Kabado si Camilla habang lulan sila ng kotse ni Damon pauwi, masyado niya kasing sineryoso ang sinabing iyon ni Damon tungkol sa paggawa nila ng baby. Gusto niyang matawa dahil sa kalokohang naisip, eto na naman kasi siya at nagpapantasya. Kung kanina ay binabagabag pa siya ng konsensya dahil kay Mico ngunit ngayon ay tila limot niya na iyon." I will cook a soup for us para naman mas masarap ang tulog natin," ani Damon na hinawakan pa ang kamay niya at hinagkan iyon.Gusto niyang madismaya sa narinig dahil talaga pa lang nagbibiro lang ito kanina. Hindi niya napigilan ang matawa dahil sa naisip kaya nagtatakang napatingin na lang sa kaniya ang lalaki." Anong problema?"" Na excite lang akong humigop ng mainit na sabaw!" Bahagya pa siyang umirap." Me too, gusto ko na ring humigop ng mainit-init na sabaw," nangingiting tugon nito.Tuluyan na siyang nadismaya dahil hindi niya akalaing ganoon pala kabagal si Damon sa kabila ng pagiging playboy nito. Pumasok muna siya sa sariling kwa
Napapangiti siya habang pinagmamasdan si Damon na noon ay mahimbing na ang tulog habang nakayakap sa kaniya. Hindi pa rin siya maka move on dahil sa ligayang pinalasap nito sa kaniya. Magkahalong saya at takot ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Nararamdaman niya ang ganap na kaligayahan pag kasama ito ngunit natatakot siya dahil alam niyang panandalian lang iyon, hindi niya ganap na pag-aari si Damon may ibang umaangkin sa puso nito. Napawi ang ngiti niya nang maaalala ang pagtawag ng kaibigan, nang sinabi nitong pagbumalik ay magpapakasal na sila ni Damon, kung ganoon ay paano na siya? Sino ba kasing mag aakala na ang dating kinamumuhian ay mamahalin niya rin pala pagdating ng araw? Yumakap na siya sa lalaki at nagpasyang matulog na rin habang baon ang kaligayahan at pag-aalala sa kaniyang puso. Maganda ang gising ni Damon nang umagang iyon habang matamang pinagmamasdan si Camilla na noon ay mahimbing pa rin ang tulog. Nakabalot ito ng kumot at gaya niya ay wala pa ring
HINDI na nakatanggi pa si Camilla nang mapansin niya na tinatahak nila ni Mico ang resort kung saan sila madalas na pumunta noon. Tahimik lang itong nagda drive habang nakatitig lang sa gitna ng daan kaya hinayaan niya na lang muna ito. Hindi niya alam kung ipapaalam niya na ba dito ang tungkol sa kanila ni Damon ngunit parang hindi niya kaya. Alam niya sa sarili na kahit papaano ay may puwang pa ito sa puso niya kaya ayaw niyang masaktan ito. Nang marating nila ang resort ay hinawakan pa siya nito sa kamay para sabay nilang bagtasin ang daan, hindi na siya tumutol at hinayaan niya na lang ang lalaki hanggang sa marating nila ang dalampasigan." Remember this place? Ilang buwan na rin noong huli tayong pumunta dito, ang saya pa natin noon, 'di ba?" Ngumiti ito ng mapait habang pareho nilang pinagmamasdan ang alon ng dagat.Malakas ang kabog ng dibdib niya habang patuloy lang na pinapakiramdaman ang nobyo, hindi niya alam kung ano nga ba ang dapat na isagot." I know there is somethin
HINDI na tumanggi si Camilla nang ayain siya ni Damon na pumunta sa bar ni Zeke pagkagaling nila sa restaurant. Anito ay kaylangan niyang malibang dahil napansin nito na ilang araw na rin siyang tila wala sa sarili matapos nilang makapag-usap ni Mico. Nakokonsensya pa rin kasi siya dahil sa nangyaring pakikipaghiwalay kay Mico at piliin si Damon. Hindi niya naman pinagsisihan ang bagay na iyon ngunit talagang binabagabag siya ng konsensya. Kung tutuusin ay napakaswerte niya kay Mico dahil mahal na mahal siya nito ngunit tinapon niya na lang basta para piliin si Damon. At ngayon isa pang malaking problema niya ay kung paano ipapaalam iyon sa matalik na kaibigan. Ginagap ni Damon ang kamay niya nang mapansing nakatahimik lang siya." Are you okay?" Tumango lang siya at pilit na ngumiti. Ibinaling niya ang mata sa mga kabataang sumasayaw sa gitna ng dancefloor. Maya-maya lang ay dumating si Zeke para bigyan sila ng alak." You must try this, pare. The most ordered beer dito sa bar ko
