ALAM niyang sinabi niya kay Zeke na hindi siya magpapakalasing ngunit kabaligtaran naman ng ginagawa niya ngayon. Nakakailang salin na sa kaniya si Zeke kaya naman nakakaramdam na siya ng pagkahilo at konti na lang ay malalasing na talaga siya. " Camilla naman tumigil ka na nga malalasing ka na, oh?"" Gusto ko talagang magpakalasing kasi naiinis ako sa kaibigan mo!" Natapik nito ang noo dahil ilang beses na rin nitong narinig sa kaniya ang bagay na iyon. " Kanina mo pa sinasabi iyan,eh. Ano bang problema at gigil ka na naman doon sa tao?"" Ah, basta! Porket kasama niya si bes nakalimutan niya nang tumawag!" " Kasama niya si Athena? Umuwi na ba 'yun?"" May kailangan lang siyang gawin dito, aalis din siya," aniya at muling nagpasalin ng alak. " Gusto ko ang lasa nito, anong alak ba 'to?" " So, kaya ka ba nagpapakalasing kasi magkasama sila? Nagseselos ka ba, Camilla?" nangingiting puna nito.Natigilan siya at pinakiramdaman ang sarili, ayaw niyang isipin na ganun nga ang narara
ILANG araw lang ang lumipas mula nang ginawa niya ang page ng restaurant ay hindi niya akalaing ganoon na kadami ang followers nito. Namumulagat ang mata niya sa dami ng chats at comments at hindi niya alam kung paano iyon marereplayan isa-isa. May ilan pang nagre-request na gusto itong kunin bilang chef sa mga personal event." Grabe, sikat na talaga siya," aniya habang nakatitig sa screen.Hindi na siya magtataka kung isang araw ay dadagsa na lang ang maraming costumer kaya tingin niya ay kailangan niya nang maghanda para doon. Tinawag niya ang mga tauhan para ipaalala sa mga ito na kailangan nilang ihanda ang sarili sa magiging dagsa ng costumer. Mabuti na lang ay kahit papaano ay nadagdagan na sila ngunit sa tingin niya ay mahihirapan pa rin sila. Ilang oras lang ang lumipas ay hindi nga siya nagkamali ng hinuha dahil sa dagsa ng costumer." Naku, Miss Camilla tama po kayo ang dami pong costumer at nagpi-picture taking sila sa harap ng banner ni sir Damon," ani Sara ng lumapit s
Hindi alam ni Damon ang gagawin ng mga oras na iyon, nanginginig si Camilla at mainit din ang katawan. Mataas ang lagnat nito na posibleng nagresulta kaya ito nanginginig. Sinubukan niya itong kausapin ngunit tanging ungol lang ang isinasagot ng dalaga. Hinubad niya ang suot na jacket at ipinangkumot ngunit nanatili pa rin ang panginginig nito. Natataranta niyang kinuha ang cellphone upang tawagan sana ang mama ni Camilla ngunit natigilan siya, masyado nang malalim ang gabi malamang ay tulog na iyon, isa pa malakas ang ulan kaya malabong maisama niya ito. Saglit niyang iniwan ang babae para tignan ang labas, malakas pa rin ang ulan kaya malabong madala niya rin ito sa ospital kaya nanlulumo na siyang bumalik sa kwarto. " Mama." Mabilis niyang nilapitan ang dalaga para hawakan ang kamay nito. " Camilla, ako ito si Damon. Sorry kung hindi ko masusundo ang mama mo, napakalakas ng ulan, ang taas pa ng lagnat mo."Mabuti na lang ay naisipan niyang umuwi, nung una pa lang kasi ay d
