Charlotte's POV Halos sa tagal na pagkakaupo niya sa passenger seat hindi na sila nag-usap pa ni Elijah hanggang sa pumasok ang kotse nito sa bakuran ng bahay.Bumaba siya at sinundan ng mata niya si Elijah habang kinukuha nito ang pinabili ni Elisse."Tulungan na kita," alok niya kay Elijah.Maliit itong ngumiti bago umiling. "Kaya ko na 'to. Pumasok ka na sa loob.""Okay." Nakailang hakbang na siya palayo sa kotse nang tinawag siya ni Elijah. Lumingon siya na nakataas ang dalawang kilay. "Bakit?""Nag-co-comute ka lang ba talaga mag-isa pauwi sa bahay?"Kumunot ang noo niya sa tanong nito, dahil batid naman ni Elijah iyon. "Hindi naman talaga ako nagpapasundo o nagpapahatid kahit noon pa na kasama ko ang pamilya ko, kung may pagkakataon man, bilang ko lang kung ilan at alam mo 'yon, Elijah, dahil madalas ka sa bahay namin."Iniwas ni Elijah ang mata sa kanya."Sino ang lalaki na nag-alok sayo na ihatid ka sa sakayan ng tricycle?"Napatitig siya sa mukha ni Elijah, pero hindi naman i
Charlotte's POVNakatitig lang siya sa hawak niya na tinapay nang biglang sumulpot si Elisse sa gilid niya."Baka pati 'yan matunaw sa pagkakatitig mo."Habang hawak ang tianapay ay binaba niya ang kamay niya at maliit na ngumiti kay Elisse. Tumaas naman ang kilay nito."Kay Elijah galing?""Oo."Mas lalo pang tumaas ang isang kilay nito na aabot na ata hanggang sa hairline nito. "Sweet pala siya, akala ko puro kasungitan lang ang alam. Mabuti 'yon para lapitan naman siya ng langgam."Pumaling ang ulo niya. "Masakit 'yon pag nakagat ng langgam.""Hayaan mo siya kung makagat man siya ng langgam. Manhid kasi minsan kaya mas okay na makaramdam naman siya ng sakit.""Totoo ba ang sinabi ni Elijah kanina kaya ka nandito?" bigla niyang tanong.Nawala ang pagkamataray na mukha nito, napalitan ng lungkot."Yes.""Bakit tinataguan mo siya kung may gusto naman pala sayo?" tanong niya habang nakakunot ang noo.Ngumiti ito na hindi kita ang ngipin. "May iba't-ibang kahulugan nag pagkagusto, Char
Elijah's POV"Elisse. Open the door!!"Kinatok niya ang pinto ng malakas dahil hindi niya mabuksan. Gusto lang niyang kausapin si Charlotte at linawin ang ginawa niya kanina na mukhang mali ang naging hatid no'n kay Charlotte."Hey! Open the door, Elisse!!"Muli niyang pinihit ang susi para mawala ang pagkaka-lock ng seradura ng pinto, pero sa bawat pagpihit niya at pagtulak sa pinto para bumukas ay walang saysay dahil ayaw pa rin. May ginawa na naman ang kapatid niya para hindi siya makapasok sa loob.Kinuyom niya ang kamao niya at malakas na hinampas 'yon sa pinto."Tumigil ka na Elijah! Masisisra mo ang pinto ng kwarto!" sigaw ni Elisse mula sa loob ng kwarto.Nilapit niya ang bibig sa maliit na siwang ng pinto. "I don't care! Palabasin mo si Charlotte!""Mas lalong ayaw lumabas ng asawa mo sa ginagawa mo, Elijah!"Napatigil siya sa pagpihit ng seradura ng pinto. Napabuntong-hininga siya. "Palabasin mo na siya, kailangan naming mag-usap.""Sus. Lumang style na 'yan, Elijah!"Nanlil
