Nagkataon na umilaw ang screen kasabay ng isang tunog at isang text ang nagmula kay Carter…Para bang nagyelo ang ere at nahinto ang lahat. Nagkatinginan sina Aurelia at Neil nang ilang sandali sa gulat bago nila nagmamadaling inagaw ang phone nang sabay! Sa kabila nito, sugatan ang balikat ni Neil kaya nauna si Aurelia sa phone. Matalino ang babae. Dahil alam niyang nabubuksan ang phone ni Neil gamit ng face ID, inalog niya ang phone sa harapan niya sa sandaling nahablot niya ito at bumukas ang screen. Pagkatapos ay tumalon siya palayo sa kanya. Nang sinubukan ni Neil na bumangon sa kama para pigilan si Aurelia, tapos na niyang pakinggan ang lahat ng voice messages ni Carter. “Neil, di ba dapat gising ka na ngayon?“Bro, sige na, gumising ka na! Ilang araw nang nag-aalala sa'yo ang prinsesa, tapos pinagpapatuloy mo pa rin ang pag-arte mo? “Kahit na gusto mong magpatuloy na umarte, kumuha ka na lang kaya ng ibang ospital? Maliit na operasyon lang ang pagtanggal ng bala a
Bakit di na naman siya kumilos ayon sa script?“Magsalita ka. Anong gusto mong ipaliwanag?”Huminga siya nang malalim. “Magaling!” Tumawa si Aurelia sa galit at ibinato ang magkapares na singsing sa kanya habang nagsalita siya nang nagngingitngit ang ngipin, “Sinungaling!”“Aurelia, hindi ako nagsinungaling! Naging… madrama lang ako.”“Tapos ngayon nakikipagtalo ka!”“G-Gusto ko lang na mag-alala ka nang kaunti! Di ko inasahang tatagal to nang ganito. Tignan mo ang chat archive ko kay Carter kung di ka naniniwala sa'kin!”Nanlaki ang mga mata ni Aurelia. Mayroon siyang archive na pwede niyang tignan!Nagreklamo si Neil sa puso niya. Bakit siya nawalan ng filter ngayong nataranta siya?Ngumisi si Aurelia at tinignan ang archive. Pinakinggan niya ang lahat ng voice messages noon ni Carter. Mukhang nanlumo si Neil at bumagsak sa kama na para bang nawalan siya ng kaluluwa. “Wag ka nang magpanggap.” Tumingin si Aurelia sa kanya. “Kahit na totoong nasasaktan ka, di na kita papa
Kuminang ang mga mata ni Neil. “Talaga?”Suminghal si Zephyr nang narinig niyang nagbago rin ang boses niya. “Ang totoo lang, di talaga kita gustong tulungan.” Tinignan siya ni Zephyr mula sa gilid ng mata niya. “Ikaw ang nagdala nito sa sarili mo, tapos kailangan naming gumawa ng pabor para sa'yo?”“Hindi…” Gustong sumagot ni Neil, pero naisip niyang nanghihingi siya ng pabor ngayon, kaya nilunok niya ang kahit na anong gusto niyang sabihin. Kaagad na naging masunurin ang mukha niya. “Cordelia, Zephyr, paano niyo ko planong tulungan?”“Hindi namin alam!” Umiling si Cordelia. “Ang sabi ko, ‘Kung’ kailangan mo kami, tutulong kami’. Para sa kung paano, kailangan mo yang pag-isipang mag-isa! Lalo na't ikaw ang may kasalanan kay Aurelia, hindi kami!”Sumandal si Neil sa sopa na parang isang bolang nawalan ng hangin. Nailigtas na nga niya ang damsel in distress, pero dinagdagan niya pa ng pasabog ang drama! Hindi ba siya tinuruan ng sapat na leksyon sa mga set noon? Walang kahit n
“Bata, tito mo rin ako!”Nakita ni Zuko na papalapit ulit si Neil at kaagad niyang tinaas ang mataba niyang kamay para humarang, pagkatapos ay sinampal niya siya sa mukha nang malutong. “Hindi, hindi ikaw!”Ngumisi si Zephyr at kinarga ang anak niya para turuan siya. “Zuko, napakatalino ni Tito Carter, kaya di niya kailangan ng tulong mo. Pero medyo mangmang at kaawa-awa ang tito mo na'to. Hindi ba tinuruan ka ni Papa na magkaroon ng simpatya sa iba?”Tumango si Zuko at inosenteng sumagot, “Opo!”“Kaya tulungan natin ang kawawang tito na'to, okay?”Lumingon ang malaking mga mata ni Zuko at tumango siya nang malakas na para bang tumanda siya sa isang iglap. “Anak, napakabait mo talagang bata!”“Zephyr Hamerton!” Nagngitngit ang ngipin ni Neil. Tumingin si Zephyr sa kanya at tinaas ang kilay niya. “Anong problema?”“Wala lang.” Sabi ni Neil nang nagngingitngit ang ngipin at may mabangis na tono, “Maraming maraming salamat!”...Maganda ang panahon ngayong katapusan ng ling
