NANLAKI ang mata ni Damon ng makitang papasugod sa kaniya si Camilla habang hawak ang hinubad na sandals nito at ihahampas sa kaniya.Hindi niya inaasahan ang gagawing iyon ng babae. Gusto niya lang itong asarin,si Athena naman talaga ang ka-meet niya. Alam niya kasi na pagdating sa ganoon bagay ay namumula ang dalaga sa galit. At naku-cute-an siya sa dalaga pag ganoon na ang asal nito.
" Hoy,teka masakit iyan!" bulalas niya. Ngunit huli na nahampas na siya nito sa braso ng malakas kaya namilipit siya sa sakit.
Hahampasin pa sana siya ulit nito pero nakatakbo na siya at naiwasan ang muling atake nito.
" Hey! Stop it,i'm just kidding!" hiyaw niya habang patuloy na umiiwas sa hampas ni Camilla
Habol pa rin siya ni Camilla,natigil lang sila nang sumigaw si Athena.
" Hey! Ano'ng ginagawa niyo'ng dalawa? Nag-aaway na naman ba kayo?!" sigaw nito sa dalawa.
Agad na lumapit si Damon sa nobya na bumubunghalit ng tawa.
" Hon,pikon talaga 'yang friend mo,ang init ng ulo,kaya walang lovelife,eh!"
" Iniinis mo na naman ba si Camilla? Sana pala hindi kita pinapunta rito,eh! Nakakainis ka,Hon!"
" P-pinapunta mo siya rito?" di makapaniwalang tanong ni Camilla.
" Oo,bes,eh. Sorry,ah,now ko lang na sabi." Tinapik ang nobyo na hindi pa rin humihinto sa kakatawa. "Hon,stop laughing!"
Nakita niya na lalong bumakas ang inis nito sa mukha. Agad na sinuot nito ang sandals na suot at inayos ang sarili.
" Okay,uuwi na ako,nawala ako sa mood!" inis nitong turan.
" What?! Kararating lang natin uuwi ka na?"
" It's okay,Hon para walang istorbo sa atin," agad na sabi niya ngunit siniko siya ng nobya.
Sinamaan siya ng tingin ni Camilla. Sambakol pa rin ang mukha nito.
" Sige na,bes. Marami pa akong kailangang ayusin,eh," tugon ni Camilla.
" Ako na stress sa inyo,ah. Hindi na kayo nagkasundo. Sige kita na lang tayo sa bahay," pagsang-ayon na lang nito.
Hindi na sumagot si Camilla at iniwan na sila nito. Lumuwang naman ang ngiti niya dahil doon.
" Ikaw kasi,eh! Bakit ba inis na inis na naman sa'yo 'yung tao? By the way,what can you say about her new look? Ako nag-ayos sa kaniya," saad nito habang sinusundan ang papalayong dalaga.
" New look? Saan?Parang wala namang nagbago,lalo lang lumala. Napaka bayolente talaga ng kaibigan mo!" sambit niya habang himas ang braso
Agad siyang tinampal ng nobya.
" It's your fault naman,eh!"
" Siya nga pala ano ba 'yung gusto mo'ng sabihin sa akin at agad mo akong pinapunta rito?"
Napansin niya agad ang biglaang lungkot sa mukha ng nobya. Napatitig sa kaniya ito at inaya siya na maghanap ng makakainan para makapag-usap ng maayos. Um-order muna siya ng kakainin bago umupo sa tabi ng nobya na tila malalim ang iniisip.
" My problema ba, hon?" untag niya rito.
" Si Mommy kasi,nagdududa na may relasyon tayo."
" Edi sabihin na natin sa kanila."
" No! She told me,if she prove na mayroon tayong relasyon ipapadala niya ako sa Amerika!" mabilis nitong tugon.
Napabuntung-hininga siya sa sinabi ng dalaga.
" Actually,she talk to me also," aniya.
" What did she say?"
" To stay away from you,and if i did'nt do it, she will pull me out of the company," mahina niyang sabi na hindi makatingin ng diretso sa nobya.
" A-anong gagawin natin?" tanong nito,bakas sa mukha ang matinding pag-aalala.
