HINDI malaman ni Camilla kung umaarte lang ba si Damon sa mga tinuturan nito. Seryoso ang lalaki habang nagsasalita. Nakilala niya kasi ito bilang alaskador at hambog kaya naman naninibago siya sa ikinikilos nito.
" I don't want to ruin her life for me."
Muli ay narinig niya'ng sambit pa nito. Totoo nga kaya ang sinabi nito na nagbago na siya?
" Sa totoo lang matagal naman na kami ng kaibigan mo. Since highschool pa lang naging kami na, this time,i think it's over."
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot sa tinuran nito. Mukang balak na nga nitong hiwalayan si Athena,paano na ang kaibigan? Tiyak na masasaktan ito ng sobra.
" But don't get me wrong,Camilla. I love your bestfriend so much, but i have to accept na hindi kami ang itinakda," malungkot at seryoso pa ring turan nito.
Napatango-tango naman siya bilang pag sang-ayon dito. Mukhang ibang Damon na yata ang kaharap niya ngayon. Sabagay,sa sinapit ng pamilya nito,kailangan na nitong magseryoso sa buhay dahil ito na lang ang inaasahan ng pamilya
" Isa pa, life is short, enjoy it. Hindi natin kailangan magpatali sa iisang tao lang, tikim din naman ng ibang putahe," nangingiti na nitong wika.
Napamulagat naman siya dahil doon,bigla ay nagpanting ang tenga niya.
" Nakakasawa naman kasi pag isa lang,eh. Si Athena ang tipo ng ulam na masarap balik-balikan,parang adobo. Pero syempre, may time nakakasawa rin."
Halos manginig ang kalamnan niya sa sinabi nito,puro talaga ito kalokohan. Patuloy lang ito sa pagsasalita,habang naniningkit ang mata niya sa inis. Kinumpara pa ang kaibigan sa ulam na adobo.
" Tingin mo Camilla? Tama ako 'di ba?"
Tanong pa nito sa kaniya at nilingon siya na nakangisi ngunit kamao niya ang sumalubong dito. Sapul ito sa mata kaya naghuhumiyaw ito sa sakit.
" Aray ko! Bakit mo ako sinuntok sa mata?!" Hiyaw nito dahilan para pagtinginan sila ng mga taong naroon. Sapo nito ang sariling mata.
" Nagbago pala,ha? Puro ka talaga kalokohan!" sambit niya habang pinapagpag ang mga kamay.
Dinukot nya ang cellphone sa bag at tinawagan si Athena.
" Nagbibiro lang naman ako,eh! Masyado ka kasing seryoso,"pangangatwiran pa nito.
Hindi niya 'to pinansin at inirapan lang ang lalaki.
" Hello,Besty! Hindi na ko tatagal na kasama 'tong boyfriend mo,ah,pupunta na ako diyan!" May himig na inis na wika sa kaibigan.
Pagkapatay ng cellphone ay agad na niya'ng iniwan si Damon na sumunod naman sa kaniya.
" Hey,wait! 'Yun na ba 'yung date natin,hindi man lang ba tayo kakain?"
Nang makarating sila sa resthouse ay nagulat naman si Athena sa itsura ng boyfriend. Pinigilan naman ni Camilla ang matawa dahil sa bilog na black-eye ni Damon sa mata. Ngayon niya lang ito napagmasdan dahil sa labis na inis kanina.
" Hon,bakit ganiyan itsura mo? Sino may gawa niyan?" gulat na tanong ni Athena.
" Who do you think?"sagot ni Damon.
Napabuntung-hininga naman si Athena na tila alam na kung sino ang gumawa 'nun sa nobyo.
" Besty?" tawag nito kay Camilla.
Pasipol-sipol naman si Camilla na parang walang narinig.
" Hayy! Ano na naman ba pinag-awayan niyo?Puwede ba 'wag na muna kayong dumagdag sa mga problema ko?!" inis na reklamo ni Athena.
Hindi naman nakaimik ang dalawa na parang mga maaamong tupa.
