76Nanlulumong napaupo si Camilla matapos siyang iwan ng kaibigan, pumasok ito sa mini office para sundan si Damon sa loob. Ipinilig niya ang ulo upang gisingin ang sarili na kanina pa yata lutang. Bigla na lang sumulpot ang kaibigan ng walang pasabi,napapikit siya sa magkahalong kaba at guilt. Habang tumitingin siya sa mga mata ni Athena ay lalo niyang nararamdaman ang sarili bilang isang traydor at walang utang na loob na kaibigan. Ngunit sa kabilang banda ay nananaig rin ang pagmamahal niya para kay Damon,magagawa nga kaya siyang iwan ng lalaki? " Are you okay, Camilla?" anang baritonong boses.Nang tumingala siya ay si Mico ang nabungaran niya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagpasalamat siya sa pagdating nito." M-Mico." " You look pale, okay ka lang ba?" nag-aalala pa ring tanong ng binata.Tumayo siya at inaya ang lalaki palabas. " Pwede bang ilayo mo muna ako dito?" pakiusap niya sa nagtatakang binata." Ano bang nangyari?" " Huwag ka nang magtanong basta ilayo mo mun
MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Camilla habang pababa ng kotse ni Mico, malalim na ang gabi nang ihatid siya nito. Tanaw niya ang buong kabahayan,naisip niya kung magkasama nga ba ang dalawa at magkatabing natutulog. Nakagat niya ang pang ibabang labi nang maisip iyon, matagal na hindi nagkasama ang dalawa kaya malamang ay sabik ito sa isa't-isa. Gusto niyang matawa sa naisip, pinasok niya ang ganoong sitwasyon dapat ay handa na siya sa mga maaaring mangyari at wala siyang karapatang magselos." Pumasok ka na, babe. Huwag mong kalimutan 'yung pinag-usapan natin, ah?" paalala ng lalaki sa kaniya.Napalingon siya kay Mico at marahang tumango. Napagkasunduan na nilang dalawa na umalis na sa bahay na iyon at sumama na lang kay Mico, pupunta sila sa ibang bansa upang doon makapagsimula ng panibagong buhay at para tuluyan na ring kalimutan si Damon. Marahan niyang pinihit ang dorknob at dahan-dahang pumasok. Awtomatikong napatingin agad siya sa taas kung saan ang kwarto ni Damon. Na
GUSTUHIN man ni Athena na lumapit kay Damon para sana makausap ito dahil sa nangyari sa kanila kagabi ay hindi niya magawa. Masyado itong nakatutok sa trabaho isa pa ay baka kung ano na ang isipin ng mga tao sa restaurant kapag kinulit niya pa ito. Maghihintay na lang siya ng tamang pagkakataon para muli itong makausap. Ang totoo ay parang stranghero na sa kaniya ang lalaki, malamig ang bawat tingin nito maging kung paano siya kausapin na para bang may nililihim. Hindi niya akalaing matapos ng pagsisikap na ginawa niya ay sa ganoon lang sila hahantong ni Damon, ngunit hindi siya papayag na matatapos lang sila sa ganoon nito. Gagawin niya ang lahat maibalik lang ang dating sigla sa relasyon nila at nangakong babawi sa lahat ng pagkukulang niya. Kung kailang handa na sana siya ipaglaban ito sa mga magulang ay saka naman ito nangyari, naiplano niya na ang lahat at tanging si Damon na lang ang kulang. Nagawi ang tingin niya kay Camilla na noon ay abala rin sa ginagawa,matapos niyang sab
TILA wala sa kaniyang sarili si Camilla nang makarating sa restaurant matapos nilang mag-usap ni Mico. Hindi pa rin naaalis ang takot niya matapos siya nitong pagbantaan na ipapaalam kay Athena ang pakikipagrelasyon niya kay Damon. Mukhang desperado na si Mico at hindi niya ito masisisi, nasaktan niya ito ng sobra kaya nakaisip ito ng mga ganoong bagay. Napansin niya ang paglapit ni Damon habang mataman siyang tinititigan." Bigla kang nawala saan ka nanggaling?" kunot-noong tanong ng lalaki.Napalinga muna siya sa paligid habang hinahanap ng mata si Athena." A-asan si bes?" " What happen? Bakit namumutla ka? May nangyari ba?" sa halip ay muling usisa nito." Si-si Mico kasi, eh-"" Nakipagkita ka sa kaniya?" Lalong nangunot ang noo ni Damon kahayagan na hindi nito nagustuhan ang ginawa niya." P-pinagbantaan niya ako," bulong niya at muling napalinga sa paligid at hinahanap si Athena." She's not here umuwi muna siya sa mansion nila." Hinila siya nito sa kamay para pumasok sa kanil
