Hindi po ba masarap ang mga niluluto ko?"

Napangiti naman si Seraphina sa tanong ng kasambahay. "Masarap ka magluto Neneth. Wala lang talaga ako gana kumain."

"Parati ka na lang walang gana, Ma'am. Tingnan mo ang payat payat mo na."

Sabay sila natigilan nang bumukas ang pintuan sa kusina at pumasok si Lukas. Napahinto rin si Lukas at tumingin kay Seraphina, pero iyon nagtagal.

“Sa opisina ako kakain. Dalhan mo ako roon ng pagkain," utos nito sa kasambahay.

"Lukas... dito ka na kumain." Dali-daling tumayo si Seraphina para kumuha ng plato pero malakas na ismid ang nagpatigil sa kanya.

"Kung gusto mo ako rito kumain ay umalis ka sa harapan ko, Seraphina. Ayaw kitang makita at makasabay." 

Nalaunok si Seraphina sa sinabi ni Lukas. Napayuko naman ang kasambahay na nasa harapan nila.

"Aalis ka ba o hindi?" dagdag pa ni Lukas. "Dahil kung hindi ay sa opisina ako kakain."

"Hindi, huwag." Mabilis niya itong pinigilan. "Aakyat na ako sa kwarto. Tapos na rin naman ako."

Hindi na nito pinansin ang sinabi niya at naupo na sa harapan ng lamesa. Sinulyap pa niya ito bago umalis sa kusina.

Kusang tumulo ang mga luha niya habang nagkalakas papasok sa kwarto.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Marrying My Twin's Fiancé    Chapter 2

    "Celestine, huwag ka magsalita ng ganyan! Hindi ka pa mawawala sa amin!" malakas na umiiyak si Seraphina habang nakahawak sa braso ng kakambal niyang si Celestine.“Pero... walan ng kasiguraduhan na makakabalik pa ako, Seraphina..." naghihina at namunutla na sagot ni Celestine. "Malala na ang sakit ko at tanging Diyos na lang ang makapagsasabi kung malalagpasan ko ito."“Celestine…” Umiling siya habang humahagulhol ng iyak. “Alam ko na gagaling ka. Hindi ka pwede sumuko. Paano na si Lukas? Paano na kami?"Tumango si Celestine kay Seraphina. Pareho silang umiiyak.“Mahal na mahal ko si Lukas," wika ni Celestine habang patuloy sa pag-iyak. "Pero sa tingin ko ay hindi ko matutupad ang pangako ko sa kanya na pakasalan siya at makasama siya para bumuo ng pamilya at magsama habang buhay."“Celestine..."“Seraphina, alam ko na hinahangaan mo siya."Umawang ang labi ni Seraphina. Paano iyon nalaman ng kakambal niya?“At hindi ako galit…” Ngumiti si Celestine kahit hinang-hina na. Hindi magawa

    Last Updated : 2025-03-11
  • Marrying My Twin's Fiancé    Chapter 3

    “Seraphina... kumusta ka? Tinatrato ka ba ng ayos ni Lukas?"Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang ikinasal si Seraphina kay Lukas, at ngayon pa lang nagparadam si Celestine. Katulad ng naging banta ni Lukas kay Seraphina, na kung hindi niya sasabihin rito kung nasaan si Celestine ay araw-araw siyang magdudusa kasama ito.Sa dalawang linggong pananatili ni Seraphina sa mansyon ay walang gabi at araw na hindi siya umiiyak. Kung sigawan siya ni Lukas ay parang hindi siya kapatid ng babaeng mahal nito. He treated her like nobody. Mas mabait pa ito sa mga kasambahay at driver kaysa kay Seraphina."Oo naman, ate. Mabait... sa akin si Lukas," pagsisinungaling ni Seraphina sa kakambal. Hindi niya ito gusto mag-alala pa. Ayaw niya dumagdag pa sa iisipin nito kapag sinabi niya ang totoong estado ng pagsasama nila ni Lukas. "Ikaw, kumusta ang lagay mo?"“G-Ganon pa rin ang lagay ko, Seraphina... Nanghihina pa rin ako at walang lakas. Minsan ay nagigising na lang ako ilang araw pagkatapos

    Last Updated : 2025-03-12
  • Marrying My Twin's Fiancé    Chapter 4

    "Maupo ka na. Ipaghahanda kita."Agad na sumunod si Seraphina sa utos ni Lukas at naupo nga sa upuan na hinila nito para sa kanya. Kanina pa sila nakauwi sa mansyon, pero hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit sa isang inggap, nagbago ang pakikitungo ni Lukas sa kanya.Hindi niya tuloy maiwasan na magduda kung totoo ba ang ipinapakita nito. Kanina lang ay galit na galit ito at sinabing hahanapin si Celestine. Ngayon naman ay umaakto ito na parang isang ulirang asawa."Hindi mo ba gusto ang hinanda ko?"Umangat si Seraphina ng tingin at nakitang nakitingin si Lukas sa kanya, mukhang hinihintay siya na tikman ang niluto nito."Ikaw... ang nagluto nito?" tanong niya.Isa sa mga nagustuhan ni Celestine kay Lukas ay pagiging husband material ni Lukas. Sa tuwing dumadalaw ito noon sa bahay nila ay parati itong may dalang home-made na pagkain kay Celestine. Parati rin naman iyon ipinatitikim ni Celestine kay Seraphina kaya hindi na bago sa panlasa niya ang mga niluto ni Lukas ng

    Last Updated : 2025-03-12

Latest chapter

  • Marrying My Twin's Fiancé    Chapter 1

    Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan at pagbagsak ng mga kulog ay sumigaw si Lukas.“Tinatanong kita, Seraphina! Nasaan si Celestine? Bakit hindi siya dumating sa kasal namin? Bakit ikaw ang pumalit sa kanya?" nag-aapoy sa galit na tanong ni Lukas habang mahigpit ang hawak nito sa palapulsuhan ni Seraphina.Hindi niya ito sinagot at napaiyak na lamang. Hindi niya alam ang sasabihin kay Lukas... kung saan siya magsisimula magpaliwanag at kung paano nito maintindihan ang lahat ng nangyayari."L-Lukas... nasasaktan ako...” wika ni Seraphina habang pilit inaalis ang palapulsuhan niya mula kay Lukas.Kadadating pa lang nila sa venue ng kasal pero agad na hinila ni Lukas si Seraphina rito sa gilid, kung saan walang tao at silang lang dalawa ang naroon. Kahit na magkamukha sina Celestine at Seraphina, alam ni Seraphina na hindi niya maloloko si Lukas. Kahit nakapikit ay kayang sabihin ni Lukas kung sino si Celestine, ganon nito to ang kakambal ni Seraphina.Ngayon lang din nakita ni Seraph

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status