Share

Chapter 3

(Greg)

Kasal? Are they kidding me? There's no way na mapapapayag akong magpakasal! Ayoko! Ayokong matali sa isang babae! That's insane.

I can support them financially. I can visit my child whenever I want to or whenever he or she wants me to. Hanggang dun lang ang kaya kong ibigay. Tanggap na rin naman iyon sa panahon ngayon. Ang mahalaga kaya mong buhayin ang mga anak mo at hindi iiwanang palaboy sa lansangan. Yun ang mahalaga. Hindi ang pagiging mag asawa ng magulang nila.

"Babe, ano bang iniisip mo?" the woman beside me made me face her and kissed me chastely on the lips. I don't even know her name.

Nandito ako sa isang coffee shop malapit sa opisina kasama ang isa sa mga babae ko. Dito ako madalas tumambay kapag ayokong magkulong sa office ko. But today feels different. Parang wala ako sa mood makipaglandian sa mga babae. Kasalanan 'to ni Charlene eh.

"Aalis muna ako. Dyan ka na." I told the woman before I folded my laptop and started walking out.

Naman! I inwardly groan kasi kumapit sya sa akin.

"Wait!! Sandali lang babe."

I shrugged his arms off at mabilis akong tumakbo para matakasan ang babae na yun. Kailangan kong puntahan si Charlene. Alam kong may ibang kailangan ang isang yun. Kahit ano ibibigay ko, wag lang kasal.

Sakto namang lunch break kaya nakasalubong ko sya kasama ang bestfriend nya na si Mariz. She was wearing her usual manang outfit, a black and white striped long-sleeved blouse and a black oversized pants. Bakit ba hindi man lang ito magpaganda at makipagsabayan sa mga babaeng katrabaho nya?

"Mag usap tayo." hinila ko ang braso nya.

"Aray! Sir greg masakit! Ano ba?!" She resisted kicking my legs. Grabe talagang magwala ang isang to. Parang hindi babae. Siguro kung walang nangyari sa amin iisipin kong dating lalaki to.

"Ano bang problema mo?" galit nyang tanong nang makarating kami sa office ko.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko. Sabihin mo nga, ano bang gusto mo? Pera? Fine! Name your price!" Inaasahan ko na sasagot sya ng 1M or 500k gaya ng mga kafling ko pero hindi. Tumalikod sya at saka yumuko.

"Kung ayaw mong panagutan ayos lang sa akin. Kaya ko naman syang palakihin mag isa eh. Kaya kong ibigay ang lahat ng kailangan nya nang wala ka. Ako din ayoko ng kasal, kaya wala kang dapat ipag alala. Kaya ko lang naman sinabi sa'yo kasi baka magulat ka na lang na tinawag kang daddy ng anak ko. Mabuti na yung alam mo para wala nang gulatan na magaganap." Sabi nya. Nakita kong bumuntong hininga sya at saka humarap ulit sa akin. "Wala ka na bang sasabihin? Aalis na 'ko. Ito lang kasi ang free time ko para maglunch eh."

Hindi na ako nakasagot pa kaya umalis na sya. Bakit ganun? Bakit may iba akong naramdaman? All this time kasalanan ko naman talaga kung bakit sya nabuntis. Kung hindi dahil sa pesteng pustahan na yun di to mangyayari.

(Charlene)

Akala mo naman gusto kong magpakasal sayo! Nakakainis ka! Bakit ba ikaw pa ang nakagawa sa akin nito? Ano ba ang naging kasalanan ko para isang Greg Francisco pa ang makabuntis sa akin? Sobrang perwisyo ang binigay sa akin ng lalaking yan. Okay naman ako noon na kumikita ako buwan buwan eh. Bakit ko ba napasok itong problema na ito?

"Bes, bakit ka umiiyak?" agad na nilapitan ako ni Mariz nang makita nyang umiiyak ako nang bumalik sa cubicle naming.

"Bwisit na lalaki talaga yon!"

"What happened?"

"Mukha bang pera lang ang habol ko sa kanya, bes?" muling namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko.

"Sinabi nya 'yun sayo?" she asked arching her brow. "Kung ako sa'yo bes, ilalayo ko ang anak ko sa walang kwentang lalaking iyan." Seryoso at nanggigigil na sinabi ni Mariz at agad ko syang niyakap.

Sobrang thankful ako na may bestfriend ako. Since college ay kami na ni Mariz ang magkasama. We were each other's defender. We were each other's rock. We were each other's comfort. Kahit naman nangyari ang pagkakamali ko kay Greg dahil sa pag aaya nya sa akin sa club ay hindi ko naman sya sinisisi. If I were to experience that again, I would still go and be with her.

At exactly 5 in the afternoon ay nag-ayos ako ng mga gamit para makauwi na. Buong maghapon akong nahihilo at naduduwal. Gusto pa nga ni Mariz na ihatid ako pero hindi na ako pumayag dahil tingin ko ay kaya ko naman. Mabuti na lang at isang sakay ng jeep at kaunting lakad lang naman ang layo ng office at ng bahay namin.

Pagkababa ko sa jeep ay may natanaw na akong itim na kotseng nakaparada ilang metro mula sa tapat ng bahay namin. Napakunot ako ng noo dahil medyo pamilyar.

Ilang hakbang pa at nakita kong nakasandal sa gilid ng kotse nya si Sir Greg. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. At kailan pa daw nya nalaman kung saan ako nakatira? Hindi naman kasi kami close. Ni hindi ko nga sya nakaka-transact sa opisina. Nakilala nya lang ako by name maybe because of her flings. Halos lahat kasi ng dalaga sa floor namin ay nakalandian at naihatid nya na kaya nagkikita din naman kami paminsan minsan.

"Anong ginagawa mo dito?" inis kong tanong. Bumuntong hininga sya as if sinasabi nyang suko na sya.

I seriously thought he had already made up his mind and finally accepting the consequences of his actions but unfortunately I though of it wrong.

"Two million." Seryosong sabi nya at agad na kumulo ang dugo ko.

Wow! So kaya pala sya nandito para presyuhan ako? Para ipamukha sa akin na pera lang ang habol ko? Ang kapal kapal talaga ng lalaking ito.

I suddenly felt like crying. I suddenly felt like running towards the house and just isolate from the world.

I let out a super duper deep sigh before I spoke.

"Ano ba kasing pinoproblema mo? Ayaw mong maging tatay? Ayaw mong ikasal kasi ayaw mong matali sa akin?" I swallowed the invisible lump in my throat. "Fine! Ayoko din naman eh! Hindi mo na kailangang gumastos ng dalawang milyon para lang maiwasan to. Hinding hindi kita kakailanganin sa pagpapalaki ng anak ko. Makakaalis ka na."

I walked away from him the moment I finished the last word. He's done enough. I would never let my child feel unwanted. If his or her father does not want him or her, I'll fill every hole Greg will leave. Hindi ko sya kailangan. Hindi sya kailangan ng anak ko.

Kaya bukas na bukas magreresign na ako. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status