Share

Chapter 7

Author: Samleig G.
last update Last Updated: 2022-02-27 23:10:19

HINDI naging madali para kay Camilla ang plano ng kaibigan na magpanggap sila ni Damon bilang magkasintahan. Paano niya pa haharapin ang lalaki? Baka palagi na lang silang mag-away nito tuwing magkikita lalo pa't nadagdagan pa ang matinding inis niya rito dahil sa pagtatangkang pagpapakamatay ni Athena. Sobrang dismayado talaga siya sa kaibigan.

Ngunit hindi siya papayag na maapektuhan ang kaniyang pag-aaral dahil sa pag iisip sa problemang kinakaharap. Pangarap niyang makapagtapos sa pag-aaral at makapagtrabaho abroad.

" Oh,anak bakit naman ganyan ang mukha mo hindi ka ba excited na after one year, eh, makakabalik ka na ulit sa pag-aaral?" usisa ng kaniyang Ina habang nasa harapan siya ng salamin at inaayos ang sarili.

" Excited po," matipid niyang tugon  Ina.

Isang umaga iyon habang hinahanda ang sarili para pumasok. Nasa huling taon na siya ng Hotel and Restaurant  Management. Nakagraduate na sana siya kung hindi lang siya huminto ng isang taon dahil sa kaniyang sakit. 

" Oh, siya tumayo ka na diyan at hinihintay ka na ni Athena sa labas para makapag-agahan." 

Sinunod niya ang sinabi ng Ina at naabutan niya ang mag-ina na nasa lamesa at kumakain ng agahan. Nahihiya pa siyang lumapit ngunit nakita siya ni Athena at inayang lumapit.

" Good morning po, Tita," bati niya kay Mrs. Romualdez.

" Good morning sa'yo, Camilla,maupo ka na."

Maaliwalas ang mukha ng matanda na tila nasa good mood ito. Naupo siya sa tabi ng kaibigan na kasalukuyang kumakain na rin.

" I'm so happy na makakabalik ka na sa school, Iha after ng mahaba mong bakasyon? So, ready ka na ba talaga i mean are  you okay now?" usisa pa nito sa kaniya.

" Yes po, Tita," nakangiti niyang tugon.

" Mom? Almost one year na iyon,ofcourse she's okay now," sagot naman ni Athena.

" So,what are you're plans after you graduated? Ito kasing si Athena will started to train on how to manage our business,  since she is the successor, if you do'nt have a plan yet, it's better na doon ka na lang din sa company namin pumasok," mahabang litanya ng matanda.

" Mom, hotel management ang course niya. Hindi siya meant sa company natin since it's a manufacturing business. Isa pa balak niya mag abroad," muling singit ni Athena.

" Is that so? Nice to hear that,congrats in advance! Napakaswerte naman ni Mrs. Anita at meron siyang anak na may magandang plano sa buhay." 

Ang Mrs. Anita na tinutukoy nito ay ang mismong nanay niya na mayordoma sa mansion na iyon.

" Actually, Mom,maswerte rin kayo sa akin," birong turan ni Athena.

" Well see that. I hope after mong makagraduate ay hindi ka kaagad mag-aasawa ng kung sino-sino lang. Mataas ang expectation namin ng Daddy mo sa'yo,anak," tugon pa nito matapos makainom ng juice.

Napansin niya na bahagyang natigilan si Athena at makahulugang sumulyap sa kaniya.

" Siyanga pala, Iha, Athena before i forgot. These week, i went to hongkong for business. We have a meeting to attend and i'm not sure when to comeback. And i hope,everything will be  alright here,okay? Baka kung ano-ano na naman ang makarating sa aking news,ha?"

" Don't worry, Mommy, goodgirl na ako,no?"

Napansin niya na lumarawan ang saya ni sa mukha ni Athena. Ibig sabihin ay malaya na itong gawin ang nais. Ngunit baka  nakakalimutan nito na posibleng meron pa ring nagmamatyag sa kanila?

Pilit niyang pinasigla ang araw na iyon at inalis ang mga alalahanin. Gagawin niya na lang busy ang sarili para kahit papaano ay gumaan ang kaniyang pakiramdam. Lumapad ang ngiti niya ng ihinto ng driver ng sinasakyan nilang kotse sa harap ng isang building. Isa itong exclusive school sa part ng Cavite.

