Napasimangot naman si Mikel kasunod ng muli ay pagkagat sa kan’yang labi. Lintik naman talaga si Mikel! Inaakit niya ba ako talaga? Kasi baka matukso na talaga ako, susme malaki na kasalanan talaga kapag nangyari iyon. "Nagluto naman ako ng almusal mo. Ayaw mo ng pandesal, diba? Hotdog and eggs kaya, gusto mo ba?" Taas-baba pa ang kilay niya sa akin. Lekat talaga! Bakit ang laswa nang naiisip ko sa pa-hotdog and eggs ni Mikel? Hindi ko tuloy maiwasan na mapatitig sa kan’ya at mapasadahan siya ng tingin. At muli na nanumbalik sa akin ang mga panahon na lagi pa kami na magkasama. Noon mga panahon na punong-puno pa kami ng pagmamahal at pagnanasa sa isa’t-isa. Ngayon ba ay hindi na? "Sweetie, ayos ka lang ba. Why are you staring at me like that?" Ang boses ni Mikel ang nagpabalik sa akin sa katinuan mula sa pagkakatitig ko na iyon sa kan’ya. I cleared my throat and pretended to feel annoyed at his presence instead. Baka mahalata pa niya na iba ang naiisip ko ay mas lalo na kahiya-hiy
"Baby boy." Tahimik na nakaupo si Wyatt sa may sala habang kinakalikot ang kan’yang telepono nang tawagin at lapitan siya ni Tamara. Nag-angat siya ng mukha at malambing na ngumiti sa babae sa kan’yang harapan. "Yes, baby girl?" sagot niya habang hindi pa rin inaalis ang ngiti sa kan’yang mukha. "Iniiwasan mo ba ako?" Pa-ismid na tanong ni Tamara sa kan’ya na umupo sa kanyang tabi at kinuha ang kan’yang braso para ilagay sa balikat nito. "At bakit mo ako iniiwasan, baby boy? Galit ka ba sa akin?" Natatawa-tawa si Wyatt na hinapit papalapit sa kan’ya si Tamara. "Tanong mo, sagot mo na rin? Hindi ka na naman na makahintay sa sagot ko. Advance ka talaga na mag-isip." "Sagutin mo na nga kasi, baby. Bakit mo ako iniiwasan?" ulit ni Tamara sa kan'yang tanong kay Wyatt. "Hindi ah! Mapagbintang ka talaga kahit na kailan, baby girl. Busy lang talaga ako sa mga nakalipas na araw." Pagdadahilan naman ni Wyatt, kahit na alam na alam ni Tamara na hindi iyon ang totoo. Hinarap siya ni Tamara a
After that serious talk they had, Wyatt chose to give Tamara space. A space for her to be able to think clearly about things without him weighing her down. Alam ni Wyatt na nahihirapan si Tamara dahil sa presensya niya sa buhay nito, kaya pilit na binabalewala ni Tamara ang totoo na nararamdaman niya. And once again, Wyatt felt the need to give Tamara her happiness, even if it meant his sadness. And as he always says, that is what true love is. Kaya kung ang kasiyahan na iyon ay si Mikel, ibibigay niya, basta maging totoo lamang si Tamara sa kan’yang sarili at kan’yang nararamdaman. Kaya naman isang araw matapos ang pag-uusap nila na iyon ay bumalik ng Maynila si Wyatt. Ayaw ni Tamara, but it was the least that she could do for Wyatt. Sobra-sobra na rin ang ginagawa ni Wyatt na mga sakripisyo para sa kan’ya. And until this time, Wyatt was choosing her over his own feelings. And she can't thank him enough for doing so. Kaya naman ito ngayon si Tamara, napagpasyahan niya na magpunta sa
