Share

Kabanata 931

Dinala si Neil sa VIP ward pagkatapos niyang lumabas ng operation theater. May malaking bintana sa ward at nakaupo si Aurelia sa labas nito habang nakatingin kay Neil na nakahiga nang tahimik sa kama. Isang klase ng sakit na hindi alam ng kahit na sino ang nakatago sa ekspresyon niya.

Ngayon niya naintindihan na hindi ka makakakibo sa gitna ng matinding sakit—hindk ka makaiyak, makatawa, makasalita, o makakilos. Nakaupo lang siya roon nang parang troso at pinapanood siya sa takot na may malampasan siyang isang segundo o minuto.

Paulit-ulit sa utak niya ang eksena bago hinimatay si Neil.

Duguan siya at ginamit niya ang buong lakas niya para hawakan ang kamay niya bago siya bumunot ng isang diamond ring nang hirap na hirap para isuot ito sa daliri niya.

“N-Nagpopropose ako…” Dumudugo rin ang bibig ni Neil at halos hindi siya marinig. “Aurelia, wag kang matakot… Hindi ako mamamatay. Papakasalan kita.”

Halos wala na siyang malay at para bang nahiwaan ang puso ni Aurelia.

T
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status