Huminto si Marcus at sinundan niya ang tingin ni Cordelia. Nagpunta si Yelena sa parehong boutique at pinagmamasdan niya silang dalawa ng may panghahamak, at paminsan-minsan ay sumisinghal siya.Hinila ni Cordelia si Marcus para umalis, ngunit mabilis na hinarangan ni Yelena ang daan nila.“Oh, pagkakataon nga naman!” Suminghot si Yelena. “Mukhang masaya ka sa trabaho mo. Napromote ka at tumaas ang sahod mo? Kaya nagawa mong dalhin ang mahal kong brother-in-law sa isang luxury boutique na gaya nito para magshopping!“Oo nga pala, maganda ba ang bagong bahay niyo? Hah, please, sana ayusin niyo ang pagtira niyo doon. Pinaghirapang piliin ni dad ang bahay na ‘yun!”Napansin ni Cordelia ang pangungutya sa boses ni Yelena. Noong tumingin siya kay Yelena, para bang gusto siyang pagpirapirasuhin ni Yelena base sa matinding galit sa kanyang mga mata.“Oo, napakabait sa’min ni Mr. Father-in-law.” Ngumiti si Marcus at nilagay niya sa likod niya si Cordelia. “Hindi lang siya pumili ng maga
Umigkas ang mga tainga ni Cordelia, at agad din siyang naalerto. Lumingon siya at nakita niya ang isang babae na may makapal na makeup na nakangiti kay Marcus. Bahagyang umalog ang basong hawak niya, at noong lumapit siya kay Marcus, inangat niya ang slit ng kanyang dress upang ipakita ang kanyang makikinis na binti. Biglang napansin ni Cordelia na pamilyar ang boses ng babae. "Giselle?" Huminto siya. Mukhang dala ni Yelena ang pinakamatalik niyang kaibigan saan man siya magpunta. Noong nag-aaral pa sila, madalas na inaapi ni Giselle Lawler si Cordelia kasama si Yelena. Di kalaunan ay natanggal siya sa paaralan dahil sa napakababa niyang grades at madalas siyang mareport na naninigarilyo siya sa mga club. Hindi rin maganda ang sinasabi ng mga miyembro ng high society sa Jangasas tungkol kay Giselle. Kaya lang niyang magmataas dahil sa suporta ni Yelena. Nainis si Cordelia. Nakalimutan niya ang tungkol sa pakikipag-usap sa kanyang mga kliyente at mabilis siyang naglakad papunt
Inakala ni Cordelia na yayakapin siya ni Marcus at hihilahin niya siya papunta sa kanyang mainit at ligtas na mga bisig, ngunit lumipas ang ilang segundo, at hindi niya nakuha ang seguridad na inaasahan niya.Nanlaki ang kanyang mga mata noong nakita niya si Marcus na lumapit kay Giselle at inabot ang kanyang kamay!Kumabog ang dibdib ni Cordelia, at para bang umakyat sa ulo niya ang lahat ng dugo niya.“Kita mo na? Makatotohanan din ang mga lalaki.” Ang sabi ng isang tao. “Hindi maganda ang reputasyon ni Ms. Lawler, pero mayaman siya. Paano maikukumpara sa kanya si Cordelia?”“Hayy, tinutulungan ng asawa niya ang ibang babae sa harap ng maraming tao… Nakakaawa talaga si Cordelia. Pinapahalagahan niya ng husto ang asawa niya, pero ngayon…”“Iyan ang dahilan kung bakit hindi mo pwedeng mahalin ng sobra-sobra ang isang lalaki!”Nablanko ang isip ni Cordelia habang nakapako siya sa kanyang kinatatayuan, at nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso.“Honey, anong—”“Mahal, muntik mo
Muling naging maayos ang lahat. Ang lahat ay kumilos nang para bang walang nangyari kanina. Kaso, puno ng pang-iinsulto kay Giselle ang mga usapan nila.Hinila ni Marcus si Cordelia upang magsayaw. Hindi magaling sa pagsasayaw si Cordelia, ngunit walang nakahalata nito dahil sa pangunguna ni Marcus. Pinalakpakan sila ng lahat pagkatapos ng tugtog.Nanginginig sa galit si Giselle habang nakatingin ng masama sa kanya si Yelena.“Wala kang kwenta!”“Yelena, anong—”“Hindi ba tinatawag mo ang sarili mo na isang socialite? Hindi ba pinagkakaguluhan ka ng mga lalaki?” Nanggagalaiti si Yelena. “Ni hindi mo kayang akitin si Marcus! Tingnan mo ang naging reaksyon mo noong sinabi niya na may pinatay siya! Ano ka kung hindi ka walang kwenta?”Tinikom ni Giselle ang kanyang mga labi. Masama din ang loob niya. Nakipagsabwatan siya kay Yelena upang ipahiya si Cordelia sa event, kaso siya lang ang napahiya. Noong una niyang nakita si Marcus, naakit din siya sa matangkad at gwapo niyang itsura
