Charlotte's POVHabang nakapikit at malapit ng kuhanin ng antok, bigla namang umubo si Elijah. Nagulat siya kaya napadilat ang mata niya, hindi niya kasi inaasahan 'yon.Inayos niya ang kumot niya, pero umubo na naman ito ulit, kaya lumingon na siya kay Elijah. Nakita niyang naka-angat na ang kalahati ng katawan nito, at habang umuubo na naman ay napatingin ito sa gawi niya."Nagising ka ba? Sorry.""Palalim na sana ang tulog ko, nagulat lang ako sa ubo mo.""Pasensya na, mukhang magkakaroon ako ng trangkaso."Napansin niya nga na biglang lumamlam ang mata ni Elijah na okay naman kanina. Basta talaga sakit bigla na lang dadapo kaya magugulat ka lang na iba na ang timpla ng katawan."Nahawa ka ata sa akin. Ang lapit mo kasi sakin noong isang gabi."Sumandal ito sa ulunan ng higaan at pumikit. "I don't know." Yumuko siya sa binti niya na yakap na niya ngayon. Saka inalala kung paano nga ba mahahawa si Elijah sa kanya, kumunot ang noo niya at parang wala naman, pero yung hininga niya si
Elijah's POVBinaba niya ang tasa nang wala ng laman na ginger tea. Okay naman ang lasa dahil sa honey, na lessen naman ang taste ng ginger pero nando'n pa rin ang anghang.Lumingon siya kay Charlotte. Alam niyang hindi pa ito tulog, masyadong madiin ang pagkakapikit ng mata nito."Mas lalo kang hindi makakatulog pag ganyan ang ginawa mo."Dumilat naman ito sa nanlilisik na mata. "Bakit alam mo 'yon?""Pag curious ang isang tao, dapat ginagawan ng paraan para mahanap ang solusyon, kaya alam ko na mas lalong hindi makakatulog ang isang tao pag stress ang mukha mo.""Hindi naman stress ang mukha ko.""Sa pagpikit pa lang ng mata mo ng madiin, stress na 'yon sa mukha mo, Charlotte.""Anong dapat gawin para makatulog?"Pinatong na niya ang dalawang paa sa kama, at nagkumot. Sumandal muna siya bago sagutin ang tanong ni Charlotte. "Don't think too much."Kumunot ang noo nito. "Hindi naman ako nag-iisip ng kung ano habang nakapikit.""One of the reasons why you may struggle to fall asleep
Elijah's POV"Sinubukan naman siguro ng babae na mahalin ang asawa niya, ang kaso baka hindi talaga niya kayang pilitin ang puso niya kung may iniibig naman siyang iba. Mainam ng pakawalan kaysa mas lalong magkasakitan silang dalawang mag-asawa dahil may ibang mahal yung isa.""Matagal bago ako maka-move on sa movie na 'yon! Pinasaya lang ako nung una, pinaiyak ako sa huli!""Movie lang 'yon, Elisse. Umiyak ka ng balde-balde pag nasaksihan mo na sa totoong buhay."Nagulat siya ng hinampas nito ang lamesa. "Mas lalong ayokong makakita ng ganun sa personal dahil mas masakit 'yon! Kaya ikaw i-work-out niyo ang kasal niyo kung hindi magpapakamatay ako!!"Lumingon siya kay Charlotte na nakataas ang dalawang kilay sa sinabi ni Elisse. Nabigla ata sa pinagsasabi ng kapatid niya."Huwg ka ngang mag-overthink, Elisse.""Kailangan kong mag-overthink, kasi parang ganun ang istorya niyong dalawa ni Charlotte." Tumingin ito sa katabi niya na si Charlotte. "Wala ka naman sigurong mahal na iba, 'di