Excited silang bumaba ni Athena sa kotse at sabik niyang nilibot ang tingin sa kabuuan ng campus.

" Sige po Manong i will text you na lang if magpapasundo na kami," turan ni Athena sa kanilang driver.

Nagpaalam na rin si Athena sa kaniya dahil magkaiba sila ng building na pinapasukan. Masaya niyang iginala ang paningin sa paligid. Matagal-tagal na rin kasi bago siya nakabalik sa pag-aaral. Na-miss niya ng sobra ang pag-aaral, 'yung tipong mai-stress sa mga  research project na kailangang i-submit,kung paano makakuha ng high grades 'yung tipong pang 1.75. 

" Camilla?"

Isang boses ang  tumawag at nagpalingon sa kaniya. Nabungaran niya ang isang lalaking matangkad at maputi. Si Mico Suarez,classmates niya  noong elementary days na sa  pagkakatanda niya ay malaki ang  pagkakagusto sa kaniya.

Lalong lumuwang ang ngiti ng mapansin ang pagtitig niya  kaya lumitaw ang magkabilang dimple nito sa pisngi. Tanda pa niya noong nasa elementary  pa siya ay mas matangkad siya rito ngunit ngayon ay hanggang dibdib na lang siya ng lalaki. Masugid niya itong admirer dati na pinangakuan siyang pakakasalan balang araw. Dati ay nababatok-batukan niya pa ito ngunit ngayon ay mukhang malabo na. At in-fairness ah,guwapo na rin ito. Nagkahiwalay lamang sila ng landas ng mag decide ang family nito na pumunta sa Amerika at doon na nga ito nagpatuloy ng pag-aaral,ilang taon na rin ang nakakaraan.

" A-anong ginagawa mo rito? Ikaw na ba iyan?" nagtataka pa ring tanong niya.

" Dito ko na tatapusin ang studies ko, ikaw kumusta ka na? Ano ng balita sa'yo?It's been s year!"

Titig na titig ito sa kaniya na hindi pa rin nawawala ng mga ngiti nito sa labi. Matagal siyang napatitig dito na tila hindi pa rin makapaniwala sa kaharap. Ang dating tingting ngayon ay matipuno na.

" Whoa! Ikaw ba talaga 'yan? Ang laki ng pinagbago mo,ah?"

Natawa ang binata sa tinuran niya.

" I'm really surprised na makikita kita dito, i mean small world! Teka anong year ka na at anong course mo?"

" Fourth year  na sa kursong HRM. Eh,ikaw 'di ba dapat naka graduate ka na,ano bang course mo? Saka 'di ba nasa Amerika ka,kelan ka pa dumating?"

" I'd stop for some reason,i'm taking Architect and this is my lastyear. Then i will take a degree. By the way,saan ba ang room mo?"

" Wow,astig! Akalain mo nga naman ang dating tingting ngayon ay magiging architect na?" 

Tinuro niya ang kalapit na room sa di kalayuan.

" Naaalala mo pa,ah?" Humahalakhak nitong tugon. "Ofcourse,i change a lot. Pinaghandaan ko talaga ang pagkakataong 'to para sa  muli nating pagkikita," pagbibirong turan nito.

" Ah ganon? O sige na pasok na ako sa room ko, lumalakas ang hangin,eh!" 

" Um,wait Camilla. Puwede ba tayong magsabay mamaya sa lunch? I will treat you."

" Huwag na may baon naman ako," tanggi niya.

" Whoa! Ganiyan ba dapat ang magiging turing mo sa isang long lost friend? Sige na?" pangungulit pa rin nito.

" Okay, sige na, ikaw,ah,makulit ka pa rin!"

" Okay, sige susunduin kita dito mamaya,ah? Aasahan ko 'yan," mabilis nitong turan na tila natatakot na magbago pa ang isip niya.

Tumango na lang siya at tinaboy na ang lalaki,muntik pa itong makabangga ng kapwa estudyante dahil nakatingin pa rin ito sa kaniya habang papalayo. Natawa na lang siya at kumaway sa binata na abot tenga ang ngiti.