"Good morning, my misis! Are you ready for our plans today?" Nakangiti na bungad ni Mikel kay Tamara nang pagbuksan niya ng pintuan ang lalaki na umagang-umaga na naman ay narito sa apartment nila. After that day at the mall, they just became closer, but not close enough for her to tell him the truth. She said sorry, but she never told him why. All she knows is that Mikel deserves an apology from her as well. "Ang aga mo naman ngayon. Mamaya pa ang lakad natin. Huwag mo sabihin na nag-jogging ka na naman kaya napakaaga mo?" Pinasadahan ni Tamara ng tingin si Mikel at siyempre hindi niya maiwasan na kiligin sa magandang tanawin sa kan’yang harapan. Naka-casual clothes lamang si Mikel ngayon at labas na labas na naman ang kaguwapuhan nito at kamachohan. "Alam ko na wala kang kasama ngayon. Nag-text sa akin si Lou na agahan ko na raw ang punta rito dahil may pasok na naman siya at maaga siya na aalis. Kaya maaga ako ngayon, at nagdala ako ng almusal mo!" Itinaas pa ni Mikel ang supot n
"You are the father of my baby, Mikel." Paulit-ulit na naririnig ni Mikel ang mga salita na ito kahit isang beses lamang iyon na sinabi ni Tamara. Wala siya na naging pagtugon at hindi alam kung tama ba ang kan'yang narinig. Nanatili lamang siya na nakatitig sa babae na nasa harapan niya na nangingilid ang mga luha at patuloy sa mabilis na pagtaas at baba ang dibdib. She is nervous and he knows that. Nais na magsalita ni Mikel upang kumpirmahin ang kan’yang narinig, pero walang salita ang namumutawi sa kan’yang labi. Gaya ni Tamara ay patuloy lamang ang mabilis na pagtaas at baba ng kan’yang dibdib dahil sa paghahabol niya ng kan’yang hininga dahil sa mabilis rin na pagtibok ng puso niya. "Mikel, please say something." Mahina na salita ni Tamara na ngayon ay nakahawak na sa kan’yang dibdib dala marahil ng labis na kaba rin na nararamdaman nito. Mikel licked his lips while just continuing to stare at Tamara. Nanunuyo na rin ang kan’yang lalamunan at tangi na sunod-sunod na paglunok
After a few minutes of silence, Mikel was able to find his voice again. "The baby is mine." That was a statement and not a question coming from him. And Tamara could only nod her head in response. "Shit! It was mine all along." dagdag pa ni Mikel. "Anak ko siya." Paulit-ulit si Mikel na parang nawawala sa sarili dahil hindi pa rin niya mapaniwalaan ang katotohanan na iyon. And slowly, upon realizing those words that Tamara just said, a smile formed on his face. "The baby is mine. I have a child! Shit! I thought I lost one, but I have a child!" Paulit-ulit siya sa kan'yang sinasabi dahil hindi niya maipaliwanag ang saya na nararamdaman niya ngayon. He never expected this. He never thought it was possible. But it is, and he only has that truth to believe in. And Tamara saw how happy Mikel was to know that truth. Masaya si Mikel sa katotohanan tungkol sa bata. Masayang-masaya si Mikel sa anak nila, at gano'n din ang nararamdaman niya. Ang hindi lamang sigurado ni Tamara ngayon ay kung
"Let’s talk!" Napa-angat si Wyatt ng ulo niya buhat sa mga binabasa na mga dokumento nang marinig niya ang boses na iyon ni Mikel na walang katok-katok na pumasok sa kan’yang opisina rito sa kumpanya ng ama niya. Hindi niya inaasahan ang pagpunta rito ng kan'yang pinsan at ang muli na maangas nito na salita sa kan'ya. "Ano ang ginagawa mo rito? You’re supposed to be in Baguio with Tamara, not here. Alam mo na kailangan na may bantay siya dahil hindi pa natin alam ang mga plano ng ama mo." May pag-aalala sa boses ni Wyatt, lalo na at hindi nila maaari na iwan na walang kasama maski sino sa kanilang dalawa si Tamara dahil sa panganib na hatid ng ama ni Mikel na si Leonardo. "I said, let’s talk." Muli na ulit ni Mikel at hindi sinagot ang nauna niya na tanong. Umupo si Mikel sa upuan sa harapan ng lamesa niya at nagsalita. "Stop whatever it is that you’re doing and talk to me, Wyatt!" utos pa ni Mikel sa kan'ya. Sumandal si Wyatt sa kan'yang kinauupuan at sarkastiko na ngumiti sa kan’y
