(Charlene's pov)
"Kinakabahan ako, Ma." Sabi ko kay Mama nang tawagin ako ng organizer at sinabing magsisimula na. Parang hinahalukay ang tyan ko sa sobrang kaba. At parang gusto ko nang umatras na lang.
"Ganyan lang talaga ang pakiramdam anak. Nandito lang kami ng Papa mo para sayo." I hugged my mom for the last time, as a maiden.
Nagulat ako sa lakas ng palakpakan na sumalubong sa akin pagkabukas na pagkabukas ng pinto leading to the wedding venue. And I was amazed by the decorations. Bilang babae may sarili akong wedding dreams. Pero kabog na kabog ng kasalang ito ang lahat ng mga fantasies ko about weddings. Sobrang daming bagong mukha ang nakikita ko sa paligid. Iilan lang ang kakilala ko dahil karamihan ay mga kaibigan ng pamilya ni Greg. Halatang mga mayayaman ang imbitado sa
(Charlene 's pov)Nasa kotse kami ngayon ni Greg at papunta sa bahay nya. Doon na daw kami titira. Ineexpect kong magsasama kami sa iisang bahay but not this soon. Hindi ko akalain na pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay may nakahanda nang bahay para sa amin. Well, ano nga ba ang ineexpect ko sa mga katulad nilang mayayaman. Ang sabi rin naman ni Tita Gia ay may mga damit at toiletries na kami doon. Lahat ng kailangan naming ay nandoon na sa bahay na iyon kaya wala na kaming poproblemahin.Tahimik lang ako buong byahe pero si Greg, panay ring ng phone. Gustong gusto ko nang umiyak dahil puro babae nya ang mga tumatawag. Pinapadinig din nya sa akin ang pinag uusapan nila. Hindi ko rin maiwasang maisip yung nasaksihan ko kanina sa CR. Talagang hindi nya pinatawad ang araw ng kasal namin.
(Greg's pov)Hindi ko makalimutan ang lasa ng arroz caldo nya. Oo madami na akong nakain na arroz caldo dati pero yung kanya kakaiba. Hindi ko lang alam kung alin doon ang nagpasarap sa luto nya."Babe, sino ang mas magaling sa amin ng asawa mo?" the woman beside me asked as she nuzzle my neck. We checked in a hotel to do some kinky things and we just finished.Hindi ko alam kung wala lang ba ako sa mood o hindi lang talaga magaling sa kama itong babaeng ito kaya parang gustong gusto ko nang umalis. The weird part was that Charlene's sad eyes when I told her my disgust on the food kept flashing inside my mind."Babe, let's talk some other time. Aalis muna ako, marami pa akong aasikasuhin." sabi ko at saka tumayo.
(Greg 's POV)Masarap. Kakaiba ang pagkaluto nya sa adobo. Parang tama nga yata na kakaiba sya sa lahat ng babae.Wait, what?Ano ba itong naiisip ko? I should not think of that woman that much.Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naging mabait ako sa kanya. I even gave her a kiss before leaving the house. That should mean nothing but I couldn't help but think about it. What's happening to me? I think I should get laid. Kinulang siguro ako sa exercise."Saan tayo love?""Hotel." I told this random girl and we drove off another hotel. I need a distraction. Pero syempre ang mahalaga ay protektado. Kay Charlene lang talaga ako pumalya. Isang beses lang pero nakabuo pa. Kapag mamalasin ka nga naman.
