Sumimangot si Rowan habang naniningkit ang mga mata nang tinitigan niya si Zephyr. Dumukot siya sa bulsa niya at nasabik nang pinisil niya ang needle box niya. Isang malabo at matamis na boses ang biglang nagmula sa malayo sa sandaling iyon. “Grandpoo!”Nagulat si Rowan. Nakita niyang tumakbo si Zuko papunta sa kanya. Mula sa malayo, mukha siyang isang maputi at matabang mochi. Bilugan ang mga mata niya na kayang tumunaw sa puso ng iba. Napakasigla ng ngiti niya sa ilalim ng araw. Para bang nilagay ng Diyos ang lahat ng magagandang bagay sa dimples niya. Hindi sigurado si Cordelia kung iiyak o tatawa siya. Mabilis niya siyang tinama. “Darling, grandpa yun! Grandpa!”Lumambot ang puso ni Rowan. Wala siyang pakialam kung “grandpa” o “grandpoo” ang tawag sa kanya. Musika ito sa tainga niya basta't tinawag siya ng mahal niyang apo. Sa sandaling iyon, hindi niya alam na nakangiti siya nang malaki. Malakas siyang tumawag habang nakaunat ang mga braso niya. “Uy! Nandito si Grandpo
Walang nasabi si Zephyr. Habang pinapanood ang biglaang pagbabago ng ekspresyon ng asawa niya, tumawa si Cordelia hanggang sa hindi siya makahinga. …May pumasok nang iidlip na sana si Victoria. “Kamahalan, hinahanap ka ng Mahal na Reyna.”Napatalon ang puso ni Victoria. Iyon ay ang katulong ni Carmella. Mabuti ang reyna sa mga katulong niya at hindi niya sila pinapagawa ng kahit na ano sa oras ng pahinga nila sa hapon. Siguro narinig ni Carmella ang tungkol sa nangyari kay Neil kaya gusto niya siyang makita sa ganitong oras. Pinakalma ni Victoria ang sarili niya at pinalakas ang loob niya. Hiningan niya ng tulong ang mga katulong niya para sa damit at makeup niya bago pumunta sa main palace. Sinabihan siya ng reyna na makipagkita sa kanya sa sikretong kwarto sa main palace. Sumara at gumawa ng ingay ang kahoy na pinto pagkatapos niyang pumasok. Madilim doon. Nakatayo ang reyna habang nakaharap sa pader. Mapayat ang likod niya pero napakamakapangyarihan niyang tignan.
Nasa ospital si Neil. Nasa VIP ward siya sa burns unit sa top floor. Kailangan niyang magamot nang maayos dahil nalapnos ang ibabaw ng balat niya sa parehong braso. Binalot ng mga doktor ang braso niya nang parang dumpling. Kung hindi ito titignan nang maayos, parang sa robot ang mga braso niya. Hindi niya magamit ang kamay niya kaya hindi siya makapaglaro sa phone niya. Ang nagagawa niya lang ay tumitig sa kisame sa kama. Bibilangin niya kung gaano karaming linya ang ginawa sa ukit dito. Mabuti na lang at humingi ng leave si Aurelia mula sa patahian at nanatili sa tabi niya araw-araw. Inisip niyang nasaktan lang siya dahil prinotektahan niya siya. Maliban sa konsensya niya, naipon ang pagmamahal niya noon at naging isang mabilis na agos na lumunod sa puso niya. Siya mismo ang nagpapakain sa kanya, pati ang nagpupunas sa katawan niya. Sa umpisa ay nag-aalangan si Neil. Gayunpaman, pagkatapos masanay rito sa ikatlo at ikaapat na beses, nagsasaya na siya ngayon. Marahan
Nagulat si Aurelia sa umpisa. Napagtanto niya ito pagkatapos mabigla nang isang segundo. Nakabalot na parang dalawang tinapay ang mga braso ng lalaking ito kaya hindi niya mahubad ang pantalon niya…Medyo nailang siya at namula ang pisngi niya. Mahina siyang nagsabi habang nakayuko, “T-Tatawagin ko ang nurse!”“Maiihi na ko sa pantalon ko kung hihintayin mong dumating ang nurse!”“Ako—”“Pumasok ka na rito!” Kumunot ang noo ni Neil. “Luwagan mo lang ang pantalon ko para sa'kin.”Yumuko si Aurelia. Kahit na nakakailang, nakaramdam siya ng tamis. Dahil dito, ginawa niya ang sabi niya. Lumapit siya sa kanya at tinulungan siya papunta sa inidoro. Iniunat niya ang binti niya at sinenyasan siya gamit ng isang tango. “Tanggalin mo na!”Biglang naisip ni Aurelia na nakakatawa ito. Hindi niya napigilang matawa nang malakas. “Bakit ka tumatawa?”“Lalaki ka, pero pinilit mo ang isang babaeng hubarin ang pantalon mo para sa'yo!”“Ikaw…” Namula ang pisngi ni Neil. “Bwiset kang babae