Isang malalim na pagbuga ng hangin ang pinakawalan niya at nahahapo na napasandal na lamang si Wyatt sa kan’yang kinauupuan nang makaalis si Mikel. It also took a lot of strength for him to show Mikel how unnerved he was, despite his raging heartbeat. Dahil sa kabila ng katapangan na ipinakita niya sa kan’yang pinsan ay ang katotohanan na nanghihina na rin siya sa kaba sa mga tanong ni Mikel sa kan'ya kanina. And simply because he has no other explanation for everything that he did, except for the truth that he told Mikel earlier. He loves Tamara. He loves her so much that he is willing to do everything for her. At sa pagkakaupo niya na iyon, ay muli na nanumbalik sa kan’ya ang mga katotohanan na pilit nila na itinago ni Tamara sa loob ng ilang buwan. And they even thought that they had succeeded. But fate has other plans for them to make the truth known. At tadhana pa mismo ang gumamit kay Leonardo Lucero para mabunyag ang katotohanan na itinago nila. And as Wyatt had expected, Leona
Maraming salamat po sa lahat ng suporta na ibinigay ninyo sa story ko na ito. Ito pa ay entry ko sa MBL contest ni GNPH. Kahit hindi po nanalo sa contest sapat na ang may mga nagbasa at sana po ay nagustuhan ninyo. Hindi perfect ang mga stories ko and I still have a long way to go, but the support that you are giving me warms my heart. Muli, maraming, maraming salamat sa suporta. Hanggang sa susunod po na kuwento. Pa-add din sa library ninyo and pa-support din po sa iba ko na story kay GN. The Invisible Love of Billionaire (Completed) My Back-up Boyfriend is a Mafia Boss (On-going) The Rise of the Fallen Ex-Wife (On-going) Falling for the Replacement Mistress (On-going)
Mikel Lucero and Tamara Ilustre had both never had a good and fulfilling family life. Pareho sila na pinagkaitan ng tadhana na maranasan ang isang masaya at tunay na pamilya. But that was before. Dahil ngayon ay binawi naman ng tadhana ang lahat ng paghihirap na ibinigay sa kanila noon. At bawing-bawi sila sa kasiyahan sa buhay pamilya na mayro’n silang dalawa ngayon. Hindi nila akalain na ang mga problema na tinakbuhan nila ay ang siya rin na magiging dahilan upang magtagpo at magbuklod ang mga landas nila. They were both tested on how far they could hold on to a fake relationship that they had started. And looking back, it started out as a fake marriage, but the emotions and feelings they both felt all throughout their married life were actually genuine. At paulit-ulit nila na ipaparamdam sa isa’t-isa, na kahit isang pagkakamali ang pagsisimula nila, patuloy rin iyon na magiging isang pinakamaganda na pagkakamali sa buhay nilang dalawa. Mikel ran away from problems, but he met and
