Share

Chapter 4

(Greg's pov)

Palpak! Hindi naman talaga iyon ang gusto kong sabihin eh. Dapat talaga makikipagsundo ako na sustento lang ang ibibigay ko at hindi kasal. Na magkakasundo na lang kami tungkol sa custody ng bata at magkakaroon kami ng kanya kanyang schedule sa paghawak sa bata. Hindi ko naman kasi kayang matali sa iisang babae. Lahat ng babae kasawa sawa. Lahat ng babae nagkukulang. Lahat may flaws. Lahat clingy. Kung magpapatali ako sa isang babae, gusto ko yung talagang mahal ko at mahal ako. In short, walang ganun.

Bakit nga ba kasi ako pumayag sa bwisit na pustahan na yan eh! Nagkanda-leche leche tuloy ang buhay ko. Paano ko malulusutan ito ngayon? Magkakaanak ako? At sa manang pang iyon? 

Bwisit talaga.

(Charlene's POV)

Maaga akong gumising at nagprepare para sa pagpapasa ng resignation na ito. Usually, sa Human Resource department talaga nagpapasa ng resignation sa amin but that is if you are rendering 30 days of duty upon resignation. Pero kapag effective immediately, pwedeng dumirekta sa may ari. At iyon ang gagawin ko ngayon.

Maghahanap na lang ako ng bagong trabaho. Yung malayo sa gulo. Yung malayo sa kanya. Pagod na akong makarinig ng pangmamaliit nya sa akin at sa anak ko. Hindi namin ito deserve. Kaya kong tanggapin ang mga insulto na ibabato sa akin. Pero sa anak ko? Hindi ko kaya. Wala syang kasalanan dito.

Nasa harap na ako ng opisina nya at grabe ang kaba na nararamdaman ko. Nilalamig ako at hinahalukay ng kung ano ang tiyan ko.

Unti unti kong binuksan ang pinto. Medyo namamawis pa ang kamay ko at kinakabahan ako dahil baka kung ano na naman ang sabihin nya sa akin na hindi naman totoo.

Pagbukas ko, syempre bumungad sa akin ang nakakadiri nilang ginagawa. Bagong babae na naman ang kahalikan nya. Hindi ko alam kung kailan ba sya titigil sa kalokohan nyang iyan. Baka kapag nagkasakit na sya. 

"Excuse me sir." I faked a cough.

Natigil naman sila sa ginagawa nila pero yung babae nakakapit pa din kay sir na akala mo linta sa sobrang dikit. The woman is indeed pretty and sexy. Para nga syang si Betty Boop sa sobrang sexy eh. Kulot ang buhok nito at mapang akit ang mata. And those things make me want to roll my eyes.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" galit na tanong ni Greg, siguro dahil naistorbo ko na naman sila. His polo was already unbuttoned and his erection is quite obvious inside his maong pants. He cleared his throat and I suddenly went out of my musings.

Well, hindi talaga ako kumatok kasi alam kong pareho lang ang dadatnan ko kumatok man ako o hindi. Pareho lang na kababuyan nya ang maaabutan ko. And why do I suddenly feel like throwing the flower vase at his face?

"Okay lang. Ituloy nyo na yan. Iaabot ko lang naman itong resignation letter ko, Sir. This is effective immediately." Mariing sabi ko at saka ibinaba ang letter sa table nya.

"Hindi ko na kaya pang matagalan ang ganitong set up. Sige, I have to go. Baka ma-late ako sa interview eh." I said and took three steps away. "Ah! Before I forget, don't worry hindi ko kukunin yung sweldo ko this month. Hindi naman po kasi ako mukhang pera katulad ng tingin ninyo sa akin."

Tinalikuran ko na sila at naglakad palabas at handa nang kalimutan ang masasakit na alaala sa kumpanya nyang ito pero hinablot nya ang braso ko.He made me face him.

"Ano bang kalokohan ito?" His eyes were red with anger.

"Hindi 'to kalokohan Greg."

"Then tell me what it is!"

"Ayaw mo ba nito? Lalayo na kami ng anak ko. Pareho na tayong matatahimik! Makakalaya ka na sa resulta ng kalokohan mo." I held my tears as much as I can for I hate showing weakness in front of him. I saw him clenched his jaw as if wanting to say something but held himself.

Marahas kong tinanggal ang kamay nya sa braso ko at saka lumabas. Naiinis na naman ako sa kanya! Hindi ba dapat masaya sya na aalis na ako? Na wala ng magpipilit sa kanya na akuin itong anak nya? Na wala ng manggugulo sa kanya? Na magiging malaya syang mambabae? Bakit ngayon parang ayaw nyang umalis ako at bakit kalokohan ang tingin nya sa gagawin ko?

Dumiretso ako sa department ko at isa isang niligpit ang mga gamit.

"Best, wag ka nang umalis. Mawawalan na ako ng kasabay kumain eh." Natawa ako sa kilos ni Mariz. Nakapout sya at parang batang nagmamakaawang bilhan ng candy.

"Kahit naman gustuhin ko, hindi rin pwede."

"Final na ba talaga iyang desisyon mo?"

"Oo best eh. Okay na ko sa ganito. Besides, kailangan ko pa ding pag isipan kung paano ko sasabihin kina Mama at Papa itong sitwasyon ko."

"Naku! Sorry talaga best ha. Ako ang may kasalanan kung bakit ka nagkaganyan eh. Sorry talaga best."

Napatulala ako saglit at biglang nagflashback ang mga nangyari noong araw na iyon. Noong broken hearted si best at uminom kami at nangyari ang hindi dapat mangyari.

"Okay lang best. Nangyari na eh. Wag ka ngang ganyan! Hindi kita sinisisi." niyakap ko si best at medyo matagal din kaming nagdramahan bago ako naglakad palabas.

Ninanamnam ko bawat hakbang ko dahil ito na marahil ang huling lakad ko sa building na 'to. For three years this had been my second home. This building witnessed my every hardships in this company. If the circumstances were different, I would've chosen to stay.

'Tsk! Ano ba yan! Wag ka ngang umiyak Charlene! ' bulong ko sa sarili dahil naiiyak na naman ako.

Lahat nang madaanan ko na katrabaho ko ay iisa ang sinasabi.

"Mamimiss ka namin, charlene."

Haaaaay! Ikaw kasi Greg eh. Nahihirapan tuloy ako ngayon! Kung sana kasi responsable kang lalaki. Gwapo ka nga at maganda ang katawan, mayaman ka naman. Okay ka sana eh. You really can't have it all, I guess.

Paglabas ko ng building ay nag huling sulyap muna ako. Okay lang kahit magmukha akong tanga at mukhang Japanese sa kakayuko. Napamahal na din kasi ako sa dito. Ito rin ang kauna unahang trabaho ko after kong gumraduate so I guess this is just normal.

Isang hakbang palayo then...

.

.

.

.

Everything went black.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status