Papalapit na ang mga yabag. Biglang napansin ni Neil na nakabukas ang pinto. Nang sasabihan niya pa lang si Aurelia na isara ito, tumingala siya at nakita niya si Carter na nakatulala sa pintuan. Ang nakita niya ay nakatayo si Neil sa banyo nang nakabuka ang binti habang nakayuko si Aurelia sa harapan niya. May hawak siyang gunting. At ang gunting ay papunta sa…Napasigaw si Carter!“Wag, tigil!”Nanginig ang kamay ni Aurelia at bumagsak sa lapag ang gunting. Tumingin siya kay Carter, pagkatapos kay Neil—namumula ang mukha niya. Tinakpan niya ang mukha niya at tumakbo palabas na para bang tumakbo siya para sa buhay niya. Walang oras si Carter para habulin siya nang mabilis niyang tingnan ang sitwasyon ni Neil. “Insan, baliw ba ang babaeng yun?” Hindi siya makapaniwala. “Napakasama kung gugupitin niya ang ano mo!”Mawawalan ba ng tagapagmana ang heneral kapag nangyari iyon?Mukhang gustong mamatay ni Neil habang nawalan ng kulay ang mga mata niya. Nanlulumo niyang tinigna
Sumimangot si Zephyr. Hindi siya parang pufferfish!“Magsabi ka, anong meron?”“Gusto ko lang ng kausap.”Kumunot ang noo niya. “Wala kang mahanap na iba?”Nainis si Neil. “Gusto lang kitang kausapin. Bakit ba ang dami mong tanong? Alam ko masaya ka sa asawa't anak mo, pero pwede mo bang kaawaan ang isang single na lalaki?”Naintindihan na ni Zephyr. Si Aurelia na naman ang sinasabi ni Neil. Mahina siyang tumawa at lumingon kay Cordelia na natutulog pa rin. Bumulong siya, “Ang address mo.”“Pumunta ka sa cafe sa tabi ng ospital. Mag-agahan tayo.”Binaba niya kaagad ang tawag. Hindi nagtagal, sumugod si Zephyr sa cafe. Hindi niya napigilang mabigla nang nakita niya ang mesang puno ng pagkain. “Kahit na hindi ka nagsh-shoot ng pelikula ngayon, bantayan mo naman ang timbang mo!” Tumayo si Zephyr sa harapan niya nang mukhang seryoso. “Lalo na't talent ka ng Imperial Media. Ako ang boss mo!”Tumingin lang sa kanya si Neil at nagpatuloy na kumain ng beef burger na hawak niya.
Kahit na nasa entertainment industry si Neil, may suporta siya ng pamilya niya. Naging maayos ang lahat para sa kanya. Hindi siya nakaranas ng paghihirap kaya natural lang na hindi niya naiintindihan ang halaga ng pera. Para sa kanya, numero lang ang pera. Gayunpaman, ito nang unang beses niyang narinig na pag-usapan ni Zephyr ang pera. May punto ang sinabi niya. “Ibig sabihin, kung handa si Aurelia na gumastos para sa'kin, mapapatunayan nito na gusto niya ako?”“Um…” Kinamot ni Zephyr ang babay niya. “Oo, parang ganun.”Nasabik si Neil na para bang tumama siya sa lotto. Kaagad niyang kinuha ang phone niya para tawagan si Aurelia. “Hoy, may nakita akong sinturon na gusto ko. Nagkakahalaga yun ng $400!”Muntik nang mabuga ni Zephyr ang kape niya. Nanlaki ang mga mata niya para tignan ang baliw sa harapan niya. Hindi tama iyon. Maraming pelikula na ang pinagbidahan ng best actor kaya dapat mas matalino siya. Paano niya nagawang gamitin ang eksaktong script na ito!?Siguro w
Biglang nagbago ang mukha ni Neil. Sa sandaling iyon, isang mahinang komosyon ang narinig sa kabilang linya. Natapos ang tawag. Pakiramdam niya ay nagwawala ang mga emosyon niya. Kinakabahan siya. “Nasa panganib si Aurelia… Nasa panganib siya!” Nagpabalik-balik siya sa inis. “Kailangan ko siyang iligtas!”“Kumalma ka!” Tumayo si Zephyr para pigilan siya. “Hindi kaagad nangangahulugan ng kahit na ano ang tawag na yun!”“Hindi mo alam na ang reyna ang nagpalaki kay Victoria!” Inis na inis si Neil. “May sinabi siguro siya sa reyna, kundi ay di niya papapuntahin si Aurelia sa palasyo para sa wala, di ba? Hindi niya kilala si Aurelia!”“Kahit na ganun, di ka pwedeng pumunta roon!” Pagsusuri ni Zephyr nang may malalim na boses. “Kahit na sandali pa lang ako sa Southeast Aciatic, alam kong hindi ka pwedeng pumunta sa palasyo kahit kailan mo gusto! Anong dahilan mo para pumunta roon ngayon? Anong gagawin mo pagkatapos mong pumasok? Sasabihin mo bang kinidnap ni Queen Carmella si Aur