Lumipas pa ang ilang saglit ay nanatili pa ring nakahiga si Damon sa kandungan niya habang napapangiti naman siya habang pinagmamasdan lang ang lalaki. Nakaramdam siya ng kakaibang ligaya kaya hindi niya napigil ang sarili na haplusin ang pisngi nito pababa sa mapula nitong labi. Napalunok siya nang maalala ang paghalik nito sa kaniya kagabi, naaalala niya ang maalab na halik ng lalaki na tila gusto niya ulit matikman, gusto niya muling makulong sa bisig nito.Nabigla pa siya ng hawakan ng lalaki ang kamay niya matapos nitong magmulat ng mata. Nagtama ang mata nila na kapwa pa natigilan, ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya.Marahan itong kumilos para bumangon hanggang sa magpantay sila. Pigil niya ang hininga habang inaabangan at nananabik sa susunod nitong pagkilos, nanatili lang itong nakatitig sa mga mata niya hanggang sa bumaba iyon sa labi niya.Ilang saglit lang ay dahan-dahan itong lumayo na ikinadismaya niya. Ano ba ang inaasahan niya na gagawin nito? " Hindi ko al
" Wait, Damon saan ka pupunta? You have to face the media out there, kanina ka pa nila hinihintay para ma-interview!" ani Terry habang pinipigilan siya sa pag-alis." Saka na lang, Terry kailangan ko munang umuwi i will call you soon." " What? God, Damon may mga producers na gustong makipag negotiate sa'yo and malay mo marami silang magagandang offer, sayang naman!" " I will talk to them soon but not now, okay?" Matapos ay mabilis na siyang umalis ngunit iniwasan niya ang daan kung saan maraming reporters. Hindi niya naman pinangarap ang maging celebrity, hindi niya linya iyon. Ang talagang motibo niya kaya siya sumali ay upang mapatunayan ang sarili na may talento siya at isa na rin ang mapanood ng daddy niya ang matagal nilang pangarap noon. Bonus na lang ang pagiging sikat. At isa pang mahalaga kung bakit ay gusto niyang makuha ang malaking prize. Napangiti siya ng maisip na siguradong matutuwa si Camilla kapag naibigay niya na dito ang prize na napanalunan niya, maipapatayo na
TIRIK na ang araw nang magmulat ng mata si Camilla, nakabalot siya ng kumot habang nakahiga sa sofa. Pinilit niyang bumangon kahit ayaw pa ng katawan niya dahil nakakaramdam pa siya ng labis na antok ngunit kailangan niyang gawin dahil may pasok pa siya. Naalala niya madaling araw na pala siya nakatulog dahil sa kalasingan. Pilit niyang inalala ang nangyari, nangiti at naiiling na lang siya nang maalala ang ginawa niya kay Damon. Oo, naalala niya ang ginawa niyang paghalik dito ngunit tinanggihan lang siya ng lalaki. Ang totoo ay sinadya niya talaga iyon, at dahil nakainom siya ay malakas ang loob niya na gawin iyon, gusto niya kasing malaman ang nararamdamam nito para sa kaniya kung pareho ba ng nararamdaman niya para sa lalaki. Maging ang mga sinabi niya dito ay tanda pa niya. Bakit ba niya iniisip na nagseselos ito kay Zeke? " Baliw ka, Camilla. Paano mo pa siya haharapin ngayon? Nakakahiya ka!" Muli siyang napahiga at nalamukos ang mukha, hindi niya alam kung saan siya humugot
Dahil sa pagnanais na mapansin ng lalaki ay tinotoo ni Camilla ang planong muling pagpapaganda. Matapos magpaalam kay Damon na aalis sandali ay dumirecho na siya sa salon kung saan dati nilang pinuntahan ni Athena. Kailangan niyang maghanda dahil sa plano nilang out-of-town ng lalaki, gusto niyang maging maganda." Oy, girl long time no see!" Magiliw na bati sa kaniya ng isang staff na isa sa mga nag-ayos sa kaniya. " Anong atin? Massage, manicure, pedicure or what?" " Gusto kong magkaroon ng new look," nakangiti niyang tugon." Ay, go ako diyan, 'lika na akong bahala sa'yo!" Pumwesto na siya sa costumer's area at sinimulang ayusan." At dahil wala si mamu ako muna ang in-charge sa'yo, okay?" Napatango na lang siya sa tinuran ng beki. Kinilatis muna ang mukha niya bago siya sinimulang i-make-over. Matapos i-rebond ang kaniyang buhok ay ginupitan ito ng hanggang balikat at nilagyan ng style. Ilang oras din ang lumipas bago sila natapos." Oh, ayan bongga! Ang ganda ganda mo!" bu