Hindi agad siya nakasagot. Kailangan niya ang company para maitaguyod ang pamilya niya. Lalo na sa kapatid niyang may disorder. Ngunit ayaw niya rin naman na mawala si Athena.
" We have no choice but to keep remain silent about our relation,hanggang sa kaya na nating panindigan,sa ngayon kasi,ayoko munang galitin sina Mommy. I do'nt want you to loose the company,napakalaking tulong noon para sa pamilya mo," untag nito sa pananahimik niya.
Ginagap niya ang kamay ng nobya bilang pagsang-ayon dito. Tama ito ayaw niya ring mawala sa kanila ang company. Buong buhay nila ay namuhay sila ng marangya at ayaw niyang mabago iyon lalo't may Ina at kapatid siyang umaasa sa kaniya.
***
" OH anak,kumain ka na nga muna,mamaya na iyang cellphone,sino ba ka text mo at di mo ginagalaw ang pagkain mo?"
" Nag-aalala ako kay Athena,eh. Hanggang ngayon hindi pa umuuwi," tugon niya habang abala pa rin sa cellphone.
" At bakit ka naman nag-aalala? At kelan pa?" takang tanong ng Ina.
" Baka kasi dumating si Tita,maabutan na wala pa siya rito."
" Oh,eh,ano naman? " muling usisa pa nito. " Ginagawa mo namang bata si Athena."
" Eh,kasi nga,Ma-"
Hindi niya na naituloy ang sasabihin pa sana.Hindi niya direktang maipaliwanag dito ang kasalukuyang sitwasyon ng kaibigan. Nagkamot na lang siya ng ulo bilang tugon dito.
Sana pala kanina ay pinaalalahanan niya ito na huwag magtagal na kasama ang binata. Naunahan kasi siya ng inis kay Damon kaya pinili niyang mag walk-out. Napaangat siya ng ulo ng umalingawngaw sa sala ang boses ni Mrs. Romualdez. Tinatawag nito ang pangalan ni Athena. Tumayo silang mag-ina para puntahan ang matanda. Naabutan nila itong namumula sa galit,agad na gumapang ang kaba sa kaniyang dibdib.
" Misis,wala pa ho si Athena," sagot ng Mama niya.
" Yeah,and i think 'till now she is with Damon,am i right, Camilla?" Matiim itong tumingin sa kaniya.
" Po? Ahm,tita kasi-"
Naputol ang sasabihin sana niya ng biglang dumating si Athena.
" Mom! What's happening? Sa labas pa lang naririnig ko na 'yung boses mo," puna nito sa Ina.
" And where have you been? Are you with Damon,right?!" Sa halip ay galit na tanong nito.
" Of course not! I- I'm with my friends to hang-out," pagsisinungaling ni Athena.
" Sinungaling!" singhal nito at biglang ibinagsak sa lamesita ang mga pictures na kanina pa pala hawak. " Can you explain this?"
Natigagal silang dalawa ng mapagmasdan ang pictures na kuha nina Athena at Damon kanina habang magkasama.
" What is this,Mom? Are you stalking me?"
Bakas sa mukha ni Athena ang kaba at pamumutla.
" I already warned you,Athena! I told you to stay away from him! Pero hindi ka nakinig!"
" Mom,naman friends lang kami ni Damon dati pa,remember? At saka hindi lang naman kami ang magkasama that time,m-may iba pa kaming kasama riyan. Maybe hindi nakita ng taong inutusan mo para kunan kami." Patuloy na pagsisinungaling nito.
" Sa tingin mo ba maniniwala ako sa'yo?Anyway i called your Dad kanina. Pinapaayos ko na ang magiging kasal mo sa anak ni Mr.Chan. And as soon as possible pupunta ka na sa Amerika!"
Gulat na gulat sila sa narinig. Lalo na si Athena na lalong namutla. Napaawang ang bibig nito sa labis na pagkagulat. Ang tinutukoy nitong Mr.Chua ay ang anak ng business partner nila sa hongkong.
" Mom,no! What are you saying?" sindak na tanong nito. " Bakit ako magpapakasal sa hindi ko kilala?I really can't believe this! Pinapangunahan niyo na ang buhay ko!" mangiyak-ngiyak na hiyaw nito.