The Lucero’s. That’s what we are. Kahapon lamang ay natapos na ang binyag ni Mirakel at pormal na rin namin siya na ipinakilala ni Tamara sa aming mga kapamilya at kaibigan. It was a joyous event that was shared with those special to us. Bidang-bida sa okasyon na iyon siyempre ang aming prinsesa na si Mira. It has been three months since our little princess was born. At sa loob ng tatlong buwan na iyon ay sinigurado ko na katulong ako ni Tamara sa bawat paghihirap at pagpupuyat niya. It was never easy for her, lalo na at breastfeeding mom siya, kaya lahat ng kaya ko na suporta ay ibinibigay ko sa kan’ya. Tamara and I are still slowly adjusting to being parents. A tough but very fulfilling job at that. And I wouldn’t trade it for anything in the world. At ipinapangako ko, I wouldn’t be anywhere near what my father is. Ang buong buhay ko ay ilalaan ko para sa mag-ina ko at sa iba pa namin na magiging anak sa hinaharap. Slowly now, the broken pieces of my life are being restored. At
"Diane, nasa opisina niya ba ang magaling na amo mo?" tanong ni Wyatt sa sekretarya ni Mikel na si Diane. "Ay, Sir Wyatt, oo, kadarating lang, pero aalis din agad at kukunin lang daw niya ang ilang mga dokumento na hindi nadala ni Sir Stan sa kanila kahapon." Inginuso pa nito ang direksyon ng opisina kay Wyatt. Tumango naman si Wyatt at isinenyas sa sekretarya na pupuntahan na niya. "Pasok na ako." "Huwag mo painitin ang ulo, Sir Wyatt, ha, good mood siya." "Ikaw talaga, Diane." Kumindat pa si Wyatt saka nagdiretso sa opisina ng pinsan niya. Hindi na siya kumatok pa at basta na lamang na pumasok sa silid. At doon ay naabutan niya si Mikel na nakasandal sa upuan nito at nakapikit. "You look exhausted. Sino ang pumagod sa’yo, ang reyna o ang prinsesa mo?" Dumilat si Mikel nang marinig ang boses ni Wyatt. "Ano ang ginagawa mo rito?" Balik-tanong niya na hindi na sinagot ang nauna na tanong ni Wyatt sa kan'ya. "To talk to you." Maangas na sagot ni Wyatt sa kan’ya na lumakad at umupo
Palakad-lakad sa pasilyo ng ospital si Mikel. Hindi siya mapakali sa kaka-isip sa kan’yang mag-ina. Kanina pa naipasok si Tamara sa loob at ang sabi ng doktora na maghintay na lamang siya. At sa totoo lamang ay sobra ang kaba niya ngayon. Not for himself but for his wife. Ganito pala ang kaba na nararamdaman ng mga asawa at ang halo-halo na emosyon na lumulukob sa kan’ya ngayon ay hindi niya talaga maipaliwanag. "Everything is going to be okay, Mikel." Lumapit sa kan’ya si Wyatt at tinapik pa siya sa balikat. Si Wyatt ang una na natawagan ni manang kanina na agad din na napasugod sa ospital nang malaman na manganganak na nga si Tamara. "She is a strong woman. She is well prepared for this." "It just feels so surreal that she is coming." sagot na lamang niya, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya talaga mapaniwalaan na lalabas na ang anak niya. "I’ve prepared for this day. Pero kanina, wala sa mga kahit na ano na plano ko ang nagawa ko, dahil sa pagkataranta ko. And everything I
Mahimbing na ang tulog ni Tamara nang pumasok si Mikel sa kanilang silid. Naging abala kasi siya matapos nila na maghapunan sa inaayos niya na gamit sa silid ng kanilang prinsesa. At dala marahil ng pagod dahil sa pamimili nila ni Tamara ng mga gamit ng bata kanina, ay hindi na siya nahintay pa ng asawa niya. Napangiti na lamang si Mikel na marahan na lumapit at tumabi kay Tamara. Wala sa kanilang plano ang magtungo sa mall at mamili, pero ano nga ba ang aasahan niya sa kan’yang asawa na lagi ay walang kaplano-plano at lahat ay dinaraan sa pabigla-bigla. Aba’y, kahit nga ang kasal nila noon ay naging pabigla-bigla, pero hindi niya na iyon pinagsisisihan pa sa ngayon. Itinawag pa nga niya sa doktora ni Tamara kung puwede pa ba na mamasyal at maglakad-lakad ang asawa niya, na sinang-ayunan naman ng doktora nila upang mas maging madali raw ang panganganak nito at hindi gaano na mahirapan. At kitang-kita niya ang saya ni Tamara kanina habang sila ay namimili. Inilibot niya ang kan’ya