Namangha si Camilla nang masilayan ang ganda ng El Nido Island, ito ang unang pagkakataong makapunta siya sa naturang isla at makakita ng white sand. Hindi niya na napigil pa ang magtampisaw sa beach at damhin ang lamig niyon, napakalinaw ng tubig na animo isang salamin. Tanaw niya rin ang naglalakihang limestone cliff sa paligid." So, maiwan na muna namin kayo dito, ah? Kailangan naming mag check-in sa hotels para ilagay ang mga gamit natin," ani Damon sa kanila." Sasama na ko sa'yo, medyo napagod ako kaya i need to rest." ani Zeke at sinimulang buhatin ang mga gamit." Are you sure? Means tutulugan mo lang ang magagandang chicks na iyan?" Turo pa ni Damon sa magagandang babae na nag su-sun bath." That's why i need to rest para mamayang gabi marami akong energy!" malokong tugon ng binata.Sinundan niya ng tingin ang dalawa habang papalayo habang napapailing." Tss! Nagbago na pala, ha?" Napatingin siya sa paligid kung saan maraming turista ang naroon, may mga foreigner at pi
Labis na nasorpresa si Camilla nang mabungaran si Mico sa kanilang bakuran ng umagang iyon, day off niya kaya wala siyang pasok nang araw na iyon. Ilang buwan na rin nang huli niya itong makita mula nung umuwi sila sa kanilang probinsya para doon na mamalagi." Teka paano mo nalaman itong bahay namin?" Tanong niya sa lalaki." Ano bang klaseng tanong iyan, sikat ka na kaya dito sa lugar niyo kay madali ka na lang ipagtanong," nangingiting tugon ni Mico.Natawa siya at napakamot ng ulo. "Sira ka talaga, niloloko mo naman ako,eh. Siya nga pala kumusta ka na?"" Hmm..medyo nakaka move on na sayo. Anyway,napanood ko iyong interview sa'yo,ah. Grabe,sikat ka na!"Tinampal niya ito sa braso. " Paano naman ako magiging sikat hindi naman sakin ang restaurant na iyon, puro ka kalokohan."" Ganon na rin iyon kasi ikaw ang nagmamanage, kung wala ang pamamahala mo hindi magiging successful ang operation doon."" Oo na, sige na. Maiba nga tayo bakit mo ba ako naisipang dalawin?"Bigla ay sumeryoso
DUMATING na ang pinakamahalagang araw sa buhay ni Athena,ang binuong pangarap nila ni Damon noon, ang kanilang pag-iisang dibdib. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya, masaya siya dahil makakasama niya na ang lalaking pinakamamahal ngunit kakambal naman noon ang lungkot dahil alam niyang hindi sila pareho ng nararamdaman ng lalaki. Kaya naman may bahagi ng isip niya ang tumututol at nagsasabing tama na. Sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ay hindi niya magawang ngumiti habang nakatingin sa salamin. Napakaganda niya sa suot na wedding gown na matagal niyang pinaghirapang gawan ng design, nais niyang maging perfect sa araw ng kaniyang kasal. Habang abala ang make-up artist sa pag-aayos sa kaniya ay hindi niya napigilan na isipin si Camilla, kumusta na kaya ito? Kung hindi sana nangyari ang lahat ng iyon ay nasa tabi sana niya ang kaibigan at masayang-masaya rin gaya niya. Sana ay ito ang magiging kaniyang maid of honor, nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan
WALANG pagsidlan ang saya na nararamdaman ni Athena nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa salamin. Suot ang ipinatahing wedding gown na sarili niya mismong design, sakto lang ang fit sa kaniya na bumagay sa magandang kurba ng kaniyang katawan.Nagpasya na siyang lumabas sa fitting roon para ipakita kay Damon na kasalukuyang nasa labas lang at nag-aabang sa kaniya. Matamis ang ngiting hinawi niya ang tabing saka lumabas." Wow! Ang ganda mo, girl! Ikaw na ang pinakamagandang bride sa balat ng lupa!" anang isang bakla na gumawa ng kaniyang wedding gown." I know, right?" nangingiti niyang tugon. " What do you think, hon?" baling niya kay Damon na nakatingin lang din sa kaniya. Blanko ang expression ng mukha nito at napatango-tango na lang." After this isukat mo na rin iyong suit mo, i'm sure babagay din 'yun sa'yo," masayang wika niya." Ay, true! Wait lang kukunin ko," anang bakla. Dali-dali itong naglakad para kunin ang suit ng lalaki." No need!" ani Damon at tumayo s
AYAW dalawin ng antok si Camilla nang gabing iyon, ilang gabi na rin siyang walang maayos na tuloy dahil sa nangyari sa kanila. Matapos ang dalawang linggong pananatili sa bahay ni Mico ay nagpasya na rin siyang umuwi para matapang na harapin si Athena. Napagpasyahan na rin nilang mag-ina na lisan na ang mansion matapos nang nangyari dahil wala na siyang mukhang maihaharap kay Athena at sa pamilya nito matapos nang nangyari. Nailigpit na rin nila ang kanilang mga gamit para makaalis na kinabukasan. Mahal niya si Damon ngunit hindi niya pwedeng pagbigyan ang nararamdaman. Hindi rin naman kasi sila magiging masaya hanggat may tao silang nasasaktan. Mas pinili niyang pahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Athena. Hanggang sa makatulugan niya ang labis na pag-iisip habang tahimik na lumuluha. Maaga siyang nagising kinabukasan para maghanda,tahimik lang ang mama niya na noon ay inaayos ang kanilang higaan. Batid niyang labag sa kalooban nito ang kanilang pag-alis sa mansion ngunit pini
Maraming tao sa restaurant nang araw na iyon kaya abala sila maging ang mga tauhan na hindi magkamayaw sa pag-aasikaso sa mga costumer. Puno ang loob kaya naman naisipan ni Athena na maglagay na rin sa labas tutal naman ay malawak iyon. Naramdaman niya ang presensya ni Damon sa kaniyang tabi habang nakatanaw rin sa maraming costumer. May ilan pang nagpapicture taking dito at nagpa-autograph sa lalaki. " Alam mo, hon bakit hindi tayo magtayo ng isa pang branch? Masyado nang masikip dito, halos hindi na magkasya ang mga costumer." Lumingon siya sa lalaki nang wala siyang marinig na tugon dito.Matapos nitong hubarin ang suot na apron at cap ay iniwan na siya nito,nagtungo ito sa kanilang mini office kaya sinundan niya ang lalaki. Naabutan niya itong nakasandal sa swivel chair habang hinihilot ang sentido. " Napagod ka ba? Okay, i will massage you," aniya at minasahe ang lalaki ngunit pinaksi nito ang kaniyang kamay." No need, i can do it alone," malumanay na wika ni Damon.Saglit s
Mabilis siyang nahila ni Damon nang tangkain ni Mico na ilayo na siya sa lugar na iyon." God, i can't believe this!" napapailing na bulalas ni Athena habang umiiyak. " Ano ka ba naman Damon,bitawan mo si Camilla!" bulyaw naman ni Mico." No, you can't take her away from me!" ani Damon na halos yakapin na si Camilla.Hindi niya naman alam ang gagawin habang hawak siya ni Damon at pilit inaagaw kay Mico. Gusto niyang bumitaw kay Damon dahil napakasakit na sa kaniya na umiiyak ang kaibigan. Gusto niyang lapitan si Athena ngunit alam niyang wala namang mangyayari dahil alam niyang sobra na siya nitong kinamumuhian kaya hahayaan niya na muna ang dalawa." Please, Damon hayaan mo muna akong umalis!" aniya sa lalaki. Hilam na rin sa luha ang mga mata niya.Ngunit mariing umiling-iling si Damon, tila hindi na nito alintana ang presensya ni Athena. " You're crazy, wala kang puso! Hindi mo na inisip ang nararamdaman ni Athena!" Dinuro duro ni Mico si Damon.Maya-maya lang ay yumakap si Ath