(Charlene 's POV)Kinabukasan nagising ako nang walang saplot at yakap yakap ng isang lalaki. Hindi ako sanay na magising sa ganitong kalagayan kaya napahawak ako nang mahigpit sa kumot na tumatakip sa katawan ko.Napalingon ako sa lalaking katabi ko. Pinagmasdan ko syang mabuti, sobrang gwapo nya. Ewan ko ba pero parang ang swerte swerte ko na ako ang napangasawa nya. Ang swerte swerte ko na sa sobrang daming babaeng naghahabol sa kanya ay ako ang naging asawa nya. Kahit naman siguro hindi nya pinaparamdam sa akin na mahal nya ako ay umaasa pa rin akong balang araw ay matutunan nya rin akong mahalin. Kasi ako, ilang araw pa lang kaming magkasama, minahal ko sya agad.Bigla kong naalala yung kagabi. Ramdam ko kung gaano kalambing ang mga galaw nya. Ramdam ko yung pagmamahal sa bawat ha
(Charlene 's POV)Nagising ako na sobrang bigat ng mata at ulo ko. Kainis. Ito na nga ba ang ayaw ko pagkatapos kong umiyak eh. Ako naman kasi eh. Alam na ngang chickboy si Greg iiyak iyak pa din kapag nakakita ng ibang babae na kahalikan nya. Kahit sanay akong makakita na iba't iba ang nakakasama nya, pareparehas pa rin yung pain na nararamadaman ko. Syempre asawa ko pa rin naman sya.Bumaling ako sa bedside table at tiningnan ang digital clock.Jusko! 5pm na?!Ganun ako katagal nakatulog?Napabalikwas ako ng tayo. Any time soon dadating na si Greg.Nagmamadali akong bumaba at nagluto. Kahit naman galit ako sa kanya, may obligasyon pa rin ako sa kanya. Iyon ang naaalala ko sa mga nasabi nya dati. Kahit gaano ako kagalit sa kanya, I still have my respon
(Greg's POV)Tinanghali ako ng gising. Gabing gabi na kasi ako nakatulog kagabi sa kaiisip kay Charlene. Ganoon na lang ba ang galit nya sa akin para hindi nya ako lapitan para bumili ng pizza? Gustong gusto ko ring magalit sa kanya dahil lumabas sya nang walang paalam.Bumaba ako para kumain at nang magbukas ako ng mga kaldero, wala pang lutong pagkain. Naalala ko si charlene. Malamang galit pa din sya dahil sa nangyari kagabi. Pero sana naman sinabi nya sa akin na gusto pala nya ng pizza. Ibibili ko naman sya eh. Anak ko rin naman ang dala nya. Gusto ko rin naming magkaroon ng parte sa pagbubuntis nya sa anak ko.Umakyat ako para puntahan sya kaso sarado pa din ang pinto ng kwarto nya. Ibababa ko na lang ang pride ko para lang makakain ng masarap na almusal. Her cooking skills ruined
(Greg's pov)Ilang buwan na ang lumipas nang magkasakit si Charlene. Malaki na rin ang tiyan nya dahil 6months na ito. Pero walang nagbago sa routine namin. Ipagluluto nya ako ng pagkain sa umaga, ipaghahanda ng susuotin, same usual routine.Aaminin kong bumait sya sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Baka nainlove na. Ako? Ganoon pa rin. Babaero. Gaya nga ng sinabi ko, hinding hindi na ako magseseryoso sa isang babae. Pare-pareho lang silang manggagamit. Kung laro ang gusto nila, laro ang ibibigay ko.Nagyaya ang family namin ng isang family lunch kaya nandito kami sa bahay nila mommy. Hindi dapat ako pupunta pero sobrang mapilit si Grace kaya pinagbigyan ko na. Alam kong hindi rin nila ako titigilan hanggang hindi ako pumapayag."B