Elijah's POVNapasandal siya sa kanyang upuan, at bumuntong-hininga. "Venus please! Hindi ikaw ang magtatakda kung sino ang dapat kong mahalin!"Tumawa ito at naglakad papunta sa harap ng table. Pinatong nito ang dalawang kamay doon at ngumisi. "Yes I am, Elijah. Sekreto rin naman kung paano natin pasiyahin ang isa't-isa. Ayaw mo naman sigurong masira ang image mo sa madla pag gumawa ako ng eksena?""Bitch!!""Oh... hindi ko kinahihiya kung ganun man ako," sa kampante nitong saad. "Kung ayaw mo rin namang maging tayo, dapat wala ka ring ibigin na iba dahil akin ka lang, Elijah. Tumanda na lang tayo na ganito kahit walang level, basta ako pa rin ang nag-iisang babae sa buhay mo.""Nasisiraan ka na ba ng ulo?""No."Pumikit ang mata niya sa naramdaman na sakit sa ulo dahil kay Venus."Umalis ka na habang okay pa ako, Venus."Maliit itong ngumiti. "Bago ako umalis bibigyan lang kita ng babala." Kumunot ang noo niya. "Mag-ingat ka sa babaeng nakakasama mo dahil oras na makita ko siya gag
Charlotte's POV Halos sa tagal na pagkakaupo niya sa passenger seat hindi na sila nag-usap pa ni Elijah hanggang sa pumasok ang kotse nito sa bakuran ng bahay.Bumaba siya at sinundan ng mata niya si Elijah habang kinukuha nito ang pinabili ni Elisse."Tulungan na kita," alok niya kay Elijah.Maliit itong ngumiti bago umiling. "Kaya ko na 'to. Pumasok ka na sa loob.""Okay." Nakailang hakbang na siya palayo sa kotse nang tinawag siya ni Elijah. Lumingon siya na nakataas ang dalawang kilay. "Bakit?""Nag-co-comute ka lang ba talaga mag-isa pauwi sa bahay?"Kumunot ang noo niya sa tanong nito, dahil batid naman ni Elijah iyon. "Hindi naman talaga ako nagpapasundo o nagpapahatid kahit noon pa na kasama ko ang pamilya ko, kung may pagkakataon man, bilang ko lang kung ilan at alam mo 'yon, Elijah, dahil madalas ka sa bahay namin."Iniwas ni Elijah ang mata sa kanya."Sino ang lalaki na nag-alok sayo na ihatid ka sa sakayan ng tricycle?"Napatitig siya sa mukha ni Elijah, pero hindi naman i
Charlotte's POVNakatitig lang siya sa hawak niya na tinapay nang biglang sumulpot si Elisse sa gilid niya."Baka pati 'yan matunaw sa pagkakatitig mo."Habang hawak ang tianapay ay binaba niya ang kamay niya at maliit na ngumiti kay Elisse. Tumaas naman ang kilay nito."Kay Elijah galing?""Oo."Mas lalo pang tumaas ang isang kilay nito na aabot na ata hanggang sa hairline nito. "Sweet pala siya, akala ko puro kasungitan lang ang alam. Mabuti 'yon para lapitan naman siya ng langgam."Pumaling ang ulo niya. "Masakit 'yon pag nakagat ng langgam.""Hayaan mo siya kung makagat man siya ng langgam. Manhid kasi minsan kaya mas okay na makaramdam naman siya ng sakit.""Totoo ba ang sinabi ni Elijah kanina kaya ka nandito?" bigla niyang tanong.Nawala ang pagkamataray na mukha nito, napalitan ng lungkot."Yes.""Bakit tinataguan mo siya kung may gusto naman pala sayo?" tanong niya habang nakakunot ang noo.Ngumiti ito na hindi kita ang ngipin. "May iba't-ibang kahulugan nag pagkagusto, Char
Elijah's POV"Elisse. Open the door!!"Kinatok niya ang pinto ng malakas dahil hindi niya mabuksan. Gusto lang niyang kausapin si Charlotte at linawin ang ginawa niya kanina na mukhang mali ang naging hatid no'n kay Charlotte."Hey! Open the door, Elisse!!"Muli niyang pinihit ang susi para mawala ang pagkaka-lock ng seradura ng pinto, pero sa bawat pagpihit niya at pagtulak sa pinto para bumukas ay walang saysay dahil ayaw pa rin. May ginawa na naman ang kapatid niya para hindi siya makapasok sa loob.Kinuyom niya ang kamao niya at malakas na hinampas 'yon sa pinto."Tumigil ka na Elijah! Masisisra mo ang pinto ng kwarto!" sigaw ni Elisse mula sa loob ng kwarto.Nilapit niya ang bibig sa maliit na siwang ng pinto. "I don't care! Palabasin mo si Charlotte!""Mas lalong ayaw lumabas ng asawa mo sa ginagawa mo, Elijah!"Napatigil siya sa pagpihit ng seradura ng pinto. Napabuntong-hininga siya. "Palabasin mo na siya, kailangan naming mag-usap.""Sus. Lumang style na 'yan, Elijah!"Nanlil