Charlotte's POVBinuksan niya ang pinto ng banyo ng kwarto ni Elijah. Parang narinig niya kasing pumasok na ito sa kwarto, pero wala naman ito sa loob nang sinilip niya.Guni-guni lang ba niya 'yon o baka may multo dito sa loob ng kwarto ni Elijah?Dahan-dahan pa siyang lumakad palapit sa higaan, pero halos tumakas ang kaluluwa niya sa katawan nang mag-ingay ang telepono na nakapatong sa table sa gilid ng kama.Napapikit siya habang nakahawak sa dibdib. Hindi niya inaasahan 'yon. Tiningnan niya ang telepono na pakundap-kundap ang ilaw ng screen dahil sa tumatawag. Hindi niya phone 'yon, kay Elijah.Hindi na sana niya pagkaka-abalahan pang sagutin dahil hindi naman sa kanya ang phone, pero sadyang makulit ang tumatawag. Lumapit siya at tinitigan muna ang screen ng telepono. Number lang ang nagpapakita na caller sa screen, walang pangalan.Prank call lang kaya ito o emergency kaya number lang?Atubili pa siyang hawakan ang telepono dahil nagdadalawang isip pa siya kung sasagutin o hindi
Charlotte's POVNanlaki ang mata niya sa sinabi ni Elijah. Napakadali naman para kay Elijah na sabihin 'yon. Samantalang siya hiyang-hiya dahil hindi niya inaasahan."Nadulas lang ako, kaya ako nawalan ng malay. Tumama kasi ang ulo ko sa kahoy na patungan ng kama," bigla niyang saad."Huh? Ano yung sinasabi ni Elijah?" Mukhang nalito ang itsura ni Elisse."That's one of the causes of her fall."Namilog ang labi ni Elisse. Tiningnan siya nito na parang may ibig sabihin."Kayo ha...""Kung ano man ang iniisip mo ay hindi totoo. Aksidente lang ang halik na 'yon!"Kumunot bigla ang noo ni Elisse. "Aksidente? Paanong naging aksidente 'yon?""Nag-uusap kasi kami ni Elijah tungkol sa tumawag sa phone niya. Namali lang ako ng pagtapak sa sahig kaya na out of balance ako.""Talaga? Akala ko pa naman..." Tumingin ito kay Elijah. "Tsk... huwag ng umasa. Aabutin ng taon, for sure. Sino ba ang tumawag?""Hindi ko alam.""Baka secretary lang ni Elijah o mga client."Grabe naman kung client o secret
Elijah's POVSumisikip ang dibdib niya sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Charlotte. Nagpakasal sila dahil sa pagkakamali niya, pero hindi rason 'yon para ipalaglag nito ang bata dahil sa rason nito."Naisip mo ba na, once na pinalaglag mo 'yang bata sa tiyan mo ay parang pinatay mo na rin siya ng hindi pa siya nabubuhay sa mundong 'to, ha Charlotte!!""I'm not ready, hindi rin naman ako handa nang pinakasalan kita!!""Pero ibang usapan na may nabuo, Charlotte! Nag-iisip ka ba?!!" Gigil niyang sigaw dito. Wala siyang pakialam kung marinig siya sa labas ng kwarto na 'to.Galit itong tumingin sa kanya. "Kasalanan mo 'to!! Kung hindi ka pumasok sa kwarto ko at ginahasa ako hindi ako mabubuntis!!" Hilam na sa luha ang mata nito, habang tumutulo iyon sa kumot.Alam niya sa sarili niyang nangingilid na rin ang luha sa mata niya dahil sa tensyon. Hindi siya makakapag-isip ng matino hangga't mataas pa ang emosyon niya."Magpahinga ka muna, babalik ako pag okay ka na at hindi na puro emosy
Charlotte's POVNagising siya na nasa kwarto niya mismo, hindi sa kwarto ni Elijah. Bumangon siya pero may kamay na umalalay sa kanya pasandal. "Dahan-dahan lang." Tiningnan niya si Elisse na nasa kanyang tabi pala. "Gusto mong kumain? Magpapaluto ako."Umiling siya. "Tubig na lang.""Wait ikukuha lang kita sa labas."Lumabas si Elisse at naiwan siya sa kwarto. Pumikit siya, pero bigla ring dumilat. Hinawakan niya ang ibabaw ng tiyan niya, hindi pa rin siya makapaniwalang merong mabubuo na bata sa loob no'n."Ito na ang tubig mo."Inabot sa kanya ni Elisse ang baso na may laman na tubig, saka muling umupo sa tabi niya."Dito ka na lang muna sa kwarto na 'to. Baka pag naroon ka sa kwarto ni Elijah ay mag-away na naman kayo. Mas mabuting pahupain niyo muna ang naganap ngayong gabi para sa susunod na araw ay magkasundo na kayo."Tinitigan niya si Elisse. "Hindi pa talaga ako handa."Ngumiti naman ito. "Wala talagang nagiging handa sa unang beses na magkakaroon ng anak. Syempre maraming