Gusto na sanang tumalikod ni Camilla dahil nagiging mainit na ang usapan ng mag-ina. Ngunit natulos siya sa pagkakatayo,sobrang nabigla siya sa narinig. Masyado pang bata ang kaibigan para maikasal,at hindi lingid sa kaniya kung gaano nito kamahal ang nobyo.
" Magtigil ka! Wala kang mapapala kay Damon,matutulad ka rin lang sa Mommy niya na naging miserable ang buhay!"
Hindi agad nakaimik si Athena. Wala itong tigil sa pag-iyak. Gusto niya sanang lapitan ang kaibigan ngunit pinigilan siya ng Ina at inaya ng umalis.
" And then,tatanggalin ko na rin sa company ang salot na Damon na iyan! Kasalanan 'to ng Dad mo,eh,kung noon pa nakinig siya sa akin,wala na sanang magiging problema."
" Mom, please don't do that! Bakit ba ayaw mong maniwala na hindi ko siya boyfriend?!"
" At paano mo ipapaliwanag sa akin ang mga pictures na iyan,ha?!"
Pinulot nito ang mga pictures at inihagis sa anak.
Hindi nakaimik si Athena,isa-isang pinulot ang mga pictures at tinitigan.Naging malikot ang mga mata nito na tila nag-iisip ng idadahilan sa Ina.
" Halika na anak,hayaan na natin sila," bulong sa kaniya ng Ina.
Tatalikod na sana siya para iwan ang mag-ina.
" S-si Camilla."
Agad na sagot ni Athena na nagpalingon sa kanilang dalawang mag-ina. Nakatingin sa kaniya si Athena na tila humihingi ng saklolo at sumang-ayon na lang sa mga sasabihin nito.
" Damon ask me a favor.Gusto niya kasing sorpresahin si Camilla for their anniversary, and he ask some advise," dire-diretsong sabi nito habang nakatitig pa rin sa kaniya.
Nagpalipat-lipat ng tingin ang dalaga sa tatlo na nakatunghay sa kaniya. Lalo na ang Nanay niya na halatang nabigla rin.
" A-anak,anniversary? Para saan?"
" For their one year relation," salo ni Athena sa tanong ng Nanay niya.
Lalo siyang naloka sa narinig. Lumapit si Athena sa kaniya,makahulugan ang mga tingin nito.
" Sorry,bes,ah? Alam ko hiniling mo na ilihim natin ang relasyon mo kay Damon,kasi ayaw mo'ng madisappoint ang Mama mo."
Hinawakan nito ng mahigpit ang kaniyang kamay. Naumid siya at hindi agad nakapagsalita.
" Please," anas ni Athena sa kaniya.
" Is that true, Camilla?" tanong ni Mrs. Romualdez.
" Anak,totoo ba 'yun?" tanong ng Nanay niya.
Gusto niyang himatayin sa eksenang iyon. Lalo't nakita niya ang dalawang matanda na naghihintay sa maaring isagot niya. Muli niyang naramdaman ang pagpisil ni Athena sa mga kamay niya at nangungusap na mga mata nito.