Papalapit na ang mga yabag. Biglang napansin ni Neil na nakabukas ang pinto. Nang sasabihan niya pa lang si Aurelia na isara ito, tumingala siya at nakita niya si Carter na nakatulala sa pintuan. Ang nakita niya ay nakatayo si Neil sa banyo nang nakabuka ang binti habang nakayuko si Aurelia sa harapan niya. May hawak siyang gunting. At ang gunting ay papunta sa…Napasigaw si Carter!“Wag, tigil!”Nanginig ang kamay ni Aurelia at bumagsak sa lapag ang gunting. Tumingin siya kay Carter, pagkatapos kay Neil—namumula ang mukha niya. Tinakpan niya ang mukha niya at tumakbo palabas na para bang tumakbo siya para sa buhay niya. Walang oras si Carter para habulin siya nang mabilis niyang tingnan ang sitwasyon ni Neil. “Insan, baliw ba ang babaeng yun?” Hindi siya makapaniwala. “Napakasama kung gugupitin niya ang ano mo!”Mawawalan ba ng tagapagmana ang heneral kapag nangyari iyon?Mukhang gustong mamatay ni Neil habang nawalan ng kulay ang mga mata niya. Nanlulumo niyang tinigna
Sumimangot si Zephyr. Hindi siya parang pufferfish!“Magsabi ka, anong meron?”“Gusto ko lang ng kausap.”Kumunot ang noo niya. “Wala kang mahanap na iba?”Nainis si Neil. “Gusto lang kitang kausapin. Bakit ba ang dami mong tanong? Alam ko masaya ka sa asawa't anak mo, pero pwede mo bang kaawaan ang isang single na lalaki?”Naintindihan na ni Zephyr. Si Aurelia na naman ang sinasabi ni Neil. Mahina siyang tumawa at lumingon kay Cordelia na natutulog pa rin. Bumulong siya, “Ang address mo.”“Pumunta ka sa cafe sa tabi ng ospital. Mag-agahan tayo.”Binaba niya kaagad ang tawag. Hindi nagtagal, sumugod si Zephyr sa cafe. Hindi niya napigilang mabigla nang nakita niya ang mesang puno ng pagkain. “Kahit na hindi ka nagsh-shoot ng pelikula ngayon, bantayan mo naman ang timbang mo!” Tumayo si Zephyr sa harapan niya nang mukhang seryoso. “Lalo na't talent ka ng Imperial Media. Ako ang boss mo!”Tumingin lang sa kanya si Neil at nagpatuloy na kumain ng beef burger na hawak niya.
Kahit na nasa entertainment industry si Neil, may suporta siya ng pamilya niya. Naging maayos ang lahat para sa kanya. Hindi siya nakaranas ng paghihirap kaya natural lang na hindi niya naiintindihan ang halaga ng pera. Para sa kanya, numero lang ang pera. Gayunpaman, ito nang unang beses niyang narinig na pag-usapan ni Zephyr ang pera. May punto ang sinabi niya. “Ibig sabihin, kung handa si Aurelia na gumastos para sa'kin, mapapatunayan nito na gusto niya ako?”“Um…” Kinamot ni Zephyr ang babay niya. “Oo, parang ganun.”Nasabik si Neil na para bang tumama siya sa lotto. Kaagad niyang kinuha ang phone niya para tawagan si Aurelia. “Hoy, may nakita akong sinturon na gusto ko. Nagkakahalaga yun ng $400!”Muntik nang mabuga ni Zephyr ang kape niya. Nanlaki ang mga mata niya para tignan ang baliw sa harapan niya. Hindi tama iyon. Maraming pelikula na ang pinagbidahan ng best actor kaya dapat mas matalino siya. Paano niya nagawang gamitin ang eksaktong script na ito!?Siguro w
Biglang nagbago ang mukha ni Neil. Sa sandaling iyon, isang mahinang komosyon ang narinig sa kabilang linya. Natapos ang tawag. Pakiramdam niya ay nagwawala ang mga emosyon niya. Kinakabahan siya. “Nasa panganib si Aurelia… Nasa panganib siya!” Nagpabalik-balik siya sa inis. “Kailangan ko siyang iligtas!”“Kumalma ka!” Tumayo si Zephyr para pigilan siya. “Hindi kaagad nangangahulugan ng kahit na ano ang tawag na yun!”“Hindi mo alam na ang reyna ang nagpalaki kay Victoria!” Inis na inis si Neil. “May sinabi siguro siya sa reyna, kundi ay di niya papapuntahin si Aurelia sa palasyo para sa wala, di ba? Hindi niya kilala si Aurelia!”“Kahit na ganun, di ka pwedeng pumunta roon!” Pagsusuri ni Zephyr nang may malalim na boses. “Kahit na sandali pa lang ako sa Southeast Aciatic, alam kong hindi ka pwedeng pumunta sa palasyo kahit kailan mo gusto! Anong dahilan mo para pumunta roon ngayon? Anong gagawin mo pagkatapos mong pumasok? Sasabihin mo bang kinidnap ni Queen Carmella si Aur