Panayan ang pagtulo ng luha ni Athena habang inilalagay sa maleta ang lahat ng kaniyang mga damit, ngayon kasi ang araw ng muli niyang pagbalik sa America kaya naman sobrang nalulungkot siya lalo't hindi pa sila nagkakaayos ni Damon. Pinahid niya ang luha sa mga mata at pilit na pinasigla ang sarili, alam niyang magiging okay rin sila ng lalaki. Siguro naman ay sapat ang ibibigay niyang panahon dito para makapag-isip ito at itigil na ang kalokohan sa mga babae. Lumabas na siya ng kwarto habang panay ang punas sa kaniyang mata. Nasalubong pa niya ang mama ni Camilla sa sala at nagulat pa sa dala niyang maleta." Saan ka pupunta, iha?"" I'm going back to states, mga ten am po ang flight ko." " Ganoon ba? Ang bilis mo naman yatang umalis akala ko pa naman magtatagal ka pa dito," kunot-noong tugon ng matanda." Marami pa po kasi akong kailangang asikasuhin lalo't kauumpisa pa lang ng negosyo ko."" Ah, ihahatid ka ba naman ni Camilla?" " Hindi na po kailangan,ayoko na po siyang istorbo
Matapos ang gabing iyon mula nang maglasing si Athena dahil sa problema nito sa relasyon kay Damon ay hindi na siya pinatulog ng kaniyang konsensya. Halos hindi niya na maramdaman ang saya dulot ng tamis ng pag-ibig, naisip niya na ring kausapin si Damon para itigil na ang relasyon nila ngunit sa tuwing tatangkain niyang gawin iyon ay inuunahan siya ng karuwagan. Mahal niya si Damon at hindi niya kayang mawala ito. Nagulat na lang siya isang umaga nang kausapin siya ni Athena para ipaalam sa kaniya na babalik na ito sa America." S-sigurado ka? Biglaan naman yata?" maang na tanong niya. Inaasahan niya kasi pa magtatagal pa ito sa Pilipinas." Marami pa kasi akong dapat asikasuhin sa negosyo ko, kailangan na nila ako doon." Napatango-tango lang siya bilang tugon sa kaibigan, halos madurog ang puso niya sa nakikitang pagdurusa nito. " P-Paano kayo ni Damon?" tanong niya saka umiwas ng tingin." Hahayaan ko muna siya ngayon, i think he needs space para makapag-isip-isip. Sa huli
Magulo pa rin ang isip ni Athena habang lulan ng kaniyang kotse matapos nitong makipagkita kay Camilla. Ang maganda sanang moment nila mag besty ay sinira lang ni Terry, napilitan tuloy siyang aminin dito ang totoo dahil sa hindi magagandang salita na binitawan nito tungkol kay Camilla. Ilang araw araw na lang din kasi ang ilalagi niya sa Pilipinas dahil kinailangan niya nang bumalik sa America para asikasuhin ang kaniyang negosyo. Bigo man siya sa ngayon na isama si Damon pabalik ay nangako naman siya sa sarili na kahit malayo ay aayusin niya ang kanilang relasyon. Katulad lang din ito ng dati nilang sitwasyon ng nobyo, hindi niya naman masisisi si Damon marahil ay nangulila lang ito sa presensya niya kaya nalibang sa ibang babae. Alam niyang sa huli ay sa kaniya pa rin ito babalik. Ngunit bago siya umalis ay gusto niya munang makausap ng masinsinan ang nobyo. Mabigat pa rin kasi ang loob niya dahil sa nangyari lalo't hindi niya alam kung sino ang babaeng kinalolokohan nito. Alam ni