(Charlene's pov)Napakadaming kwento ni Misha habang byahe. Nandyan yung tungkol sa first crush nya at sa first boyfriend nya na hiniwalayan nya dahil naka-arranged marriage sya. Medyo naawa pa nga ako sa kanya kasi kitang-kita talaga na mahal nya yung lalaki pero dahil sa family traditions, isinuko nya yung mahal nya. Nakakatuwa ang pamilya Francisco. Kasundo ko na silang lahat, maliban sa asawa ko."Bye Misha. Thanks sa paghatid.""Okay po, Ate. Sana makapagkwentuhan ulit tayo pagbalik ko dito sa Pilipinas.""Oo naman.""Bye na po, Ate at baka hinihintay na din ako sa bahay. Alam mo na, kailangan ko pang mag-impake.""Sige, ingat
Nandito kami ni Wesley ngayon sa sementeryo... at nagluluksa. Ngayong araw ang libing nya. Ang dami din naming napagsamahan. Sa loob ng maraming taon masasabi kong totoo ko syang minahal. Nawalan sya ng hininga na hingi ng hingi ng tawad sa akin. Pinatawad ko naman na sya at alam kong nagawa lang nya iyon dahil nabulagan sya ng galit nya. Namatay si Mariz. Nabaril sya ng mga pulis dahil nanlaban ito. Nakapasok ang mga ito bago pa man ni mabaril ang mag ama ko. Si Jasper naman ay nakatakas pero hinahanap pa rin hanggang ngayon. Paalis na sana ako nang malaman kong nawawala si Wesley. Kinabahan na naman ako dahil baka kinuha na naman sya ni Jasper. Hindi ko na kakayanin na may mangyari na namang hindi maganda sa anak ko. Tama na. Nilibot ko ang buong sementeryo pero wala talaga sya at
(Charlene's pov)Bago mag alas siete ay umalis na kami ni Greg at nagpunta sa lugar kung saan sinabi ni Jasper. Hindi namin binibitawan ang kamay ng isat isa hanggang makarating kami sa lugar.Nagsabi kami kay mama na kapag hindi kami nakabalik sa loob ng isang oras ay pasunurin na ang mga pulis. Kinakabahan ako dahil kanina lang ay nakita ko ang totoong ugali ni Jasper. For years he's been playing the role of a sweet guy, away from that weird maniac na nakita ko kanina. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa kanya na gawin ito .Nakarating kami sa isang abandonadong lugar. Nakakatakot. Madilim ang paligid. May mga bariles sa paligid at mga malalaking bakal na nagkalat. Is this where we will end?Pero naramdaman kong humigpit ang hawa
(Charlene's pov)Inaantok pa ako nang dumating si Jasper dito sa bahay. Sasamahan daw nya kasi akong ihatid si Wesley dahil gusto nyang magpractice ng mga gagawin nya pag kami na ang mag asawa. Kahit papaano ay natuwa ako dahil alam ko na tanggap nya ang mga anak ko.."Wala ka na bang nakalimutan Wesley?" I asked my son. Inilagay ko ang baon nyang pagkain sa bag nya."Wala na po mommy! " Sagot nito at saka kami pumunta sa kotse ni Jasper.Nakakatuwa din kasi sobrang gentleman nya. Buhat buhat na nga nya ang gamit ni Wes ay nagawa nya pang pagbuksan kami ng pinto. Unlike noong si Greg ang kasama kong maghatid, hindi awkward ang byahe. Hindi kami naubusan ng pag uusapan. Ni hindi nga namin namalayan na nasa school na pala kami ni wesley
(Charlene's pov)Na-annul na ang kasal namin ni Greg few weeks after ng pag uusap namin. It was made easy because Mommy Gia willingly volunteered to be a witness that I was just forced to be married with Greg. The ground was also backed up with CCTV footages kaya mabilis na naproseso at nanullify ang marriage namin.Greg has no idea that I am pregnant with his second child and I have no plans of telling him. Iniisip kong mangibang bansa na lang muna kami ni Wesley kapag lumaki na ang tyan ko para mas madali kong maitago ang bata.Nagkakasaya ang pamilya dahil sa wakas graduate na ang loko loko kong kapatid. His journey wasn't a joke. Hindi kami mayaman kaya hindi naging madali ang pinagdaanan nya para makagraduate."Congrats, Charlie!