Nagising ako na wala na si Mikel sa aking tabi. Nang sulyapan ko ang orasan sa aming silid ay maaga pa naman, kaya nagtataka na ako kung nasaan na naman ang asawa ko. Hindi na ako sanay na gumising na wala siya sa aking tabi o ang hindi man lamang maramdaman ang pagpapaalam niya sa akin kapag kinakailangan niya nang umalis at pumunta sa opisina. I am becoming clingy to Mikel with each passing day. I don't want to be too dependent on him, but I just can’t help it. Hindi ko maiwasan na lagi na lamang nakadepende sa kan’ya dahil kagaya lamang ng dati ay malimit na rito siya sa bahay na nagtatrabaho ngayon. Ayaw na rin niya ako na iwan dito kasama si manang lamang dahil baka raw bigla na lamang ako na mapaanak lalo na at sinabi ni doktora na hindi sakto sa due date ang labas ng aming prinsesa. At sa bawat araw na magkasama kami ay ramdam na ramdam ko ang kasiyahan sa puso ko. Everything is falling perfectly into place in its own time. Hindi pa man gano’n na maayos ang lahat, pero malapit
Isang linggo matapos ang araw na tuluyan nang nagtapos ang kasamaan ni Leonardo Lucero, unti-unti na rin na inaayos nina Mikel at Tamara ang buhay nila. Kasabay sa pagkakakulong ni Leonardo ay ang pagsuko at pagkakakulong din ni Chad upang pagbayaran ang nakaraan niya na kasalanan na pagtatangka kay Tamara. Dahil sa pagtulong na ginawa ni Chad upang mailigtas si Tamara ay nais siya na piyansahan ni Mikel at iurong na ang kaso laban sa ginawa niya kay Tamara noon, ngunit mariin na tinanggihan ni Chad iyon. Nais na rin niya na magbagong buhay kaya nais niya na pagdusahan ang mga kasalanan na nagawa niya sa kan'yang kapatid. And maybe it is really the best for him. Ang mga magulang ni Tamara naman ay lalo na nagalit sa kan'ya dahil sa pagkakakulong ni Chad. Tuluyan na siya na itinakwil ng sariling magulang niya dahil nawala pa lalo ang magsusuporta sa mga pangangailangan nila. Ngunit hindi na iyon mahalaga pa sa kan’ya. Matagal nang natanggap ni Tamara na hindi siya importante sa kan’ya
"Gago ka kung inaakala mo na ibibigay ko sa’yo ang asawa ko." Matapang na sagot ni Mikel sa ama niya. Nanginginig ang mga kamay ni Tamara na nananatili na nakahawak sa kan’ya. And he hates his father even more for causing this extreme fear in his wife. "Asawa mo? Hindi ba at matagal na kayong hiwalay? Hindi ba at may ibang babae ka na rin? Iyon abogada na nag-ayos ng paghihiwalay ninyo, nagkakamabutihan na kayo, hindi ba? Kaya ka nga naungusan na ni Wyatt na lagyan ng laman ang tiyan ng asawa mo dahil sa ibang babae na rin ang pinili mo." Sa mga narinig na iyon ni Tamara ay napadiin ang pagkakakapit niya sa kamay ni Mikel. Hindi dahil sa sa pag-aakala ni Leonardo na anak ni Wyatt ang anak nila ni Mikel, kung hindi sa sinabi nito na may ibang babae na si Mikel. Napasulyap siya sa kan'yang asawa, na ang sentro ng atensyon ay nasa ama pa rin nito. Nagpupuyos ang kalooban niya ngayon, hindi niya lamang matiyak kung kanino sa mag-ama na Lucero siya nanggagalaiti na naman. At sisiguraduhin