" Ang laki na talaga ng ipinagbago niya, pumogi at naging macho," aniya pa sa sarili. " Ilang babae na kaya ang napapaiyak ng mokong na 'yun?"

At dahil nahinto siya ng isang taon sa pag-aaral ay ibang mukha na naman ang makaka meet niya. Bagong classmates,bagong pakikisama. Halos lahat ng nag-aaral sa university ay puro mga anak ng mayayaman siya lang yata ang mahirap.Kaniya-kaniyang ring  payabangan kung saan nila ini-spend ang kanilang vacation. May nagkuwento na na meet niya ang isang kpop idol ng mag travel sila sa Korea at iba't-iba pa. Payabangan ng model ng bags,shoes at mga plano pa after maka-graduate. At dahil huling taon na ito ng kaniyamg kurso ay alam niyang hindi magiging madali ang lahat. Kailangan na rin niyang magseryoso para sa lahat ng mga pangarap niya. Sa unang araw pa lang ng klase ay mahihirap na gawain na agad ang kinaharap niya. Dahil sa huling taon na iyon ng kaniyang kurso ay alam niyang bawal ang pa petiks-petiks lang.

Lunch hour na ay inihanda na niya ang sarili para lumabas ng room,nakakaramdam na rin kasi siya ng gutom. Paglabas niya ng room ay bumungad na agad sa kaniya ang binatang si Mico na naghihintay sa kaniya,bigla niyang naalala na ililibre nga pala siya nito ng lunch.

" Opps,you promise me,wala ng urungan," paalala nito ng mapansing bahagya siyang natigilan.

" Saan ba kasi tayo kakain?"

Pagbibigyan niya na lang ang binata dahil gusto niya ring malaman ang naging buhay nito abroad.

" Balita ko kasi masasarap ang mga menu diyan sa Steak and Grill restaurant."

" Okay,sige. Bilisan na natin nagugutom na ako."

Nauna na siyang maglakad sa binata ngunit humabol ito sa kaniya at sinabayan siya sa paglalakad.

" So, how's your first day?"

" Okay lang may mga reports agad na dapat i-submit. Grabe 'no? Starting pa lang ng klase pahirapan na. Eh,ikaw siguro napakahirap ng course mo,no! Lalo't graduating ka na rin."

" Ahm,ayos lang naman. As long as you enjoy your course,walang mahirap," buo ang kumpyansang tugon nito.

" Wow,ang yabang naman talaga,oh!"

Sabagay,hindi na siya magtataka. Matalino naman talaga ang lalaki,katunayan ay ito ang valedictorian nila sa klase. Sa malayo pa lang ay tanaw niya na si  Athena. Napatingin ito sa kasama niya at nangingiti.

" Wew, who's that cute guy,huh? Admirer?" nanunuksong tanong nito.

" Athena,is that you?" 

Takang napatitig naman dito ang kaibigan at pilit na inaalala kung sino ito.

" Hindi mo ba siya naaalala, Besty? Siya si Mico."

Pilit itong inalala ni Athena.

" Aww,so sad  to think na nakalimutan mo na ako," tila nagtatampong wika nito.

" Si Ting-ting, 'yan ano ka ba!" 

Nanlaki namam agad ang mata ni Athena ng maalala.

" Ting-ting is that you,really?"

" Hey,stop calling me on that name, Mico na lang ayos na sa akin 'yun," natatawa nitong sabi.

Umalingawngaw naman ang tawanan sa kanilang tatlo.

" Shit! Ang laki na ng pinagbago mo, ah? To think na dati ay payatot ka,but now pang matinee idol na!

" O siya,sige tama na muna ang kumustahan,sasama ka ba sa amin? Magla lunch kami diyan sa grill house, treat niya tayo," aya niya sa kaibigan.

" No,thank's. Ayokong makaistorbo sa inyo,sige na lumakad na kayo," tila nanunuksong sambit ng kaibigan. Ngumiti pa ito ng makahulugan sa dalawa bago sila iniwan.

Napaawang ang bibig niya  ng makita ang magarang  kotse ng binata na nakaparada. Talagang bigatin na nga ito. Natameme pa siya ng makasakay na siya sa loob ng kotse. 