Dahan-dahang iminulat ni Damon ang mata nang maramdaman niyang hindi niya na katabi si Camilla. Bumangon siya at inilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto, inaasahang makita niya si Camilla na kagabi lang ay kasiping niya. Napangiti siya nang maalala ang mainit na sandali na pinagsaluhan nila. Tuluyan na nga siyang nahumaling sa babae na kahit isang saglit lang ay ayaw niyang mahiwalay dito, muli ay kinasabikan niya itong mayakap at mahalikan. Nabaling ang atensyon niya sa lagaslas ng tubig sa banyo na sa tingin niya ay si Camilla ang may gawa, mukhang naliligo ang asawa. Nakaramdam siya ng init nang maisip na hubot-hubad ito habang hinahagod ng sabon ang buong katawan, bigla ay nagkaroon siya ng pagnanais na siya na ang gagawa noon para sa asawa. Napangiti siya ng pilyo habang ini-imagine ang gagawin kaya tumayo na siya para pasukin sa loob ng banyo ang babae. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at hindi nga siya nagkamali, tanaw niya ito habang nakapikit ang babae na nakatingala sa
KAHIT papaano ay nabunutan siya ng tinik sa nakita niyang ngiti sa labi ni Mico, sana nga ay si Rochelle na ang magiging daan para tuluyan na itong makalimot. Nang makaalis na ang dalawa ay sinimulan niya na ring tumulong nang makitang paparami na ang mga costumer. Inaabala niya ang sarili para makalimutan ang pinapasang dalahin sa kaniyang dibdib. Nakatanggap rin siya ng text mula kay Damon na matatagalan ito sa pagbalik dahil dumaan muna ito sa gym kasama si Zeke matapos ay pupuntahan na nito ang location para sa isang branch na ipapatayo nila. Napagplanuhan na rin kasi nila ni Damon na magtayo ng panibagong branch dahil sa lumalago na nilang negosyo. Mabilis na lumipas ang mga oras kaya hindi niya napansin na madilim na pala at isa-isa na ring nagpaalam ang mga tauhan." Sumabay ka na po sa'kin, Miss Camilla. Ihahatid ka po namin," ani Sarah nang magpaalam ito sa kaniya.Nang mga oras na iyon ay hindi pa rin nakakabalik si Damon." Hindi na,mag-co-commute na lang ako salamat," t
NAMUTLA si Camilla nang mapagsino ang kanina pa tumatawag sa kaniyang cellphone Pareho pa silang walang saplot sa katawan ni Damon nang umagang iyon dahil kagigising lang din niya habang mahimbing pa rin ang tulog ng lalaki. Mabilis siyang tumayo sa higaan na tila hindi alam ang gagawin kung sasagutin na ba o magbibihis na muna. Maya-maya ay nagising na rin si Damon dahil sa nilikhang ingay ng kaniyang cellphone,napangiti pa ito nang mapansing hindi siya magkandatuto sa pagsuot ng underwear. Hinila siya nito sa bewang at pinahiga sa kama." Wait lang, Damon!" " Bakit ba nagmamadali ka? It's too early," anito matapos itong pumaibabaw sa kaniya at halikan sa labi." Tumatawag si bes!" Natigilan si Damon, saka lang nito napansin ang walang tigil na pag ring ng kaniyang cellphone. NAPAKUNOT naman ang noo ni Athena nang maski si Camilla ay hindi rin magawang sagutin ang cellphone. Napatingin siya sa wristwatch, dapat gising na ang dalawa ng ganoong oras dahil sa trabaho ng mga ito
76Nanlulumong napaupo si Camilla matapos siyang iwan ng kaibigan, pumasok ito sa mini office para sundan si Damon sa loob. Ipinilig niya ang ulo upang gisingin ang sarili na kanina pa yata lutang. Bigla na lang sumulpot ang kaibigan ng walang pasabi,napapikit siya sa magkahalong kaba at guilt. Habang tumitingin siya sa mga mata ni Athena ay lalo niyang nararamdaman ang sarili bilang isang traydor at walang utang na loob na kaibigan. Ngunit sa kabilang banda ay nananaig rin ang pagmamahal niya para kay Damon,magagawa nga kaya siyang iwan ng lalaki? " Are you okay, Camilla?" anang baritonong boses.Nang tumingala siya ay si Mico ang nabungaran niya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagpasalamat siya sa pagdating nito." M-Mico." " You look pale, okay ka lang ba?" nag-aalala pa ring tanong ng binata.Tumayo siya at inaya ang lalaki palabas. " Pwede bang ilayo mo muna ako dito?" pakiusap niya sa nagtatakang binata." Ano bang nangyari?" " Huwag ka nang magtanong basta ilayo mo mun