Hinawi ni Giselle ang mga tao habang hawak ang kanyang phone. Pinapakita sa larawan sa may screen na may kasamang lalaki si Yelena.“Hindi mo siya kilala, hindi ba? Ito si Mr. Z Hamerton! Nagpunta si Yelena sa welcoming dinner niya!”“Ang third heir ng mga Hamerton ng Centrolis?”“Syempre naman! Mayaman siya!”Naiinggit na tumingin kay Yelena ang lahat. Alam nila na tahimik na tao si Mr. Z Hamerton. Hindi pa siya nagpakita sa harap ng media hanggang ngayon, at kaunti lang ang mga taong nagkaroon ng pagkakataon na makita siya.Hindi lang basta naimbitihan si Yelena sa event ng mga Hamerton, kundi nakapagpapicture din siya kasama si Mr. Z. Isa itong malaking karangalan.Sunud-sunod ang pagpuri sa kanya ng mga tao.Nakokonsensya si Yelena. Hindi niya gusto na ipaalam ni Giselle sa lahat ang tungkol dito, ngunit dahil walang nakabisto sa kanya, payapa niyang tinanggap ang paghanga at mga pagpuri nila sa kanya. Ano ngayon kung si Cordelia ang pumunta noong gabing ‘yun? Kapag sinubuka
Maging si Oliver, na marami nang tao na nakasalamuha, ay nagulat sa dominanteng presensya ni Marcus. "Mr. Jones, tingnan mo!" May nag-abot ng phone sa kanya. "Ito ang larawan ni Ms. Yelena Jenner kasama si Mr. Z Hamerton!" "Ito ang pinag-uusapan niyo kani-kanina lang?" "Oo!" Tumingin si Oliver kay Yelena, na nanatiling mapagmataas at mukhang arogante. Magalang na ngumiti si Oliver noong una, ngunit unti-unting nanigas ang kanyang ngiti. "Ms. Jenner." Tumingin siya sa kanya. "Sigurado ka ba na si Mr. Z 'to?" Naalarma si Yelena, at kabado siyang tumingin kay Oliver. "P-Paanong… hindi siya 'to?" Pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili. Kung sabagay, wala pang nakakita sa itsura ni Zephyr. Kahit na sa maliit na dinner lang na ito. "Welcome-back dinner ni Mr. Z Hamerton noong araw na 'yun. Tanging mga miyembro lang ng pamilya ang inimbitahan sa Centrolis." Mukhang walang pakialam si Yelena habang nakatingin siya sa kanyang mga kuko. "Malaki ang handaan, at nagtipon do
"Ikaw… Lahat kayo, manahimik kayo!" Galit na galit si Yelena dahil napahiya siya at tumakbo siya paalis. Subalit, natapilok siya dahil sa mataas niyang takong at namilipit siya sa sakit. Tumayo si Cordelia sa tabi ni Yelena, pinagmamasdan niya ang nakakaawa niyang kalagayan. Siya ang may gawa nito sa sarili niya. Tinikom ni Cordelia ang kanyang mga labi. Hindi siya naawa kay Yelena. Kaso lang, isa rin siyang Jenner, kaya iisa sila ni Yelena sa mata ng ibang tao. Paanong hindi siya mahihiya kung may ganito siyang kamag-anak? Bago umalis si Yelena, tumingin siya ng masama kay Cordelia at halos madurog ang kanyang mga ngipin sa sobrang pagngingitngit ng mga ito. Ngumiti si Oliver at tumingin siya sa mga tao. "Isa lang itong hindi pagkakaunawaan. Ituloy na natin ang event!" Nagpatuloy ang handaan. Wala nang gana si Cordelia at tatalikod na sana siya noong tinawag siya ni Oliver. "Ms. Jenner, sandali lang."Walang nagawa si Cordelia kundi lumingon at binati niya si Oliver. Na
Nginitian siya pabalik ni Marcus at hinawakan niya ang kanyang kamay. "Oo nga, napakaswerte natin."Dahil sa kung paano mag-usap ang mag-asawa, hindi maganda para kay Oliver na ipagpatuloy pa niya ang pagtatanong tungkol sa bagay na ito. Kaya naman, nag-isip siya ng dahilan at umalis. Pagkaraan ng ilang sandali, umalis si Cordelia sa event kasama si Marcus. Habang naglalakad silang dalawa sa may kalye sa likod ng hotel, maliwanag ang gabi dahil sa buwan at mga bituin na nagkalat sa kalangitan. Sariwa ang hangin na may halimuyak ng mga bulaklak na tumutubo lang sa panahong ito, at napakasarap sa pakiramdam ng noong umihip ang hangin. Mayroon ding mga alitaptap sa mga halaman, kumukutitap at lalo nitong pinapaganda ang kulay asul na kalangitan. Ngumiti si Cordelia at sinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ni Marcus. Mabagal silang naglakad, at sinamantala nila ang katahimikan at kagandahan ng paligid."Bakit mo sinabi 'yun kanina?" Bigla siyang tinanong ni Marcus. Huminto