" Answer me, Camilla,is it true?" Untag sa kaniya ng matanda.Napalunok siya ng maraming laway at napatitig sa Nanay niya." O-opo,totoo po 'yun," sa wakas ay sagot niya.Bigla namang umaliwalas ang mukha ni Athena,napangiti na ito na tila napanatag." Sorry po, ' Nay, h-hindi ko a-agad nabanggit sa inyo. Ayoko po kasing ma-disappoint kayo," nakayuko niya'ng sambit." See, Mom? I told you," masayang wika naman ni Athena.Tila hindi naman kumbinsido si Mrs. Romualdez. Kunot pa rin ang noo nito na nakatitig sa kanila." Siguro naman titigilan mo na si Damon,Mommy? Maawa ka n
HINDI malaman ni Camilla kung umaarte lang ba si Damon sa mga tinuturan nito. Seryoso ang lalaki habang nagsasalita. Nakilala niya kasi ito bilang alaskador at hambog kaya naman naninibago siya sa ikinikilos nito." I don't want to ruin her life for me."Muli ay narinig niya'ng sambit pa nito. Totoo nga kaya ang sinabi nito na nagbago na siya?" Sa totoo lang matagal naman na kami ng kaibigan mo. Since highschool pa lang naging kami na, this time,i think it's over."Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot sa tinuran nito. Mukang balak na nga nitong hiwalayan si Athena,paano na ang kaibigan? Tiyak na masasaktan ito ng sobra." But don't get me wrong,Camilla. I love yo
HINDI naging madali para kay Camilla ang plano ng kaibigan na magpanggap sila ni Damon bilang magkasintahan. Paano niya pa haharapin ang lalaki? Baka palagi na lang silang mag-away nito tuwing magkikita lalo pa't nadagdagan pa ang matinding inis niya rito dahil sa pagtatangkang pagpapakamatay ni Athena. Sobrang dismayado talaga siya sa kaibigan.Ngunit hindi siya papayag na maapektuhan ang kaniyang pag-aaral dahil sa pag iisip sa problemang kinakaharap. Pangarap niyang makapagtapos sa pag-aaral at makapagtrabaho abroad." Oh,anak bakit naman ganyan ang mukha mo hindi ka ba excited na after one year, eh, makakabalik ka na ulit sa pag-aaral?" usisa ng kaniyang Ina habang nasa harapan siya ng salamin at inaayos ang sarili." Excited po," matipid niyang tugon Ina.&n
" I REALLY like you ever since, Camilla."Kamuntikan pa siyang mabilaukan sa sinabing iyon ng binata. Sinuri niya ito ng maigi kung seryoso ba ito o ginu-goodtime lang siya. Nabanaag niya sa itsura nito ang pagiging sinsero sa mga sinasabi. Oo,alam niyang mga bata pa lang sila ay nagpaparamdam na sa kaniya ito at kinukulit siya, hindi niya akalaing hanggang sa paglaki nila ay tototohanin pala nito ang mga sinabi. Muli niya itong pinukpok sa bumbunan dahil wala siyang alam na puwedeng isagot dito." Aray! Bakit na naman?" Muling daing nito hawak ang bahaging nasaktan." Puro ka kalokohan,eh! Ngayon pa nga lang ulit tayo nagkita pambobola na agad ang nasa isip mo!"Ramdam niya ang pamumula ng kaniyang pisngi. 
ABALA si Camilla sa harap ng kaniyang laptop,kailangan niyang matapos ang research para sa kanilang report. Ito kasi ang kauna-unahan nilang activity sa huling taon ng kolehiyo. Ganado siya ng mga oras na iyon ng biglang bumukas ang pinto ng kaniyang kwarto at iniluwa 'nun si Athena." Hi, Besty,how's your day?" bungad na bati nito sa kaniya." Eto, okay lang medyo busy," sagot niya habang nakatutok pa rin ang mga mata sa laptop." Maya na iyan,tara meryenda na muna tayo."" Busog pa ko,eh,ikaw na lang kailangan ko 'tong tapusin para may mai-present ako sa mga ka group ko bukas."" Later na lang iyan,maaga pa naman. Nagpagawa ako ng sandwich kay yaya saka need din natin pa
