TIRIK na ang araw nang magmulat ng mata si Camilla, nakabalot siya ng kumot habang nakahiga sa sofa. Pinilit niyang bumangon kahit ayaw pa ng katawan niya dahil nakakaramdam pa siya ng labis na antok ngunit kailangan niyang gawin dahil may pasok pa siya. Naalala niya madaling araw na pala siya nakatulog dahil sa kalasingan. Pilit niyang inalala ang nangyari, nangiti at naiiling na lang siya nang maalala ang ginawa niya kay Damon. Oo, naalala niya ang ginawa niyang paghalik dito ngunit tinanggihan lang siya ng lalaki. Ang totoo ay sinadya niya talaga iyon, at dahil nakainom siya ay malakas ang loob niya na gawin iyon, gusto niya kasing malaman ang nararamdamam nito para sa kaniya kung pareho ba ng nararamdaman niya para sa lalaki. Maging ang mga sinabi niya dito ay tanda pa niya. Bakit ba niya iniisip na nagseselos ito kay Zeke? " Baliw ka, Camilla. Paano mo pa siya haharapin ngayon? Nakakahiya ka!" Muli siyang napahiga at nalamukos ang mukha, hindi niya alam kung saan siya humugot
Dahil sa pagnanais na mapansin ng lalaki ay tinotoo ni Camilla ang planong muling pagpapaganda. Matapos magpaalam kay Damon na aalis sandali ay dumirecho na siya sa salon kung saan dati nilang pinuntahan ni Athena. Kailangan niyang maghanda dahil sa plano nilang out-of-town ng lalaki, gusto niyang maging maganda." Oy, girl long time no see!" Magiliw na bati sa kaniya ng isang staff na isa sa mga nag-ayos sa kaniya. " Anong atin? Massage, manicure, pedicure or what?" " Gusto kong magkaroon ng new look," nakangiti niyang tugon." Ay, go ako diyan, 'lika na akong bahala sa'yo!" Pumwesto na siya sa costumer's area at sinimulang ayusan." At dahil wala si mamu ako muna ang in-charge sa'yo, okay?" Napatango na lang siya sa tinuran ng beki. Kinilatis muna ang mukha niya bago siya sinimulang i-make-over. Matapos i-rebond ang kaniyang buhok ay ginupitan ito ng hanggang balikat at nilagyan ng style. Ilang oras din ang lumipas bago sila natapos." Oh, ayan bongga! Ang ganda ganda mo!" bu
Namangha si Camilla nang masilayan ang ganda ng El Nido Island, ito ang unang pagkakataong makapunta siya sa naturang isla at makakita ng white sand. Hindi niya na napigil pa ang magtampisaw sa beach at damhin ang lamig niyon, napakalinaw ng tubig na animo isang salamin. Tanaw niya rin ang naglalakihang limestone cliff sa paligid." So, maiwan na muna namin kayo dito, ah? Kailangan naming mag check-in sa hotels para ilagay ang mga gamit natin," ani Damon sa kanila." Sasama na ko sa'yo, medyo napagod ako kaya i need to rest." ani Zeke at sinimulang buhatin ang mga gamit." Are you sure? Means tutulugan mo lang ang magagandang chicks na iyan?" Turo pa ni Damon sa magagandang babae na nag su-sun bath." That's why i need to rest para mamayang gabi marami akong energy!" malokong tugon ng binata.Sinundan niya ng tingin ang dalawa habang papalayo habang napapailing." Tss! Nagbago na pala, ha?" Napatingin siya sa paligid kung saan maraming turista ang naroon, may mga foreigner at pi
Isang elegante at malawak na kwarto ang pinasukan nila ni Damon matapos ihatid si Sarah sa sarili nitong kwarto. Nilibot niya ang paningin sa kabuuan nito at natigilan siya nang mapansing nag-iisa lang ang kama, may isang TV sa tapat noon kung saan maari kang maglibang kung nais mo lang manatili sa kwarto. Sa bandang kanan naman naroon ang terrace na kung saan tanaw ang kabuuan at ganda ng dagat." Sa sofa na lang ako matutulog ikaw na sa kama," ani Damon nang mapansin ang pananahimik niya." Sigurado ka ba? Nakakahiya naman, maluwag naman iyong kama kaya pwede ka na rin doon." " Hindi na, okay na ko dito."Naupo ito sa sofa at binuksan ang TV. " Okay lang naman sa'yo na nasa iisang room tayo, 'di ba?" tanong pa nito." O-oo naman," nakangiti niyang tugon.Ang totoo ay mas gusto nga niya itong kasama sa iisang kwarto. Napansin niya na napatitig ito habang nangingiti sa kaniya." Oh, bakit?" " Ang laki na kasi nang pinagbago mo, ang bait mo na sa'kin." " Gusto mo ba tarayan ki