(Charlene's pov)"Mommy, ikaw na maghatid sa akin please.""Mommy are you sick?""Si lolo na lang po maghahatid sa akin."For almost half an hour now I've been throwing up in the sink and I could not even face or tell my son that I can't walk him to school today. This pregnancy is making everything hard for me. Napakahirap ng palagi ka na lang nahihilo at nagsusuka. I have experienced this before with Wesley, but not this hard."Magpahinga ka na lang charlene at ako na ang maghahatid kay Wesley." sabi ni Papa. Tinulungan nya akong tumayo nang maayos nang tumigil ang pagsusuka ko.Tumango na lang ako at saka ko sya niyakap. Alam ko h
(Charlene's pov)Pigil na pigil ang luha ko dito sa taxi. Kasama ko si Wesley at alam kong hindi maganda na makita nya ako sa ganitong sitwasyon. This is the second time that he's seen his father kissing another woman and that's something that should not be seen by a child. Alam kong matino si Wesley pero ayokong mag iba ang tingin nya or idea nya sa isang ama ng tahanan."Mommy.. you can cry on my shoulder." lalong bumigat ang mata ko pero pinilit kong pigilan ang mga nagbabadyang luha."Thanks baby. I'm very blessed to have you." I kissed his temple.Ang tanga ko pala talaga. Mabuti na lang at nakinig ako kay Jasper. Wala na talagang pag asang magbago ang katulad nya. Lahat na lang sa kanya ay laro.
(Charlene's pov)Tama lang 'yan. Tama lang na iwasan sya. Tama lang na pagmukhain syang hangin. Tama lang na pahirapan at saktan din sya.Kahit na alam na alam ng puso ko ang gusto kong gawin. Gusto ko syang lapitan, paupuin at pagsilbihan. Pero alam ko na kapag nagpadala ako sa emosyon ko, ako na naman ang talo. Kailangan gawin kung ano ang mga dapat gawin."Charlene, you're hurting." Narinig kong sabi ni Jasper nang maupo ako sa tabi nya. Nakakuyom ang kamao ko para pigilan ang panginginig nito. I didn't noticed that a sob escaped my throatI can't contain it. Feeling ko sasabog na ako anytime. I'm really not into showing weakness but I know Jasper's a true friend. He had seen me cry already back in college.
(Charlene's pov)Pagkasarado ko ng pinto ay bumungad sa akin si mama. Kinabhan ako bigla dahil baka nakita nya kami kanina sa labas. Syempre nakakahiya dahil para akong diring diri kay Greg kapag nababanggit nila ang pangalan nito tapos makikita pala nila na magkahalikan kami."Ma" Kabado akong lumapit sa kanya at nagmano."Nakita ko kayo." para kong binuhusan ng tubig na may sampung bloke ng yelo. Nakakahiya."Ah... eh.... Ma, kasi...." What to say when you don't know what to say? Bakit ba ang chismosa kasi ng nanay ko."Ikaw ha, bakit ang ganda ng ngiti mo? Dahil ba naghalikan kayo sa labas? " Nag iwas ako ng tingin kay mama. Naramdaman ko kasing namula ang pisngi ko sa sinabi nya.
(Charlene's pov)Ang bigat ng paa ko habang umaakyat ako papuntang kwarto ko. Ewan ko ba. Kinakabahan lang ako. I wasn't even sure kung kaba ba ito dahil first time kong maramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam.Bago ko buksan ang pinto ng kwarto ko ay napatingin ako sa kwarto ni Greg. Ano kayang ginagawa nya? Galit pa kaya sya? O may babae kaya ulit syang kasama sa loob katulad noon? My heart constrict upon remembering that horrible night five years ago.Kahit hesitant ay binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa bumungad sa akin.Si Greg...Nakadapa at wasted. Ang gulo gulo ng buhok nya. Napatakbo ako sa kanya at naramdaman kong basa ang damit. Oo nga pala, naligo sya sa ulan kaga