Charlotte's POVBinuksan niya ang pinto ng banyo ng kwarto ni Elijah. Parang narinig niya kasing pumasok na ito sa kwarto, pero wala naman ito sa loob nang sinilip niya.Guni-guni lang ba niya 'yon o baka may multo dito sa loob ng kwarto ni Elijah?Dahan-dahan pa siyang lumakad palapit sa higaan, pero halos tumakas ang kaluluwa niya sa katawan nang mag-ingay ang telepono na nakapatong sa table sa gilid ng kama.Napapikit siya habang nakahawak sa dibdib. Hindi niya inaasahan 'yon. Tiningnan niya ang telepono na pakundap-kundap ang ilaw ng screen dahil sa tumatawag. Hindi niya phone 'yon, kay Elijah.Hindi na sana niya pagkaka-abalahan pang sagutin dahil hindi naman sa kanya ang phone, pero sadyang makulit ang tumatawag. Lumapit siya at tinitigan muna ang screen ng telepono. Number lang ang nagpapakita na caller sa screen, walang pangalan.Prank call lang kaya ito o emergency kaya number lang?Atubili pa siyang hawakan ang telepono dahil nagdadalawang isip pa siya kung sasagutin o hindi
Nang tuluyan na makalabas si Christian ay huminto siya sa tapat ng pinto habang nakalagay ang dalawang kamay sa bewang. Sa itsura niya ay tila nag-iisip na siya ng mas mabigat na dahilan para paniwalain si Charlotte tungkol kung nasaan nga ba si Elijah. Lumakad si Christian paalis sa tapat ng pinto hanggang sa mapadpad siya s a billing station kung saan may lalaking nurse na nagsusulat. Tinitigan niya ang hand writing nito ng matagal bago tuluyang umalis ng ospital. Samantala, sa oras na iyon ay gising na si Elijah, pero nakadilat nga ang kanyang mata ngunit nakatulala lang sa kisame at may pagkakataon na hindi na ito kumukurap. Pumasok si Elisse na bihis na bihis at mukhang aalis, napakunot ang noo niya nang nadatnan si Elijah na hindi pa bumabangon sa kama nito. "Wala ka bang balak bumangon diyan, Elijah?" Bumuntong-hininga lang si Elijah at tumalikod ng higa kay Elisse. Napataas naman ang kilay ni Elisse sa ginawa ni Elijah. "Akala ko pa naman sisimulan mo ng gumawa ng paraan
Umupo si Elijah isang dipa malayo sa kanyang kapatid. Halatang sa itsura ng mukha nito ay malungkot siya dahil sa napagkasunduan nila ni Christian. "Hoy ano ng sabi ni Christian?! Nakita mo ba si Charlotte? Nakausap mo ba siya? Nasabi mo ba ang totoong nangyari kaya hindi ka agad nakapunta ng ospital?" Napahilot na lang si Elijah sa sintido niya dahil sa sunod-sunod na tanong ni Elisse. Ang lahat naman ng tanong nito ay hindi ang sagot. "Hindi," maikling sagot ni Elijah. Napakunot ang noo ni Elisse. "Tulog ba siya ng pumunta ka doon? Dapat hinintay mo na lang na magising at hindi ka muna umuwi rito." Malalim na napabuntong-hininga si Elijah. Sumandal siya sa sandalan ng sofa at tumitig sa kawalan. "Pinagbawalan na ako ni Christian na makita si Charlotte." Unti-unting namilog ang mata ni Elisse at bahagyang lumapit ng upo kay Elijah. "Ano't bakit daw?!" "Batid na niya ang nangyayari. Akala ko ay wala siyang malalaman, pero nakalimutan ko atang matalino ang tao na 'yon, lalo n