Huminto sila  sa tapat ng restaurant na may mangilan-ngilang kumakain. Agad silang um-order ng pagkain dahil kumukulo na talaga ang tiyan niya sa gutom. Pork sisig ang in-order niya samantalang grilled chicken naman sa lalaki. Susubo na sana siya ngunit napansin niya na nangingiting nakatitig sa kaniya ang lalaki. Nakasampa pa ang mga braso nito sa lamesa.

" Mauna na ako kumain, ah, nagugutom na ako, eh," nangingiti niyang sabi.

" Halos wala kang pinagbago, Camilla lalo kang gumanda." Sa halip ay sagot nito na hindi yata nangangalay sa pag ngiti.

Napatigil siya sa pagsubo at napaisip. Sa pagkakaalala niya ay walang espesyal sa itsura niya ngayon. Nakapusod ang kulot niyang buhok, ni wala siyang lipstik tanging polvo lang  ang nailagay niya sa kaniyang pisngi. Maging ang damit niya ay simple lang. Bakit tila ang OA yata ng compliment nito sa kaniya? Kinuha niya ang tinidor at pinukpok sa bumbunan ng binata.

" Ouch! Para saan 'yun? Nakangiwi ang mukha na tanong pa nito.

" Para sa pambobola mo,kumain ka na nga!"

" Hindi ka pa rin talaga nagbabago,bayolente ka pa rin," nangingiti nang sabi nito.

" Siguro diyan mo dinaan sa mga paganyan-ganiyang hirit ang mga naging girlfriend mo,marami ka na sigurong napaiyak 'no?" Usisa pa niya habang ngumunguya.

" Seriously? Wala pa ako naging girlfriend kahit ni minsan." 

" Imposible,sa pogi mong 'yan wala ka pang nabibiktima? Huwag ako,ah!"

" Ta-talaga? Para sa'yo pogi ako? I mean,nagagwapuhan ka sa akin?" namimilog pa ang mga matang tanong ng binata sa kaniya.

" Oo, pero huwag ka masyadong magyabang diyan,ah?Huwag masyadong mataas ang confident level."

Napansin niya na kanina pa nito hindi ginagalaw ang in-order na pagkain,malamang ay hindi pa ito gutom.

" Hindi ka ba nagugutom? Puwede bang akin na lang iyang isang hita ng manok?" 

Agad naman nitong binigay ng lalaki sa kaniya. Hindi niya malaman kung bakit naging ganoon na lang ang naging gutom niya ng mga oras na iyon.

" You mean if manligaw ba ako sa'yo,may chance ako?"

Napahinto siya sa pagsubo at napatitig sa seryoso ng binata. Naging malamlam ang mga mata nito na tila nangungusap.

Related chapters

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 8

    " I REALLY like you ever since, Camilla."Kamuntikan pa siyang mabilaukan sa sinabing iyon ng binata. Sinuri niya ito ng maigi kung seryoso ba ito o ginu-goodtime lang siya. Nabanaag niya sa itsura nito ang pagiging sinsero sa mga sinasabi. Oo,alam niyang mga bata pa lang sila ay nagpaparamdam na sa kaniya ito at kinukulit siya, hindi niya akalaing hanggang sa paglaki nila ay tototohanin pala nito ang mga sinabi. Muli niya itong pinukpok sa bumbunan dahil wala siyang alam na puwedeng isagot dito." Aray! Bakit na naman?" Muling daing nito hawak ang bahaging nasaktan." Puro ka kalokohan,eh! Ngayon pa nga lang ulit tayo nagkita pambobola na agad ang nasa isip mo!"Ramdam niya ang pamumula ng kaniyang pisngi. 