Charlotte's POV"Hanggang kailan, Elijah?" Nakatitig lamang siya sa baso at hindi tumingin sa mata nito. "Sa pagkaka-alam ko, meron kang babaeng iniibig. Ayaw mo bang makatuluyan ang babae na 'yon?"Tumahimik sa kusina, pero nagtaka siya kung bakit ang tagal bago sumagot ni Elijah. Siguro ay ilang minuto na ang nakakalipas. Nang tiningnan niya ay napakunot ang noo niya dahil nakapikit ito habang nakahalukipkip ang mga braso.Tinulugan ba siya ni Elijah?"Elijah." Nanatili lang itong nakapikit. Inubos niya ang laman ng gatas sa baso bago siya tumayo. Baka inaantok na talaga ito. Mag-aalas-kwatro na rin ng madaling araw. "Elijah, tulog ka ba?" Hinawakan niya ang braso nito at bahagyang tinulak. Wala pa rin itong reaksyon o hindi man lang dumilat.Pumaling ang ulo niya para pagmasdan ang mukha nito. Napaka-swerte naman noong babaeng gusto ni Elijah. Mabait naman kasi ito, siya lang ata ang maraming hinanaing sa buhay kaya hindi sila nagkakasundo na dalawa."Hindi ba kayo makakapaghintay
Umupo si Elijah isang dipa malayo sa kanyang kapatid. Halatang sa itsura ng mukha nito ay malungkot siya dahil sa napagkasunduan nila ni Christian. "Hoy ano ng sabi ni Christian?! Nakita mo ba si Charlotte? Nakausap mo ba siya? Nasabi mo ba ang totoong nangyari kaya hindi ka agad nakapunta ng ospital?" Napahilot na lang si Elijah sa sintido niya dahil sa sunod-sunod na tanong ni Elisse. Ang lahat naman ng tanong nito ay hindi ang sagot. "Hindi," maikling sagot ni Elijah. Napakunot ang noo ni Elisse. "Tulog ba siya ng pumunta ka doon? Dapat hinintay mo na lang na magising at hindi ka muna umuwi rito." Malalim na napabuntong-hininga si Elijah. Sumandal siya sa sandalan ng sofa at tumitig sa kawalan. "Pinagbawalan na ako ni Christian na makita si Charlotte." Unti-unting namilog ang mata ni Elisse at bahagyang lumapit ng upo kay Elijah. "Ano't bakit daw?!" "Batid na niya ang nangyayari. Akala ko ay wala siyang malalaman, pero nakalimutan ko atang matalino ang tao na 'yon, lalo n
Lumakad ng ilang hakbang si Christian palapit sa kanya. Sa hindi malamang dahilan umatras naman siya ng isang hakbang. Napansin iyon ni Christian kaya hindi ito nagpatuloy na maglakad. "Natatakot ka ba? Dapat hindi ka na natatakot sa dami mong kasalanan, Elijah." "P-Please, Christian. Hindi ngayon ang tamang oras para pag-usapan 'yan!" sigaw niya. "Kelan pa Elijah ang tamang oras?! Pag patay na ang mag-iina mo!!" Halata na rin sa paghinga ni Christian ang galit na kinikimkim lang nito, pero anumang oras ay malapit na rin itong sumabog sa galit. "Kailangan na nating pag-usapan ngayon at bigyan ng solusyon ang problema mo. Magkakaroon tayo ng kasunduan, Elijah." Kumunot ang noo niya. "K-Kasunduan? Anong kasunduan ang sinasabi mo?" "Tutal may problema ka pang dapat ayusin sa pagitan niyong dalawa ni Venus. Nagdesisyon akong hindi ka na muling magpapakita pa kay Charlotte— hanggang isilang niya ang anak niyong dalawa." Lalong nagsalubong ang kilay niya, hindi puwede 'yon. "Hindi ak