" Ang dami ko na ngang iniisip,dumadagdag pa 'yang pag-aaway niyo!" naiiyak pa nitong wika.
Hinila naman siya ni Damon at niyakap.
" Hon, hindi mo naman dapat problemahin lahat,eh. Pumayag na tayo sa gusto ng parents mo."
Kumalas si Athena sa pagkakayakap,hindi makapaniwala sa sinabi ng nobyo. Tahimik lang siya'ng nakamasid sa pag-uusap ng dalawa.
" What are you saying? You let me to marry with other man? No way!"
" Kaya ayoko ng lovelife,eh. Masyadong komplikado," aniya sa sarili.
" Hon,it's over. Siguro naman pag nag break tayo hindi ka na nila ipapakasal sa iba. We have to accept the fact that we're not meant to each other," paliwanag ng lalaki.
" Bakit ba parang gustong-gusto mo na maghiwalay tayo? May iba na ba?" pang-uusisa ni Athena na nangingilid ang luha.
" This is not about other woman,it's about our family. Ayokong suwayin mo sila ng dahil lang sa akin,isa pa ayoko pang mandamay ng ibang tao para lang sa problema natin."
" Asus,gusto mo lang tumikim ng ibang putahe,eh," singit niya sa dalawa.
Napatingin naman sa kaniya ang dalawa na parehong naka kunot ang noo. Nagkunwari pa siyang may kinakalikot sa hawak na cellphone.
" So,sumusuko ka na? Igi-give-up na lang natin,ganon?" galit na tanong ni Athena.
" Do we have a choice?"
" Yes we have! Kaya nga magpe-pretend kayo ni Camilla 'di ba?"
" Shit! Until when? Sa tingin mo ba mapapaniwala natin sila habang-buhay? May hangganan din ang lahat at malalaman din nila,lalo lang magiging malala ang sitwasyon natin,so please stop this nonsense!" galit na ring wika ni Damon.
Tuluyan ng napaiyak si Athena na tila nawalan na ito ng pag-asa para makumbinsi ang nobyo.
" I'm really sorry pero wala talaga akong ibang maisip na paraan," malungkot na wika ng binata. Bagsak ang balikat nitong pinagmamasdan lang si Athena na umiiyak.
" Let's just wait the right time for us, pag kaya na natin ipaglaban ang isa't-isa,then saka na lang natin ituloy. For now let's just end this relationship for our peace of mind."
" Weh? Peace of mind? Baka naman chance to mingle in other girls," sarkastikong hirit na naman niya.
Muli ay napatingin sa kaniya ang dalawa.
" Bakit parang biglang uminit? Makalabas nga muna para makapagpahangin," kunwa ay wika niya.
Iniwanan niya na lang ang dalawa,bakit pa ba siya makikigulo problema na nila 'yun. Pakiramdam niya ng mga oras na 'yun ay malaya na siya sa isang malaking responsibilidad. Ngunit kahit nasa labas na siya ay dinig niya pa rin ang pagtatalo ng dalawa. Ngunit maya-maya ay lumabas na rin si Athena,mabilis ang naging paghakbang nito papalayo sa kanila. Nakita pa niya'ng humabol si Damon dito.
" Hon, where are you going?" tanong ng lalaki habang humahabol.
" Huwag mo kong sundan,stay away from me!"
Narinig pa niya'ng sigaw ng kaibigan.Sinundan niya na lang ng tingin ang dalawa habang papalayo. Napailing-iling na lang siya. Tingin niya kasi ay hindi nito matanggap ang pakikipaghiwalay ng binata. Magkahalong inis at awa ang nararamdaman niya para rito.
" Hayy,Besty para ka namang mauubusan ng lalaki,move-on,oy!"
