INIWAS niya ang mukha nang tangkain ng nobyo na halikan siya." Anong problema?" nagtatakang tanong ng lalaki. " Pagod ako, w-wala ako sa mood," nakayuko niyang tugon.Hindi niya maramdaman ang tuwa sa muling pagbabalik ng nobyo, dapat sana ay masaya siya dahil kasama niya na ulit ito. Marahil ay talagang pagod lang siya sa biyahe." Bakit parang hindi ka masaya na bumalik na ko?" May pagdaramdam sa tinig ng lalaki." S-syempre, masaya ako napagod lang talaga ako sa biyahe," pagsisinungaling niya.Mataman siyang tinitigan sa mga mata ng nobyo na tila binabasa ang nasa isip niya." I miss you," bulong nito at hinalikan ang kamay niya." Na m-miss din naman kita." Pinilit niyang ngumiti upang makumbinsi ito. " Bakit nga pala biglaan ang pagbalik mo?" " I already told you last time nung nagkausap tayo, 'di ba? Kailangan ko na rin kasing asikasuhin ang school ko." " Ah, ganoon ba?" napapatango niyang tugon." Bakit hindi mo sinabi sa'kin ang pag-alis niyo?"" B-biglaan kasi, eh. Hin
" Sir, Damon aalis na po kami." Dumungaw si Sarah sa nakaawang niyang pintuan." Okay, ingat," aniya." Siya nga po pala? Buong araw ko pong hindi nakita si Miss Camilla, nasaan po siya?" tanong pa ng dalaga." May pinuntahan lang siya." Hindi na umimik ang dalaga at napatango-tango na lang. Sinulyapan niya ang wristwatch at napabuntong-hininga, hindi niya namalayan ang oras. Halos buong araw lang kasi siyang nasa loob ng office at paminsan-minsan lang kung lumabas. Wala talaga siya sa mood na makihalubilo sa mga tauhan at costumer na nangungulit lang naman sa kaniya. Mabigat pa rin kasi ang loob niya nang mga sandaling iyon, buong araw niyang hindi nakasama si Camilla at pakiramdam niya ay may kulang talaga pag wala ang babae. Hindi na siya nakatitiis at nagpasya na lang siyang tawagan ito, nagbabakasakali na rin siyang baka nakauwi na ito sa kanilang bahay. " Answer it, Camilla," anas niya habang nagsisimula na namang mapikon. Nagri-ring naman ang cellphone nito ngunit hindi n
Napakandong na siya kay Damon habang sinasalubong ang maalab nitong halik. Hindi niya na rin napigilan ang sarili na maging mapusok, ni hindi sumagi sa isip niya ang dalawang taong mahalaga sa buhay niya, ang nobyong si Mico at kaibigang matalik na si Athena. Tuluyan na siyang nabulag ng pagmamahal sa lalaking dati niyang kinumumuhian. Napasinghap pa siya ng bumaba ang labi ni Damon sa kaniyang leeg,mainit ang labi nito na dumadagdag sa init ng kaniyang nararamdaman. Napapapikit siya sa kakaibang kiliti na nararamdaman. Umabot ang halik na iyon sa kaniyang balikat at alam niyang mas bababa pa iyon dahil tingin niya ay wala na rin sa sarili ang lalaki dahil sa matinding sensasyon na nararamdaman nila sa isa't-isa. Bahagya siyang natigilan nang may maalala. Buong araw nga pala silang nasa biyahe ni Mico at malamang ay amoy pawis na siya." T-teka lang, Damon," awat niya sa lalaki na noon ay pinanggigilan ang leeg niya. Bahagyang tumigil ang lalaki at nagtatanong ang mga matang napatiti