Magulo pa rin ang isip ni Athena habang lulan ng kaniyang kotse matapos nitong makipagkita kay Camilla. Ang maganda sanang moment nila mag besty ay sinira lang ni Terry, napilitan tuloy siyang aminin dito ang totoo dahil sa hindi magagandang salita na binitawan nito tungkol kay Camilla. Ilang araw araw na lang din kasi ang ilalagi niya sa Pilipinas dahil kinailangan niya nang bumalik sa America para asikasuhin ang kaniyang negosyo. Bigo man siya sa ngayon na isama si Damon pabalik ay nangako naman siya sa sarili na kahit malayo ay aayusin niya ang kanilang relasyon. Katulad lang din ito ng dati nilang sitwasyon ng nobyo, hindi niya naman masisisi si Damon marahil ay nangulila lang ito sa presensya niya kaya nalibang sa ibang babae. Alam niyang sa huli ay sa kaniya pa rin ito babalik. Ngunit bago siya umalis ay gusto niya munang makausap ng masinsinan ang nobyo. Mabigat pa rin kasi ang loob niya dahil sa nangyari lalo't hindi niya alam kung sino ang babaeng kinalolokohan nito. Alam ni
Matapos ang gabing iyon mula nang maglasing si Athena dahil sa problema nito sa relasyon kay Damon ay hindi na siya pinatulog ng kaniyang konsensya. Halos hindi niya na maramdaman ang saya dulot ng tamis ng pag-ibig, naisip niya na ring kausapin si Damon para itigil na ang relasyon nila ngunit sa tuwing tatangkain niyang gawin iyon ay inuunahan siya ng karuwagan. Mahal niya si Damon at hindi niya kayang mawala ito. Nagulat na lang siya isang umaga nang kausapin siya ni Athena para ipaalam sa kaniya na babalik na ito sa America." S-sigurado ka? Biglaan naman yata?" maang na tanong niya. Inaasahan niya kasi pa magtatagal pa ito sa Pilipinas." Marami pa kasi akong dapat asikasuhin sa negosyo ko, kailangan na nila ako doon." Napatango-tango lang siya bilang tugon sa kaibigan, halos madurog ang puso niya sa nakikitang pagdurusa nito. " P-Paano kayo ni Damon?" tanong niya saka umiwas ng tingin." Hahayaan ko muna siya ngayon, i think he needs space para makapag-isip-isip. Sa huli
Panayan ang pagtulo ng luha ni Athena habang inilalagay sa maleta ang lahat ng kaniyang mga damit, ngayon kasi ang araw ng muli niyang pagbalik sa America kaya naman sobrang nalulungkot siya lalo't hindi pa sila nagkakaayos ni Damon. Pinahid niya ang luha sa mga mata at pilit na pinasigla ang sarili, alam niyang magiging okay rin sila ng lalaki. Siguro naman ay sapat ang ibibigay niyang panahon dito para makapag-isip ito at itigil na ang kalokohan sa mga babae. Lumabas na siya ng kwarto habang panay ang punas sa kaniyang mata. Nasalubong pa niya ang mama ni Camilla sa sala at nagulat pa sa dala niyang maleta." Saan ka pupunta, iha?"" I'm going back to states, mga ten am po ang flight ko." " Ganoon ba? Ang bilis mo naman yatang umalis akala ko pa naman magtatagal ka pa dito," kunot-noong tugon ng matanda." Marami pa po kasi akong kailangang asikasuhin lalo't kauumpisa pa lang ng negosyo ko."" Ah, ihahatid ka ba naman ni Camilla?" " Hindi na po kailangan,ayoko na po siyang istorbo
Mabilis siyang nahila ni Damon nang tangkain ni Mico na ilayo na siya sa lugar na iyon." God, i can't believe this!" napapailing na bulalas ni Athena habang umiiyak. " Ano ka ba naman Damon,bitawan mo si Camilla!" bulyaw naman ni Mico." No, you can't take her away from me!" ani Damon na halos yakapin na si Camilla.Hindi niya naman alam ang gagawin habang hawak siya ni Damon at pilit inaagaw kay Mico. Gusto niyang bumitaw kay Damon dahil napakasakit na sa kaniya na umiiyak ang kaibigan. Gusto niyang lapitan si Athena ngunit alam niyang wala namang mangyayari dahil alam niyang sobra na siya nitong kinamumuhian kaya hahayaan niya na muna ang dalawa." Please, Damon hayaan mo muna akong umalis!" aniya sa lalaki. Hilam na rin sa luha ang mga mata niya.Ngunit mariing umiling-iling si Damon, tila hindi na nito alintana ang presensya ni Athena. " You're crazy, wala kang puso! Hindi mo na inisip ang nararamdaman ni Athena!" Dinuro duro ni Mico si Damon.Maya-maya lang ay yumakap si Ath