Ilang oras pa ang lumipas ay hindi pa rin nakakabalik ang dalawa. Papadilim na ay wala pa rin ang mga ito. Nakaramdam na rin siya ng gutom, hindi pa nga pala siya kumakain ng tanghalian. Ang plano kasi nila ni Athena ay kakain sila ng binata sa restaurant bilang bahagi ng pagpapanggap nila. Ngunit dahil sa nangyari sa kanila kanina ay hindi na ito naituloy. Mabuti na lang kahit papaano ay may natira pang stock na pagkain sa resthouse. Malayo na rin kasi ito sa lugar kung saan may tindahan. Sa 'di kalayuan naman ay naroon ang beach kung saan madalas silang maligo ni Athena nung mga bata pa sila.
Habang kumakain siya ng cup noodles at biscuit ay hindi niya maiwasang maisip ang dalawa,asan na kaya ang mga ito? Maya-maya ay nakarinig na siya ng kaluskos sa labas at alam niyang ang dalawa na iyon. Nagulat pa siya ng makita ang dalawa na basang basa. Naligo sila sa dagat?
" God's sake, Athena! How could you? Magpapakamatay ka ba?" bulalas ni Damon.
Natutop niya ang bibig nang marinig ang sinabi ni Damon. Muntik pa niya'ng mabitawan ang hawak na cup noodles dahil sa pagkabigla.
Nanatiling walang imik si Athena at tila natutulala. Nilamukos naman ni Damon ang sariling mukha tanda ng pagkainis. Bakas dito ang labis na pagkagulat dahil sa ginawa ng nobya.Matagal muna itong nakatitig sa dalaga bago nagsalita.
" Okay, sige panalo ka na. Pumapayag na ako sa gusto mo," mahina at matamlay na saad ni Damon.
Unti-unting napatingin dito ang nobya. Umaliwalas ang mukha nito.
" Ta-talaga? You mean,you're not breaking up with me at papayag ka na magpanggap kayo ni Camilla?" paniniguro ng dalaga.
Marahang tumango ang binata at hinawakan ang kamay ng nobya. Kung tama siya ng pagkakaintindi ay nagtangkang magpakamatay ng kaibigan ng makipaghiwalay ang nobyo. At sa tingin niya ay sinubukan nitong lunurin ang sarili,mabuti at agad nitong nasundan ng binata at nailigtas. Gusto niya'ng lapitan ang kaibigan at kurutin sa singit dahil sa ginawa nito. Wala siya'ng kamalay-malay na habang nagpapakabusog siya ay tinatapos na pala ng kaibigan ang sarili nitong buhay.
Hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa ng kaibigan.Malayong-malayo kasi sa personalidad nito.Masayahing tao si Athena,mula pa pagkabata. Ito ang nagturo sa kaniya kung paano maging matatag sa buhay. Ito rin ang nagpapaalala sa kaniya dati na masarap at masaya ang mabuhay nung mga panahong nawawalan siya ng pag-asa dahil sa sakit niya. Hindi niya akalaing pag-ibig lang pala ang sisira rito. Doon niya napatunayan kung gaano nito kamahal si Damon.
Habang nasa biyahe sila pauwi lulan ng kotse ng binata ay hindi siya umiimik,habang si Athena naman ay bumalik ang sigla nito. Sa lahat ng girlfriend ito pa ang excited ipaglapit ang dalawa para magpanggap,gumagawa pa ito ng plano para sa date nila.
" Ay, lukaret na babae 'to. Ito na kaya ang side effect ng pagiging operada niya?"
Kapansin-pansin na rin ang makikitang pag sang-ayon ni Damon,marahil ay na-trauma ito sa suicide attempt ng nobya. Lihim siyang natuwa dahil alam niya'ng mahal talaga nito si Athena.
" Sa inyo lang talaga ako may tiwala kasi alam kong hindi kayo maiinlove sa isa't-isa," humahagikhik na wika pa ni Athena.
" Hon, 'wag kang pakakasiguro,hindi natin alam baka may tinatagong rupok pala 'yang kaibigan mo," pagbibirong turan ni Damon.
Mula sa backseat ay agad 'tong binatukan ni Camilla.
" Si*raulo!" inis niya'ng tinuran.
Napahawak naman si Damon sa ulo at humalakhak.