    Last Updated : 2022-03-02
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 9

    ABALA si Camilla sa harap ng kaniyang laptop,kailangan niyang matapos ang research para sa kanilang report. Ito kasi ang kauna-unahan nilang activity sa huling taon ng kolehiyo. Ganado siya ng mga oras na iyon ng biglang bumukas ang pinto ng kaniyang kwarto at iniluwa 'nun si Athena." Hi, Besty,how's your day?" bungad na bati nito sa kaniya." Eto, okay lang medyo busy," sagot niya habang nakatutok pa rin ang mga mata sa laptop." Maya na iyan,tara meryenda na muna tayo."" Busog pa ko,eh,ikaw na lang kailangan ko 'tong tapusin para may mai-present ako sa mga ka group ko bukas."" Later na lang iyan,maaga pa naman. Nagpagawa ako ng sandwich kay yaya saka need din natin pa

    Last Updated : 2022-03-04
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 10

    " DO'NT mess with me, dude! Masyado ka pang totoy to compete with me. Look at you,matangkad ka lang pero totoy ka pa rin,hindi mo kayang ipaglaban si Camilla."Nalukot ang mukha ni Camilla gusto niya na 'tong hambalusin ng tubo." You're wrong,i'm matured enough to protect her. Mahal ko si Camilla at gagawin ko ang lahat para sa kaniya. At ikaw? Obvious naman na playboy ka and i dont want her to be one of your toy,paiiyakin mo lang siya!"Ibig niyang matawa sa sinabing iyon ni Mico alam na alam talaga nito na playboy ang kaharap." Ah, ah,ah? Mali ka," hirit pa rin ni Damon habang kinukumpas ang mga daliri. " Huwag mong maliitin ang damdamin ng isang playboy,pag nagmahal kami seryoso,tagos sa puso!" dagdag pa nito habang t

    Last Updated : 2022-03-07
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 11

    " SHIT! Why i feel so nervous?!"Ibig matawa ni Camilla sa sinabing iyon ni Rochelle. Namumula ang pisngi nito sa kaba. Kasalukuyan silang nasa canteen at hinihintay ang binata." Relax ka nga lang , hindi naman celebrity ang imi-meet natin, 'no? Si Mico lang 'yun!"Sa totoo lang ay pati siya ay nahahawa na rin sa kaba nito at hindi niya malaman kung bakit. Hindi niya alam ang mararamdaman kung sakaling mabaling dito ang pagtingin ng binata. Doon niya mapapatunayan na pare-pareho lang talaga ang mga lalaki, mga playboy. Kakagat kaagad pag may magagandang ibig lumandi sa kanila. Pasimple niyang sinipat ang itsura ng katabi. Maganda talaga ito at mabango pa. Pakiramdam niya ay nagmumukha siyang pulubi pag magkatabi sila. Bahagya siyang nakaramdam ng insecurities at muling inisip ang its

    Last Updated : 2022-03-09
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 12

    " Okay, we're here!"Excited siyang bumaba sa kotse at kinatok ang salamin kung saan nakapewesto si Camilla na tila hindi yata siya narinig. Nagulat pa ang dalaga ng gawin niya 'yun na kasalukuyan yatang naglalakbay pa ang isip. Sabik na kasi siyang ipatikim dito ang kaniyang recipe para naman kahit paano ay maiba ang tingin nito sa kaniya. Mula sa pagiging playboy ay magtransform bilang isang talented na cook.Nagtatakang iginala ni Camilla ang paningin sa paligid." Asan na tayo?"tanong nito na may bahid na inis sa boses." Nasa bahay ko!" nakangisi niyang tugon." Bahay mo? E, anong ginagawa natin dito sa bahay mo?!"nanlalaki ang mga matang bulalas nito.

    Last Updated : 2022-03-12
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 13

    NANG makarating sila sa resthouse ay agad nilang naamoy ang mabangong putahe na alam nilang nanggagaling sa kusina." Shit! That smell i'm craving for!" bulalas ni Athena na sumisinghot pa.Maski siya ay biglang nagutom ng maamoy iyon. Agad nilang tinungo ang kusina na kung saan ay abala si Damon sa pagluluto. Nakasuot ito ng apron na bumagay sa kakisigan ng binata. Ngunit hindi iyon ang nakapukaw sa kaniyang atensyon kundi iyong niluluto ng binata." Wow, Hon, thank's sakto gutom na ako.""Bakit ngayon ko lang nalaman na magaling pala siyang magluto? Malayo sa personality niya,ah!"aniya sa sarili."Okay, i'm done let's eat! Sakto lang a

    Last Updated : 2022-03-14
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 14