Kabado si Camilla habang lulan sila ng kotse ni Damon pauwi, masyado niya kasing sineryoso ang sinabing iyon ni Damon tungkol sa paggawa nila ng baby. Gusto niyang matawa dahil sa kalokohang naisip, eto na naman kasi siya at nagpapantasya. Kung kanina ay binabagabag pa siya ng konsensya dahil kay Mico ngunit ngayon ay tila limot niya na iyon." I will cook a soup for us para naman mas masarap ang tulog natin," ani Damon na hinawakan pa ang kamay niya at hinagkan iyon.Gusto niyang madismaya sa narinig dahil talaga pa lang nagbibiro lang ito kanina. Hindi niya napigilan ang matawa dahil sa naisip kaya nagtatakang napatingin na lang sa kaniya ang lalaki." Anong problema?"" Na excite lang akong humigop ng mainit na sabaw!" Bahagya pa siyang umirap." Me too, gusto ko na ring humigop ng mainit-init na sabaw," nangingiting tugon nito.Tuluyan na siyang nadismaya dahil hindi niya akalaing ganoon pala kabagal si Damon sa kabila ng pagiging playboy nito. Pumasok muna siya sa sariling kwa
Napapangiti siya habang pinagmamasdan si Damon na noon ay mahimbing na ang tulog habang nakayakap sa kaniya. Hindi pa rin siya maka move on dahil sa ligayang pinalasap nito sa kaniya. Magkahalong saya at takot ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Nararamdaman niya ang ganap na kaligayahan pag kasama ito ngunit natatakot siya dahil alam niyang panandalian lang iyon, hindi niya ganap na pag-aari si Damon may ibang umaangkin sa puso nito. Napawi ang ngiti niya nang maaalala ang pagtawag ng kaibigan, nang sinabi nitong pagbumalik ay magpapakasal na sila ni Damon, kung ganoon ay paano na siya? Sino ba kasing mag aakala na ang dating kinamumuhian ay mamahalin niya rin pala pagdating ng araw? Yumakap na siya sa lalaki at nagpasyang matulog na rin habang baon ang kaligayahan at pag-aalala sa kaniyang puso. Maganda ang gising ni Damon nang umagang iyon habang matamang pinagmamasdan si Camilla na noon ay mahimbing pa rin ang tulog. Nakabalot ito ng kumot at gaya niya ay wala pa ring
HINDI na nakatanggi pa si Camilla nang mapansin niya na tinatahak nila ni Mico ang resort kung saan sila madalas na pumunta noon. Tahimik lang itong nagda drive habang nakatitig lang sa gitna ng daan kaya hinayaan niya na lang muna ito. Hindi niya alam kung ipapaalam niya na ba dito ang tungkol sa kanila ni Damon ngunit parang hindi niya kaya. Alam niya sa sarili na kahit papaano ay may puwang pa ito sa puso niya kaya ayaw niyang masaktan ito. Nang marating nila ang resort ay hinawakan pa siya nito sa kamay para sabay nilang bagtasin ang daan, hindi na siya tumutol at hinayaan niya na lang ang lalaki hanggang sa marating nila ang dalampasigan." Remember this place? Ilang buwan na rin noong huli tayong pumunta dito, ang saya pa natin noon, 'di ba?" Ngumiti ito ng mapait habang pareho nilang pinagmamasdan ang alon ng dagat.Malakas ang kabog ng dibdib niya habang patuloy lang na pinapakiramdaman ang nobyo, hindi niya alam kung ano nga ba ang dapat na isagot." I know there is somethin
HINDI na tumanggi si Camilla nang ayain siya ni Damon na pumunta sa bar ni Zeke pagkagaling nila sa restaurant. Anito ay kaylangan niyang malibang dahil napansin nito na ilang araw na rin siyang tila wala sa sarili matapos nilang makapag-usap ni Mico. Nakokonsensya pa rin kasi siya dahil sa nangyaring pakikipaghiwalay kay Mico at piliin si Damon. Hindi niya naman pinagsisihan ang bagay na iyon ngunit talagang binabagabag siya ng konsensya. Kung tutuusin ay napakaswerte niya kay Mico dahil mahal na mahal siya nito ngunit tinapon niya na lang basta para piliin si Damon. At ngayon isa pang malaking problema niya ay kung paano ipapaalam iyon sa matalik na kaibigan. Ginagap ni Damon ang kamay niya nang mapansing nakatahimik lang siya." Are you okay?" Tumango lang siya at pilit na ngumiti. Ibinaling niya ang mata sa mga kabataang sumasayaw sa gitna ng dancefloor. Maya-maya lang ay dumating si Zeke para bigyan sila ng alak." You must try this, pare. The most ordered beer dito sa bar ko