" Magdrive ka na nga lang diyan,baka mabangga pa tayo sa kalokohan mo,eh!" masungit na sambit niya.
Napansin pa niya ang paghilig ni Athena sa mga balikat ng nobyo. Napangiti na lang din siya dahil masaya na ang kaibigan. Akala niya ay kilala niya na ito ng buong-buo,ngunit hindi pala. Ano'ng meron kay Damon na espesyal at handa nitong tapusin ang sariling buhay alang-alang sa lalaki? Bukod sa mayabang at playboy. Aaminin niya gwapo ito,matangkad,moreno at may matikas na pangangatawan. Makakapal ang kilay nito at may nangungusap na mga mata. Long hairstyle ito na laging nakapony-tail na dumagdag sa pagiging hot nito,para sa iba ngunit hindi sa kaniya.
" Okay, we're here!" bulalas ni Damon ng ihinto ang kotse sa harap ng gate ng mansion nina Athena.
Naputol ang pag iisip niya dahil doon. Hndi na bumaba ng kotse si Damon dahil na rin sa pag iingat. Mabuti at tinted ang salamin ng kotse nito kaya hindi nakikita ang taong nasa loob. Nauna na rin siya'ng pumasok sa loob bago sumunod na rin si Athena sa kaniya.
" Besty!" narinig pa niyang tawag nito sa kaniya.
Nilingon niya ito at huminto sa paglalakad.
" Napapansin ko,ah,kanina ka pa walang imik?"
" Malamang,shock pa rin ako dahil sa ginawa mo," sarkastiko niyang sagot dito.
" Don't tell to anyone,secret lang natin 'yun," kiming sagot nito. " Kahit ako hindi makapaniwalang nagawa ko 'yun,basta ang alam ko lang,i can't imagine my life without him!"
" Loka-loka ka talaga! Huwag mo na uulitin 'yun,ah? Huwag ka masyadong magpakabaliw sa kaniya,lalaki lang 'yun!" inis niyang turan dito.
"Well. It depends on the situation," pagbibiro nitong sabi.
Napaawang ang bibig niya sa tinuran nito, nagawa pa kasi nitong magbiro,mukhang nababaliw na yata ang kaibigan na tila ginagawa na lang biro ang sariling buhay. Naiwan siya'ng sunod ito ng tingin habang papalayo. Natatawa na lang siya ng pagak dahil sa pagkadismaya.
HINDI naging madali para kay Camilla ang plano ng kaibigan na magpanggap sila ni Damon bilang magkasintahan. Paano niya pa haharapin ang lalaki? Baka palagi na lang silang mag-away nito tuwing magkikita lalo pa't nadagdagan pa ang matinding inis niya rito dahil sa pagtatangkang pagpapakamatay ni Athena. Sobrang dismayado talaga siya sa kaibigan.Ngunit hindi siya papayag na maapektuhan ang kaniyang pag-aaral dahil sa pag iisip sa problemang kinakaharap. Pangarap niyang makapagtapos sa pag-aaral at makapagtrabaho abroad." Oh,anak bakit naman ganyan ang mukha mo hindi ka ba excited na after one year, eh, makakabalik ka na ulit sa pag-aaral?" usisa ng kaniyang Ina habang nasa harapan siya ng salamin at inaayos ang sarili." Excited po," matipid niyang tugon Ina.&n
" I REALLY like you ever since, Camilla."Kamuntikan pa siyang mabilaukan sa sinabing iyon ng binata. Sinuri niya ito ng maigi kung seryoso ba ito o ginu-goodtime lang siya. Nabanaag niya sa itsura nito ang pagiging sinsero sa mga sinasabi. Oo,alam niyang mga bata pa lang sila ay nagpaparamdam na sa kaniya ito at kinukulit siya, hindi niya akalaing hanggang sa paglaki nila ay tototohanin pala nito ang mga sinabi. Muli niya itong pinukpok sa bumbunan dahil wala siyang alam na puwedeng isagot dito." Aray! Bakit na naman?" Muling daing nito hawak ang bahaging nasaktan." Puro ka kalokohan,eh! Ngayon pa nga lang ulit tayo nagkita pambobola na agad ang nasa isip mo!"Ramdam niya ang pamumula ng kaniyang pisngi. 