Lumakad ng ilang hakbang si Christian palapit sa kanya. Sa hindi malamang dahilan umatras naman siya ng isang hakbang. Napansin iyon ni Christian kaya hindi ito nagpatuloy na maglakad. "Natatakot ka ba? Dapat hindi ka na natatakot sa dami mong kasalanan, Elijah." "P-Please, Christian. Hindi ngayon ang tamang oras para pag-usapan 'yan!" sigaw niya. "Kelan pa Elijah ang tamang oras?! Pag patay na ang mag-iina mo!!" Halata na rin sa paghinga ni Christian ang galit na kinikimkim lang nito, pero anumang oras ay malapit na rin itong sumabog sa galit. "Kailangan na nating pag-usapan ngayon at bigyan ng solusyon ang problema mo. Magkakaroon tayo ng kasunduan, Elijah." Kumunot ang noo niya. "K-Kasunduan? Anong kasunduan ang sinasabi mo?" "Tutal may problema ka pang dapat ayusin sa pagitan niyong dalawa ni Venus. Nagdesisyon akong hindi ka na muling magpapakita pa kay Charlotte— hanggang isilang niya ang anak niyong dalawa." Lalong nagsalubong ang kilay niya, hindi puwede 'yon. "Hindi ak
Nakarating siya sa ospital na sinabi ni Elisse. Walang pag-aatubiling inayos niya ang pagkaka-park ng kotse at saka tumakbo papasok ng ospital. Huminto siya sa isang nurse na makaksalubong niya na malapit lamang sa billing station. "E-Excuse me. Saang kwarto naka-admit si Charlotte?" Bahagyang may gulat sa mukha ng nurse pero pumasok naman ito kung saan nakalagay ang mga file records ng mga pasyente na naka-admit sa ospital. Matagal nitong tiningnan ang file bago nagtaas ng ulo at tinanong siya. "Ano pong apelyido? Dalawang Charlotte po ang naka-admit sa ospital na ito." Bubuka na sana ang bibig niya para sabihin ang kanyang apelyido, pero may pagdadalawang isip din siya dahil baka hindi iyon ang ginamit na apelyido ni Charlotte dahil tinatago nga nila ang kanilang pagiging mag-asawa at pagdadala nito ng kanyang apelyido. "Sir?" Umiling siya at sinabi ang kanyang apelyido, "W-Walton. Charlotte Walton." Napakunot ang noo ng nurse dahil siguro sa tagal niyang sumagot. Hindi
Elijah's POV "Makalabas kaya ako dito ng hindi ako nakikita ni Venus?" "Hindi." Nagsalubong ang kilay niya. "Anong hindi?" "Mahirap makalabas kahit mag-disguise ka pa. Halata masyado kung tatabunan ng mukha mo ang cap na dala ko, nasa bungad lang siya ng entrace nitong ospital doon sa gate." Napasandal naman siya sa kanyang upuan. Paano siya makaka-alis kung mabibisto rin pala siya? "Mas maganda ang plano ko. Nandito na siya in 1...2— nandiyan na pala siya." May pumasok na isang lalaki na nakasuot ng leather black jacket, maong pants, black leather shoes, lahat ng nasa katawan nito ay kulay itim. Diretso ito sa harap mismo ni Elisse. "Nakita mo ba siya sa labas?" tanong ni Elisse sa lalaki. "Yes. Gumagamit ba siya ng pinagbabawal na gamot kaya gusto mong makatakas sa kanya? Sa itsura ng babae na iyon ay hindi nalabong hindi gumagamit ng ganon." "Hindi. Sadyang may saltik lang ang babae na 'yon, malapit ng maaning kaya ganon ang itsura. Anyway, ipag-drive mo ang kapa
Elijah's POV Kanina pa niya inaayos ang kanyang cellphone habang nakaupo rito sa waiting area. Nabagsak ang kanyang cellphone habang nagmamadali siya kanina, dahil sa request ng doctor na kailangan niyang bihin sa labas ng ospital. Inalog at paulit-ulit na pinindot ang turn-on button sa gilid, pero hindi talaga magsindi ito. Sa asar ay muntik niya na ulit iyong ibato sa pader, pero napigilan niya at kumalma habang nakasandal sa pader. Bumuga siya ng hangin at muling sinubukan na buhayin ang phone niya. Kagat labi niyang diniinan ang power button, at nang makita niya na umilaw ang screen ng cellphone ay napasuntok talaga siya sa hangin, pero hindi nagtagal ay may tumatawag na sa cellphone ,si Elisse. Sinagot niya iyon at pinatong sa kanyang tenga, "Hello." "Thank God sinagot mo na!!" sigaw na saad ni Elisse mula sa kabilang linya. "Nasira ang telepono ko kanina, na-ayos lang ngayon. Bakit napatawag ka?" "Kung alam mo lang na kanina pa kita kokontak, muntik na akong mabaliw dito