Dahan-dahang iminulat ni Damon ang mata nang maramdaman niyang hindi niya na katabi si Camilla. Bumangon siya at inilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto, inaasahang makita niya si Camilla na kagabi lang ay kasiping niya. Napangiti siya nang maalala ang mainit na sandali na pinagsaluhan nila. Tuluyan na nga siyang nahumaling sa babae na kahit isang saglit lang ay ayaw niyang mahiwalay dito, muli ay kinasabikan niya itong mayakap at mahalikan. Nabaling ang atensyon niya sa lagaslas ng tubig sa banyo na sa tingin niya ay si Camilla ang may gawa, mukhang naliligo ang asawa. Nakaramdam siya ng init nang maisip na hubot-hubad ito habang hinahagod ng sabon ang buong katawan, bigla ay nagkaroon siya ng pagnanais na siya na ang gagawa noon para sa asawa. Napangiti siya ng pilyo habang ini-imagine ang gagawin kaya tumayo na siya para pasukin sa loob ng banyo ang babae. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at hindi nga siya nagkamali, tanaw niya ito habang nakapikit ang babae na nakatingala sa
Labis na nasorpresa si Camilla nang mabungaran si Mico sa kanilang bakuran ng umagang iyon, day off niya kaya wala siyang pasok nang araw na iyon. Ilang buwan na rin nang huli niya itong makita mula nung umuwi sila sa kanilang probinsya para doon na mamalagi." Teka paano mo nalaman itong bahay namin?" Tanong niya sa lalaki." Ano bang klaseng tanong iyan, sikat ka na kaya dito sa lugar niyo kay madali ka na lang ipagtanong," nangingiting tugon ni Mico.Natawa siya at napakamot ng ulo. "Sira ka talaga, niloloko mo naman ako,eh. Siya nga pala kumusta ka na?"" Hmm..medyo nakaka move on na sayo. Anyway,napanood ko iyong interview sa'yo,ah. Grabe,sikat ka na!"Tinampal niya ito sa braso. " Paano naman ako magiging sikat hindi naman sakin ang restaurant na iyon, puro ka kalokohan."" Ganon na rin iyon kasi ikaw ang nagmamanage, kung wala ang pamamahala mo hindi magiging successful ang operation doon."" Oo na, sige na. Maiba nga tayo bakit mo ba ako naisipang dalawin?"Bigla ay sumeryoso
DUMATING na ang pinakamahalagang araw sa buhay ni Athena,ang binuong pangarap nila ni Damon noon, ang kanilang pag-iisang dibdib. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya, masaya siya dahil makakasama niya na ang lalaking pinakamamahal ngunit kakambal naman noon ang lungkot dahil alam niyang hindi sila pareho ng nararamdaman ng lalaki. Kaya naman may bahagi ng isip niya ang tumututol at nagsasabing tama na. Sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ay hindi niya magawang ngumiti habang nakatingin sa salamin. Napakaganda niya sa suot na wedding gown na matagal niyang pinaghirapang gawan ng design, nais niyang maging perfect sa araw ng kaniyang kasal. Habang abala ang make-up artist sa pag-aayos sa kaniya ay hindi niya napigilan na isipin si Camilla, kumusta na kaya ito? Kung hindi sana nangyari ang lahat ng iyon ay nasa tabi sana niya ang kaibigan at masayang-masaya rin gaya niya. Sana ay ito ang magiging kaniyang maid of honor, nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan
WALANG pagsidlan ang saya na nararamdaman ni Athena nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa salamin. Suot ang ipinatahing wedding gown na sarili niya mismong design, sakto lang ang fit sa kaniya na bumagay sa magandang kurba ng kaniyang katawan.Nagpasya na siyang lumabas sa fitting roon para ipakita kay Damon na kasalukuyang nasa labas lang at nag-aabang sa kaniya. Matamis ang ngiting hinawi niya ang tabing saka lumabas." Wow! Ang ganda mo, girl! Ikaw na ang pinakamagandang bride sa balat ng lupa!" anang isang bakla na gumawa ng kaniyang wedding gown." I know, right?" nangingiti niyang tugon. " What do you think, hon?" baling niya kay Damon na nakatingin lang din sa kaniya. Blanko ang expression ng mukha nito at napatango-tango na lang." After this isukat mo na rin iyong suit mo, i'm sure babagay din 'yun sa'yo," masayang wika niya." Ay, true! Wait lang kukunin ko," anang bakla. Dali-dali itong naglakad para kunin ang suit ng lalaki." No need!" ani Damon at tumayo s
AYAW dalawin ng antok si Camilla nang gabing iyon, ilang gabi na rin siyang walang maayos na tuloy dahil sa nangyari sa kanila. Matapos ang dalawang linggong pananatili sa bahay ni Mico ay nagpasya na rin siyang umuwi para matapang na harapin si Athena. Napagpasyahan na rin nilang mag-ina na lisan na ang mansion matapos nang nangyari dahil wala na siyang mukhang maihaharap kay Athena at sa pamilya nito matapos nang nangyari. Nailigpit na rin nila ang kanilang mga gamit para makaalis na kinabukasan. Mahal niya si Damon ngunit hindi niya pwedeng pagbigyan ang nararamdaman. Hindi rin naman kasi sila magiging masaya hanggat may tao silang nasasaktan. Mas pinili niyang pahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Athena. Hanggang sa makatulugan niya ang labis na pag-iisip habang tahimik na lumuluha. Maaga siyang nagising kinabukasan para maghanda,tahimik lang ang mama niya na noon ay inaayos ang kanilang higaan. Batid niyang labag sa kalooban nito ang kanilang pag-alis sa mansion ngunit pini
Maraming tao sa restaurant nang araw na iyon kaya abala sila maging ang mga tauhan na hindi magkamayaw sa pag-aasikaso sa mga costumer. Puno ang loob kaya naman naisipan ni Athena na maglagay na rin sa labas tutal naman ay malawak iyon. Naramdaman niya ang presensya ni Damon sa kaniyang tabi habang nakatanaw rin sa maraming costumer. May ilan pang nagpapicture taking dito at nagpa-autograph sa lalaki. " Alam mo, hon bakit hindi tayo magtayo ng isa pang branch? Masyado nang masikip dito, halos hindi na magkasya ang mga costumer." Lumingon siya sa lalaki nang wala siyang marinig na tugon dito.Matapos nitong hubarin ang suot na apron at cap ay iniwan na siya nito,nagtungo ito sa kanilang mini office kaya sinundan niya ang lalaki. Naabutan niya itong nakasandal sa swivel chair habang hinihilot ang sentido. " Napagod ka ba? Okay, i will massage you," aniya at minasahe ang lalaki ngunit pinaksi nito ang kaniyang kamay." No need, i can do it alone," malumanay na wika ni Damon.Saglit s
Mabilis siyang nahila ni Damon nang tangkain ni Mico na ilayo na siya sa lugar na iyon." God, i can't believe this!" napapailing na bulalas ni Athena habang umiiyak. " Ano ka ba naman Damon,bitawan mo si Camilla!" bulyaw naman ni Mico." No, you can't take her away from me!" ani Damon na halos yakapin na si Camilla.Hindi niya naman alam ang gagawin habang hawak siya ni Damon at pilit inaagaw kay Mico. Gusto niyang bumitaw kay Damon dahil napakasakit na sa kaniya na umiiyak ang kaibigan. Gusto niyang lapitan si Athena ngunit alam niyang wala namang mangyayari dahil alam niyang sobra na siya nitong kinamumuhian kaya hahayaan niya na muna ang dalawa." Please, Damon hayaan mo muna akong umalis!" aniya sa lalaki. Hilam na rin sa luha ang mga mata niya.Ngunit mariing umiling-iling si Damon, tila hindi na nito alintana ang presensya ni Athena. " You're crazy, wala kang puso! Hindi mo na inisip ang nararamdaman ni Athena!" Dinuro duro ni Mico si Damon.Maya-maya lang ay yumakap si Ath