Nakarating siya sa ospital na sinabi ni Elisse. Walang pag-aatubiling inayos niya ang pagkaka-park ng kotse at saka tumakbo papasok ng ospital. Huminto siya sa isang nurse na makaksalubong niya na malapit lamang sa billing station. "E-Excuse me. Saang kwarto naka-admit si Charlotte?" Bahagyang may gulat sa mukha ng nurse pero pumasok naman ito kung saan nakalagay ang mga file records ng mga pasyente na naka-admit sa ospital. Matagal nitong tiningnan ang file bago nagtaas ng ulo at tinanong siya. "Ano pong apelyido? Dalawang Charlotte po ang naka-admit sa ospital na ito." Bubuka na sana ang bibig niya para sabihin ang kanyang apelyido, pero may pagdadalawang isip din siya dahil baka hindi iyon ang ginamit na apelyido ni Charlotte dahil tinatago nga nila ang kanilang pagiging mag-asawa at pagdadala nito ng kanyang apelyido. "Sir?" Umiling siya at sinabi ang kanyang apelyido, "W-Walton. Charlotte Walton." Napakunot ang noo ng nurse dahil siguro sa tagal niyang sumagot. Hindi
Elijah's POV "Makalabas kaya ako dito ng hindi ako nakikita ni Venus?" "Hindi." Nagsalubong ang kilay niya. "Anong hindi?" "Mahirap makalabas kahit mag-disguise ka pa. Halata masyado kung tatabunan ng mukha mo ang cap na dala ko, nasa bungad lang siya ng entrace nitong ospital doon sa gate." Napasandal naman siya sa kanyang upuan. Paano siya makaka-alis kung mabibisto rin pala siya? "Mas maganda ang plano ko. Nandito na siya in 1...2— nandiyan na pala siya." May pumasok na isang lalaki na nakasuot ng leather black jacket, maong pants, black leather shoes, lahat ng nasa katawan nito ay kulay itim. Diretso ito sa harap mismo ni Elisse. "Nakita mo ba siya sa labas?" tanong ni Elisse sa lalaki. "Yes. Gumagamit ba siya ng pinagbabawal na gamot kaya gusto mong makatakas sa kanya? Sa itsura ng babae na iyon ay hindi nalabong hindi gumagamit ng ganon." "Hindi. Sadyang may saltik lang ang babae na 'yon, malapit ng maaning kaya ganon ang itsura. Anyway, ipag-drive mo ang kapa
Elijah's POV Kanina pa niya inaayos ang kanyang cellphone habang nakaupo rito sa waiting area. Nabagsak ang kanyang cellphone habang nagmamadali siya kanina, dahil sa request ng doctor na kailangan niyang bihin sa labas ng ospital. Inalog at paulit-ulit na pinindot ang turn-on button sa gilid, pero hindi talaga magsindi ito. Sa asar ay muntik niya na ulit iyong ibato sa pader, pero napigilan niya at kumalma habang nakasandal sa pader. Bumuga siya ng hangin at muling sinubukan na buhayin ang phone niya. Kagat labi niyang diniinan ang power button, at nang makita niya na umilaw ang screen ng cellphone ay napasuntok talaga siya sa hangin, pero hindi nagtagal ay may tumatawag na sa cellphone ,si Elisse. Sinagot niya iyon at pinatong sa kanyang tenga, "Hello." "Thank God sinagot mo na!!" sigaw na saad ni Elisse mula sa kabilang linya. "Nasira ang telepono ko kanina, na-ayos lang ngayon. Bakit napatawag ka?" "Kung alam mo lang na kanina pa kita kokontak, muntik na akong mabaliw dito
Mukha siyang baliw sa paghila ng braso ng kuya at pag-iyak ng walang humpay makuha lang niya ang sagot. "Yes. Nasa tiyan mo pa ang baby mo, pero—" "Pero, ano k-kuya?!" Kinuha nito ang kamay niya at pinakatitigan siya ng kanyang kuya. "Delikado na ang pagbubuntis mo, Charlotte. Kinausap kami ng docot—" "Christian, ngayon mo ba talaga sasabihin sa kanya!" pagpigil ng kanilang ina sa pagsasalita ng kanyang kuya. "Hangga't maaga, Ma, at hangga't narito tayo sa ospital." Muling tumingin sa kanya ang kuya niya. "Kailangan mong pumili kung ipagpapatuloy mo pa ang pagbubuntis mo, Charlotte." Naguluhan siya at ilang beses na umiling. "Akala ko ba ay okay na? Nasa tiyan ko pa naman ang baby ko bakit tinatanong mo ako ng ganyan, kuya!!" "Shhh...pakinggan mo muna ako." Bumuntong-hininga ito. "Dahil ang totoo, hindi ka na maaaring gumalaw kagaya ng dati, Charlotte. Bed rest na ang mangyayari sayo, bawal tumayo, kakain ka sa kama na lang, at kung gusto mong gumamit ng banyo ay sa kama na la