" DO'NT mess with me, dude! Masyado ka pang totoy to compete with me. Look at you,matangkad ka lang pero totoy ka pa rin,hindi mo kayang ipaglaban si Camilla."Nalukot ang mukha ni Camilla gusto niya na 'tong hambalusin ng tubo." You're wrong,i'm matured enough to protect her. Mahal ko si Camilla at gagawin ko ang lahat para sa kaniya. At ikaw? Obvious naman na playboy ka and i dont want her to be one of your toy,paiiyakin mo lang siya!"Ibig niyang matawa sa sinabing iyon ni Mico alam na alam talaga nito na playboy ang kaharap." Ah, ah,ah? Mali ka," hirit pa rin ni Damon habang kinukumpas ang mga daliri. " Huwag mong maliitin ang damdamin ng isang playboy,pag nagmahal kami seryoso,tagos sa puso!" dagdag pa nito habang t
" SHIT! Why i feel so nervous?!"Ibig matawa ni Camilla sa sinabing iyon ni Rochelle. Namumula ang pisngi nito sa kaba. Kasalukuyan silang nasa canteen at hinihintay ang binata." Relax ka nga lang , hindi naman celebrity ang imi-meet natin, 'no? Si Mico lang 'yun!"Sa totoo lang ay pati siya ay nahahawa na rin sa kaba nito at hindi niya malaman kung bakit. Hindi niya alam ang mararamdaman kung sakaling mabaling dito ang pagtingin ng binata. Doon niya mapapatunayan na pare-pareho lang talaga ang mga lalaki, mga playboy. Kakagat kaagad pag may magagandang ibig lumandi sa kanila. Pasimple niyang sinipat ang itsura ng katabi. Maganda talaga ito at mabango pa. Pakiramdam niya ay nagmumukha siyang pulubi pag magkatabi sila. Bahagya siyang nakaramdam ng insecurities at muling inisip ang its
" Okay, we're here!"Excited siyang bumaba sa kotse at kinatok ang salamin kung saan nakapewesto si Camilla na tila hindi yata siya narinig. Nagulat pa ang dalaga ng gawin niya 'yun na kasalukuyan yatang naglalakbay pa ang isip. Sabik na kasi siyang ipatikim dito ang kaniyang recipe para naman kahit paano ay maiba ang tingin nito sa kaniya. Mula sa pagiging playboy ay magtransform bilang isang talented na cook.Nagtatakang iginala ni Camilla ang paningin sa paligid." Asan na tayo?"tanong nito na may bahid na inis sa boses." Nasa bahay ko!" nakangisi niyang tugon." Bahay mo? E, anong ginagawa natin dito sa bahay mo?!"nanlalaki ang mga matang bulalas nito.
Labis na nasorpresa si Camilla nang mabungaran si Mico sa kanilang bakuran ng umagang iyon, day off niya kaya wala siyang pasok nang araw na iyon. Ilang buwan na rin nang huli niya itong makita mula nung umuwi sila sa kanilang probinsya para doon na mamalagi." Teka paano mo nalaman itong bahay namin?" Tanong niya sa lalaki." Ano bang klaseng tanong iyan, sikat ka na kaya dito sa lugar niyo kay madali ka na lang ipagtanong," nangingiting tugon ni Mico.Natawa siya at napakamot ng ulo. "Sira ka talaga, niloloko mo naman ako,eh. Siya nga pala kumusta ka na?"" Hmm..medyo nakaka move on na sayo. Anyway,napanood ko iyong interview sa'yo,ah. Grabe,sikat ka na!"Tinampal niya ito sa braso. " Paano naman ako magiging sikat hindi naman sakin ang restaurant na iyon, puro ka kalokohan."" Ganon na rin iyon kasi ikaw ang nagmamanage, kung wala ang pamamahala mo hindi magiging successful ang operation doon."" Oo na, sige na. Maiba nga tayo bakit mo ba ako naisipang dalawin?"Bigla ay sumeryoso
DUMATING na ang pinakamahalagang araw sa buhay ni Athena,ang binuong pangarap nila ni Damon noon, ang kanilang pag-iisang dibdib. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya, masaya siya dahil makakasama niya na ang lalaking pinakamamahal ngunit kakambal naman noon ang lungkot dahil alam niyang hindi sila pareho ng nararamdaman ng lalaki. Kaya naman may bahagi ng isip niya ang tumututol at nagsasabing tama na. Sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ay hindi niya magawang ngumiti habang nakatingin sa salamin. Napakaganda niya sa suot na wedding gown na matagal niyang pinaghirapang gawan ng design, nais niyang maging perfect sa araw ng kaniyang kasal. Habang abala ang make-up artist sa pag-aayos sa kaniya ay hindi niya napigilan na isipin si Camilla, kumusta na kaya ito? Kung hindi sana nangyari ang lahat ng iyon ay nasa tabi sana niya ang kaibigan at masayang-masaya rin gaya niya. Sana ay ito ang magiging kaniyang maid of honor, nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan
WALANG pagsidlan ang saya na nararamdaman ni Athena nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa salamin. Suot ang ipinatahing wedding gown na sarili niya mismong design, sakto lang ang fit sa kaniya na bumagay sa magandang kurba ng kaniyang katawan.Nagpasya na siyang lumabas sa fitting roon para ipakita kay Damon na kasalukuyang nasa labas lang at nag-aabang sa kaniya. Matamis ang ngiting hinawi niya ang tabing saka lumabas." Wow! Ang ganda mo, girl! Ikaw na ang pinakamagandang bride sa balat ng lupa!" anang isang bakla na gumawa ng kaniyang wedding gown." I know, right?" nangingiti niyang tugon. " What do you think, hon?" baling niya kay Damon na nakatingin lang din sa kaniya. Blanko ang expression ng mukha nito at napatango-tango na lang." After this isukat mo na rin iyong suit mo, i'm sure babagay din 'yun sa'yo," masayang wika niya." Ay, true! Wait lang kukunin ko," anang bakla. Dali-dali itong naglakad para kunin ang suit ng lalaki." No need!" ani Damon at tumayo s
AYAW dalawin ng antok si Camilla nang gabing iyon, ilang gabi na rin siyang walang maayos na tuloy dahil sa nangyari sa kanila. Matapos ang dalawang linggong pananatili sa bahay ni Mico ay nagpasya na rin siyang umuwi para matapang na harapin si Athena. Napagpasyahan na rin nilang mag-ina na lisan na ang mansion matapos nang nangyari dahil wala na siyang mukhang maihaharap kay Athena at sa pamilya nito matapos nang nangyari. Nailigpit na rin nila ang kanilang mga gamit para makaalis na kinabukasan. Mahal niya si Damon ngunit hindi niya pwedeng pagbigyan ang nararamdaman. Hindi rin naman kasi sila magiging masaya hanggat may tao silang nasasaktan. Mas pinili niyang pahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Athena. Hanggang sa makatulugan niya ang labis na pag-iisip habang tahimik na lumuluha. Maaga siyang nagising kinabukasan para maghanda,tahimik lang ang mama niya na noon ay inaayos ang kanilang higaan. Batid niyang labag sa kalooban nito ang kanilang pag-alis sa mansion ngunit pini
Maraming tao sa restaurant nang araw na iyon kaya abala sila maging ang mga tauhan na hindi magkamayaw sa pag-aasikaso sa mga costumer. Puno ang loob kaya naman naisipan ni Athena na maglagay na rin sa labas tutal naman ay malawak iyon. Naramdaman niya ang presensya ni Damon sa kaniyang tabi habang nakatanaw rin sa maraming costumer. May ilan pang nagpapicture taking dito at nagpa-autograph sa lalaki. " Alam mo, hon bakit hindi tayo magtayo ng isa pang branch? Masyado nang masikip dito, halos hindi na magkasya ang mga costumer." Lumingon siya sa lalaki nang wala siyang marinig na tugon dito.Matapos nitong hubarin ang suot na apron at cap ay iniwan na siya nito,nagtungo ito sa kanilang mini office kaya sinundan niya ang lalaki. Naabutan niya itong nakasandal sa swivel chair habang hinihilot ang sentido. " Napagod ka ba? Okay, i will massage you," aniya at minasahe ang lalaki ngunit pinaksi nito ang kaniyang kamay." No need, i can do it alone," malumanay na wika ni Damon.Saglit s