Mukhang medyo naguluhan si Aurelia. Hindi pa siya nakapasok sa paaralan at nabuhay siya sa iskwater noong bata pa siya. Hindi niya man lang alam kung paano isulat ang sarili niyang pangalan. Para naman sa pagbabasa, tinuruan siya ng kapitbahay niya, ang matandang babaeng nomad. Hindi nagtagal, nalaman niyang hindi rin masyadong nakapag-aral ang matanda at hindi lahat ng itinuro niya ay tama. Nang lumaki pa siya, kumuha siya ng ilang minuto na hindi gusto ng iba para basahin niya. Siguro talagang matalino siya. Naintindihan niya ito sa sandaling tignan niya ito. Sa pag-aaral nang mag-isa, nagawa niyang tanggalin ang katayuan niya bilang mangmang kahit bahagya at natutunan niya pang magsalita ng Acian maliban sa Chaisene. Hindi siya nakaapak sa paaralan hanggang sa nakarating siya sa Southeast Aciatic. Gayunpaman, ibang-iba ang paaralang ito sa kwinento ni Cordelia. Walang mga pasaway na lalaki, puro lang mga estudyanteng nagsisikap sa pag-aaral. Hindi niya naintindihan kung an
Pamilyar na dumaan si Zuko at tumakbo palabas nito kasama ni Aurelia pagkatapos ng ilang liko. “Baby, dalian na nating bumalik,” mahinang sabi ni Aurelia. “Magpakabait ka! Kundi mag-aalala ang nanay mo sa'yo!”“Hindi mag-aalala ang nanay niya! Ako ang kinakabahang naghihintay rito!”Umalingawngaw ang isang malalim na boses. Huminto si Aurelia sa mga hakbang niya at nanigas habang umabot sa tainga niya ang pamumula ng ilong niya. Kinagat niya ang labi niya at nanigas nang marinig niya ang boses. Tumingin si Zuko kay Neil at ngumiti nang binigyan siya ng tito niya ng “OK” sign. Binitawan niya ang kamay ni Aurelia at kinuha ang ice cream cone mula kay Neil, pagkatapos ay masaya itong kinain. Sinabihan ni Neil ang isang katulong na dalhin si Zuko kay Cordelia. Silang dalawa na lang ni Aurelia ang natira sa halamanan. Huminga nang malalim si Aurelia. Dumaan sa tainga niya ang simoy ng tag-araw nang parang musika. Naaamoy niya ang bulaklak at prutas sa ere at nanginig ang puso n
Tumingala si Neil sa maliwanag na maaraw na araw at halos di niya mabuksan ang mata niya sa sinag nito. Nanatili siyang hindi natitinag. “Oh, uh… Ang totoo, masakit din ang balikat ko kapag maganda ang panahon. Hah, malapit sa dagat ang Southeast Aciatic. Mamasa-masa ang hangin. Kaunting humidity lang at di na maganda ang pakiramdam ng balikat ko.”Hindi na alam ni Aurelia kung anong sasabihin. Inisip niya ang sinabi ni Cordelia—”Sobra ka niyang mahal na di niya alam kung paano ito ipahayag.”—at tumalon ang puso niya nang may init. Sa mundo niya noon, wala pang nagpakita nito nang ganito. Parang bata at nakakatawa ito, pero nakakaantig ito ng damdamin. Totoo man o hindi ang sinabi ni Neil, dahil sa kanya ang sugat sa balikat niya. Umarte siya at nagdagdag ng drama para lang sa kanya. Tumawa si Aurelia nang nakayuko. Gumuho ang mahina nang depensa sa puso niya. “Aurelia, patawarin mo ko ngayon lang.” Malalim at sinsero ang boses ni Neil. “Nangangako akong di na ko magdadagdag
“Pero ang kuripot ng tito mo. Iniisip niya ba kaya niya tayong bilhin gamit ng isang ice cream cone?”Nang narinig ni Zuko ang salitang “ice cream cone”, tumingala siya sa ama niya gamit ng mga bilugang mata niya. May tunaw na ice cream sa mukha niya at para siyang isang kuting. Inisip niyang gusto ng tatay niya, kaya iniabot niya sa kanya ang apa nang nakangiti. Nabigla si Zephyr bago natunaw ang puso niya. Sinong nagsabing mas malapit ang mga anak na lalaki sa mga nanay nila? Nagpapakita rin ng lambing ang anak niya sa kanya!Kahit si Cordelia ay parang nagselos nang sinabi niyang, “Hay! Mukhang mas mahalaga si Daddy para sa'yo, ha? Binigyan mo ng insekto si Mommy tapos naisip mo si Daddy ngayong merong kang masarap na pagkain!”“Bakit? Nagseselos ka ba na iniisip ako ng anak natin?” Nalunod na naman sa tuwa si Zephyr. Tumingin si Cordelia sa kanya nang walang sinasabi. Nanatiling nakataas ang matabang kamay ni Zuko. Hawak niya ang ice cream habang kumurap ang mga bilugang m