Ngumiti si Zephyr. Hindi kailanman sasabihin sa kanya ni Janine ang magandang balitang mayroon siya, kaya palagi niyang tinatawagan si Cordelia para rito. Para kay Janine, ang manugang niya lang ang nag-iisang anak niya habang nadampot niya yata sa kalsada ang anak niyang lalaki. Kilalang-kilala rin ni Zephyr ang nanay niya. Ang magandang balita niya ay walang iba kundi ang pagtaas ng stock price ng kumpanya nila, o and paglawak ng business empire niya, ang pagkawala ng matindi niyang kalaban…Sa kabila nito, mabilis na nagblangko ang utak ni Zephyr nang ilang segundo dahil sa biglaang boses ni Janine. “May boyfriend' na ako… at gusto kong makita niyo siya!”“Ano!?”Kaagad na lumapit si Zephyr. Kung hindi lang mabilis ang kamay ni Cordelia, nauntog na sana siya sa screen ng phone. “Mom, anong sabi mo? May boyfriend ka? Seryoso?”Patuloy siyang tinitignan ni Cordelia para pigilan siyang magdrama, pero paano niya maiintindihan ang pakiramdam niya bilang anak tungkol sa nanay
Mahirap paaminin ng kahinaan ang nagmamatigas na lalaking ito, pero malinaw sa reaksyon niya na tama si Cordelia. Pagkatapos ng mahabang katahimikan, nagsalita na rin sa wakas si Zephyr. “Oo, honey…”Malambing na hinaplos ni Cordelia ang mukha niya. “Mabait sa'kin ang mga magulang ko pagkatapos ng paghihiwalay nila, parehong pamilya nila, pero may parang buhol pa rin sa puso ko. “Anak ang tingin sa'kin ni Tita Cloud, pero kapag nakikita ko sila nina Zennie at dad nang magkakasama minsan, pakiramdam ko isang pamilya sila, at sampid lang ako. “At magkakaroon na rin ng sariling pamilya si mom ngayon…”Ngumiti si Zephyr at tumawa nang nanlulumo. Nahimasmasan siya sandali at tumingin kay Cordelia para magtanong sa pag-aalala, “Tingin mo ba ang babaw ko?”Niyakap siya ni Cordelia. Ang init at bango niya lang ang nag-iisang lunas sa mundo na unti-unting nagpakalma kay Zephyr. “Ikaw talaga.” Umalingawngaw ang mahinang boses niya sa tainga niya. “Hindi ka mababaw. Ang tawag dito ay
Kahit na hindi pa sila masyadong nagkikita, hindi nahiya si Zuko at iniunat niya ang matatabang braso niya para pumunta sa lola niya. Si Janine, na kilalang kasing tibay ng bakal, ay natunaw sa maliit na bata. Hinalikan niya ang pisngi niya at maingat siyang dinala sa kotse. Nilagay niya siya sa baby car seat. Pagkatapos maupo ni Zuko, sasakay na si Janine sa kabilang pinto nang naramdaman niyang may humila sa kanya mula sa likuran. “Ano?” Tumingin siya sa anak niya sa pagtataka. Nakangiti si Zephyr habang tahimik niyang sinabi sa nanay niya ang ideya niya, “Iiwan ko si Zuko sa bahay sa susunod na dalawang araw at dadalhin ko si Cordelia sa ibang lugar sa Eropah!”"Huh?"“Mom, tulungan mo ko!” Tinitigan siya ni Zephyr. “Pigilan mo ang sabit na'to, at wag mo siyang hahayaang makalapit kay Cordelia!”Isang pangungusap lang ang kailangan para magalit si Janine. Pagkatapos ay binatukan ni Janine si Zephyr. “Pasaway ka!” Tinitigan siya nang masama ni Janine. “Hindi ka ba naka
Tumingin si Cordelia sa labas ng bintana at nagtanong, “Mom, parang di to ang daan pauwi…”“Hindi muna tayo uuwi. Kakain muna tayo!”“Kakain?” May napagtanto si Cordelia, tapos ay lumapit siya nang nakangiti. “Sinong nanglibre, ang mother-in-law ko o ang magiging father-in-law ko?”“Ikaw bata ka!” Masayang tumawa si Janine. Inaasar mo na ko ngayon, ha!?”“Mom, anong klase ng lalaki siya? Interesado ako.”Tumingin si Janine sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Pinanatili niya itong lihim sa ngayon. Huminto sila sa Baker Hotel. Bilang isa sa mga tanyag na gusali sa Melorian, punong-puno ang Baker Hotel ng kondisyon para magtagumpay. Hindi lang ito magara at engrande sa panlabas, hindi rin malalampasan ng ibang hotel ang serbisyo nila. Walang bisita sa gusali ngayon para kina Mr. at Mrs. Hamerton, at personal silang sinalubong ng general manager. “Madam Baker, nakahanda na ang lahat. Doon kayo sa revolving restaurant sa top floor.”“Mm.” Masaya si Janine sa paghahanda nila.