ABALA si Camilla sa harap ng kaniyang laptop,kailangan niyang matapos ang research para sa kanilang report. Ito kasi ang kauna-unahan nilang activity sa huling taon ng kolehiyo. Ganado siya ng mga oras na iyon ng biglang bumukas ang pinto ng kaniyang kwarto at iniluwa 'nun si Athena." Hi, Besty,how's your day?" bungad na bati nito sa kaniya." Eto, okay lang medyo busy," sagot niya habang nakatutok pa rin ang mga mata sa laptop." Maya na iyan,tara meryenda na muna tayo."" Busog pa ko,eh,ikaw na lang kailangan ko 'tong tapusin para may mai-present ako sa mga ka group ko bukas."" Later na lang iyan,maaga pa naman. Nagpagawa ako ng sandwich kay yaya saka need din natin pa
" DO'NT mess with me, dude! Masyado ka pang totoy to compete with me. Look at you,matangkad ka lang pero totoy ka pa rin,hindi mo kayang ipaglaban si Camilla."Nalukot ang mukha ni Camilla gusto niya na 'tong hambalusin ng tubo." You're wrong,i'm matured enough to protect her. Mahal ko si Camilla at gagawin ko ang lahat para sa kaniya. At ikaw? Obvious naman na playboy ka and i dont want her to be one of your toy,paiiyakin mo lang siya!"Ibig niyang matawa sa sinabing iyon ni Mico alam na alam talaga nito na playboy ang kaharap." Ah, ah,ah? Mali ka," hirit pa rin ni Damon habang kinukumpas ang mga daliri. " Huwag mong maliitin ang damdamin ng isang playboy,pag nagmahal kami seryoso,tagos sa puso!" dagdag pa nito habang t
" SHIT! Why i feel so nervous?!"Ibig matawa ni Camilla sa sinabing iyon ni Rochelle. Namumula ang pisngi nito sa kaba. Kasalukuyan silang nasa canteen at hinihintay ang binata." Relax ka nga lang , hindi naman celebrity ang imi-meet natin, 'no? Si Mico lang 'yun!"Sa totoo lang ay pati siya ay nahahawa na rin sa kaba nito at hindi niya malaman kung bakit. Hindi niya alam ang mararamdaman kung sakaling mabaling dito ang pagtingin ng binata. Doon niya mapapatunayan na pare-pareho lang talaga ang mga lalaki, mga playboy. Kakagat kaagad pag may magagandang ibig lumandi sa kanila. Pasimple niyang sinipat ang itsura ng katabi. Maganda talaga ito at mabango pa. Pakiramdam niya ay nagmumukha siyang pulubi pag magkatabi sila. Bahagya siyang nakaramdam ng insecurities at muling inisip ang its
" Okay, we're here!"Excited siyang bumaba sa kotse at kinatok ang salamin kung saan nakapewesto si Camilla na tila hindi yata siya narinig. Nagulat pa ang dalaga ng gawin niya 'yun na kasalukuyan yatang naglalakbay pa ang isip. Sabik na kasi siyang ipatikim dito ang kaniyang recipe para naman kahit paano ay maiba ang tingin nito sa kaniya. Mula sa pagiging playboy ay magtransform bilang isang talented na cook.Nagtatakang iginala ni Camilla ang paningin sa paligid." Asan na tayo?"tanong nito na may bahid na inis sa boses." Nasa bahay ko!" nakangisi niyang tugon." Bahay mo? E, anong ginagawa natin dito sa bahay mo?!"nanlalaki ang mga matang bulalas nito.