    HINDI mapawi ang ngiti ni Camilla habang nakaharap sa salamin. Nakalugay ang mahaba at kulot niyang buhok habang nagsusuklay. Bahagya pa siyang nairita nang sumasabit ang ilang hibla ng buhok dito. Hindi na niya maalala kung kelan siya huling nagsuklay ng maayos, nasanay kasi siyang matapos maligo, konting suklay ay agad niya na itong pinupusod. Bigla ay nakaramdam siya ng pagkainggit sa magandang buhok ng matalik na kaibigan. Animo isang modelo ng shampoo, itim na itim at tuwid na tila palaging ginagamitan ng hair iron. Napasimangot pa siya ng mapansing nagiging buhaghag na ang sariling buhok." Ay, butiking kalbo!" bulalas niya ng walang ano-ano ay biglang pumasok si Athena.Katabi lang kasi ng pintuan nila ang vanity mirror kung saan siya nakapwesto.&

    Last Updated : 2022-03-16
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 15

    HALOS malula si Camilla nang makita ang presyo ng mga damit na pinili sa kaniya ng kaibigan. Isang sleeve-less casual dress ang pinili nito para isukat niya ngunit mukha siyang nahilo sa presyo ng makita niya." Bes, 'wag 'to masyadong mahal tsaka ayokong mag dress!" naiinis niyang reklamo." Sige na, isukat mo na please? Ako naman ang magbabayad niyan don't worry!"Ngingiti-ngiting nakamasid lang sa kanila ang binata. Wala na siyang nagawa ng papasukin siya nito sa fitting room. Hinubad niya ang suot na t-shirt pati na ang tokong na suot. Nang maisuot niya ay namangha siya sa kaniyang itsura sa salamin. Animo siya isang diwata sa kagandahan. Lumitaw ang hubog ng kaniyang katawan na matagal na niyang itinatago. Lumuwang ang ngiti ng kaibigan ng makita siya. Napansin niya naman na nati

    Last Updated : 2022-03-19

Latest chapter

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 88 The End

    Labis na nasorpresa si Camilla nang mabungaran si Mico sa kanilang bakuran ng umagang iyon, day off niya kaya wala siyang pasok nang araw na iyon. Ilang buwan na rin nang huli niya itong makita mula nung umuwi sila sa kanilang probinsya para doon na mamalagi." Teka paano mo nalaman itong bahay namin?" Tanong niya sa lalaki." Ano bang klaseng tanong iyan, sikat ka na kaya dito sa lugar niyo kay madali ka na lang ipagtanong," nangingiting tugon ni Mico.Natawa siya at napakamot ng ulo. "Sira ka talaga, niloloko mo naman ako,eh. Siya nga pala kumusta ka na?"" Hmm..medyo nakaka move on na sayo. Anyway,napanood ko iyong interview sa'yo,ah. Grabe,sikat ka na!"Tinampal niya ito sa braso. " Paano naman ako magiging sikat hindi naman sakin ang restaurant na iyon, puro ka kalokohan."" Ganon na rin iyon kasi ikaw ang nagmamanage, kung wala ang pamamahala mo hindi magiging successful ang operation doon."" Oo na, sige na. Maiba nga tayo bakit mo ba ako naisipang dalawin?"Bigla ay sumeryoso

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 87

    DUMATING na ang pinakamahalagang araw sa buhay ni Athena,ang binuong pangarap nila ni Damon noon, ang kanilang pag-iisang dibdib. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya, masaya siya dahil makakasama niya na ang lalaking pinakamamahal ngunit kakambal naman noon ang lungkot dahil alam niyang hindi sila pareho ng nararamdaman ng lalaki. Kaya naman may bahagi ng isip niya ang tumututol at nagsasabing tama na. Sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ay hindi niya magawang ngumiti habang nakatingin sa salamin. Napakaganda niya sa suot na wedding gown na matagal niyang pinaghirapang gawan ng design, nais niyang maging perfect sa araw ng kaniyang kasal. Habang abala ang make-up artist sa pag-aayos sa kaniya ay hindi niya napigilan na isipin si Camilla, kumusta na kaya ito? Kung hindi sana nangyari ang lahat ng iyon ay nasa tabi sana niya ang kaibigan at masayang-masaya rin gaya niya. Sana ay ito ang magiging kaniyang maid of honor, nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 86