Tahimik na nagsalita si Cordelia, “Tito Bond, nabasa na namin ang sinulat mo, gustong-gusto ito ni Zephyr. Nakakatulog lang siya pagkatapos magbuklat ng ilang pahina gabi-gabi!”Napakamot ng ulo si Jim sa niya at mukha siyang mapagpakumbaba nang ngumiti siya. “Ah, masyado niyo naman akong pinupuri. Maswerte lang akong nakita nila ako!”Tumawa si Cordelia. Ang tadhana ay palusot ng mga talunan, habang ang swerte ay mapagpakumbabang dahilan ng isang matagumpay na tao. Mukhang isang mapagpakumbaba at bukas na tao si Jim. Kaya pala nagpamangha niya si Janine na namumuno sa mundo ng negosyo. Siguro ay dahil magkatugma ang mga ugali nila. Mukhang simple at matapat si Jim, pero iniisip niya si Janine. Alam niyang namomroblema siya sa ilang proyekto kamakailan at umorder ng mga putaheng may simpleng lasa para sa kanya. Mahina ang likod ni Janine at madali siyang napapagod kapag nauupo nang matagal, kaya nagdala siya ng maliit na unan at nilagay ito sa likuran niya bago siya nagsabi n
“Hmm… hindi naman.” Malinaw si Jim pagdating sa mga sinusulat niya. “Mystery novels pa rin to sa kabuuan, pero hahaluan ko to ng elemento ng romansa.” “Interesado ako diyan!” Tumingin si Cordelia sa kanya. “Pwede mo ba kaming bigyan ng spoiler, Tito Bond?”“Darling!” Tinignan siya ni Zephyr para pigilan siya nang nakangiti. Alam niyang may sinusundan ang mga manunulat at di nila gustong malaman ng iba ang buod ng storya nang maaga. Naiiba si Jim. Nagpaliwanag siya, “May isang parte sa nobela na hango sa tunay na buhay…“Nagtingin ako. Mayroon noong prinsesa ng Southeast Aciatic na nahulog sa isang traveling artist sa Melorian nang bumisita siya rito.” “Ano!?” Napahinto sina Cordelia at Zephyr at sabay na nagkatinginan bago sila nakinig sa susunod niyang sinabi. “Isang nomad ang traveling artist at sinasabing napakagaling niya! Syempre, gwapo rin siya. Bakit naman mahuhulog sa kanya ang prinsesa kung hindi?”“Anong nangyari pagkatapos nun?”Nagpatuloy si Jim. “Naaalala ko
Si Rowan ay naging visiting professor sa medical college ng Southeast Aciatic kamakailan at hindi pa siya nagpunta para tignan si Helene. Sa kabila nito, mahusay si Aurelia bilang espiya niya sa west palace. Minsan nakatayo si Victoria sa mataas na punto ng palasyo para obserbahan ang west palace gamit ng isang pares ng binoculars. Inisip niyang magwawala si Helene at sasaktan niya si Aurelia paminsan-minsan kaya niya siya kinulong roon. Inisip niyang maririnig niyang sumisigaw ng tulong si Aurelia o makikita niya siyang pinapahirapan para mabawasan ang pagkatao niya. Para bang lahat ay taliwas sa imahinasyon niya. Tahimik pa rin ang west palace. Nakikita ni Victoria na maayos ang lahat doon nila sa binoculars niya. Paminsan-minsan, lumilitaw si Aurelia sa front yard, pero mukha siyang masigla. Kahit na medyo pumayat siya, hindi siya mukhang pinapahirapan. Kumunot ang noo ni Victoria at kinagat niya ang labi niya sa inis. Saang parte siya nagkamali? Inaatake ng babaeng iy
Huminto ang kamay ni Aurelia na nakahawak sa karayom at sinulid. Malambing na kiniskis ni Helene ang mukha niya sa unan habang inuugoy ito nang marahan at humihimig ng hele na para bang nagpapahele siya ng bata. “Babae ang anak ko…” sabi niya sa sarili niya, pagkatapos ay ngumiti siya kay Aurelia. “Isang magandang babae!”Nakaramdam ng kirot si Aurelia sa ilong niya. Bago siya nagpunta sa Southeast Aciatic, hindi niya alam na inaalagaan nang sobra-sobra ang mga babae. Inisip niya ang mga magulang niya kahit na ang totoo, makabonna ang impresyon niya sa kanilang dalawa. Bago siya magsampung taong gulang, nagsisiksikan ang pamilya sa madilim, madumi, at mamasa-masang basement. Kahit na may matirang isang barya sa bahay, kukunin ito ng tatay niya para sa alak at droga. Ang pinagkukunan nila ng pera ay ang prostitusyon ng nanay niya. Naaalala ni Aurelia na nagsusuot ng sobrang ikli ang nanay niya at nakatayo sa tabi ng daan kahit sa gitna ng taglamig. Malandi siyang tumatawa na