NANG makarating sila sa resthouse ay agad nilang naamoy ang mabangong putahe na alam nilang nanggagaling sa kusina." Shit! That smell i'm craving for!" bulalas ni Athena na sumisinghot pa.Maski siya ay biglang nagutom ng maamoy iyon. Agad nilang tinungo ang kusina na kung saan ay abala si Damon sa pagluluto. Nakasuot ito ng apron na bumagay sa kakisigan ng binata. Ngunit hindi iyon ang nakapukaw sa kaniyang atensyon kundi iyong niluluto ng binata." Wow, Hon, thank's sakto gutom na ako.""Bakit ngayon ko lang nalaman na magaling pala siyang magluto? Malayo sa personality niya,ah!"aniya sa sarili."Okay, i'm done let's eat! Sakto lang a
HINDI mapawi ang ngiti ni Camilla habang nakaharap sa salamin. Nakalugay ang mahaba at kulot niyang buhok habang nagsusuklay. Bahagya pa siyang nairita nang sumasabit ang ilang hibla ng buhok dito. Hindi na niya maalala kung kelan siya huling nagsuklay ng maayos, nasanay kasi siyang matapos maligo, konting suklay ay agad niya na itong pinupusod. Bigla ay nakaramdam siya ng pagkainggit sa magandang buhok ng matalik na kaibigan. Animo isang modelo ng shampoo, itim na itim at tuwid na tila palaging ginagamitan ng hair iron. Napasimangot pa siya ng mapansing nagiging buhaghag na ang sariling buhok." Ay, butiking kalbo!" bulalas niya ng walang ano-ano ay biglang pumasok si Athena.Katabi lang kasi ng pintuan nila ang vanity mirror kung saan siya nakapwesto.&
Labis na nasorpresa si Camilla nang mabungaran si Mico sa kanilang bakuran ng umagang iyon, day off niya kaya wala siyang pasok nang araw na iyon. Ilang buwan na rin nang huli niya itong makita mula nung umuwi sila sa kanilang probinsya para doon na mamalagi." Teka paano mo nalaman itong bahay namin?" Tanong niya sa lalaki." Ano bang klaseng tanong iyan, sikat ka na kaya dito sa lugar niyo kay madali ka na lang ipagtanong," nangingiting tugon ni Mico.Natawa siya at napakamot ng ulo. "Sira ka talaga, niloloko mo naman ako,eh. Siya nga pala kumusta ka na?"" Hmm..medyo nakaka move on na sayo. Anyway,napanood ko iyong interview sa'yo,ah. Grabe,sikat ka na!"Tinampal niya ito sa braso. " Paano naman ako magiging sikat hindi naman sakin ang restaurant na iyon, puro ka kalokohan."" Ganon na rin iyon kasi ikaw ang nagmamanage, kung wala ang pamamahala mo hindi magiging successful ang operation doon."" Oo na, sige na. Maiba nga tayo bakit mo ba ako naisipang dalawin?"Bigla ay sumeryoso
DUMATING na ang pinakamahalagang araw sa buhay ni Athena,ang binuong pangarap nila ni Damon noon, ang kanilang pag-iisang dibdib. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya, masaya siya dahil makakasama niya na ang lalaking pinakamamahal ngunit kakambal naman noon ang lungkot dahil alam niyang hindi sila pareho ng nararamdaman ng lalaki. Kaya naman may bahagi ng isip niya ang tumututol at nagsasabing tama na. Sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ay hindi niya magawang ngumiti habang nakatingin sa salamin. Napakaganda niya sa suot na wedding gown na matagal niyang pinaghirapang gawan ng design, nais niyang maging perfect sa araw ng kaniyang kasal. Habang abala ang make-up artist sa pag-aayos sa kaniya ay hindi niya napigilan na isipin si Camilla, kumusta na kaya ito? Kung hindi sana nangyari ang lahat ng iyon ay nasa tabi sana niya ang kaibigan at masayang-masaya rin gaya niya. Sana ay ito ang magiging kaniyang maid of honor, nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan
WALANG pagsidlan ang saya na nararamdaman ni Athena nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa salamin. Suot ang ipinatahing wedding gown na sarili niya mismong design, sakto lang ang fit sa kaniya na bumagay sa magandang kurba ng kaniyang katawan.Nagpasya na siyang lumabas sa fitting roon para ipakita kay Damon na kasalukuyang nasa labas lang at nag-aabang sa kaniya. Matamis ang ngiting hinawi niya ang tabing saka lumabas." Wow! Ang ganda mo, girl! Ikaw na ang pinakamagandang bride sa balat ng lupa!" anang isang bakla na gumawa ng kaniyang wedding gown." I know, right?" nangingiti niyang tugon. " What do you think, hon?" baling niya kay Damon na nakatingin lang din sa kaniya. Blanko ang expression ng mukha nito at napatango-tango na lang." After this isukat mo na rin iyong suit mo, i'm sure babagay din 'yun sa'yo," masayang wika niya." Ay, true! Wait lang kukunin ko," anang bakla. Dali-dali itong naglakad para kunin ang suit ng lalaki." No need!" ani Damon at tumayo s
AYAW dalawin ng antok si Camilla nang gabing iyon, ilang gabi na rin siyang walang maayos na tuloy dahil sa nangyari sa kanila. Matapos ang dalawang linggong pananatili sa bahay ni Mico ay nagpasya na rin siyang umuwi para matapang na harapin si Athena. Napagpasyahan na rin nilang mag-ina na lisan na ang mansion matapos nang nangyari dahil wala na siyang mukhang maihaharap kay Athena at sa pamilya nito matapos nang nangyari. Nailigpit na rin nila ang kanilang mga gamit para makaalis na kinabukasan. Mahal niya si Damon ngunit hindi niya pwedeng pagbigyan ang nararamdaman. Hindi rin naman kasi sila magiging masaya hanggat may tao silang nasasaktan. Mas pinili niyang pahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Athena. Hanggang sa makatulugan niya ang labis na pag-iisip habang tahimik na lumuluha. Maaga siyang nagising kinabukasan para maghanda,tahimik lang ang mama niya na noon ay inaayos ang kanilang higaan. Batid niyang labag sa kalooban nito ang kanilang pag-alis sa mansion ngunit pini
Maraming tao sa restaurant nang araw na iyon kaya abala sila maging ang mga tauhan na hindi magkamayaw sa pag-aasikaso sa mga costumer. Puno ang loob kaya naman naisipan ni Athena na maglagay na rin sa labas tutal naman ay malawak iyon. Naramdaman niya ang presensya ni Damon sa kaniyang tabi habang nakatanaw rin sa maraming costumer. May ilan pang nagpapicture taking dito at nagpa-autograph sa lalaki. " Alam mo, hon bakit hindi tayo magtayo ng isa pang branch? Masyado nang masikip dito, halos hindi na magkasya ang mga costumer." Lumingon siya sa lalaki nang wala siyang marinig na tugon dito.Matapos nitong hubarin ang suot na apron at cap ay iniwan na siya nito,nagtungo ito sa kanilang mini office kaya sinundan niya ang lalaki. Naabutan niya itong nakasandal sa swivel chair habang hinihilot ang sentido. " Napagod ka ba? Okay, i will massage you," aniya at minasahe ang lalaki ngunit pinaksi nito ang kaniyang kamay." No need, i can do it alone," malumanay na wika ni Damon.Saglit s
Mabilis siyang nahila ni Damon nang tangkain ni Mico na ilayo na siya sa lugar na iyon." God, i can't believe this!" napapailing na bulalas ni Athena habang umiiyak. " Ano ka ba naman Damon,bitawan mo si Camilla!" bulyaw naman ni Mico." No, you can't take her away from me!" ani Damon na halos yakapin na si Camilla.Hindi niya naman alam ang gagawin habang hawak siya ni Damon at pilit inaagaw kay Mico. Gusto niyang bumitaw kay Damon dahil napakasakit na sa kaniya na umiiyak ang kaibigan. Gusto niyang lapitan si Athena ngunit alam niyang wala namang mangyayari dahil alam niyang sobra na siya nitong kinamumuhian kaya hahayaan niya na muna ang dalawa." Please, Damon hayaan mo muna akong umalis!" aniya sa lalaki. Hilam na rin sa luha ang mga mata niya.Ngunit mariing umiling-iling si Damon, tila hindi na nito alintana ang presensya ni Athena. " You're crazy, wala kang puso! Hindi mo na inisip ang nararamdaman ni Athena!" Dinuro duro ni Mico si Damon.Maya-maya lang ay yumakap si Ath