    WALANG pagsidlan ang saya na nararamdaman ni Athena nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa salamin. Suot ang ipinatahing wedding gown na sarili niya mismong design, sakto lang ang fit sa kaniya na bumagay sa magandang kurba ng kaniyang katawan.Nagpasya na siyang lumabas sa fitting roon para ipakita kay Damon na kasalukuyang nasa labas lang at nag-aabang sa kaniya. Matamis ang ngiting hinawi niya ang tabing saka lumabas." Wow! Ang ganda mo, girl! Ikaw na ang pinakamagandang bride sa balat ng lupa!" anang isang bakla na gumawa ng kaniyang wedding gown." I know, right?" nangingiti niyang tugon. " What do you think, hon?" baling niya kay Damon na nakatingin lang din sa kaniya. Blanko ang expression ng mukha nito at napatango-tango na lang." After this isukat mo na rin iyong suit mo, i'm sure babagay din 'yun sa'yo," masayang wika niya." Ay, true! Wait lang kukunin ko," anang bakla. Dali-dali itong naglakad para kunin ang suit ng lalaki." No need!" ani Damon at tumayo s

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 85

    AYAW dalawin ng antok si Camilla nang gabing iyon, ilang gabi na rin siyang walang maayos na tuloy dahil sa nangyari sa kanila. Matapos ang dalawang linggong pananatili sa bahay ni Mico ay nagpasya na rin siyang umuwi para matapang na harapin si Athena. Napagpasyahan na rin nilang mag-ina na lisan na ang mansion matapos nang nangyari dahil wala na siyang mukhang maihaharap kay Athena at sa pamilya nito matapos nang nangyari. Nailigpit na rin nila ang kanilang mga gamit para makaalis na kinabukasan. Mahal niya si Damon ngunit hindi niya pwedeng pagbigyan ang nararamdaman. Hindi rin naman kasi sila magiging masaya hanggat may tao silang nasasaktan. Mas pinili niyang pahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Athena. Hanggang sa makatulugan niya ang labis na pag-iisip habang tahimik na lumuluha. Maaga siyang nagising kinabukasan para maghanda,tahimik lang ang mama niya na noon ay inaayos ang kanilang higaan. Batid niyang labag sa kalooban nito ang kanilang pag-alis sa mansion ngunit pini

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 84

    Maraming tao sa restaurant nang araw na iyon kaya abala sila maging ang mga tauhan na hindi magkamayaw sa pag-aasikaso sa mga costumer. Puno ang loob kaya naman naisipan ni Athena na maglagay na rin sa labas tutal naman ay malawak iyon. Naramdaman niya ang presensya ni Damon sa kaniyang tabi habang nakatanaw rin sa maraming costumer. May ilan pang nagpapicture taking dito at nagpa-autograph sa lalaki. " Alam mo, hon bakit hindi tayo magtayo ng isa pang branch? Masyado nang masikip dito, halos hindi na magkasya ang mga costumer." Lumingon siya sa lalaki nang wala siyang marinig na tugon dito.Matapos nitong hubarin ang suot na apron at cap ay iniwan na siya nito,nagtungo ito sa kanilang mini office kaya sinundan niya ang lalaki. Naabutan niya itong nakasandal sa swivel chair habang hinihilot ang sentido. " Napagod ka ba? Okay, i will massage you," aniya at minasahe ang lalaki ngunit pinaksi nito ang kaniyang kamay." No need, i can do it alone," malumanay na wika ni Damon.Saglit s

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 83

    Mabilis siyang nahila ni Damon nang tangkain ni Mico na ilayo na siya sa lugar na iyon." God, i can't believe this!" napapailing na bulalas ni Athena habang umiiyak. " Ano ka ba naman Damon,bitawan mo si Camilla!" bulyaw naman ni Mico." No, you can't take her away from me!" ani Damon na halos yakapin na si Camilla.Hindi niya naman alam ang gagawin habang hawak siya ni Damon at pilit inaagaw kay Mico. Gusto niyang bumitaw kay Damon dahil napakasakit na sa kaniya na umiiyak ang kaibigan. Gusto niyang lapitan si Athena ngunit alam niyang wala namang mangyayari dahil alam niyang sobra na siya nitong kinamumuhian kaya hahayaan niya na muna ang dalawa." Please, Damon hayaan mo muna akong umalis!" aniya sa lalaki. Hilam na rin sa luha ang mga mata niya.Ngunit mariing umiling-iling si Damon, tila hindi na nito alintana ang presensya ni Athena. " You're crazy, wala kang puso! Hindi mo na inisip ang nararamdaman ni Athena!" Dinuro duro ni Mico si Damon.Maya-maya lang ay yumakap si Ath