Mabilis siyang nahila ni Damon nang tangkain ni Mico na ilayo na siya sa lugar na iyon." God, i can't believe this!" napapailing na bulalas ni Athena habang umiiyak. " Ano ka ba naman Damon,bitawan mo si Camilla!" bulyaw naman ni Mico." No, you can't take her away from me!" ani Damon na halos yakapin na si Camilla.Hindi niya naman alam ang gagawin habang hawak siya ni Damon at pilit inaagaw kay Mico. Gusto niyang bumitaw kay Damon dahil napakasakit na sa kaniya na umiiyak ang kaibigan. Gusto niyang lapitan si Athena ngunit alam niyang wala namang mangyayari dahil alam niyang sobra na siya nitong kinamumuhian kaya hahayaan niya na muna ang dalawa." Please, Damon hayaan mo muna akong umalis!" aniya sa lalaki. Hilam na rin sa luha ang mga mata niya.Ngunit mariing umiling-iling si Damon, tila hindi na nito alintana ang presensya ni Athena. " You're crazy, wala kang puso! Hindi mo na inisip ang nararamdaman ni Athena!" Dinuro duro ni Mico si Damon.Maya-maya lang ay yumakap si Ath
Panayan ang pagtulo ng luha ni Athena habang inilalagay sa maleta ang lahat ng kaniyang mga damit, ngayon kasi ang araw ng muli niyang pagbalik sa America kaya naman sobrang nalulungkot siya lalo't hindi pa sila nagkakaayos ni Damon. Pinahid niya ang luha sa mga mata at pilit na pinasigla ang sarili, alam niyang magiging okay rin sila ng lalaki. Siguro naman ay sapat ang ibibigay niyang panahon dito para makapag-isip ito at itigil na ang kalokohan sa mga babae. Lumabas na siya ng kwarto habang panay ang punas sa kaniyang mata. Nasalubong pa niya ang mama ni Camilla sa sala at nagulat pa sa dala niyang maleta." Saan ka pupunta, iha?"" I'm going back to states, mga ten am po ang flight ko." " Ganoon ba? Ang bilis mo naman yatang umalis akala ko pa naman magtatagal ka pa dito," kunot-noong tugon ng matanda." Marami pa po kasi akong kailangang asikasuhin lalo't kauumpisa pa lang ng negosyo ko."" Ah, ihahatid ka ba naman ni Camilla?" " Hindi na po kailangan,ayoko na po siyang istorbo
Matapos ang gabing iyon mula nang maglasing si Athena dahil sa problema nito sa relasyon kay Damon ay hindi na siya pinatulog ng kaniyang konsensya. Halos hindi niya na maramdaman ang saya dulot ng tamis ng pag-ibig, naisip niya na ring kausapin si Damon para itigil na ang relasyon nila ngunit sa tuwing tatangkain niyang gawin iyon ay inuunahan siya ng karuwagan. Mahal niya si Damon at hindi niya kayang mawala ito. Nagulat na lang siya isang umaga nang kausapin siya ni Athena para ipaalam sa kaniya na babalik na ito sa America." S-sigurado ka? Biglaan naman yata?" maang na tanong niya. Inaasahan niya kasi pa magtatagal pa ito sa Pilipinas." Marami pa kasi akong dapat asikasuhin sa negosyo ko, kailangan na nila ako doon." Napatango-tango lang siya bilang tugon sa kaibigan, halos madurog ang puso niya sa nakikitang pagdurusa nito. " P-Paano kayo ni Damon?" tanong niya saka umiwas ng tingin." Hahayaan ko muna siya ngayon, i think he needs space para makapag-isip-isip. Sa huli
Magulo pa rin ang isip ni Athena habang lulan ng kaniyang kotse matapos nitong makipagkita kay Camilla. Ang maganda sanang moment nila mag besty ay sinira lang ni Terry, napilitan tuloy siyang aminin dito ang totoo dahil sa hindi magagandang salita na binitawan nito tungkol kay Camilla. Ilang araw araw na lang din kasi ang ilalagi niya sa Pilipinas dahil kinailangan niya nang bumalik sa America para asikasuhin ang kaniyang negosyo. Bigo man siya sa ngayon na isama si Damon pabalik ay nangako naman siya sa sarili na kahit malayo ay aayusin niya ang kanilang relasyon. Katulad lang din ito ng dati nilang sitwasyon ng nobyo, hindi niya naman masisisi si Damon marahil ay nangulila lang ito sa presensya niya kaya nalibang sa ibang babae. Alam niyang sa huli ay sa kaniya pa rin ito babalik. Ngunit bago siya umalis ay gusto niya munang makausap ng masinsinan ang nobyo. Mabigat pa rin kasi ang loob niya dahil sa nangyari lalo't hindi niya alam kung sino ang babaeng kinalolokohan nito. Alam ni