Panayan ang pagtulo ng luha ni Athena habang inilalagay sa maleta ang lahat ng kaniyang mga damit, ngayon kasi ang araw ng muli niyang pagbalik sa America kaya naman sobrang nalulungkot siya lalo't hindi pa sila nagkakaayos ni Damon. Pinahid niya ang luha sa mga mata at pilit na pinasigla ang sarili, alam niyang magiging okay rin sila ng lalaki. Siguro naman ay sapat ang ibibigay niyang panahon dito para makapag-isip ito at itigil na ang kalokohan sa mga babae. Lumabas na siya ng kwarto habang panay ang punas sa kaniyang mata. Nasalubong pa niya ang mama ni Camilla sa sala at nagulat pa sa dala niyang maleta." Saan ka pupunta, iha?"" I'm going back to states, mga ten am po ang flight ko." " Ganoon ba? Ang bilis mo naman yatang umalis akala ko pa naman magtatagal ka pa dito," kunot-noong tugon ng matanda." Marami pa po kasi akong kailangang asikasuhin lalo't kauumpisa pa lang ng negosyo ko."" Ah, ihahatid ka ba naman ni Camilla?" " Hindi na po kailangan,ayoko na po siyang istorbo
Matapos ang gabing iyon mula nang maglasing si Athena dahil sa problema nito sa relasyon kay Damon ay hindi na siya pinatulog ng kaniyang konsensya. Halos hindi niya na maramdaman ang saya dulot ng tamis ng pag-ibig, naisip niya na ring kausapin si Damon para itigil na ang relasyon nila ngunit sa tuwing tatangkain niyang gawin iyon ay inuunahan siya ng karuwagan. Mahal niya si Damon at hindi niya kayang mawala ito. Nagulat na lang siya isang umaga nang kausapin siya ni Athena para ipaalam sa kaniya na babalik na ito sa America." S-sigurado ka? Biglaan naman yata?" maang na tanong niya. Inaasahan niya kasi pa magtatagal pa ito sa Pilipinas." Marami pa kasi akong dapat asikasuhin sa negosyo ko, kailangan na nila ako doon." Napatango-tango lang siya bilang tugon sa kaibigan, halos madurog ang puso niya sa nakikitang pagdurusa nito. " P-Paano kayo ni Damon?" tanong niya saka umiwas ng tingin." Hahayaan ko muna siya ngayon, i think he needs space para makapag-isip-isip. Sa huli
Magulo pa rin ang isip ni Athena habang lulan ng kaniyang kotse matapos nitong makipagkita kay Camilla. Ang maganda sanang moment nila mag besty ay sinira lang ni Terry, napilitan tuloy siyang aminin dito ang totoo dahil sa hindi magagandang salita na binitawan nito tungkol kay Camilla. Ilang araw araw na lang din kasi ang ilalagi niya sa Pilipinas dahil kinailangan niya nang bumalik sa America para asikasuhin ang kaniyang negosyo. Bigo man siya sa ngayon na isama si Damon pabalik ay nangako naman siya sa sarili na kahit malayo ay aayusin niya ang kanilang relasyon. Katulad lang din ito ng dati nilang sitwasyon ng nobyo, hindi niya naman masisisi si Damon marahil ay nangulila lang ito sa presensya niya kaya nalibang sa ibang babae. Alam niyang sa huli ay sa kaniya pa rin ito babalik. Ngunit bago siya umalis ay gusto niya munang makausap ng masinsinan ang nobyo. Mabigat pa rin kasi ang loob niya dahil sa nangyari lalo't hindi niya alam kung sino ang babaeng kinalolokohan nito. Alam ni