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 82

    Panayan ang pagtulo ng luha ni Athena habang inilalagay sa maleta ang lahat ng kaniyang mga damit, ngayon kasi ang araw ng muli niyang pagbalik sa America kaya naman sobrang nalulungkot siya lalo't hindi pa sila nagkakaayos ni Damon. Pinahid niya ang luha sa mga mata at pilit na pinasigla ang sarili, alam niyang magiging okay rin sila ng lalaki. Siguro naman ay sapat ang ibibigay niyang panahon dito para makapag-isip ito at itigil na ang kalokohan sa mga babae. Lumabas na siya ng kwarto habang panay ang punas sa kaniyang mata. Nasalubong pa niya ang mama ni Camilla sa sala at nagulat pa sa dala niyang maleta." Saan ka pupunta, iha?"" I'm going back to states, mga ten am po ang flight ko." " Ganoon ba? Ang bilis mo naman yatang umalis akala ko pa naman magtatagal ka pa dito," kunot-noong tugon ng matanda." Marami pa po kasi akong kailangang asikasuhin lalo't kauumpisa pa lang ng negosyo ko."" Ah, ihahatid ka ba naman ni Camilla?" " Hindi na po kailangan,ayoko na po siyang istorbo

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 81

    Matapos ang gabing iyon mula nang maglasing si Athena dahil sa problema nito sa relasyon kay Damon ay hindi na siya pinatulog ng kaniyang konsensya. Halos hindi niya na maramdaman ang saya dulot ng tamis ng pag-ibig, naisip niya na ring kausapin si Damon para itigil na ang relasyon nila ngunit sa tuwing tatangkain niyang gawin iyon ay inuunahan siya ng karuwagan. Mahal niya si Damon at hindi niya kayang mawala ito. Nagulat na lang siya isang umaga nang kausapin siya ni Athena para ipaalam sa kaniya na babalik na ito sa America." S-sigurado ka? Biglaan naman yata?" maang na tanong niya. Inaasahan niya kasi pa magtatagal pa ito sa Pilipinas." Marami pa kasi akong dapat asikasuhin sa negosyo ko, kailangan na nila ako doon." Napatango-tango lang siya bilang tugon sa kaibigan, halos madurog ang puso niya sa nakikitang pagdurusa nito. " P-Paano kayo ni Damon?" tanong niya saka umiwas ng tingin." Hahayaan ko muna siya ngayon, i think he needs space para makapag-isip-isip. Sa huli

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 80

    Magulo pa rin ang isip ni Athena habang lulan ng kaniyang kotse matapos nitong makipagkita kay Camilla. Ang maganda sanang moment nila mag besty ay sinira lang ni Terry, napilitan tuloy siyang aminin dito ang totoo dahil sa hindi magagandang salita na binitawan nito tungkol kay Camilla. Ilang araw araw na lang din kasi ang ilalagi niya sa Pilipinas dahil kinailangan niya nang bumalik sa America para asikasuhin ang kaniyang negosyo. Bigo man siya sa ngayon na isama si Damon pabalik ay nangako naman siya sa sarili na kahit malayo ay aayusin niya ang kanilang relasyon. Katulad lang din ito ng dati nilang sitwasyon ng nobyo, hindi niya naman masisisi si Damon marahil ay nangulila lang ito sa presensya niya kaya nalibang sa ibang babae. Alam niyang sa huli ay sa kaniya pa rin ito babalik. Ngunit bago siya umalis ay gusto niya munang makausap ng masinsinan ang nobyo. Mabigat pa rin kasi ang loob niya dahil sa nangyari lalo't hindi niya alam kung sino ang babaeng kinalolokohan nito. Alam ni

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status