Panayan ang pagtulo ng luha ni Athena habang inilalagay sa maleta ang lahat ng kaniyang mga damit, ngayon kasi ang araw ng muli niyang pagbalik sa America kaya naman sobrang nalulungkot siya lalo't hindi pa sila nagkakaayos ni Damon. Pinahid niya ang luha sa mga mata at pilit na pinasigla ang sarili, alam niyang magiging okay rin sila ng lalaki. Siguro naman ay sapat ang ibibigay niyang panahon dito para makapag-isip ito at itigil na ang kalokohan sa mga babae. Lumabas na siya ng kwarto habang panay ang punas sa kaniyang mata. Nasalubong pa niya ang mama ni Camilla sa sala at nagulat pa sa dala niyang maleta." Saan ka pupunta, iha?"" I'm going back to states, mga ten am po ang flight ko." " Ganoon ba? Ang bilis mo naman yatang umalis akala ko pa naman magtatagal ka pa dito," kunot-noong tugon ng matanda." Marami pa po kasi akong kailangang asikasuhin lalo't kauumpisa pa lang ng negosyo ko."" Ah, ihahatid ka ba naman ni Camilla?" " Hindi na po kailangan,ayoko na po siyang istorbo
Matapos ang gabing iyon mula nang maglasing si Athena dahil sa problema nito sa relasyon kay Damon ay hindi na siya pinatulog ng kaniyang konsensya. Halos hindi niya na maramdaman ang saya dulot ng tamis ng pag-ibig, naisip niya na ring kausapin si Damon para itigil na ang relasyon nila ngunit sa tuwing tatangkain niyang gawin iyon ay inuunahan siya ng karuwagan. Mahal niya si Damon at hindi niya kayang mawala ito. Nagulat na lang siya isang umaga nang kausapin siya ni Athena para ipaalam sa kaniya na babalik na ito sa America." S-sigurado ka? Biglaan naman yata?" maang na tanong niya. Inaasahan niya kasi pa magtatagal pa ito sa Pilipinas." Marami pa kasi akong dapat asikasuhin sa negosyo ko, kailangan na nila ako doon." Napatango-tango lang siya bilang tugon sa kaibigan, halos madurog ang puso niya sa nakikitang pagdurusa nito. " P-Paano kayo ni Damon?" tanong niya saka umiwas ng tingin." Hahayaan ko muna siya ngayon, i think he needs space para makapag-isip-isip. Sa huli
Magulo pa rin ang isip ni Athena habang lulan ng kaniyang kotse matapos nitong makipagkita kay Camilla. Ang maganda sanang moment nila mag besty ay sinira lang ni Terry, napilitan tuloy siyang aminin dito ang totoo dahil sa hindi magagandang salita na binitawan nito tungkol kay Camilla. Ilang araw araw na lang din kasi ang ilalagi niya sa Pilipinas dahil kinailangan niya nang bumalik sa America para asikasuhin ang kaniyang negosyo. Bigo man siya sa ngayon na isama si Damon pabalik ay nangako naman siya sa sarili na kahit malayo ay aayusin niya ang kanilang relasyon. Katulad lang din ito ng dati nilang sitwasyon ng nobyo, hindi niya naman masisisi si Damon marahil ay nangulila lang ito sa presensya niya kaya nalibang sa ibang babae. Alam niyang sa huli ay sa kaniya pa rin ito babalik. Ngunit bago siya umalis ay gusto niya munang makausap ng masinsinan ang nobyo. Mabigat pa rin kasi ang loob niya dahil sa nangyari lalo't hindi niya alam kung sino ang babaeng kinalolokohan nito. Alam ni