NAPABALIKWAS ng bangon si Damon mula sa kinahihigaan ng marinig ang katok sa pinto ng hotel na kinaroroonan nila. Dahan-dahan siyang tumayo at saglit na natigilan nang mapansing wala si Camilla sa kama." Nasaan siya?" bulong niya sa sarili.Muling nabaling ang atensyon niya sa kumakatok kaya mabilis niya na itong pinuntahan. Napasimangot siya nang mabungaran si Zeke na tila hindi maihi sa pagmamadali." What's the problem? Ang ingay mo ang aga-aga!"" Kanina pa ko katok ng katok grabe ka matulog, pare! Tara na sa baba." Muli siyang bumalik sa loob habang sapo ang ulo. Marami rin siyang nainom kagabi kasama si Zeke." Nakita mo ba si Camilla?" tanong niya sa kaibigan." Nope. Nandiyan lang 'yun baka kasama ni Sarah. Magbihis ka na, pare naghihintay na sa'tin si Eliza!" " Who's Eliza?" takang tanong niya sa kaibigan." You forgot about her? Nakasama natin siya kagabi, remember? God! I can't believe na nakalimutan mo ang ganoong kagandang babae."Lalong kumunot ang noo niya sa tinur
"Hi! Pwede ko ba kayong kuhanan ng picture? 'Di ba ikaw si Damon? Idol na idol ka kasi ng anak ko!" excited na wika ng isang ginang nang lumapit sa kanila." Ah, s-sige po!" tugon ni Damon habang pinupunasan ang bibig. Napakunot ang noo niya at sobrang nadismaya.Hindi nila inaasahan ang tagpong iyon, napansin pa ni Camilla ang ilan na kinukuhan sila ng video ni Damon habang kinikilig." Hayy! 'Eto na naman po tayo, hindi ba uso privacy dito, ha?" inis na bulong ni Camilla." Teka, misis mo ba siya?" tanong pa ng ginang kay Damon habang nakatingin kay Camilla." Ah, o-opo misis ko po siya," nangingiting sagot ng binata. Napabuntong-hininga na lang si Camilla at napilitang ngumiti. Sikat na si Damon at hindi talaga maiiwasan ang ganoong tagpo.Matapos ay pareho silang kinuhanan din ng picture." Naku! Bagay na bagay kayo ang ganda ng asawa mo. Salamat dito sa picture, ha?" anang ginang at nagpaalam na. Nakahinga naman ng maluwag si Camilla nang makaalis ang babae at tinuloy na lang a
Sa isang floating cottage naman nila naisipang pumwesto para mas ma enjoy pa ang magandang isla at syempre para makaiwas na rin sa mga fans ni Damon na para kay Camilla ay malaking abala. " Alright, guys! Let's do this!" ani Zeke habang bitbit ang mga gamit sa pagluluto at humanda na sa pag-alis.Bitbit naman ni Damon ang isang malaking styro na naglalaman ng iba't-ibang seafoods at karne na maaari nitong iluto. Tila naman walang kapaguran si Sarah na noon ay nakaswimsuit na rin at handa na muling magswimming. Panay naman ang sigaw ni Camilla dahil sobrang nai-enjoy niya talaga ang ganda ng paligid, maya't-maya siyang kumukuha ng litrato at video para sa kanilang lahat. Nilapitan niya si Damon at kinuhanan ng video habang nagluluto. " Smile naman diyan, Damon sige na!" aniya habang nakatutok sa lalaki ang camera.Ngumiti naman ang lalaki kaya lalo siyang napatili. " Ayan! Napakagwapo talaga!" Hindi niya napigilan ang mapabulalas." Hoy! Narinig ko 'yun, ah?" ani Zeke na isiningit a
Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Damon sa sinabi niya, nagtatanong ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya." O-okay lang talaga sa'kin na gawin natin iyon." Nahihiya man ngunit talagang desidido na siya. Muli niyang hinalikan ang labi nito kaya muli silang nagpalitan ng maalab na halik ngunit maya-maya lang ay dahan-dahan itong kumalas." Please, Camilla enough. M-mali 'to." anang lalaki sa kaniya. Halata sa kilos ng lalaki na pinipigilan nito ang sarili sa tuksong napakahirap paglabanan. Hindi niya alam ang sasabihin ngunit maliwanag naman sa kaniya ang ibig sabihin nito. May boyfriend siya at bestfriend pa niya ang girlfriend ni Damon." P-pero kasi-" Napahinga muna siya ng malalim. " G-gusto na kita, Damon." Yumuko siya at pinamulahan ng pisngi.Wala siyang narinig na tugon mula sa lalaki kaya muli siyang tumunghay. Malungkot lang itong nakatingin sa kaniya. Gusto niyang maiyak sa magkahalong hiya at sakit na nararamdaman." O-oo, tama ka. Mali nga ito," aniya saka tumawa