Charlotte's POV Nakatayo siya ngayon sa gitna ng kwarto niya habang nag-di-dial ulit para tawagan si Elijah. Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses siyang tumawag pero hindi nito sinasagot. Alam niyang may nangyari sa party sa part pa lang na may narinig siyang mga sumisigaw na hindi nagkakasiyahan ang tunog, kung hindi may halong takot iyon. Nakadagdag pa sa kaba niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ma-contact si Elijah dahil busy naman ang line nito sa cellphone. Isang dial pa ang ginawa niya nang makaramdam siya ng kirot sa kanyang tiyan. Hindi niya muna pinansin iyon dahil nasa pag-di-dial ang atensyon niya, pero mas lumala ang sakit ng kanyang tiyan kaya napahawak siya doon at binaba ang cellphone. Umupo siya at huminga ng ilang beses para maibsan, pero sadyang hindi naaalis. Kinuha niya ang unan sa gilid niya pero may parang gumuhit sa kanyang ari papunta sa tiyan na nagpapikit sa kanya sa sobrang sakit, pero pagdilat ng mata niya may dugo ng umaagos sa kanyang
Elijah's POVPagkalipas ng tatlong araw... Nasa isang stylist siya ngayon para kuhanin ang damit na susuotin niya mamaya sa party ni Shaira. Nasa bahay na ng magulang nito si Charlotte kaya kampante na siyang umalis ng mansion. Hindi sana siya dadalo ngayon dahil tinatamad siya, pero naisip rin niya na madalang din niyang makita si Shaira kaya pagbibigyan niya ito. "May gagawin lang akong adjust dito sa tuxedo mo. Medyo maluwag sa gawing pulso." "Sandali lang ba 'yon?" "Yes ilang minuto lang, syempre. Alam kong mamaya na ang party na dadaluhan mo."Ngumiti siya. "Thank you." "No problem basta ikaw. Ang maganda sana kung may kasama ka ring partner sa party na 'yon. Wala pa ba?" Napangiti lamang siya dahil meron naman talaga. Hindi pa lang alam ng mga tao na malapit sa kanya. "Soon. I guess." "Noted 'yan, basta ako pa rin ang stylist mo." "Sure."Hinubad niya muli ang tuxedo niya at binigay sa kanyang stylist. Umupo siya sa isang tabi para hintayin ang tatahiin nito, pagkatapos
Kinabukasan... Nagising si Elijah na wala na si Charlotte sa tabi niya. Nakatulog pala siya habang nakatitig kay Charlotte kagabi. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Bumangon siya at umalis sa kama. Nasa ibaba na siguro si Charlotte at nag-aalmusal na. Habang bumababa siya ng hagdan ang mata niya ay kung saan-saan tumitingin sa ibaba, baka makita niya doon si Charlotte, pero baka nasa dining area na nga ito. Pumasok siya sa dining at natigilan dahil walang tao sa loob kahit pagkain ay wala rin sa lamesa. Nagtataka siyang tumingin sa orasan na nasa sala. Alas-diyes na pala, pero bakit wala rito si Charlotte sa loob? Napakunot ang noo niya nang may marinig na ugong ng sasakyan. Dali-dali siyang tumingin sa labas. Hinihintay niyang may bumaba sa sasakyan, at nagsalubong agad ang kilay niya nang makita si Elisse na kasama si Charlotte na lumabas ng bahay ng hindi sa kanya nagpapa-alam. "Elisse!!" May diin na sigaw niya para marinig agad nito. Lumingon naman ito at ngumit