Huminga nang malalim si Aurelia para magmukhang kalmado at pinilit niyang ngumiti. Sandaling nalito si Carmella. Sa kung anong dahilan, bigla niyang naalala ang una nilang pagkikita ni Helene. Halos magkasing-edad sila at madalas silang dumalo sa sari-saring okasyon kasama ng mga nakakatanda sa kanila. Siya ang huwarang dalaga habang medyo naiiba naman si Helene para sa royal family. Palagi siyang gumagawa ng bagay na nakakagulat. Sa bawat isang beses na gawin niya ang mga nakakagulat na bagay na iyon, gagamitin ng mga guro sa palasyo ang awtoridad nila para turuan ang mga pasaway gamit ng tungkod. Madalas parusahan si Helene, at bago pa siya mahampas, sobra siyang kinakabahan na palaging kusang nanginginig ang mga balikat niya. Parang namanhid ang utak ni Carmella. Tinignan niya ulit si Aurelia at nakita niya ang mahabang kulay chestnut niyang buhok. Hindi niya napigilang kilabutan habang nanginig siya. Paanong nangyari ito?Pinilit niya ang sarili niyang kumalma. Nagkata
Namula ang mukha ni Aurelia habang napahiya siyang nakatayo roon. Tumayo si Carmella at umikot sa mahabang mesa para dahan-dahang lumapit kay Aurelia. Tinuro niya ang isa sa mga damit at sinabihan siya, “Isa ito sa gold-couching techniques. Ang materyal na ginamit sa gintong sinulid na ito ay nagmula sa kalapit na bansa ng Southeast Aciatic. Hindi masyadong marami ang produksyon nito kada taon kaya napakamahal nito. Malambot at madaling masira ang sinulid nito kaya kailangang mong maging sobrang maingat para mapanatiling buo ang sinulid.”Narinig na ito ni Aurelia, pero ito ang unang beses niyang narinig ito. “Mataas ang requirements ng istilong ito para sa needlework techniques.” Kalmado siyang tinignan ni Carmella. “Ang balabal lang na'to ay inabot ng lima hanggang anim na buwan at sa pagtutulungan ng ilang beteranong artisans.”Kinagat ni Aurelia ang mga labi niya at nanatiling tahimik. “Ms. Aurelia, hindi ko pinagdududahan ang abilidad mo,” mahinang sabi ni Carmella. “Pero
Kinagat ni Aurelia ang mga labi niya. Punong-puno ng determinasyon ang magagandang mata niya. “Ms. Aurelia, nakapag-isip ka na ba?”Kampante si Carmella. Sapat na ang pera sa loob ng sobre para mabuhay siya nang maayos nang ilang panahon, at pangarap ng lahat ang isang Southeast Aciatic passport. Makukuha ito pareho ng babaeng ito. Ano pa bang hahanapin niya?Kaya nagulat si Carmella na suminghal si Aurelia. Medyo namumuhi ang walang pakialam na titig niya. “Iniisip niyo ba gamit lang din ang tingin ko kay manong kagaya niyong lahat?”Nagsalubong ang kilay ni Carmella sa pagkaalarma. “Anong sinabi mo?”Dinampot ni Aurelia ang sobre at isa-isang binanggit ang mga salita nang seryosong-seryoso, “Basta't pumayag ako sa mga kondisyon niyo makakakuha ako ng pera at opisyal na Southeast Aciatic citizenship! Tama ka. Kailangan ko to pareho. Pero pagsisikapan ko ang mga kailangan ko. Hindi ko ipagpapalit si Neil para sa mga to!”“Ikaw…”“Mahal na Reyna, mawalang-galang lang po.” Yumu
Napansin ng palace guard si Alexander at mabilis na kumibo para yumuko.“Kamahalan!”Huminto si Carmella bago niya dahan-dahang binuksan ang nagpapahinga niyang mga mata. Nakatayo na si Alexander sa harapan niya nang nasa gilid ang mga kamay niya habang marespeto niya siyang binati, “Magandang umaga, Tita.”“Hindi na umaga.” Ngumiti si Carmella. “Narinig ko mahilig kayong mga kabataan sa, anong tawag dun… brunch? Hah, may kaunting pagkain ako rito. Isipin mo na lang brunch to. Kumain ka!”“Salamat, Tita. Hindi pa ko gutom.” Tahimik na tumingin si Alexander sa paligid nang may alertong ekspresyon pero di niya nakita si Aurelia. “Alexander, anong hinahanap mo?”“Wala lang…”“May hinahanap ka bang tao?”Nanigas sandali si Alexander bago siya tapat na sumagot, “Narinig kong pinapunta mo si Aurelia dito. May ilang balabal din ako na gustong ipaayos sa kanya. Iniisip ko kung tapos na siya rito.”“Oo.” Simpleng uminom ng tsaa si Carmella. “Pero pinauwi ko na siya.”“Pinauwi?”Kumu