Mukha siyang baliw sa paghila ng braso ng kuya at pag-iyak ng walang humpay makuha lang niya ang sagot. "Yes. Nasa tiyan mo pa ang baby mo, pero—" "Pero, ano k-kuya?!" Kinuha nito ang kamay niya at pinakatitigan siya ng kanyang kuya. "Delikado na ang pagbubuntis mo, Charlotte. Kinausap kami ng docot—" "Christian, ngayon mo ba talaga sasabihin sa kanya!" pagpigil ng kanilang ina sa pagsasalita ng kanyang kuya. "Hangga't maaga, Ma, at hangga't narito tayo sa ospital." Muling tumingin sa kanya ang kuya niya. "Kailangan mong pumili kung ipagpapatuloy mo pa ang pagbubuntis mo, Charlotte." Naguluhan siya at ilang beses na umiling. "Akala ko ba ay okay na? Nasa tiyan ko pa naman ang baby ko bakit tinatanong mo ako ng ganyan, kuya!!" "Shhh...pakinggan mo muna ako." Bumuntong-hininga ito. "Dahil ang totoo, hindi ka na maaaring gumalaw kagaya ng dati, Charlotte. Bed rest na ang mangyayari sayo, bawal tumayo, kakain ka sa kama na lang, at kung gusto mong gumamit ng banyo ay sa kama na la
Charlotte's POV Nakatayo siya ngayon sa gitna ng kwarto niya habang nag-di-dial ulit para tawagan si Elijah. Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses siyang tumawag pero hindi nito sinasagot. Alam niyang may nangyari sa party sa part pa lang na may narinig siyang mga sumisigaw na hindi nagkakasiyahan ang tunog, kung hindi may halong takot iyon. Nakadagdag pa sa kaba niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ma-contact si Elijah dahil busy naman ang line nito sa cellphone. Isang dial pa ang ginawa niya nang makaramdam siya ng kirot sa kanyang tiyan. Hindi niya muna pinansin iyon dahil nasa pag-di-dial ang atensyon niya, pero mas lumala ang sakit ng kanyang tiyan kaya napahawak siya doon at binaba ang cellphone. Umupo siya at huminga ng ilang beses para maibsan, pero sadyang hindi naaalis. Kinuha niya ang unan sa gilid niya pero may parang gumuhit sa kanyang ari papunta sa tiyan na nagpapikit sa kanya sa sobrang sakit, pero pagdilat ng mata niya may dugo ng umaagos sa kanyang
Elijah's POVPagkalipas ng tatlong araw... Nasa isang stylist siya ngayon para kuhanin ang damit na susuotin niya mamaya sa party ni Shaira. Nasa bahay na ng magulang nito si Charlotte kaya kampante na siyang umalis ng mansion. Hindi sana siya dadalo ngayon dahil tinatamad siya, pero naisip rin niya na madalang din niyang makita si Shaira kaya pagbibigyan niya ito. "May gagawin lang akong adjust dito sa tuxedo mo. Medyo maluwag sa gawing pulso." "Sandali lang ba 'yon?" "Yes ilang minuto lang, syempre. Alam kong mamaya na ang party na dadaluhan mo."Ngumiti siya. "Thank you." "No problem basta ikaw. Ang maganda sana kung may kasama ka ring partner sa party na 'yon. Wala pa ba?" Napangiti lamang siya dahil meron naman talaga. Hindi pa lang alam ng mga tao na malapit sa kanya. "Soon. I guess." "Noted 'yan, basta ako pa rin ang stylist mo." "Sure."Hinubad niya muli ang tuxedo niya at binigay sa kanyang stylist. Umupo siya sa isang tabi para hintayin ang tatahiin nito, pagkatapos