Share

Kabanata 870

Huminga nang malalim si Aurelia para magmukhang kalmado at pinilit niyang ngumiti.

Sandaling nalito si Carmella. Sa kung anong dahilan, bigla niyang naalala ang una nilang pagkikita ni Helene.

Halos magkasing-edad sila at madalas silang dumalo sa sari-saring okasyon kasama ng mga nakakatanda sa kanila. Siya ang huwarang dalaga habang medyo naiiba naman si Helene para sa royal family. Palagi siyang gumagawa ng bagay na nakakagulat.

Sa bawat isang beses na gawin niya ang mga nakakagulat na bagay na iyon, gagamitin ng mga guro sa palasyo ang awtoridad nila para turuan ang mga pasaway gamit ng tungkod.

Madalas parusahan si Helene, at bago pa siya mahampas, sobra siyang kinakabahan na palaging kusang nanginginig ang mga balikat niya.

Parang namanhid ang utak ni Carmella. Tinignan niya ulit si Aurelia at nakita niya ang mahabang kulay chestnut niyang buhok. Hindi niya napigilang kilabutan habang nanginig siya.

Paanong nangyari ito?

Pinilit niya ang sarili niyang kumalma. Nagkata
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status